Rosi's POV
MABILIS akong tumayo at iniwan si Sixto habang nakatulala ito matapos ng mga sinabi ko. Serves him right! Pagkatapos nila akong pilitin sa letseng kasal na ito, may kapal pa siya ng mukhang isipin na magugustuhan ko siya?!
Lumabas ako ng kuwarto pero agad rin natigilan nang bumungad sa akin ang madilim na mukha ni Don Isidro.
"Tsk. Tsk."
Nagbaba ako ng paningin sa takot at hiya. Siguradong narinig nito ang mga sinabi ko kay Sixto.
"Sumunod ka sa akin," aniya habang madilim ang mukha.
Dumoble ang kabog ng puso ko sa takot. Ayaw ko sanang gawin ang gusto nito, pero nang muli niya akong lingunin nang may matalim na tingin, wala akong nagawa kundi sundan siya.
Sa pribado nitong opisina kami ay pumasok. Naupo ako sa harap ng table niya habang siya ay nagsisindi ng tabako.
Naalala ko na naman ang nangyari noong dukutin nila ako para ipakasal sa anak niya. Muling nabuhay ang matinding inis sa dibdib ko.
"Kapag hindi mo pinakitunguhan nang maayos si Sixto, mawawalan ng bisa ang pinag-usapan natin. Ipapakulong ko kayo."
Galit akong nag-angat ng paningin. "Masisisi n'yo ba ako? Pangit ang anak-anakan n'yo! Nakakasuka siya! Subukan n'yo kayang magpakasal sa katulad niya!"
"I don't mind." Mataman ako nitong tiningnan.
Gusto kong matawa. He don't mind? Palibhasa, wala siya sa sitwasyon ko!
"Kung katulad ni Sixto ang babaeng mapapakasalan ko, ayos lang sa akin. Dahil hindi ako tumitingin sa mukha kundi sa ugali ng tao."
Umiirap akong nag-iwas ng tingin. Madali talagang sabihin kung hindi mo pinagdadaanan. Sino naman ang makatitiis sa mukha ng Sixto na iyon?
"Hindi katulad mo si Sixtp. May magandang mukha, pero ang ugali mo," Umiling siya, "Anak ka nga ni Lito. Pareho kayong mga walang utang na loob!"
"Walang utang na loob? Dinukot mo ako at pinilit na magpakasal sa pangit mong anak-anakan! Hindi mo ako kilala, Don Isidro! Wala kang karapatan husgahan ako!"
"Katulad nang panghuhusga mo sa anak ko? Pinalaya ko sa maraming utang ang ama mo, pinagamot ko ang iyong ina, binigyan pa kita nang malaking halaga! Pero ano? Sa halip na magpasalamat, heto ka't nagrereklamo! Panay ang atungal! Panay ang pang-iinsulto kay Sixto!"
"Hindi ko hiningi ang lahat ng iyon!"
"Kayo na ang may utang, kayo pa ang may ganang mambastos!" Naiiling na tumawa ang matanda. "Magandang mukha lang ang mayroon sa iyo, pero kapag nawala ang mukhang iyan, wala kang maipagmamalaki! Mahirap ka lang, walang pinag-aralan at walang ibang alam gawin kundi manghusga! Umalis ka sa harap ko! Ipokrita!"
Mabilis na nangilid ang mga luha sa pisngi ko. Agad akong tumayo at patakbong umalis, pero bago ko pa tuluyang mabuksan ang pinto, muling nagsalita ang matandang don.
"Pakitunguhan mo nang maganda si Sixto, gawin mo ang lahat nang gusto niya. May marinig pa akong isang reklamo, palalayasin ko kayo at ipapahatid sa kulungan!"
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Tuluyan akong umalis at bumalik sa silid namin. Mabuti na lang dahil wala na rito ang mukhang halimaw na iyon.
Dito ako nagmukmok at tahimik na umiyak. Buong buhay ko, wala na akong ibang ginawa kundi tumanaw ng utang na loob. Magtrabaho para makabayad sa mga utang na loob ko. Pagkatapos ngayon, masasabihan pa ako ng ganoong bagay?
"Letseng buhay ito." Pilit kong pinapahid ang mga luha ko pero para itong bukas na gripo.
"Rosi?"
Narinig kong bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-abalang lingunin ito dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya.
"Rosi, narinig ko ang pagtatalo n'yo ni Don Isidro."
Lalapitan niya sana ako pero matalim ko siyang tiningnan kaya natigilan siya.
"Bakit ba nandito ka na naman? Magtrabaho ka na nga lang!"
Hindi niya ako pinakinggan at mas lumapit pa sa akin. Natitigan ko ang nag-aalala niyang mga mata. Kulay light brown ang mga iyon.
Pinahid niya ang mga luha sa pisngi ko at malungkot na ngumiti. "Nangako ako noong araw ng kasal natin na hindi ka na iiyak, pero umiiyak ka pa rin... nang dahil pa sa akin."
Umiwas ako ng mukha matapos tabigin ang kamay niya.
"Huwag mo na lang intindihin ang sinasabi ni Don Isidro. Matanda na iyon kaya ganoon siya magsalita."
Gusto ko sana siyang bulyawan para umalis na, pero baka magsumbong ito sa don at tuluyan kaming mapakulong ng mga magulang ko. Kaya kahit gaano ako kainis, tiniis ko na lang.
"Gusto mo bang mamasyal tayo sa labas? Halika, ipapasyal kita sa buong villa."
Binawi ko ang kamay ko nang pilitin ako nitong hilahin. Matalim ko siyang tiningnan.
Naroon pa rin ang awa sa mukha niya, pero napansin kong nag-iba ang tingin ni Sixto sa akin dahil sa ginawa ko.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Gusto mo bang makulong?"
Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "Anong sinabi mo?"
"Binalaan ka na ni Don Isidro, kapag hindi mo sinunod ang gusto ko, makukulong kayo."
Hindi ako nakapagsalita nang mapansin ang tono ng boses niya. Malamig... at parang nagbabanta. Ganito rin siya noong gabi ng kasal namin.
I swallowed hard. Wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto nito.
Nagbihis ako at lumabas kami ng kuwarto. Nakasuot ako ng simpleng blue denim pants at white blouse. Nang dumaan kami sa private office ni Don Isidro, narinig ko itong nakikipag-usap kina inay at itay.
Bumuntonghininga ako nang tuluyan kaming makalabas. Nagsasalita si Sixto tungkol sa villa at sa mga taong nandito na tinuring nang pamilya ng don, pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nito.
Paano ba ako makakatakas sa sitwasyon ko na ito? Hindi naman puwedeng basta na lang ako tumakas, baka ipakulong ni Don Isidro ang pamilya ko.
"Halika, Rosi. Pumunta tayo sa manggahan. Siguradong maraming ani ngayon."
Natigilan ako sa sinabi niya. "Ayoko."
"Pumunta na tayo, kahit sandali lang. Para matikman mo na rin ang—"
"Ayoko nga! Ang dami-daming tao sa labas, e. Baka makita tayong magkasama!"
Natahimik ito bigla sa sinabi ko. Bahala sa kaniya kahit masaktan pa siya! Napakamapilit!
Bumalik na ako agad sa mansion. Ayaw kong makita ako ng mga tao dito na kasama siya. Nakakahiya!
***
Gabi na nang tawagin ako ng mga katulong para maghapunan. Ayaw ko sanang bumaba, pero naghihintay na raw sa akin ang mga magulang ko.
Nakaupo na ang lahat sa harap ng malaking lamesa nang makapasok ako sa dining. Nag-uusap sina Don Isidro at tatay habang tahimik naman sina Inay at Gio.
Saktong kararating lang din ni Sixto galing sa trabaho. Kupas na pantalon, puting damit na inibabawan ng checkered na polo ang suot nito. Halatang luma na rin ang mga damit niya, medyo marumi rin iyon dahil siguro sa uri ng mga trabaho niya sa villa.
"Oh, nandito na pala ang manugang ko! Halika, hijo! Anak. Maupo na kayo at nang makakain na tayo."
Nagsalubong ang mga kilay ko sa nakikitang reaksyon ni Itay. Ang laki ng ngiti nito habang nakatingin kay Sixto.
"Ang sipag talaga nitong manugang ko. Manang-mana sa iyo itong anak-anakan mo, Don Isidro!"
"Oo, tama ka, Lito. Masipag talaga iyan. Sa katunayan, mas masipag pa iyan sa akin. Alam mo bang nagkaroon ako noon ng problemang pinansyal, pero nang mapulot ko si Sixto, sunod-sunod ang suwerte na dumating sa akin. Nag-boom ang business ko, mas lumago pa at mas lumaki ang perang pumapasok sa aking negosyo."
"Ganoon ba? Aba'y, napakasuwerte na bata pala itong si Sixto. Masuwerte din kami dahil anak namin ang napakasalan niya."
Sinamaan ko ng tingin si Itay sa sinabi niya. Hindi niya alam kung paano ako nagdurusa dahil ikinasal ako sa taong ito.
"At mula nang matuto siyang humawak ng trabaho, lahat ng negosyo namin, trumiple ang kita. Ibang klaseng suwerte ang hatid sa akin ng batang ito."
"Kaya pala mahal na mahal mo si Sixto kahit na ganyan ang—"
Nabaling ang paningin ng lahat kay itay. Natigilan naman ito pagsasalita.
"A-ang ibig kong sabihin, kahit hindi n'yo siya tunay na anak. Saan n'yo nga nakuha itong batang ito?"
"Sa basurahan."
Nakuha ni Don Isidro ang atensyon namin. Napatingin ako kay Sixto na nakaupo sa tabi ko. Abala siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.
"Sa basurahan? At sino namang magulang ang magtatapon ng sarili niyang anak? Kawawa naman pala itong manugang ko." Naiiling si Itay.
"Marami talaga ngayon ang mga walang puso," komento ni Inay. "Siguro nang makita ang hitsura niya, tinapon na lang siya ng nanay niya."
Napatingin ako kay inay sa sinabi nito. Wala man lang itong pakialam sa paligid niya.
"Mabuti na lang itong si Rosi, napunta sa katulad namin."
"Ang ibig n'yong sabihin, inay, hindi n'yo totoong anak si Rosi?" tanong ni Sixto bago tumingin sa akin.
Umarko ang mga kilay ni Inay dahil sa tawag dito ni Sixto. Palihim akong nailing. Kung puwede lang na umalis na lang at hindi kumain.
"Oo. Ang totoo niyang ina ay ang nakababata kong kapatid, si Rosario."
"Nasaan na po si Rosario ngayon?"
"Namatay dahil sa komplikasyon sa sunog."
Muli akong tiningnan ni Sixto. "Kawawa naman ho si Nanay Rasario."
"Kasalanan naman niya," napatingin ako kay inay sa sinabi nito. "Sinabi ko nang huwag niyang tatanggapin ang alok ng mayaman niyang boss, tinanggap pa rin niya."
"Alok? A-anong alok ho?" Kinalabit ko si Sixto sa panay nitong pagtatanong kay inay.
"Puwede ba? Huwag kang tanong nang tanong diyan!" nanggigigil kong bulong.
"Gusto lang kitang mas makilala."
Inirapan ko ito. Nang makitang nakamasid sa amin si Don Isidro, agad akong nagbaba ng tingin.
"Inalok lang naman siya ng boss niyang magpanggap na kabit nito para maitaboy ang asawa ng walang hiyang lalaki na iyon. E, loka-loka pala ang asawa ng Tres Santiban na iyon! Binalikan ang kapatid ko, ginantihan, pinasunog ang bahay nila! Mabuti nga't walang nangyaring masama kay Rosi."
"Pinasunog nila?" Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Sixto. "Naipakulong ho ba ang asawa ng Tres Santiban na iyan?"
"Hindi! Tinatanggi nilang ang Tiana na iyon ang may kagagawan sa nangyari."
Natahimik kaming lahat pagkatapos ng narinig. Isa pang dahilan kung bakit gustong-gusto kong yumaman, para makapaghiganti sa mag-asawang Santiban na iyon.
Masyadong mabait si Nanay kaya pinatawad niya sila sa ginawa sa amin, pero ako, hinding-hindi ko sila mapapatawad.
Naramdaman kong hinawakan ni Sixto ang kamay kong nasa ilalim ng mesa.
"Okay ka lang?"
"Oo." Binawi ko ang kamay kong hawak nito. Nandidiri ako sa kaniya.
"Kapag yumaman na ako, pangako, bibigyan natin ng hustisya ang nangyari sa inay mo."
Nakuha niya ang atensyon ko sa sinabi niya. Bayanad siyang nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong tumango sa mga sinabi niya.
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.