My Undercover Bodyguard (SSPG)

My Undercover Bodyguard (SSPG)

last updateLast Updated : 2026-04-28
By:  kkyrieehale Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
14Chapters
47views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

WARNING! This story contains sensitive and mature content including crime, violence, murder, strong language, and explicit sexual scenes. Reader discretion is strongly advised. Hindi alam ni Allysandra “Ally” Valderama na ang lalaking nagligtas sakaniya at magiging personal bodyguard niya ay isa palang Undercover agent, na nag pakilalang Josep Macaraeg na ang totoo palang pangalan ay Spencer Gaciano.. Ang sikreto ni Spencer bilang Josep at maging personal bodyguard ni Ally ay isa sa misyon nila upang alamin ang tungkol sa isang madulas na sindikato sa batas na hindi mahuli huli, dahil ang hinala nila ay may humahawak sa sindikato na mas mataas at makapangyarihang tao—at ang pinaghihinalaan nilang big boss? Ang ama ni Allysandra na si Congressman Froilan Valderama. Malaman kaya ni Allysandra ang katotohanan sa pagkatao ng kaniyang personal bodyguard? gayong unti unti na itong nahuhulog sa lalaki. At matapos kaya ng maayos ni Spencer ang misyon niya? o magiging suliranin niya ang babaeng dapat ay gagamitin niya lang pero unti unti na pala niyang minamahal?

View More

Chapter 1

KABANATA 1

Ang sikat ng araw sa  Manila ay tila nakikipagkumpitensya sa kinang ng mga nagtataasang glass buildings sa paligid. Sa labas ng main entrance ng Solis Heights Mall, ang hangin ay puno ng ingay ng mga sasakyan at ang nagmamadaling yabag ng mga tao. Ngunit para kay Allysandra “Ally” Valderama,  ang bawat segundo sa ilalim ng init ay isang pagtitiis na nais na niyang wakasan.

Naglalakad siya palabas ng mall, ang tunog ng kanyang designer heels ay sumasabay sa mabibigat na hakbang ng dalawang lalaking naka-uniporme ng security sa kanyang likuran. Halos hindi na makita ang mga mukha ng mga guwardiya dahil sa dami ng paper bags na bitbit nila—mga huling koleksyon mula sa mga luxury boutiques na binili niya hindi dahil gusto niya, kundi dahil iyon ang inaasahan sa isang anak ng makapangyarihang politiko.

Nakasuot si Ally ng malaking sunglasses, pilit na itinatago ang inis na kanina pa nakaguhit sa kanyang mukha. Pasimple niyang tiningnan ang kanyang relo. At nainis lang siya lalo ng makitang oras na at wala pa ang sundo niya.

"I told Dad I don't need this many guards. It’s embarrassing," bulong niya sa sarili habang nararamdaman ang mga tingin ng mga taong dumadaan. 

Huminto siya sa gilid ng kalsada, hinihintay ang pagdating ng kanyang sundo. Ang tensyon sa kanyang dibdib ay hindi dahil sa init, kundi sa pakiramdam na laging may nakamasid sakaniya. Ngunit bago pa man mamataan ang pamilyar na itim na sedan ng pamilya, isang itim na van na walang plaka ang biglang huminto sa kanyang tapat, dahilan para magpreno nang malakas ang ibang sasakyan sa likod nito.

Sa isang iglap, ang tahimik na bangketa ay naging eksena ng kaguluhan. Mabilis na bumukas ang pinto ng van at tatlong lalaking naka-maskara ang lumabas. Ang mga security guards ni Ally, na abala sa pag-aayos ng mga bitbit, ay hindi agad nakapag-react. 

Isang malakas na tulak ang tumama sa kanila, dahilan para magsabog ang mga mamahaling binili ni Ally sa kalsada. Bago pa man makasigaw ang dalaga, isang magaspang at malakas na kamay ang humablot sa kanyang braso.

"Bitawan niyo ako! Do you know who my father is?!" sigaw ni Ally. Ang kanyang boses ay nanginginig sa takot, ngunit pilit niya itong ikinukubli ng tapang na natutunan niya sa mundong ginagalawan. 

Nanlaban siya, ginamit ang kanyang heels para sipain ang lalaki, pero masyado itong malakas.

Sa hindi kalayuan naman sa kaguluhan, nakaupo sa isang sementadong barrier ang isang lalaking tila walang pakialam sa mundo. Naka-suot siya ng kupas na checkered na polo na medyo maluwag sa kanya, maong na may mga mantsa ng grasa, at isang lumang tsinelas na tila manipis na ang swelas.

Siya si Spencer Gaciano. Sa kanyang kanang kamay ay hawak niya ang isang plastic ng banana cue. Dahan-dahan niyang kinakagat ang matamis at malagkit na saging habang ang kanyang mga mata ay matalas na nakatitig sa bawat galaw sa tapat ng mall. Sa paningin ng iba, isa lamang siyang tambay na nagpapalipas ng oras, pero sa loob ng kanyang isip, bawat anggulo ay kalkulado.

"Status," bulong ni Spencer sa kanyang mic, na nakatago sa kuwelyo ng kanyang luma at kupas na polo.

"Extraction in progress, Sir. Ready na ang mga tauhan. We will make it look real," sagot ni Vince, mula sa kabilang linya ng earpiece na nakatanim sa loob ng kanyang tenga.

Ito ang plano. Ang mga lalaking umaatake kay Ally ay hindi mga totoong kriminal. Sila ay mga elite agents o mga under cover gaent na mula sa sariling kumpanya ni Spencer—ang S.G. Strategic. Ang lahat ng ito ay isang planted na senaryo para lumabas si Spencer na isang bayani.

Bilang founder ng S.G. Strategic, alam ni Spencer na ang pinakamabilis na paraan para pasukin ang kuta ni Congressman Froilan Valderama ay hindi sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan, kundi sa pamamagitan ng pagkuha sa kaisa-isang kahinaan nito, walang iba kundi ang nag iisang anak nito na si Allysandra Valderama.

"Tulog na ang mga guwardiya! Isakay na 'yan!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Spencer, na kasalukuyang umaarte bilang isang kidnapper.

Dito na kumilos si Spencer. Itapon niya ang stick ng banana cue sa basurahan at tumayo na parang isang taong naguguluhan. 

Binago niya ang kanyang postura—ang tuwid na tindig ng matikas niyang katawan ay naging medyo kuba at lulutang-lutang.

"Hoy! Kayong mga taga-Maynila! Bakit niyo kinukuha ang binibining 'yan?" sigaw ni Spencer na may accent na batangeno.

Sapat ang lakas ng boses niya para makuha ang atensyon ng mga sibilyang nagtatakbuhan. 

"Ala eh, hindi ba niyo alam na bawal ang ganyan? pwede kayong makulong niyan!" saad pa nito.

Natawa ang agent na may hawak kay Ally, bukod sa nagpapanggap ito na natawa para iinsultuhin ito na parang nagtatapang tapangan ay natatawa rin ang mga ito dahil sa accent ni Spencer.

"Umalis ka rito, probinsyano! Baka gusto mong maunang mamatay?"

"Naku, huwag po! Magagalit po ang lola ko kapag hindi ako nakauwi nang buo!" sabi ni Spencer habang dahan-dahang lumalapit. 

Ang bawat hakbang niya ay mukhang lampa at hindi sigurado, pero ang totoo, sinisiguro niya ang kanyang footing para sa susunod na galaw.

Nang makalapit, biglang sumalakay si Spencer. Hindi niya ginamit ang malilinis na strike na itinuro sa kaniya sa military academy. Sa halip, ginawa niyang mukhang barumbado o nakikipag away lang sa kanto ang galaw niya dahil baka mahalata siya.

"Aray ko po!" sigaw ni Spencer habang aksidenteng nadulas, pero sa pagbagsak niya ay nasipa niya nang eksakto ang pressure point sa tuhod ng lalaking may hawak kay Ally.

"Anak ng—! Ang liksi ng damuhong ito!" acting ng agent habang nabibitawan si Ally.

"Takbo, Ma'am! Takbo sa likod ko! Huwag kayong matakot!" sigaw ni Spencer. Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay na parang nakikipag-away sa langaw, pero bawat paghampas niya ay tumatama sa mga strategic spots ng kanyang mga tauhan para magmukhang napatumba niya ang mga ito.

Sa loob ng dalawang minuto, ang tatlong kunwari'y kidnapper ay mabilis na nagsitakbo pabalik sa van, ayon sa plano. 

"Masyadong malakas ang probinsyanong ito! Alis na tayo bago pa dumating ang mga pulis!"

Humaharurot ang van palayo na nag-iwan ng usok at alikabok sa kalsada. Iniwan nito si Ally na hinihingal at nanginginig ang mga kamay, habang si Spencer ay nakaupo sa semento, hawak ang kanyang tsinelas na sadyang pinatid ang strap.

"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Spencer, ang kanyang mga mata ay puno ng kunwaring pag-aalala habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang braso.

Hindi nakasagot agad si Ally. Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya. Madungis ito, amoy asukal at saging, at mukhang walang alam sa panganib na hinarap. Ngunit may kung anong kislap sa mga mata nito na sandali niyang nakita bago ito muling nagmukhang inosente.

Maya-maya pa, dumating ang convoy ni Congressman Froilan Valderama. Ang tunog ng mga wang-wang ay pumuno sa paligid. Halos liparin ng Congressman ang distansya mula sa kanyang bullet-proof na sasakyan patungo sa kanyang anak.

"Ally! Diyos ko, are you hurt?!" tanong ng ama, ang boses ay nanginginig sa takot. Niyakap niya ang anak, pero ang kanyang mga mata ay mabilis na nag-scan sa paligid, sinisigurong wala ng banta ng panganib sakanila.

"I'm fine, Dad. But that... that man," turo ni Ally kay Spencer na ngayon ay abala sa pagtatali ng kanyang tsinelas gamit ang isang pirasong goma. "He saved me. He fought them off with... with I don't even know what that was. It was just luck, I guess."

Tiningnan ni Valderama si Spencer. Nakita niya ang isang lalaking mukhang galing sa malayang bukid—simple, tila walang itinatagong talino, at higit sa lahat, walang koneksyon sa kanyang mga kaaway sa politika. Para sa isang taong tulad ni Froilan na maraming itinatagong dumi, ang ganitong klaseng tauhan ay mas mahalaga at mukhang maaasahan.

"Anong pangalan mo, iho?" tanong ng Congressman habang inaalalayan si Spencer na tumayo.

"Josep po. Josep Macaraeg.” sagot naman ni Spencer.

“Pasensya na po kayo sa itsura ko, kasalukuyan po kasi akong naghahanap ng trabaho ngayon, e napasakto na napaupo ako sa gilid para kainin ang banana que ko dahil nagutom na p ako, hanggang sa mapansin kosi madam na pilit kinukuha nung mga lalaki” sagot ni Spencer, ang boses ay puno ng pagpapakumbaba.

Nagkatinginan ang Congressman at ang kanyang chief of security. Isang desisyon ang mabilis na nabuo sa isip ni Froilan.

"Naghahanap ka ng trabaho? Mas maganda! Mula ngayon, ikaw na ang personal bodyguard ng anak ko. Titira ka sa mansyon, at dodoblehin ko ang anumang sweldong inaasahan mo. Huwag mo lang hahayaan na may mangyari ulit sa kanya." litanya ni Cong. Froilan kaya napatingin si Ally sa kanyang ama, pagkatapos ay sa madungis na lalaking nasa harap niya. 

"Dad, look at him! He's dusty! And he smells like... fried bananas! I can't have him following me around!"

"I don't care, Ally! He has more courage than those professional guards who let you down today!" pasya ng Congressman.

Sumakay si Spencer sa mamahaling SUV, katabi si Ally na halatang diring-diri at pilit na lumalayo sa kanya para hindi madumihan ang kanyang suot. Habang tumitingin sa labas ng bintana, isang maliit at halos hindi mapansing ngiti ang sumilay sa labi ni Spencer.

Ang bitag ay nailatag na. Ang pamilya Valderama ay pumasok na sa kanyang laro nang hindi nila nalalaman. Habang hinahawakan niya ang lumang tsinelas sa kanyang kandungan, isang mensahe ang tumakbo sa kanyang isip para sa kanyang team.

First mission accomplish!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
14 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status