LOGINAng mansyon ng mga Valderama sa loob ng isang eksklusibong subdivision sa Forbes Park ay parang isang modernong kastilyo. Matatayog na pader, mga surveillance camera sa bawat kanto, at mga armadong guwardiya na mas mukhang mga sundalo kaysa sa mga civilian security.
Pero para kay Spencer, na ngayon ay kilala bilang Josep, ang lahat ng ito ay isang malaking puzzle lamang na kailangan niyang pag-aralan.
Pumasok ang mamahaling SUV sa malawak na driveway. Pagkahinto ng sasakyan, mabilis na bumaba si Ally, hindi man lang nilingon ang lalaking naglitas sa kanya.
"Manang Fe!" tawag ni Ally sa kanilang head househelper. "Please, pakidala itong... itong lalaking ito sa guest house o kahit sa quarters ng mga driver. And please, kailangan niyang maligo. The whole car smells like a fruit stand!"
Napakamot ng ulo si Spencer, suot ang kanyang gulat at inosenteng mukha. "Pasensya na po, Ma'am. pero, masarap naman po ang saging, lalo’t luto sa asukal."
Tiningnan siya ni Ally nang matalim, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa inis sa likod ng kanyang sunglasses. "It’s not about the taste, Josep. It’s about the hygiene.”
Mabilis na naglakad papasok ng bahay si Ally, ang tunog ng kanyang heels ay tila isang babala na hindi siya madaling pakisamahan.
Naiwan si Spencer sa pangangalaga ni Manang Fe, isang matandang babae na may mabait na mukha pero matalas na mga mata.
"Huwag mo na lang pansinin ang batang 'yon, Iho. Mabait si Ally, sadyang marami lang pinagdadaanan lalo na sa tatay niya," paliwanag ng matanda habang ginagabayan siya patungo sa isang silid sa gilid ng mansyon.
"Ayos lang po, Manang. Sanay po ako sa masusungit, lola ko masungit rin eh," sagot ni Spencer, pilit na pinapanatili ang tono ng boses niya bilng probinsyano.
Nang maiwan siyang mag-isa sa loob ng maliit pero malinis na kwarto, mabilis na nagbago ang anyo ni Spencer. Isinara niya ang pinto at tiningnan ang bawat sulok. Sa loob ng limang segundo, natukoy niya ang dalawang blind spots sa silid na hindi abot ng camera sa labas ng bintana.
Umupo siya sa kama at kinuha ang kanyang suot na tsinelas. Mula sa loob ng tahi ng strap nito, kinuha niya ang isang manipis na piraso ng electronic device—isang signal jammer at encrypted communicator.
"Nasa loob na ako ng quarters," bulong niya, ang boses ay wala na ang puntong probinsyano. Ito na ang tunay na siya—ang strategist at nakakatakot na si Spencer Gaciano.. "Target's perimeter is heavily guarded. Standard security protocol, pero mukhang may mga 'ghost' units ang Congressman na hindi naka-uniporme."
"Copy that, Sir," sagot ni Vince sa kabilang linya. "Mag-ingat kayo. Si Froilan Valderama ay hindi lang basta politiko. Ang intelligence report ay nagsasabing siya ang nagpapatakbo sa 'Orion Syndicate'. Kapag nabisto ka, walang makakalabas sa mansyong iyan nang buhay."
"Alam ko," maikling sagot ni Spencer bago pinatay ang linya.
Narinig niya ang katok sa pinto. Agad niyang itinago ang device at bumalik sa pagiging Josep. Binuksan niya ang pinto at bumungad si Ally, na ngayon ay nakasuot na ng silk na pantulog pero may hawak na isang makapal na folder.
"O, Ma'am! Bakit po kayo nandito? May kailangan po ba kayo?" tanong ni Spencer, ang mga mata ay nanlalaki sa kunwaring takot.
Huminga nang malalim si Ally, halatang pinipigilan ang sarili na sigawan ang bagong bodyguard.
"This is a contract and a list of rules, Josep. Since my Dad insists on keeping you, you will follow my rules, not his. Maliwanag?"
"Opo, Ma'am. Kahit ano pong rules, susunod ako..." mabilis na sagot naman ni Spencer
Ibinagsak ni Ally ang folder sa mesa. "First, you stay five steps behind me at all times. Second, you don't talk to me unless I talk to you. And third..." lumapit si Ally sa kanya, sapat na malapit para maamoy ni Spencer ang kaniyang mamahaling pabango na amoy rosas. "...huwag kang magkakamaling isipin na dahil niligtas mo ako ay magkaibigan na tayo. You are an employee. Nothing more."
Tumingin si Spencer sa mga mata ni Ally. Sa likod ng katarayan nito, nakita niya ang isang bagay na pamilyar sa kanya—ang takot ng isang taong nakakulong sa isang gintong hawla.
"Opo, Ma'am. Klaro po sa akin. Baston lang po ninyo ako," sagot ni Spencer nang may maliit na ngiti.
"Baston? What do you mean?" kunot-noong tanong ni Ally.
"Sa amin po sa probinsya, ang baston ay proteksyon. Laging nasa likod, pero handang ipukpok sa sinumang gustong manakit sa may-ari," paliwanag ni Spencer.
Sandaling natigilan si Ally. Tiningnan niya ang Josep na ito—madungis pa rin, may kakaibang punto, pero may sinseridad na bihirang makita sa mga taong nakapaligid sa kanya.
"Whatever," matabang na sagot ni Ally bago tumalikod. "Maligo ka na. Ayokong maging amoy palengke ang hallway bukas."
Nang makaalis si Ally, naiwan si Spencer na nakatingin sa folder. Binuksan niya ito at nakita ang iskedyul ng dalaga para sa susunod na linggo. Charity events, political dinners, at mga private meetings.
"The Emperor's daughter. Gagamitin kita para mapabagsak ang ama mo, Allysandra. Pasensya ka na." saad ni Spencer sa isip niya.
Kinaumagahan, maagang nagising si Spencer. Bahagi ng kanyang disguise ang pagiging masipag na probinsyano. Naglinis siya ng sasakyan, tumulong sa pagdidilig ng halaman, at nakipagkwentuhan sa ibang mga guwardiya upang makakalap ng impormasyon.
"Alam niyo, si Congressman, mabait 'yan. Pero huwag na huwag kayong papasok sa Study Room niya sa third floor," bulong ng isang simpleng guwardya lang na nakasabay niya sa kape. "Doon siya nagtatrabaho ng mga 'special' na proyekto. Kahit kaming mga security, bawal doon."
Itinanim ni Spencer ang impormasyong iyon sa kanyang isip. Third floor. Study Room. Iyon ang kanyang target.
Eksaktong alas-nuwebe ng umaga, lumabas si Ally ng mansyon, nakasuot ng isang eleganteng puting dress. Mukha siyang isang anghel, pero ang kanyang mukha ay kasing lamig ng yelo.
"Josep! Let's go. We're going to a foundation event," utos ni Ally.
Sumunod si Spencer, dala ang isang maliit na bag na may lamang gamit niya pero ang totoo ay mga surveillance tools. Habang pinagbubuksan niya ng pinto ng kotse si Ally, nagtama ang kanilang mga mata sa rear-view mirror.
"Bakit ka nakatingin?" tanong ni Ally.
"Wala po, Ma'am. Iniisip ko lang po kung bakit ang lungkot niyo, gayong ang ganda niyo po ngayon," sagot ni Spencer.
Nag-iwas ng tingin si Ally. "Shut up and drive, Josep. O sadyang bodyguard ka lang at hindi marunong magmaneho?"
"Marunong po, Ma'am. Nakapag-drive na po ako ng traktora sa amin," biro ni Spencer bago pinaandar ang sasakyan.
Habang binabagtas nila ang kalsada patungo sa destinasyon, hindi alam ni Ally na ang lalaking nasa harap niya ay hindi lang basta bodyguard. Siya ang taong magdadala sa kanya sa katotohanang baka ikawasak ng buong mundo niya. At si Spencer, sa kabila ng kaniyang misyon, ay nagsisimula nang mapansin na ang target niya ay hindi lang basta isang spoiled brat—kundi isang biktima rin ng sistemang nais niyang sugpuin.
“Iliko mo pa divisoria!” inis na utos ni Spencer kay Vince at agad naman niya itong sinunod. Pagdating sa bungad ng Divisoria, halos mabingi si Vince sa ingay ng paligi. Pasimple ring napatingin si Spencer sa side mirror ng motor at kita niya na huminto si Ally sa di kalayuan sa may poste. “We need to disguise” ani Spencer kay Vince“Disguise?” tanong ni Vince pero hindi siya sinagot ni Spencer at bigla nalang nawala ang seryosong aura ni Spencer at napalitan ng kukuba kubang si Josep.“Dito insan! Dito tayo!” malakas na sigaw ni Spencer kay Vince. Kahit gusto mang matawa ni Vince ay pinigilan na lang niya dahil sa mga oras na ito ay parang misyon na rin sa kanila.“Nakasunod pa rin?” mahinang bulong ni Spencer kay Vince.“Yes, Sir.” sagot naman nito at halos mapatalon si Vince sa gulat ng biglang sumigaw si Spencer."Ala eh, Insan! Kita mo 'yang mga tsinelas na 'yan? Sa Batangas, ang tawag namin diyan ay paratung! Matibay pa sa relasyon n'yo ng ex mo!" malakas na sigaw ni Spencer “
KINABUKASAN… maagang nagising si Spencer upang salubungin ang pag labas ni Congressman Valderama. Maaga kasi ito alis nito ngayon at talagang tinyempuhan ni Spencer para maaga siyang makapag paalam at makaalis.“Oh, ang aga mo yatang nagising?” tanong ni Congressman Valderama ng makita si Spencer na nasa veranda“Ahh… inabangan ko po talaga kayo..” tugon ni Spencer“bakit , may kailangan ka ba, Josep?” tanong nito“Ahh opo… gusto ko po sanang mag day off ngayong araw. Kung ayos lang po sainyo?” saad ni Spencer“Uuwi ka sa probinsya niyo?” tanong ni Congressman Valderama“Ay hindi po. Inaya po kasi ako ng pinsan ko na mag libot po sa manila… kung ayos lang po sainyo? Kung hindi po ayos lang naman po” saad ni Spencer.Matagal na nag isip ang matanda, dahil kung aalis ang binata ay walang magbabantay kay Ally at baka sumumpong ang katigasan ng ulo ng anak at lumabas pa rin kahit na alam nitong dilekado.“Ayos lang naman. Pero iniisip ko lang ay si Allysandra” sagot ng matanda.“Ayos lang
Naiinis na si Ally habang nakatingin sa kisami at sa orasan. Lumalalim na ang gabi pero buhay na buhay pa rin ang dugo niya at hindi man lang siya madalaw ng antok. Dapat ay nagpapahinga na siya ngayon dahil sa nangyari skaniya kanina, pero nanatili pa rin siyang gising dahil hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang pag halik niya kay Spencer.“Arrrrrrrrgh!” inis nitong saad sa sarili habang sabu-sabunot nito ag buhok.“Madam! Gising pa po ba kayo?” napatigil si Ally sa pagbugbog sa sarili ng marinig ang boses ni Manang Fe sa labas ng kuwarto niya. Mabilis niyang inayos ang buhok niya at ang higaan tsaka siya mabilis na tumayo at binuksan ang pinto.“A-ano pong kailangan niyo, Manang Fe?” tanong ni Ally sa matanda.“N-narinig ko po kasi kayo na parang sumisigaw, naghatid po kasi ako ng kape sa kuwarto ng Daddy niyo… akala ko ay naanginip ka” sagot ni Manang Fe.Hindi alam ni Ally kung anong isasagot nito dahil sa hiya, pero dahil hindi siya makatulog ay bigla na lang niyang hinila
Hinawakan ni Spencer ang magkabilang balikat ng amo at narahang itinulak ito. “Ma’am? May sakit po ba kayo?” tanong ni Spencer habang patawa tawa ng mahina, pero sa loob loob niya ay kakaibang kaba at init ang nararamdaman niya.“Idiot! Sige na, bumalik ka na sa quarters mo” irap sakaniya ni Ally at lumabas na ang dalaga habang siya ay naiwan sa loob, tulala at hindi makapaniwala sa ginawa ni Ally.“Lalabas na po ako, ma’am” paalam pa ni Spencer kay Ally at lumabas na ito sa kuwarto ng dalaga.Samantala, hindi naman alam ni Ally ang gagawin niya kundi ang isubsub ang mukha sa kama dahil sa hiya. Hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa utak niya at naisipan niyang halikan ang body guard niya.“Nakakahiyaaaaaa!!” sigaw nito sa sarili habang paulit ulit sa utak niya ang ginawa niya.“No! No! Bakit ko siya hinalikan?! Bakit ako ang naunang nanghalik?!! Tapos.. Tapos, hindi ko man lang naramdaman na gusto niya akong halikan pabalik!” saad pa nito sa sarili na para bang may kausap talaga
Sa loob ng mansyon ng mga Valderama, ang hangin ay mabigat at puno ng tensyon. Si Congressman Froilan Valderama ay hindi mapakali, pabalik-balik ang lakad sa malawak na sala habang hawak ang kaniyang telepono na kanina pa walang sagot. Taranta siya. Galit. At higit sa lahat, takot."Nasaan si Raul?! Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?!" sigaw niya sa kawalan.Nanginig ang kaniyang mga kamay. Ang banta ng Right Hand na nakausap niya kanina ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa kaniyang isip. Nang marinig niya ang tunog ng sasakyan na pumasok sa driveway, mabilis siyang tumakbo palabas. Bumukas ang pinto ng kotse at bumaba si Spencer, buhat-buhat sa kaniyang mga braso si Ally. May malay na ang dalaga, pero ang kaniyang mukha ay maputla at ang kaniyang katawan ay tila walang buto sa sobrang panghihina."Allysandra!" sigaw ni Froilan, akmang lalapit pero agad na nag-alab ang galit niya nang makita si Spencer. "Ikaw! Wala kang kwentang bodyguard! Bakit mo hinayaang makuha ang anak
Nang humupa ang tawanan at habulan, kapwa hingal na naupo sina Ally at Spencer sa isang sementadong bench sa dulo ng garden. Basang-basa ang kanilang mga damit, ang tubig ay tumutulo mula sa dulo ng buhok ni Ally, ngunit sa unang pagkakataon, hindi siya nagrereklamo. Lumingon si Ally sa veranda at napansing wala na roon ang kaniyang ama at si Raul."Josep," mahinang tawag ni Ally, ang kaniyang boses ay seryoso na ngayon. "Magpapaalam ako kay Dad mamaya. Sasabihin ko magshashoping tayo sa mall, pero ang totoo, kailangan nating dumaan sa bangko. Magdedeposito ako ng pera para kay Sister Elena. Hindi sapat ang pagkain nila roon para sa dami ng batang dinala natin kagabi."Tiningnan siya ni Spencer. "Gagawin po natin 'yan, Ma'am. Basta po... mananatili kayo sa tabi ko."Mabilis na kumilos si Spencer para mag bihis dahil paniguradong nag aayos na ngayon si Ally na kanina ay nakaakyat sa kuwarto nito.Nang makapag bihis siya at maidala ng pasikreto ang mgagamit niya ay lumabas na ito sa qu







