Share

Chapter 5

Nagtanong ang babae sa kasama nila sa office.

"Where is the office of Chief Marketing Officer?"

Agad na itinuro ito ng napagtanungan ng babae at dumiretso ang babae sa opisina ni Carl.

"Sino kaya yun best?" Tanong ni Ana kay Cristine.

"Ang ganda, parang artista pero mas maganda ka sa kanya best."

"Mukhang papunta sa office ni Sir Carl, mukhang may karibal ka best kay Sir pogi."

Natatawang panunukso ni Ana kay Cristine.

"Hay naku best, tigilan mo nga ako dyan."

"Mas mabuti pa magtrabaho na tayo."

Paibang sagot ni Cristine kay Ana.

Samantala, dumiretso naman ang magandang babae sa opisina ni Carl. Kumatok ito sa pinto.

Tok! Tok! Tok!

"Come in, bukas yan. Tugon ni Carl.

Nagulat si Carl sa nakita niya sa pinto.

"So-Sophia, bakit napadalaw ka?"

"I just want to know where is your office."

Tugon ni Sophia.

"Besides, naiinip din ako sa bahay. Malaki ang bahay tapos ako lang at mga kasambahay ang kasama ko."

"E bakit hindi ka dumalaw sa office ng daddy mo?"

Tanong ni Carl kay Sophia.

"Bakit Carl, ayaw mo ba na nandito ako sa office mo?"

"Hindi naman sa ganun, sabi mo kasi naiinip ka marami ka namang puwedeng puntahan maliban sa office ko."

"Dito ko gustong pumunta, para malaman ko na din kung saan ang office mo. Bakit may tinatago ka ba Carl?"

"W-wala, ano naman ang itatago ko sa'yo? Saka isa pa hindi naman tayo magka-relasyon di ba?"

Parang natauhan si Sophia sa narinig.

"Well, Oo nga naman, wala nga naman pala tayong relasyon. But we are friends di ba?"

"Yeah" tugon ni Carl kay Sophia.

"So, as your friend, may karapatan akong bisitahin ka. Right?"

Hindi alam ni Carl kung anong isasagot kay Sophia dahil lagi itong may dahilan sa mga sinasabi niya.

"Okay, okay, hindi talaga ako mananalo sa'yo."

Tugon ni Carl kay Sophia.

"By the way, what do you want? You want coffee?"

"Coffee na lang Carl."

Tugon ni Sophia.

Habang humihigop ng kape ay nagtanong tanong si Sophia kay Carl tungkol sa office.

"Kumusta ka naman dito Carl sa office?"

"I'm good, mababait ang mga empleyado namin at madali silang sumunod."

"Nice to hear that, it means walang pasaway sa kanila.

"Yes Sophia, kaya nagiging magaan ang trabaho namin dito and maganda din ang aming communication sa isa't-isa."

"Wala ka naman bang nagugustuhan sa mga empleyado dito?"

Tanong ni Sophia kay Carl.

"H-ha? Tila nabiglang sagot ni Carl kay Sophia.

"It's purely business ang focus ko Sophia."

Tugon ni Carl kay Sophia.

"Good, siyempre hindi naman maiiwasan yung may hangaan ka di ba Carl?"

"Yeah, naiilang ng sagot ni Carl kay Sophia.

"Ano ba to'ng babae na to' parang imbestigador magtanong." Sambit ni Carl sa sarili.

"Okay Carl, I have to go na rin, baka kasi naiistorbo na kita sa trabaho mo."

"I-kumusta mo na lang ako sa daddy mo Sophia."

Bilin ni Carl kay Sophia.

"I will Carl." maiksing tugon ni Sophia.

Dumaan muli si Sophia sa aisle na dinaanan nito kanina at napatingin siya kay Cristine.

"Hmmm.. parang may kahawig ang babaeng iyun."

Sabi ni Sophia sa sarili.

"Maganda siya, baka magustuhan siya ni Carl. Sa tingin ko siya na ang pinakamaganda na nakita ko sa office nina Carl."

"Pero hindi naman siguro papatol si Carl sa isang pangkaraniwang empleyado lang."

Natatawang sabi ni Sophia sa sarili.

Samantala, nababahala si Carl sa ugali ni Sophia.

"Masyadong dominante ang babaeng ito. Siguro kapag ito ang nakatuluyan ko ay hahawakan lang ako nito sa leeg."

Nababahalang palagay ni Carl tungkol sa character ni Sophia.

Sa tagpong ito ay pumasok muli sa isipan niya si Cristine.

"Ibang-iba ang nakikita ko kay Cristine. Mabait, mapagkumbaba at masipag si Cristine."

"Mas madaling mahalin si Cristine kaysa kay Sophia."

"Hay, bakit si Cristine na naman ang pumapasok sa isip ko?"

Nagtatakang tanong ni Carl sa sarili habang nakatanaw sa salamin ng kanyang opisina.

Habang lumilipas ang panahon ay lumalaki din ang pagkakaroon ng interes ni Carl kay Cristine.

"May boyfriend na kaya si Cristine?"

Tanong ni Carl sa sarili.

"Kung yayain ko kaya siyang kumain sa labas?"

"Tama, makikipag-kaibigan ako kay Cristine."

Pinatawag ni Carl si Al para papuntahin si Cristine sa opisina niya.

"Cristine, pinapatawag ka ni Sir Carl sa office niya."

Sabi ni Al kay Cristine.

"Ha? Bakit daw po Sir Al?" Tila nagtatakang tanong ni Cristine kay Al.

"I don't know, siguro puntahan mo na lang."

Tugon ni Al.

"Okay Sir, susunod na po ako."

"Bakit kaya ako pinapatawag ni Sir Carl?"

Tila kinakabahang sabi ni Cristine sa sarili.

Tumayo si Cristine at nagsimulang magtungo sa opisina ni Carl.

Tok! Tok! Tok!

"Come in." Tugon ni Carl.

"Sir, pinapatawag n'yo daw po ako?"

"Yeah Cristine, may ilang katanungan lang ako sa'yo."

"Ano po yun Sir?"

"Gaano ka na katagal sa kumpanya?"

"Four years na rin po Sir."

"Okay, ayon naman sa record mo bihira kang umabsent."

"Totoo ba yun?

"Opo Sir, sagot ni Cristine.

"Do you have a past relationships sa four years mo dito sa kumpanya?"

Napaisip si Cristine sa tanong ni Carl. Nagtaka siya, kasama ba yun sa work?

"W-wala po Sir, hindi ko po priority ang mag-boyfriend dahil ang focus ko po ay ang aking pamilya."

Tugon ni Cristine sa tanong ni Carl.

"Good." Tila nabiglang sagot ni Carl kay Cristine.

"Ano po Sir?" Nagulat si Cristine sa sagot ni Carl.

"Ah, A-ang ibig kong sabihin ay kasama naman yun sa pagta-trabaho di ba? Minsan abala ang relasyon sa work."

Pagpapalusot ni Carl sa tanong ni Cristine.

Nag-umpisa ng ma-weirduhan si Cristine sa sinasabi ni Carl. Pero hindi siya nagpahalata.

"Ano ba talaga ang pakay nito sa akin?"

Tanong ni Cristine sa sarili.

"Gusto ko sanang makipag-kaibigan sa'yo."

Wala ng patumpik-tumpik na sabi ni Carl kay Cristine.

"Bakit po Sir?" Tila naguguluhang tanong ni Cristine kay Carl.

"Well, siyempre, kailangan yun bilang ako na leader ng Marketing at ikaw naman ay assistant ko."

"Wala naman pong problema yun Sir."

Tugon ni Cristine kay Carl.

"So, p-puwede ba kitang ayain na kumain sa labas?"

Kinakabahan na tanong ni Carl kay Cristine.

"A-ano po?" Nagulat na tanong ni Cristine kay Carl.

"Mayron lang tayong pag-uusapan tungkol sa Marketing."

"Kung tungkol po sa work okay lang po Sir."

Tugon ni Cristine kay Carl na medyo naguguluhan pa rin sa kinikilos ni Carl.

"Okay, well, siguro pag out natin sa office mamaya sabay na tayo. Sa kotse ko na ikaw sumakay."

"Okay, puwede ka ng bumalik sa iyong table."

"O-okay po Sir." Naguguluhan pa ring sagot ni Cristine kay Carl.

Pagbalik ni Cristine sa kanyang lamesa ay agad siyang tinanong ni Ana.

"Best, ano na? Bakit ka pinatawag ni Sir pogi?"

"A-ano kasi best." Hindi masabi ni Cristine kay Ana ang sinabi sa kanya ni Carl dahil alam niya tutuksuhin siya ng kaibigan.

"Ano nga?" Pangungulit ni Ana.

"Inaaya kasi ako ni Sir Carl na kumain mamaya sa labas pagkatapos ng work."

"Ano!?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Ana kay Cristine.

"Bakit daw?" Pag-uusisa ni Ana kay Cristine.

"Kasama daw yun bilang siya na leader at ako naman bilang assistant sa Marketing."

"Kinikilig naman ako sa inyo best."

"Anong kinikilig ka dyan? Tungkol lang sa work yun at wala ng iba pa."

Sagot ni Cristine kay Ana.

"Baka yan na ang umpisa ng inyong matamis na pagtitinginan ni Sir Carl."

"Hay naku best, tumigil ka nga dyan at baka may makarinig sa'yo dyan at ano pa isipin."

"Basta best, I'm happy for you."

May panunuksong sabi ni Ana kay Cristine.

"Happy ka dyan." Naiinis na sabi ni Cristine kay Ana.

"Bakit nga kaya ginagawa ito ni Sir Carl?" Tila nagtataka pa rin na tanong ni Cristine sa sarili.

Dumating ang uwian at naghintay si Cristine sa exit ng parking area ng building.

"Cristine, tara na." bungad na sabi sa kanya ni Carl sa loob ng kotse.

Hindi agad nakakilos si Cristine dahil sa isip niya ay may pag-aalinlangan pa siya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status