Mag-log inNanigas ang buong katawan ni Spencer. Sa dilim ng hallway, ang mga mata ni Ally ay tila mga laser na sumusuri sa bawat galaw niya. Ang distansya sa pagitan nila ay sapat na para marinig niya ang mabilis na tibok ng kaniyang sariling puso.
Bilang isang elite agent, sanay siya sa mga barilan, pero ang mahuli ng isang babaeng nakasuot ng silk pajamas sa gitna ng gabi? Ibang klaseng panganib ito.
"Josep?" muling tawag ni Ally, ang boses ay mas matigas na ngayon. "I asked you a question. Bakit ka nandito sa floor na ito? This is my father's private wing."
Mabilis na nag-reboot ang utak ni Spencer. Sa isang iglap, ay lumapit agad ito kay Ally.
"Naku, Ma'am Ally! Hindi ko po kasi alam saan ang banyo!" bulalas ni Spencer. "Kanina pa po ako ikot nang ikot dito. Ang lalaki po kasi ng mga pinto rito at mukhang pare-pareho!"
Kumunot ang noo ni Ally, halatang hindi pa rin kumbinsido. Hinawakan ni Jospe ang tiyan nito at bahagyang yumuko. Najejerbak po kasi ako Madam…” saad pa ni Spencer
Tumingin si Ally sa kaniya nang may halong pandidiri at inis. Ang hinala sa kaniyang mga mata ay napalitan ng kaniyang karaniwang pagiging matapobre. "The comfort room is on the first floor, you idiot. At huwag kang aakyat dito sa third floor dahil baka barilin ka na lang bigla ng mga security guards ni Dad. Go back downstairs. Now!" inis na bulalas ni Ally. kahit hindi niya naintindihan ang sinabi kanina ni Spencer ay naintindihan naman nito ang paghawak ni Spencer sa tiyan niya.
"Opo, opo! Pasensya na po talaga, Ma'am. Sige po, bababa na ako. Huwag niyo po akong isumbong sa tatay niyo, baka pauwiin ako sa Batangas nang wala sa oras."
Hininga nang malalim si Ally at hinilot ang kaniyang sentido dahil hindi siya makapaniwala na mas may itatanga pa pala itong body guard niya. "Just go, Josep. Your presence is giving me a headache."
Nang makatalikod si Ally at pumasok sa kaniyang sariling silid, huminga nang maluwag si Spencer. Mabilis siyang bumaba sa quarters niya, ang kaniyang isip ay abala sa mga files na na-d******d niya. Ngunit alam niyang kailangan niyang maging mas maingat. Dahil ramdam niya na si Ally, sa kabila ng kaniyang pagiging masungit, ay may matalas na pakiramdam.
Kinaumagahan, bumaba agad si Ally patungo sa quarters ni Spencer upang gisingin ito dahil marami siyang gustong puntahan at gawin ngayong araw.
Agad naman na nagising si Spencer dahil sa malakas na katok sa kaniyang pinto. "Gising na, Josep! We're going to the boutique, then the spa!" sigaw ni Ally mula sa labas.
“Saglit lang madam! Mag bibihis lang po ako!” sigaw naman ni Spencer mula sa loob ng quuarters niya at mabilis na nagbihis siya.
Nang lumabas si Spencer, bumungad sa kaniya ang isang Ally na ubod ng arte. Nakasuot ito ng floral sun dress, malaking sumbrero, at bitbit ang isang maliit na aso na amoy mamahaling shampoo.
"Bitbitin mo ito," utos ni Ally sabay abot kay Spencer ng tatlong malalaking designer bags na wala namang laman kundi ang kaniyang essentials.
"Opo, Ma'am. Pero... para saan po itong aso?" tanong ni Spencer habang tinititigan ang maliit na Pomeranian.
"That's Princess. And you will carry her too if she gets tired of walking. Let's go!"
Buong maghapon, naging alalay si Spencer sa mga luho ni Ally. Sa loob ng boutique, pinanood niya ang dalaga habang nagsusukat ng kung anu-anong damit na lahat naman ay mukhang magkakapareho sa paningin niya.
"Josep, does this make me look fat?" tanong ni Ally habang humaharap sa salamin, suot ang isang mamahaling cocktail dress.
"Naku, Ma'am, sa tingin ko po ay mas bagay sa inyo 'yung kulay asul. Mas mangingibabaw po ang ganda niyo sa ganoong kulay," sagot ni Spencer, na ang totoo ay naiinip na.
"Ts. baka naman binobola mo lang ako!” irap ni Ally, pero pasimple itong napangiti sa salamin.
Sa spa, pinaghintay niya si Spencer sa labas ng tatlong oras. At sa country club, pinagbitbit niya ito ng mga gamit sa tennis habang siya ay nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niyang kasing-arte rin niya.
"Sino 'yan, Ally? Is he your new... driver?" tanong ng isang kaibigan nito, habang nakatingin kay Spencer nang may pandidiri.
Tumingin si Ally kay Spencer. Nakita niyang nakatayo lang ito sa ilalim ng init ng araw, bitbit ang kaniyang mga gamit, pero wala siyang nakikitang reklamo sa mukha nito. Sa halip, nakita niyang pinapakain pa nito ng biskwit ang aso niyang si Princess.
"He's my bodyguard. He saved me from the kidnnapers," sagot ni Ally, ang kaniyang boses ay puno ng kayabangan, pero may bahagi sa kaniyang puso na nakaramdam ng kurot.
“In fairness, he’s cute” saad naman ng isa sa mga kaibigan ni Ally habang malagkit na nakatingin kay Spencer.
Nang matapos ang araw, habang nagmamaneho si Spencer pauwi, napansin niyang tahimik si Ally sa likod. Ang kaniyang katarayan kanina ay tila naglaho, napalitan ng isang malalim na pag-iisip.
"Ma'am, ayos lang po ba kayo? Napagod po ba kayo sa pag tetenis kanina ah?" tanong ni Spencer.
"Hindi. I'm just... I'm just thinking," sagot ni Ally. Tumingin siya kay Spencer sa pamamagitan ng rearview mirror. "Do you think I'm a bad person, Josep? Kasi lahat ng tao rito, kundi natatakot sa akin, ay kinamumuhian ako dahil sa tatay ko."
Natigilan si Spencer. Hindi niya inaasahan ang ganitong klaseng vulnerability mula sa dalaga.
"Paano mo naman nasasabing kinamumuhian ka ng mga tao sa paligid mo dahil sa tatay mo madam? Kung may galit man ang iba sayo ay dahil po siguro sa kasungitan niyo.” sagot ni Spencer kaya naman kita niya sa side mirror ang pag salubong ng kilay ng dalaga kaya natawa ito ng bahagya, at mabilis na inaneho ang sasakyan.
Nang makabalik sila sa mansyon, mabilis na naghanda si Spencer. Alam niyang ito na ang gabi ng operasyon sa Pier 4. Kailangan niyang makawala sa mansyon nang hindi napapansin ng kahit na sino.
Maagang nagising si Ally at lumabas ng kuwarto. Hind na muna niya inistorbo angpagtulog ni Spencer dahil alam niyang masama pa rin ang pakiramdam nito dahil sa mga tinamo nitong sugat, idagdag pa ang ginawa nila kagabi.Naabutan niya sa sala si Vince at ang ama niya na si Cong Valderama. Masayang nagkaakpe, pero ng makita siya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Cong valderama.“San ka natulog?” tanong ni Cong kay Ally.“S-sa kuwarto po, dad”“Katabi mo si Jo–Spencer?” tanong ng matanda at tumango naman si Ally.“May relasyon ba kayo? Anong relasyon niyong dalawa?” sunod sunod na tanong nito kaya napalabi na lang si Ally.“Dad… kung ano mang meoron samin ni Spencer please. Alam ko ang pinapasok ko.” sagot naman ni Ally kaya nangunot ang noo ni Valderama.“He lied to us—”“But he save us. He risk his life to save us Dad.” putol ni Ally sa ama. Kaya nanahimik na lang si Valderama habang si Vince ay tahimik lang sa gilid, pero hindi maikubli ang nagngingiti niyang labi.“Ano bang ngini-ngi
Papasok si Ally sa master bedroom, dahan-dahan ang pagbukas ng pinto. Hawak niya ang malaking first-aid kit na nakita niya sa kabinet kanina. Si Spencer naman ay nakaupo na sa gilid ng malaking kama, hubad ang pang-itaas, at may dugo pa rin ang tumutulo sa gilid ng kanyang braso. Mukha siyang pagod pero matalim pa rin ang titig niya."Spencer, huwag kang aalis dyan," sabi ni Ally habang nilalapitan siya. "Kailangan ko munang linisan 'yan bago pa lumala."Umupo siya sa tabi nito at binuksan ang kit. Kinuha niya ang cotton balls, antiseptic, at gauze. Nanginginig nang bahagya ang mga kamay niya habang tinatanggal ang dugo sa balat ng binata. Mainit ang balat ni Spencer, at ramdam na ramdam niya ang matinding titig nito sa kanyang mukha."Ally..." bulong ni Spencer, mababa at paos na boses nito"Hmm?" sagot niya nang hindi tumitingin, naka-focus sa sugat. Dahan-dahan niyang pinahid ang antiseptic. Napadaing si Spencer pero hindi siya gumalaw. Sa tuwing humihinga siya, ramdam ni Ally ang
Ang katahimikan sa labas ng bahay ay tila naging isang mabigat na pader na humahadlang sa kanilang paghinga. Pagkatapos ng tanong ng Congressman, walang sumagot. Si Spencer ay hindi lumingon; dire-diretso lang ang kaniyang tingin sa pintong kahoy na kinakalawang na ang mga bisagra. Ang tanging sagot niya ay ang tunog ng susi na bahagyang kumalansing nang pasukin niya ang awang ng pinto.Sa bawat hakbang nila papasok, ang bawat kahoy na sahig ay naglalabas ng tunog na tila nagrereklamo sa bigat ng mga taong dumadaan. Ang loob ng bahay ay eksaktong hitsura ng inaasahan: payak at halos walang laman. Isang hapag-kainang kahoy na may apat na upuan na tila kakalas na ang mga paa, isang lumang kalan sa kusina na may bahid ng kalawang, at isang maliit na cabinet na halos wala nang kalaman-laman.Si Vince ay huminto sa gitna ng sala, inikot ang paningin. "Sir... ito lang? Sigurado ka bang ito ang safe house? Masyadong lantad at masyadong... simple."Si Ally ay nanatiling tahimik, ang kaniyang
Ang hangin sa loob ng truck ay puno ng amoy ng lupa at mga sariwang gulay. Ang matandang tsuper ay hindi nagsalita simula pa nang isakay niya ang dalawa. Tanging ang ugong ng makina ng lumang truck ang nagsisilbing musika sa kanilang paglalakbay.Si Spencer ay nakasandal sa gilid ng truck, ang kaniyang mga mata ay bahagyang nakapikit ngunit ang kaniyang pandinig ay nakatutok sa bawat kaluskos sa labas. Ang matandang tsuper, sa kabila ng kaniyang edad, ay nagmamaneho nang may kakaibang bilis at ingat. Alam niya ang bawat liku-liko ng mga liblib na kalsada na hindi alam ng mga patrol cars ng NISA."Salamat," mahinang sabi ni Ally nang huminto sila sa isang madilim na bahagi ng kalsada malapit sa hangganan ng Laguna.Ang matandang tsuper ay hindi lumingon. Bahagya lang siyang tumango, ang kaniyang mga mata ay nakapako pa rin sa kalsada na tila hindi interesado sa kung ano ang ginagawa ng dalawa. "Huwag kayong magpasalamat. Ang ginagawa niyo ay para sa hustisya. Matagal na kaming naghihin
Ang gubat ay hindi lang mga puno, ito ay isang maze ng mga ugat, masukal na damuhan, at mga bangin na nakatago sa ilalim ng makapal na fog. Alas-sais ng umaga. Ang liwanag ay nagsisimula nang tumagos sa mga dahon, ngunit para kina Spencer at Ally, ang liwanag ay kaaway—ito ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga thermal drones ng Orion na makita sila."Dito," bulong ni Spencer.Pinilipit niya ang kaniyang katawan patungo sa ilalim ng isang malaking balete tree. Ang kaniyang paghinga ay mababaw at maputol-putol. Ang bawat hakbang niya ay parang pagpukpok ng martilyo sa kaniyang balikat."Spencer, tumigil na tayo," pakiusap ni Ally. Kinuha niya ang tactical backpack mula sa balikat ni Spencer at ibinaba ito sa lupa. "Tingnan mo ang sarili mo. Namumutla ka na. Kung hindi natin itatahi 'yan nang maayos, mauubusan ka ng dugo bago pa tayo makarating ng kalsada.""Wala tayong oras," sagot ni Spencer, kahit na ang kaniyang paningin ay nagsisimula nang maging malabo."May oras tayo kung gagamit ta
Sa loob ng monitor room, ang mga screen na kanina ay nagpapakita ng payapang hallway ay unti-unting namamatay. Isang glitch na hindi dulot ng kuryente, kundi ng isang sopistikadong electronic warfare."Sir, may nag-inject ng virus sa system natin," sigaw ni Vince, ang kaniyang mga daliri ay mabilis na tumitipa sa keyboard. "Hindi ito NISA. Ang encryption protocol na gamit nila… ito ang lagda ng Orion."Si Spencer, na kasalukuyan pang inaayos ang kaniyang tactical vest, ay agad na napapikit. Ang sugat sa balikat niya ay kumikirot, ngunit mas matindi ang kaba sa kaniyang dibdib. "I-lockdown ang lahat ng exits. Vince, ihanda mo ang sasakyan sa likod. Ally, lumabas ka na dyan!"Bumukas ang pinto. Pumasok si Ally, ang kaniyang mukha ay puno ng matinding kaba ngunit ang kaniyang mga mata ay determinadong nakatingin kay Spencer. "Narinig ko ang alarm. Ano ang nangyayari?""Orion," tipid na sagot ni Spencer habang kinakasa ang kaniyang HK416. "Hindi tayo pwedeng manatili rito. Vince, kung hin







