SABRINA POV
"SABRINA, tulungan mo ko" hinging tulong ni Ria sakin, habang hawak ang kanang kamay ko na lumuluha.
"Naging mabait na kapatid naman ako sayo di ba?.. You know my situation! I'm pregnant.. please help me" pagmamakaawa ng kakambal ko"yah I know but how can i help you? and-" seryosong tanong ko at putol nya sa sasabihin ko
"Be my substitute bride, hindi naman yon mahahalata nila magkamukha naman tayo" pagpapaliwanag ni sabria
"No, hindi yan ganun kadali, si mama kilala ako ni mama, alam nya kung sino ka at ako" tanggi ko kay sabria, Kasalukuyan kami nandito sa kwarto ko pagkatapos namin kumain ng hapunan, dahil kina usap kaming dalawa nila daddy tungkol sa mga pagbabago sa kompanya ni daddy kina usap ako ni daddy na kung maaari doon na ako mag trabaho sa kompanya dahil nalulugi na raw ito at kailangan pagtulungan namin dahil kung hindi baka raw mawala na ng tuluyan ang kompanya na ipinundar nila daddy.
Ang isa sa sulosyon para maisalba ang kompanya ay kailangang magpakasal ng kakambal ko sa anak mayaman na kompadre nila daddy na kilalang negosyante na may ari ng T&Jaz Corporation ito ang nabanggit ni daddy kanina.
"Pag iisipan ko Ria, dahil hindi ito madali gaya ng iniisip mo ngayon, don't be stress ok buntis ka, baka makasama sa bata" pag papakalma ko rito at tumango lamang ito na may luha sa mga mata, kaya hinawakan ko ng dalawang kamay ang pisngi ng kakambal ko at pinunasan ng daliri ko ang mga luha nito.
"Thank you" maluha-luhang papasalamat ni Ria
_______Sa coffee shop"Di ba besh may ari ng T&Jaz Corporation ay kompadre ni tito Sancho eh nag iisa lang naman T&Jaz na kilala at sikat dito sa Pilipinas and take note mayaman.""Oo" tipid na tugon ko kay sarah at patuloy pa rin ako sa ginagawa ko sa coffee mixers.
"hmm may balita ka na ba sa may ari nito?" seryosong tanong nito. Tumingin ako sakanya at tinigil ang ginagawa at hinarap ko siya.
"Ang totoo kinausap na kami kagabi nila mommy't daddy at confirmed bes T&Jaz nga ang tinutukoy nila daddy!" sandaling tumigil ako sa pagsasalita.
"Hindi ba Carter apelyido nong may ari ng T&Jaz Corporation at babalik na sila dito sa Pilipinas at palalaguin pa lalo ang mga negosyo nila.. at isa pang dahilan ay ang arranged marriage" pagpapatuloy ko pa.
"Arranged marriage!" gulat na sabi ni sarah" Tama nga ang narinig ko na may sapilitang kasalang magaganap pero pamilya nila" paglilinaw nito.
"You mean alam mo to? tanong ko kay sarah at tumango nga ito habang nakatingin sakin.
"Sino yong groom sa carter brothers besh?" tanong ko sakanya.
"I don't know, hindi ko alam hindi ba nabanggit ng daddy mo" tanong ni sarah at napa iling na lang ako at sabay buntong hininga.
Nag migrate sa US ang family carter ng 13 yrs old palang ako, bestfriend ni kuya ang panganay na carter siblings, name ng panganay ay si Tyrone Jake, pangalawa Terence James, at pangatlo si Thomas Jaxon sila magkakapatid na sunod-sunod na lalaki, ngayon ay nabalitaan ko na may younger sister na sila name Tiffany Jane na mas gusto tumira dito sa Pilipinas, baka isa iyon sa rason ng pagbabalik nila.
Sinabi ko kay sarah ng ito na huling araw ko pag manage ko sa coffee shop, kaya lulubusin ko na, dahil panigurado ma mimis ko ito, bukas kasi sa kompanya na ako ni daddy mag ta trabaho, hindi ko alam kung ano posisyon ibibigay sakin. Si Ria nong una sya ang general manager tapos kalaunan naging Vice president ni daddy at baka sya ang pumalit sa posisyon as a CEO president.
Walang gaanong customer dito sa shop kaya hindi pa masyadong busy, pero sa totoo lang lutang ako ngayon, kung hindi pa ako tinawag ni Sheena isa sa staff dito sa shop saka ko lang magigising sa pagkatulala.
Hindi ko alam ang gagawin ko, ang dami kong iniisip, ano ba dapat maging desisyon ko, ano kalalabasan kapag ginawa kong makipagpalit sa kambal ko sa araw ng kasal, kapag di ako nakipag tulungan sa kambal kong si sabria ano gagawin nya, hindi ko alam kung ano pa mga plano nya.Inaalala ko ang kalagayan nya ngayon, dahil buntis sya, emotional stress yong nakikita ko sa kanya, baka makasama sa batang sinapupunan niya.
Hindi nya pa sinasabi sakin kung sino ang ama ng dinadala nya, ang inaalala ko pa si mama 'hay grabe sakit na ng ulo ko ko' sunod-sunod mga problemang dumarating, di ko alam kung san ako magsisimula.
"sasabihin ko ba kay kuya ang sitwasyon namin ng kambal ko?" tanong ko sa sarili ko."Ma'am sab may nagwawala po sa labas hinahanap po ang manager at may ari ng shop eh wala po si ma'am sarah kaya po ikaw ang pinuntahan ko dito" inporma ni Tin, ito pa, promlema na naman.
Naayos ko ang gulo kanina dahil may nagkaalitan na kapwa customer at dito sa shop nagpang-abot ng kani kanilang init ng ulo kasama na ang personal na problema. Lahat talaga tayo may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay kaya wag ka ng magtaka kung may ibang tao minsan mainit at maiksi ang pasinsya. Parti na ito sa buhay natin ang magkaroon ng problema dahil pag subok lamang ito satin. Kaya minsan napapaiyak na lang ako.
SABRINA'S POV Kasalukoyang umuulan nakatingin ako sa malayo at parang may nakatingin sa akin kaya naman tumingin ako sa paligid kung may ibang tao na narito ngayon. Naipit ako ng malakas na ulan dito ngayon sa isang waiting shed habang naghihintay ng aking sundo. May tumigil na sasakyan sa tapat ng kinatatayuan ko bumukas ang pinto ng driver's seat at naglabas ito ng payong at naglakad papalapit saakin. Nagtaka ako kung bakit ang mukha ni Jake ang nakikita ko ngayon na papalapit sakin habang naka ngiti. "Kilala niya ba ako?" tanong ko sa sarili ko. "J-Jake" tawag ko rito sa mahinang boses. Unti-unti ko ng binuksan ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay isang puting kisame na hindi pamilyar sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin ako sa paligid at na komperma ko na ito ang kwarto na nasa japan kami ng aking asawa na si Tyrone Jake. Panaginip lang pala iyon pero sabi ng kalahati ng utak ko ay parang totoong nangyari. Hindi ko alam kung bahagi ba iyon ng alaala ko
SABRINA'S POV Ala siete na ng gabi ng maisipan kung kumain na ng hapunan dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nakapagluto na rin ako hindi ako nakapag meryenda sa opisina kanina dahil wala ako gana lumuwas dahil sa dami din na problemang dumating sa araw na ito. Habang kumakain ako ay naalala ko ang best friend ko si Sarah kaya kinuha ko phone ko at nag video call ako ipinatong ko ang phone patayo habang nag riring ito. "Hi besh kumusta?" sagot nito sa kabilang linya. "Hi I'm eating my dinner" at itinaas ko phone para makita ang kinakain kung adobong manok with rice. "See" "Sarap naman, sa bahay nalang ako kakain with mom, nandito pa ako sa shop ngayon." itinutok nito sa shop ang camera at nakita ko may mga customer pa nga doon. "Napatawag ka? may problema ba?" "Medyo, wala nga ako ganang kumain pinipilit ko lang for my baby on my tommy." pinalakihan ako nito ng mata. "Oh really magiging ninang na ako, buntis ka?" tanong nito na naka ngiti at tina nguan ko lamang ito. "Hulaan ko
SABRINA'S POV "Wala kang oras sakin! Tapos ito makikita kitang kasama mo itong babaing ito hatid sundo mo pa talaga!" sigaw at galit na galit na babae na nakaupo at nakikipagtalo sa katabing driver dito sa loob ng sasakyan habang nakatingin ako sa kanilang sagutan at pagtatalo. "Stop this non sense! she's my cousin! wag mo siyang pagselosan ibinilin siya ng kuya niya sakin " paglilinaw ng lalaki sa babae na nobya nito. Nakita ko ang pagtapik at pagsuntok ng babae sa braso ng lalaki habang nagmamaniho ng sasakyan. Inaangat nito ang brasong pinapananggalang sa pagsampal ng babae kundi niya ito ginawa tatama ito sa mukha ng lalaki. "Wag na po kayo mag away ate mag pinsan talaga kami ni kuya Santy" sabat ko sa nag aaway na dalawa sa unahan ko. "Stop! Hindi kita kinakausap!" tiningnan niya ako ng matalim. " Kasabwat ka sa mga kalokohan nitong lalaking ito! Ako hindi niya mahatid sundo tapos ikaw!" pasigaw at matalim na naka tingin sakin at sinusuntok ng babae ang braso ng lalaki na kasa
SABRINA'S POV Lumipas ang mga araw hanggang linggo. Naka luto na ako ng dinner namin ni Tyrone at nakapaghain na sa hapag kainan pero wala pa ang aking asawa. Kaya tinawagan ko ito pero hindi sinasagot ang mga tawag ko mula pa kanina. Kaya napagpasyahan kung mag iwan ng mensahe dito. To Tyrone: Where are you? our dinner are ready. Paglipas ng sandali tiningnan ko ang oras sa wall clock pasado alas nuebe na ng gabi pero wala pa ang asawa ko at tiningnan ko ang phone ko kung may text or chat na siya pero ni isa wala man lang. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nauna na akong kumain at pagkatapos kung kumain tinakpan ko na lang muna mga ito sa mesa ang mga niluto ko kung adobong manok at iinitin ko na lang ang tinola mamayang pagdating ni Tyrone. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at mga ginamit ko sa kusina kanina. Umakyat na ako sa kwarto at naligo para mapreskuhan bago matulog. Natapos ko na ang aking night routine pero wala pa rin ang asawa ko. Tumambay na lang ako sa sala at doon k
SABRINA POV Nagising ako na madilim pa ang paligid at naramdaman ko na may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Kinapa ko ito at isa itong braso ng tatanggalin ko na gumalaw ito kaya hindi ko na muna itinuloy na alisin. Pakiramdam ko parang uminit ang mukha ko. Ngayon lang ako nagising na may nakayakap sakin. Kaya pinilit kung ipikit ang mga mata ko para matulog ulit. Naramdaman ko na lang na bumigat na ang talukap ng mga mata ko at nakatulog. Nagising na lang akong maliwanag na. Kaya bigla akong napabalikwas ng bangon. Parang ang haba ng tulog ko ngayon. Hinanap ng mga mata ko ang phone ko at napansin ko mag-isa na lang ako sa kwarto. Kinuha ko ang phone sa may side table ko. Tiningnan ko ang oras at ala syete na ng umaga kaya nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Wala naman kami trabaho ngayon kaya hindi ako nag alarm ng phone ko. Nang sa paningin ko ay ok na amg sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong
SABRINA POVNang pumatak ang alas tres ng hapon tiningnan ko ang phone ko kung may chat o email sakin ang aking asawa. Dapat nakabalik na siya dito sa opisina sa oras na ito pero wala pa rin. Wala naman ito naka schedule ngayong hapon.Kaya pinaalala ko na may dinner kami sa bahay at tinanong kung makakasama sakin o magsasabay ba kami sa pagpunta pero walang tugon sa mga chat ko dito.Ala sais ng hapon nakauwi na ako saming bahay sa Bria subdivision. Nakaligo bihis na ako't lahat wala pa si Tyrone. Pagpatak ng ala syete e medya nag desisyon na akong umalis at mauna sa pagpunta sa bahay ng parents ko.Hindi ko alam kung uuwi ba siya dito sa bahay o ano. Nakakainis ang wala man lang reply sa mga chat ko sa taong yon. Kahit mga tawag ko hindi sinasagot.Pagdating ko sa bahay ng parents ko ay nakahain na ang mesa para sa hapunan. Nasa kusina si mama Ng madatnan ko. Kinausap ko si mama na wag sasabihin saking asawa na si Tyrone na hindi ako si Sabria na dapat na pinakasalan nito.Nakausa