共有

Chapter 54

作者: Rhan Jang
last update 最終更新日: 2025-08-28 11:00:43

Lewis POV

Halos naglalagare ang aking mga paa habang pabalik-balik na lumalakad sa operating room. Nasa loob ng silid si Vlad at kasalukuyan siyang inooperahan dahil sa malakas na pagtama ng kanyang ulo sa nangyaring aksidente.

"Lewis, relax ka lang. Calm down," pagtawag sa akin ni Ace habang nakaupo siya sa waiting area.

"He's right, Lewis. Nandiyan na amg mga doktor, alam nila ang gagawin nila," sambit naman ni Mico.

Marahan siyang tumayo at hinawakan ang aking balikat. Humarap ako sa kanya at alam niyang nababalot ng pag-aalala ang aking isip.

"Tama na, okay? Just stay calm and sit down," pagpapakalma niya sa akin.

Sinamahan niya akong umupo at makalipas lang ng ilang minuto, napalingon kami sa hallway nang marinig namin na may pumasok sa pinto. Halos maluha muli ang aking mata nang makita ko ang pagdating nina mommy at daddy.

"Mom, dad!" sigaw ko saka napatayo at tumakbo patungo sa kanila. Mabilis akong yumakap sa mga ito.

Pakiramdam ko ay napakatagal na mula nang huli ko silang m
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 91

    Vladimir's POV"Hindi mo ba man lang ako ipapakilala muna sa mommy mo?"Mabilis akong napalingon nang marinig ang magandang tinig ni Lewis 'di kalayuan sa aking kinaroroonan.Napailing ako at ngumiti sa sarili. Nilagay ko ang kamay sa aking bulsa at ngumiti sa kanya."Hind ba sabi ko doon ka na muna sa kotse, Lewis?" sambit ko sa babaeng ngayon ay nakatayo na sa aking harapan."Oo. Kaso lang hindi naman ako pwedeng mag-stay lang doon. Gusto ko ring bisitahin si Tita," pagpupumilit niya. Yumoko si Lewis at sumilip sa puntod ni mommy, saka nagbigay ng malaking ngiti. "Hello po, tita. Ako si Lewis, ang fiancee ni Vlad," makulit na sambit ng pinakamamahal kong babae.Sumilay ang ngiti sa aking labi habang tinititigan ko ang kanyang mukha. Ang totoo, hindi ko akalain na makakasama ko pa rin ang babaeng ito. Nang araw na iyon, pakiramdam ko ay gumuho na ang aking mundo. Ang lahat ay naging walang saysay para sa akin, na bakit pa ako mabubuhay kung wala ang babaeng pinakamamahal ko.Ngunit n

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 90

    Vladimir's POVHindi na natigil ang pagluha ng aking mata habang hinihintay ang paggising ni Lewis. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang VIP room sa ospital. Ginawa na ng doktor ang lahat upang iligtas siya. Naging successful ang operasyon pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya gumigising.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak at nagmakaawa sa harapan niya para gumising siya, ngunit tila hindi niya ako naririnig."Lewis, pakiusap, gumising ka na. Ang sabi ng doktor ay maayos ang naging operasyon, pero bakit ayaw mo pa ring gumising?" sunod-sunod kong pagtangis habang hawak ang kamay niya.Maya-maya lang, narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kuwarto. Sa pagbukas nito, pumasok ang aking tauhan upang maghatid ng balita."Sir Vlad, pinadala na po namin ang bangkay ni Trisha sa kaniyang pamilya. Wala po silang sinabi dahil pinaliwanag namin ang lahat sa kanila," sunod-sunod niyang pagsalaysay sa akin."Ganoon ba? Sige. Mabuti na ang ganoon," tugon ko sa kany

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 89

    Vladimir's POVWala akong sinayang na sandali at nagmadali akong tumakbo papasok sa loob ng bodega. Ngunit sa aking pagtakbo, pakiramdam ko ay napakabagal ng aking paa at animoy may pumipigil na hangin sa akin.Kahit hindi pa dumarating ang mga pulis na inutusan ko, lakas loob na akong pumasok sa loob."Lewis!" malakas kong sigaw saka sinipa ang pinto ng bodega.Mabuti na lang at hindi na ganoon katibay ang pinto na iyon kaya madali siyang nasira.Sa paglibot ng aking paningin sa paligid. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita si Lewis na nakahandusay sa sahig. May dugo ang kanyang katawan at namimilipit sa sakit.Tumaas ang tingin ko sa babaeng nakatayo at nakatutok ang baril sa ulo ni Lewis."Oh! Nandito na pala ang knight and shining armor mo, Lewis. Napaka-sweet naman talaga ni Uncle Vlad," mapang-inis na tinig ni Trisha.Nang sambitin niya ang mga salitang iyon, tumaas ang ulo ni Lewis at tumama ang tingin sa akin. Mayroong mga luha ang kanyang mga mata at kitang-kita ko ang du

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 88

    Lewis POV"Long time no see, best friend?"Diretsong nagmaneho si Trisha patungo sa loob ng kagubatan na hindi ko alam kung saan."A-Anong ginagawa mo? Itigil mo itong sasakyan, Trisha! Please lang!" sunod-sunod na sigaw ko sa kanya."Bakit ko gagawin 'yon? Napakatagal kong naghintay para sa pagkakataong ito, tapos susundin lang kita? Ano ako, baliw?" tugon niya sa akin habang tumatawa ang kanyang tinig.Nabalot ng labis na takot ang aking puso. Agad kong kinuha ang aking cellphone muna sa bulsa upang tawagan si Vlad, ngunit sa paglabas ko nito, agad na hinablot ni Trisha ang cellphone ko at hinagis sa bintana."Tatawag ka pa ng tulong? Ang problemang ito ay sa ating dalawa lang, Lewis!" aniya na tila walang planong patakasin ako.Kahit buksan ko ang pinto ng kotse, naka-lock ito at tanging sa labas lang maaaring mabuksan.Wala akong ibang nagawa kung hindi ang manalangin at umasang mapapansin ni Vlad na wala pa rin ako sa kasal.Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi at nabalo

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 87

    Lewis POVNapakaraming bagay ang sumusubok sa ating buhay. Mga bagay na alam nating mahirap, ngunit kinakaya nating lagpasan. Sa bawat hamon na nilalabanan natin, wala tayong dapat gawin kung hindi ang magtiwala sa ating sarili at hindi sumuko.Iba man ang mga bagay na kinakaharap ko. Naging magulo man ang aking mundo, alam kong sa huli, ang mga bituin sa langit ay aayon sa mga bagay na pinalangin ko. It was a roller-coaster ride, ika nga nila. Kung minsan, nasa itaas ka, kung minsan, nasa ibaba. Ngunit saan ka man magpunta, dala mo pa rin ang ngiti na nababakas sa iyong mukha.***Nakatayo ako sa harapan ng isang malawak na salamin. Hinahangaan ang kagandahan ng suot kong wedding dress.Yes! It is my wedding day, isa sa mga araw na pinakamahalaga sa buhay ko. Araw na dati ay pangarap ko lang. Ang totoo, hindi ko na inaasahan na ikakasal pa ako. Akala ko noong una, mananatili akong heart-broken.Mula nang niloko ako ng ex-boyfriend ko, hindi na ako umaasang magmamahal pang muli.Nguni

  • My Uncle's Dark Secret   Chapter 86

    Lewis POVDiretsong nakatingin ang aking mga mata sa screen ng aking laptop. Simula nang tuluyang nabuwag ang kompanya ni Ivan Watson, tuluyan na ring bumalik ang mga investor sa aking kompanya at unti-unti itong bumabangon.Napag-alaman din namin na ang pamilya ng mga Watson at si Eunice ay may ugnayan. Magkapatid ang dalawang iyon sa ama, kaya marahil ganoon na lang ipagtanggol ni Ivan si Eunice.Sandaling tumigil ang aking daliri sa pagtitipa sa mga letra ng aking laptop. Marahang tumaas ang aking ulo at napatingin sa bakanteng puwestong dating kinaroroonan ni Trisha. Ang totoo, may kung ano sa puso ko ang nakakaramdam ng awa para sa kanya. Sa tingin ko kasi ay ginamit lang siya ni Ivan sa mga plano niya, ngunit hindi iyon alam ni Trisha. Para sa akin, biktima lang din siya ng kasakiman ng dalawang iyon.Ngunit, ang mga bagay na ginawa niya ay may kaakibat na parusa. Kahit na alam kong kaya ko siyang patawarin nang buong-buo at handa akong tanggapin siya, hindi pa rin niya puwedeng

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status