LOGINAng foundation event na dinaluhan ni Ally ay ginanap sa isang marangyang ballroom sa Makati. Puno ang paligid ng mga makapangyarihang tao—mga negosyante, politiko, at mga socialites na ang bawat suot na alahas ay katumbas na ng halaga ng isang bahay at lupa.
Sa gitna ng karamihan, si Ally ay parang isang perlas, makinang, hinahangaan, pero napapalibutan ng mga pating na kalaban at kaalyado ng ama.
Si Spencer, na ngayon ay nakasuot ng isang disenteng barong na binili ni Manang Fe, dahil ayaw ni Ally na magmukha siyang pulubi sa harap ng mga bisita, ay nananatiling nasa likod ng dalaga. Ang kanyang mga mata ay hindi tumitigil sa pag-scan sa paligid. Ang kaniyang Josep persona ay nananatili—nakatayo siya nang medyo baluktot, ang mga kamay ay nasa harap na parang nahihiya, pero ang kaniyang pandinig ay nakatuon sa bawat bulungan sa silid.
"Stay here, Josep. At huwag kang kakain ng kahit ano riyan. Baka mapahiya ako kapag nagkamay ka sa harap ng mga donor," mahinang utos ni Ally bago siya lumapit sa isang grupo ng mga asawa ng mga senador.
"Opo, Ma'am. Dito lang po ako sa tabi ng malaking plorera na ito," sagot ni Spencer, sabay kamot sa ulo na parang manghang-mangha sa dekorasyon ng hotel.
Nang makalayo si Ally, pasimpleng hinawakan ni Spencer ang kaniyang cufflink. Ito ay isang high-tech na audio transmitter. "Vince, nakikita mo ba ang lalaking nasa 2 o’clock position mula sa stage? Dark grey suit, may peklat sa kaliwang bahagi ng panga."
"Checking database, Sir," sagot ni Vince sa kaniyang earpiece.
"Confirmed. Siya si Raul 'Tigre' Mendoza. Isa sa mga top enforcer ng Orion Syndicate. Anong ginagawa niya sa isang charity event?"
"Hindi ko alam, pero hindi maganda ang kutob ko," bulong ni Spencer. Napansin niyang ang tingin ni Raul ay nakapako kay Ally—hindi sa paraang humahanga, kundi sa paraang puno ng pagnanasa.
Lumipas ang dalawang oras. Ang gabi ay puno ng mga boring na talumpati at sapilitang tawanan. Napansin ni Spencer na si Ally ay pagod na. Kahit nakangiti ito sa harap ng mga camera, ang mga mata nito ay pagod at tila gustong tumakas.
Nang mag-excuse si Ally para pumunta sa restroom, agad na sumunod si Spencer. Pero bago pa makapasok si Ally sa powder room, hinarang siya ni Raul.
"Allysandra," bati ng lalaki.
"Ang sabi ng Daddy mo, nasa mansyon ka lang dapat ngayon. Masyadong mapanganib sa labas."
Napaatras si Ally, ang kaniyang mukha ay namutla dahil kahit siya ay hindi niya inaasahan na nandito si Raul.
"Raul. I... I didn't know you were here. Dad didn't tell me."
"Maraming bagay na hindi sinasabi ang iyong ama, lalo na kung para ito sa iyong ikabubuti," sabi ni Raul habang hinahawakan ang siko ni Ally. Ang hawak nito ay hindi pang-proteksyon, kundi pang-kontrol.
"Halika na. Ihatid na kita sa sasakyan."
"No, Raul. May bodyguard ako. Si Josep—"
"Ang probinsyanong 'yon?" Tumawa si Raul nang mapait. "Hindi ka kayang protektahan ng isang taong amoy lupa, Allysandra. Let's go."
Bago pa man maihila ni Raul si Ally, isang kamay ang humawak sa braso ni Raul. Isang kamay na magaspang pero may lakas na hindi inaasahan.
"Pasensya na po, Boss," singit ni Spencer, suot ang kaniyang inosenteng ngiti bilang Josep. "Sabi po kasi ni Ma'am, bawal daw po siyang hawakan ng ibang tao maliban sa akin. Baka po mapagalitan ako ni Congressman."
Tiningnan ni Raul si Spencer nang may pandidiri. "Bitiwan mo ako, tsimay. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo."
"Naku, opo, mukha nga po kayong matapang. Pero sabi po ng lola ko, ang tunay na lalaki, hindi nanghihila ng magandang binibini," sagot ni Spencer, habang dahan-dahang pinipiga ang pulso ni Raul. Ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa anatomy para magbigay ng sapat na sakit na hindi mapapansin ng mga dumadaan pero sapat para mapabitaw si Raul.
Napangiwi si Raul sa sakit na hindi niya maipaliwanag. Binitawan niya si Ally at hinarap si Spencer. "Gusto mo ba talagang mamatay nang maaga, Josep?"
"Huwag naman po, Boss. Marami pa po akong saging na kakainin," biro ni Spencer, pero ang kaniyang mga mata ay sandaling naging kasing talim ng patalim. Isang mensahe ang ipinarating niya kay Raul nang walang salita.
Subukan mo, at dito ka mismo sa ballroom na ito babagsak.
Mukhang naramdaman ni Raul ang kakaibang aura ni Spencer dahil napaatras ito. "Sasabihin ko ito sa ama mo, Allysandra. Huwag mong sisihin ang sinuman kung may mangyari sa iyong masama."
Nang makaalis si Raul, naiwan si Ally na nanginginig. Halos hindi siya makahinga. Mabilis siyang hinawakan ni Spencer sa balikat para alalayan.
"Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Spencer, ang boses ay muling naging malambot at puno ng pag-aalala.
Tumingin si Ally sa kaniya. Sa unang pagkakataon, hindi diring-diri o inis ang nakikita sa kaniyang mga mata. Kundi matinding takot
"He's... he's one of my father's men. But he's different. Siya ang ginagamit ni Dad para sa mga… nothing." singhal ni Ally nang maalala na hindi niya pwedeng sabihin sa taong ngayon pa lang niya nakasama na may illegal na ginagawa ang ama nya.
"Huwag po kayong mag-alala, Ma'am. Hangga't nandito ako, baston niyo po ako, 'di ba?" sabi ni Spencer.
Huminga nang malalim si Ally at tumango na lang kaySpencer tsaka na ito umayos ng tayo. "Let's get out of here, Josep. Gusto ko nang umuwi."
Habang nasa byahe pauwi, tahimik ang loob ng sasakyan. Nakatingin si Ally sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod. Si Spencer naman ay matalas ang pakiramdam sa kalsada, sinisiguradong walang sumusunod sa kanila.
"Josep," tawag ni Ally.
"Opo, Ma'am?"
"Thank you. Sa ginawa mo kanina kay Raul. Alam kong... alam kong mahirap siyang kalabanin."
Ngumiti si Spencer sa rear-view mirror. "Wala po 'yon, Ma'am. Kasama po 'yon sa kontrata, 'di ba?."
Bahagyang natawa si Ally—isang tunay na tawa na ngayon lang narinig ni Spencer. "You're weird, Josep. But maybe... maybe Dad was right about you."
Nang makarating sila sa mansyon, hinatid ni Spencer si Ally hanggang sa pinto ng kaniyang silid. Pero bago siya bumalik sa kaniyang quarters, napansin niyang ang ilaw sa Study Room ni Congressman Valderama ay nakabukas pa rin, kahit ala-una na ng madaling araw.
Ito na ang pagkakataon niya.
Gamit ang kaniyang stealth training, dahan-dahang umakyat si Spencer sa third floor. Bawat hakbang niya ay puno ng pag iingat. Iniiwasan niya ang mga anino ng mga guwardiyang nagpapatrolya sa labas. Nang makarating sa tapat ng pinto, kinuha niya ang isang electronic lock-pick mula sa kaniyang bulsa. Sa loob ng tatlong segundo, bumukas ang pinto nang walang tunog.
Madilim sa loob, maliban sa liwanag na nanggagaling sa screen ng computer ng Congressman. Mabilis na lumapit si Spencer at nagsimulang mag-d******d ng mga files gamit ang kaniyang encrypted drive.
Blueprints, bank accounts, at listahan ng mga iba’t ibang pangalan ang nagpakunot sa noo ni Spencer
"Ano ito?" bulong ni Spencer nang makita ang isang folder na may pamagat na PROJECT ADRASTEIA. Sa loob nito ay mga litrato ni Ally. Hindi lang basta mga litrato, kundi mga surveillance photos nito mula noong bata pa ito hanggang sa kasalukuyan.
Biglang bumukas ang pinto.
Mabilis na nagtago si Spencer sa likod ng isang malaking bookshelf. Pumasok si Congressman Valderama, kasunod si Raul Mendoza.
"Hindi ko gusto ang bagong bodyguard ng anak mo, Congressman," sabi ni Raul, habang hinihimas ang kaniyang pulso na tila masakit pa rin. "Masyadong mabilis ang mga reflexes niya para sa isang probinsyano. I want him gone."
"Huwag kang praning, Raul," sagot ni Froilan habang nauupo sa kaniyang swivel chair. "Ginalugad ko ang background ni Josep Macaraeg. Ang pamilya niya sa Batangas ay mga magsasaka. Namatay ang mga magulang niya sa bagyo. He's a nobody. Mas mabuting siya ang kasama ni Ally kaysa sa isang taong may utak na pwedeng gamitin laban sa atin."
"But—"
"No more buts. Gamitin mo ang oras mo sa pag-aayos ng shipment bukas sa Pier 4. Iyon ang mas importante. Kapag pumalya iyon, alam mo kung anong mangyayari satin.”
Nang lumabas ang dalawa, nanatiling nakatago si Spencer. Ang kaniyang puso ay tumitibok nang mabilis, hindi dahil sa takot na mahuli, kundi dahil sa impormasyong nakuha niya.
Pier 4. Bukas.
Habang dahan-dahang lumalabas ng Study Room, napahinto Spencer nang makita niya si Ally na nakatayo sa dulo ng hallway, yakap ang sarili at nakatingin sa kaniya.
"Josep? Anong ginagawa mo rito sa third floor?" tanong ni Ally, ang kaniyang mga mata ay puno ng hinala.
Napakagat-labi si Spencer. Ang kaniyang disguise ay nanganganib na mabisto sa harap ng babaeng nagsisimula na sanang magtiwala sa kaniya.
Maagang nagising si Ally at lumabas ng kuwarto. Hind na muna niya inistorbo angpagtulog ni Spencer dahil alam niyang masama pa rin ang pakiramdam nito dahil sa mga tinamo nitong sugat, idagdag pa ang ginawa nila kagabi.Naabutan niya sa sala si Vince at ang ama niya na si Cong Valderama. Masayang nagkaakpe, pero ng makita siya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Cong valderama.“San ka natulog?” tanong ni Cong kay Ally.“S-sa kuwarto po, dad”“Katabi mo si Jo–Spencer?” tanong ng matanda at tumango naman si Ally.“May relasyon ba kayo? Anong relasyon niyong dalawa?” sunod sunod na tanong nito kaya napalabi na lang si Ally.“Dad… kung ano mang meoron samin ni Spencer please. Alam ko ang pinapasok ko.” sagot naman ni Ally kaya nangunot ang noo ni Valderama.“He lied to us—”“But he save us. He risk his life to save us Dad.” putol ni Ally sa ama. Kaya nanahimik na lang si Valderama habang si Vince ay tahimik lang sa gilid, pero hindi maikubli ang nagngingiti niyang labi.“Ano bang ngini-ngi
Papasok si Ally sa master bedroom, dahan-dahan ang pagbukas ng pinto. Hawak niya ang malaking first-aid kit na nakita niya sa kabinet kanina. Si Spencer naman ay nakaupo na sa gilid ng malaking kama, hubad ang pang-itaas, at may dugo pa rin ang tumutulo sa gilid ng kanyang braso. Mukha siyang pagod pero matalim pa rin ang titig niya."Spencer, huwag kang aalis dyan," sabi ni Ally habang nilalapitan siya. "Kailangan ko munang linisan 'yan bago pa lumala."Umupo siya sa tabi nito at binuksan ang kit. Kinuha niya ang cotton balls, antiseptic, at gauze. Nanginginig nang bahagya ang mga kamay niya habang tinatanggal ang dugo sa balat ng binata. Mainit ang balat ni Spencer, at ramdam na ramdam niya ang matinding titig nito sa kanyang mukha."Ally..." bulong ni Spencer, mababa at paos na boses nito"Hmm?" sagot niya nang hindi tumitingin, naka-focus sa sugat. Dahan-dahan niyang pinahid ang antiseptic. Napadaing si Spencer pero hindi siya gumalaw. Sa tuwing humihinga siya, ramdam ni Ally ang
Ang katahimikan sa labas ng bahay ay tila naging isang mabigat na pader na humahadlang sa kanilang paghinga. Pagkatapos ng tanong ng Congressman, walang sumagot. Si Spencer ay hindi lumingon; dire-diretso lang ang kaniyang tingin sa pintong kahoy na kinakalawang na ang mga bisagra. Ang tanging sagot niya ay ang tunog ng susi na bahagyang kumalansing nang pasukin niya ang awang ng pinto.Sa bawat hakbang nila papasok, ang bawat kahoy na sahig ay naglalabas ng tunog na tila nagrereklamo sa bigat ng mga taong dumadaan. Ang loob ng bahay ay eksaktong hitsura ng inaasahan: payak at halos walang laman. Isang hapag-kainang kahoy na may apat na upuan na tila kakalas na ang mga paa, isang lumang kalan sa kusina na may bahid ng kalawang, at isang maliit na cabinet na halos wala nang kalaman-laman.Si Vince ay huminto sa gitna ng sala, inikot ang paningin. "Sir... ito lang? Sigurado ka bang ito ang safe house? Masyadong lantad at masyadong... simple."Si Ally ay nanatiling tahimik, ang kaniyang
Ang hangin sa loob ng truck ay puno ng amoy ng lupa at mga sariwang gulay. Ang matandang tsuper ay hindi nagsalita simula pa nang isakay niya ang dalawa. Tanging ang ugong ng makina ng lumang truck ang nagsisilbing musika sa kanilang paglalakbay.Si Spencer ay nakasandal sa gilid ng truck, ang kaniyang mga mata ay bahagyang nakapikit ngunit ang kaniyang pandinig ay nakatutok sa bawat kaluskos sa labas. Ang matandang tsuper, sa kabila ng kaniyang edad, ay nagmamaneho nang may kakaibang bilis at ingat. Alam niya ang bawat liku-liko ng mga liblib na kalsada na hindi alam ng mga patrol cars ng NISA."Salamat," mahinang sabi ni Ally nang huminto sila sa isang madilim na bahagi ng kalsada malapit sa hangganan ng Laguna.Ang matandang tsuper ay hindi lumingon. Bahagya lang siyang tumango, ang kaniyang mga mata ay nakapako pa rin sa kalsada na tila hindi interesado sa kung ano ang ginagawa ng dalawa. "Huwag kayong magpasalamat. Ang ginagawa niyo ay para sa hustisya. Matagal na kaming naghihin
Ang gubat ay hindi lang mga puno, ito ay isang maze ng mga ugat, masukal na damuhan, at mga bangin na nakatago sa ilalim ng makapal na fog. Alas-sais ng umaga. Ang liwanag ay nagsisimula nang tumagos sa mga dahon, ngunit para kina Spencer at Ally, ang liwanag ay kaaway—ito ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga thermal drones ng Orion na makita sila."Dito," bulong ni Spencer.Pinilipit niya ang kaniyang katawan patungo sa ilalim ng isang malaking balete tree. Ang kaniyang paghinga ay mababaw at maputol-putol. Ang bawat hakbang niya ay parang pagpukpok ng martilyo sa kaniyang balikat."Spencer, tumigil na tayo," pakiusap ni Ally. Kinuha niya ang tactical backpack mula sa balikat ni Spencer at ibinaba ito sa lupa. "Tingnan mo ang sarili mo. Namumutla ka na. Kung hindi natin itatahi 'yan nang maayos, mauubusan ka ng dugo bago pa tayo makarating ng kalsada.""Wala tayong oras," sagot ni Spencer, kahit na ang kaniyang paningin ay nagsisimula nang maging malabo."May oras tayo kung gagamit ta
Sa loob ng monitor room, ang mga screen na kanina ay nagpapakita ng payapang hallway ay unti-unting namamatay. Isang glitch na hindi dulot ng kuryente, kundi ng isang sopistikadong electronic warfare."Sir, may nag-inject ng virus sa system natin," sigaw ni Vince, ang kaniyang mga daliri ay mabilis na tumitipa sa keyboard. "Hindi ito NISA. Ang encryption protocol na gamit nila… ito ang lagda ng Orion."Si Spencer, na kasalukuyan pang inaayos ang kaniyang tactical vest, ay agad na napapikit. Ang sugat sa balikat niya ay kumikirot, ngunit mas matindi ang kaba sa kaniyang dibdib. "I-lockdown ang lahat ng exits. Vince, ihanda mo ang sasakyan sa likod. Ally, lumabas ka na dyan!"Bumukas ang pinto. Pumasok si Ally, ang kaniyang mukha ay puno ng matinding kaba ngunit ang kaniyang mga mata ay determinadong nakatingin kay Spencer. "Narinig ko ang alarm. Ano ang nangyayari?""Orion," tipid na sagot ni Spencer habang kinakasa ang kaniyang HK416. "Hindi tayo pwedeng manatili rito. Vince, kung hin







