Ang mansyon ng mga Valderama sa loob ng isang eksklusibong subdivision sa Forbes Park ay parang isang modernong kastilyo. Matatayog na pader, mga surveillance camera sa bawat kanto, at mga armadong guwardiya na mas mukhang mga sundalo kaysa sa mga civilian security. Pero para kay Spencer, na ngayon ay kilala bilang Josep, ang lahat ng ito ay isang malaking puzzle lamang na kailangan niyang pag-aralan.Pumasok ang mamahaling SUV sa malawak na driveway. Pagkahinto ng sasakyan, mabilis na bumaba si Ally, hindi man lang nilingon ang lalaking naglitas sa kanya."Manang Fe!" tawag ni Ally sa kanilang head househelper. "Please, pakidala itong... itong lalaking ito sa guest house o kahit sa quarters ng mga driver. And please, kailangan niyang maligo. The whole car smells like a fruit stand!"Napakamot ng ulo si Spencer, suot ang kanyang gulat at inosenteng mukha. "Pasensya na po, Ma'am. pero, masarap naman po ang saging, lalo’t luto sa asukal."Tiningnan siya ni Ally nang matalim, ang kanyan
Last Updated : 2026-04-26 Read more