Share

Chapter 14

Sixto's POV

ILANG minutong napuno ng katahimikan ang paligid bago mabilis na lumapit sa amin si Inay at hinila ako palayo kay Rosi.

"Ano bang pinagsasabi mong pangit ka! Huwag ka ngang lalapit sa anak ko!"

"Inay, tama na."

"Manahimik ka, Rosi!"

"Totoo ang sinabi niya, Hanz."

Nabaling kay Rosi ang paningin namin dahil sa sinabi nito.

"Rosi, tumahimik ka sabi!"

"Si Sixto ang... asawa ko. Kasal kami." Ibinalik ni Rosi ang mga bulaklak at chocolates kay Hanz. "I'm sorry dahil hindi ko agad ipinaalam sa iyo."

Matapos sabihin ang mga iyon, mabilis itong tumakbo paakyat sa hagdan. Gusto pa sana itong sundan ni Hanz, pero humarang na ako sa harap niya.

Matagal kaming nagsukatan ng tingin. Madilim ang mukha nito at halatang galit pero hindi ako nagpatinag. Ako pa rin ang asawa ni Rosi. Kahit sabihin pang hindi ako mahal nito, ako ang mas may karapatan sa kaniya.

"Makakaalis ka na sa pamamahay ko, Hanz."

Tinaliman ako nito ng paningin. Bago tuluyang umalis, nginisian pa niya ako na parang nagba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gessa Mae Balaso Mercado
thanks miss a...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status