Share

Chapter 31

Strawberry's POV

NASA yate pa lang kami, matatanaw na ang nagliliwanag na mga ilaw na nagmumula sa isla sa unahan. Malamig ang hanging pandagat at parang dyamanteng nagliliwanag ang karagatan sa tuwing tinatamaan ng liwanag ng buwan.

Nang dumaong ang yate sa daungan ng isla ay agad kaming sinalubong ng isang lalaki na nakasuot ng pormal na business suit.

“Sir, Ma'am, this way please,” anito na agad kong sinunod habang nasa likuran ko si Seven.

Halos umawang ang labi ko sa pagkamangha sa isla. Gabi pa lang ngayon, pero sobrang ganda na ng paligid. Excited na akong makita ang isla sa araw. May gusali at kung anu-anong establisyemento. Sa tingin ko ay kumpleto ang islang iyon sa mga kailangan ng mga magbabakasyon.

Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay ni Seven na pumulupot sa baywang ko.

“Baby. Sa cottage na tayo,” aniya sa malambing na boses.

Hindi niya inaalis ang kamay niya sa baywang ko kahit noong sumakay kami ng maliit na electric car na maghahatid sa amin sa cottage namin.

*
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status