Strawberry's POV“I need to call my boyfriend. Can I borrow your phone?” ani Monday at nakangiti pa.Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko pero nagdadalawang-isip kung ibibigay sa kaniya. Baka kasi makita niya ang picture namin ni Seven, nahihiya ako."Buti na lang saulo ko ang number niya."Iaabot ko na sana sa kaniya ang cellphone ko, kaya lang nagtaka ako nang makitang gulat siyang nakatingin sa likuran ko.“Love?” bulalas ni Monday.Nagtatakang napalingon ako sa likuran ko, pero natigilan na lang nang malaman kung sino ang nasa aking likuran. Si Seven.Naguguluhang tiningnan ko si Monday. Malaki ang ngiting makikita ngayon sa mukha niya bago mabilis na tumakbo palapit kay Seven. Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang nangyayari. Magkakilala sila? O napagkamalan niya lang si Seven?Si Seven man ay bakas ang gulat at pagtataka sa mukha. Pagtakapos ay tumingin siya sa akin na parang nag-aalala."Love, what are you doing here? Oh my God! Are you here to visit your sister?
Strawberry's POV UNANG inihatid namin si Monday sa condo nito bago kami dumeretso pauwi. Ayaw nitong magpahatid sa kanilang bahay dahil siguradong mag-o-overreact daw ang mga magulang niya kapag nalaman ang nangyari.Tahimik ako sa sasakyan buong byahe. Panay sulyap naman sa akin si Seven. Maya't maya rin ito kung bumuntonghininga na parang may gustong sabihin, pero hindi naman matuloy-tuloy.Pagkarating namin sa mansion ay agad akong umakyat sa itaas. Hindi ko na siya hinintay na makababa muna sa sasakyan para pagbuksan ako.Alam kong nakasunod sa akin si Seven, pero hindi ko siya binigyan pansin. Pagkapasok pa lang namin sa silid ay nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa braso.“Why did you tell her that, Strawberry? Bakit mo sinabing katulong lang kita?”Nagbitiw ako ng mapait na ngiti nang salubungin ko ang mga mata niya. “Bakit? Gusto mo bang sabihin ko na babae mo ako? Na habang malayo siya ay naglalaro ka ng apoy sa iba? Na ako ang tinutukoy niyang basahan?”Doon na nags
Strawberry's POVPARA akong nasa loob ng isang balon na walang matakbuhan. Walang sasagip, walang magbibigay ng pisi para kapitan.Mula sa mukha ng mga taong nasa akin ang paningin, nabaling kay Seven ang mga mata ko. Nakita ko ang pag-aalala na nakapaskil sa mukha niya. Lalong nanlambot ang mga tuhod ko, lalo akong napahiya.“S-sorry po, sorry po,” mahinang sambit ko. Natatarantang yumuko ako para sana pulutin ang mga basag na plato, pero dahil sa pagkataranta, kusa na lang akong tumalikod at mabilis na tumakbo.Gusto kong umiyak nang makalabas ako ng mansion. Panay ang punas ko sa mga luha ko sa pisngi, pero para itong bukas na gripo.Muling bumalik sa akin ang eksena kung saan magkatabi sina Seven at Monday, at ang narinig na petsa kung kailan sila ikakasal.“Tumigil ka na, please.” Kausap ko sa sarili. Pinatutungkulan ko ang luhang walang sawang pumapatak mula sa mga mata ko.Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay parang kakapusin ako ng hangin. Hindi ko alam na nakasuno
Strawberry's POVTINALIKURAN ni Seven si Sir Sixto at akmang aalis na, pero natigilan siya nang makita ako sa sulok ng living room. Ang kaninang madilim na mukha niya ay agad na lumiwanag at lumambot nang magtama ang mga mata namin. Sandali niyang tiningnan si Ma'am Rosi at umiling dito. "I'm sorry, ma."Matapos no'n ay hinila niya ako paalis doon at dumiretso kami sa silid niya. Nagtungo agad siya sa walk-in closet niya. Mabilis ko naman siyang sinundan.Natatakot kasi ako sa mga narinig kanina. Gusto kong malaman kung anong binabalak niyang gawin.Kanina ay agad na umuwi sina Monday matapos matawagan ang family doctor nila para matingnan ito. Awang-awa ako sa kaniya pero pikit-mata kong tinikis ang konsensyang kumakain sa akin dahil kay Seven.“S-Seven...” Hinawakan ko ang dulo ng damit niya.Nilingon niya ako at doon ko natitigan ang dugo sa pumutok niyang labi. Nag-aalalang hinawakan ko iyon. Hinuli naman niya ang kamay ko at hinila ako para yakapin."Na-miss kita," bulong niya n
Strawberry's POVPAGKATAPOS kong ibaba ang tawag, nakokonsensya man ay pinilit kong isawalang bahala ang konsensya ko dahil ganoon ko na kamahal si Seven. Nakahanda na akong tanggapin ang sasabihin ng iba, kahit tawagin pa akong mang-aagaw.Nang makalapit ako sa kama namin, natigilan ako nang makaramdam na parang babaliktad ang sikmura ko. Napatakbo ako sa CR at doon isinuka ang lahat ng kinain ko nang araw na iyon.Nang matapos ay nagtataka akong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Bakit bigla akong nakaramdam ng ganito? Wala naman yata akong ibang nakain na nakakasama sa tiyan. Bumalik ako sa kama at napatingin sa cellphone ko. Naka-display roon ang petsa ngayon. Agad akong may naalala. Kailan ba noong huling dinatnan ako?Kagat-labi akong napatingin sa natutulog na si Seven. Tahimik akong tumabi sa kaniya sa pagkakahiga sa kama. Kinuha ko ang braso niya upang yakapin siya at ipinikit ang mga mata.Kahit nakapikit na ako, naaalala ko pa rin ang mga sinabi ni Monday. Umaalingawn
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is