Share

Chapter 3

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Ana at sumakay ng bus patungo sa direksyon ng EDSA.

"Best, O paano dito na ako, ingat ka."

Paalam sa akin ni Ana.

"Okay best, ingat ka rin."

Pabalik na pagpapaalam ko kay Ana. Medyo malayo pa ang aking byahe samantalang si Ana naman ay sa Mandaluyong nakatira sa isang apartment kasama ang iba niyang mga kapatid. Nasa probinsya ang kanilang mga magulang sa Ormoc at sila ng kanyang mga kapatid ang nagtataguyod sa kanilang pamilya.

Pagkatapos ng mahabang byahe ay naka-uwi na din ako. Nadatnan ko si Joshua na naka-upo sa labas ng bahay kaya tinanong ko siya.

"Bakit nandyan ka at parang may iniisip?"

Tanong ko kay Joshua.

"Kasi ate may nagugustuhan ako sa school."

Pagtatapat sa akin ni Joshua.

"Alam mo Joshua yang love makakapaghintay yan." 'Bata ka pa, at dapat na inuuna mo ay ang pag-aaral, maganda na sa pag-aaral mo muna ituon ang iyong atensyon kaysa sa babae na nagugustuhan mo. Ngayon kung tapos ka na sa pag-aaral at nasa tamang edad na ay saka mo isipin yang love love na yan."

Payo ko sa aming nakababatang kapatid na si Joshua.

"Ganun ba ate, kung sabagay gusto ko din muna makatulong sa pamilya natin lalo na kay tatay dahil may sakit siya."

"Tama yan bunso, at yan muna ang priority natin sa ngayon."

Dugtong ko pa kay Joshua.

"Salamat ate sa magandang payo mo sa akin."

"Ikaw pa, malakas ka sa akin eh."

Pabirong sabi ko kay Joshua.

"Pumasok na tayo sa loob at sabay-sabay na tayong maghapunan."

Pagyaya ko kay Joshua.

Kinabukasan ay nagmamadali akong pumasok dahil mali-late na ako sa trabaho ng dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko ang isang lalake sa lobby ng building.

Tug! "Aray ko," napatingin ako sa mukha ng lalake at napatingin din siya sa mukha ko. Matangkad siya at gwapo. Pero nakita ko sa mukha niya na medyo nainis siya dahil sa pagkakabangga ko sa kanya.

"You better watch your way miss."

Medyo inis na salita niya sa akin.

"Pasensya na po Sir."

Nagpakumbaba pa rin ako kahit na ako ang nasaktan.

"Ang sungit naman nito, ako na nga ang nasaktan dahil sa laki niya, hindi pa humingi ng sorry."

Dumiretso na ako sa opisina at kahit medyo nainis din ay nagpatuloy na lang ako sa pagta-trabaho. Maya-maya pa ay napansin pala ni Ana na medyo nakasimangot ako.

"O best, bakit parang hindi yata okay yung mood mo ngayon?

Tanong ni Ana sa akin.

"Paano kasi best kanina habang papasok ako sa elevator paakyat dito sa office ay may nabangga akong lalake, malaki siyang lalake at gwapo. Biruin mo ako na ang nasaktan ako pa ang sinungitan ang sabi sa akin tingnan ko daw ang nilalakaran ko."

"Ha? Grabe naman yung lalake na yun, ' hindi siya gentleman, ikaw na nga ang nasaktan dahil nabangga ka niya ikaw pa ang pinagalitan?

Medyo inis din na sagot sa akin ni Ana.

"Namukhaan mo ba yung lalake best?'

Tanong sa akin ni Ana.

"Hindi best, pero pag nakita ko siya ulit ay makikilala ko siya."

Maya-maya pa ay dumating si Sir Al at may kasamang matangkad na lalake. Habang papalapit sila ng papalapit ay nakikilala ko ang kasama niya.

"Sabi ko sa sarili ko, ito yung nakabangga sa akin kanina sa lobby na sinungitan ako, anong ginagawa nito dito?'

Nagtatakang pagtatanong ko sa aking sarili.nilapitan ko si Ana na natulala na sa nakita niyang lalake. Siniko ko siya sa braso para mapansin niya ako.

"Ano yun?' tanong sa akin ni Ana na naistorbo ko yata sa kakatitig sa lalake.

"Yan yung nakabangga sa akin."

Sumbong ko sa kanya.

"Ano?' "siya yun?" "Ang gwapo nga niya best at mukhang mabango." "E sino naman kaya ito at kasama siya ng head natin na si boss Al?'

Maya-maya ay nagsalita si Sir Al.

"Okay guys, I want you to meet Sir Carl Montreal."

"Siya ang nag-iisang anak ng ating CEO."

Pakilala ni Sir Al kay Sir Carl.

Nagulat kami ni Ana at parang hindi makapaniwala.

"Best, anak pala ng CEO natin yung nakabangga sa'yo."

Sabi ni Ana.

"Kaya pala masungit at parang matapobre."

Tugon ko naman kay Ana.

"Gusto kong malaman ninyo na siya ang magiging Chief Marketing Officer natin."

Pagpapatuloy pa ni Sir Al.

"Okay, you can back to your respective place at ipapakita ko lang kay Sir Carl yung ibang part ng ating opisina."

Pagbibilin pa ni Sir Al.

"Siya na pala ang magiging CMO natin best."

Ang sabi ni Ana sa akin.

"May pagka-masungit pa naman."

Tugon ko kay Ana.

"Oo nga, gwapo sana kaya lang masungit."

Dugtong ni Ana.

Habang nag-iikot sina Sir Al at Sir Carl ay tinanong ni Sir Carl kung kumusta ang mga empleyado.

"Al, kumusta naman ang mga employees natin?"

Tanong ni Sir Carl.

"Okay naman po sila Sir Carl,"

Tugon ni Sir Al.

"Kanina nga pala ay may nakabangga sa akin na babae at maganda siya," "Marahil ay dito din siya nagta-trabaho."

"Ah, yes, Sir Carl, "baka po ang tinutukoy ninyo ay si Cristine Santos.. siya po kasi ang pinakamaganda dito sa opisina."

Hmmm.. "matagal na ba siya dito?"

Tanong ni Sir Carl.

"Ah, Opo, siguro po ay nasa 4 na taon na po siya dito sa opisina."

Pagku-kwento ni Sir Al kay Sir Carl.

"Okay, I want the list of our employees, yung mga pangalan nila, okay ba yun Al?"

"Okay po Sir Carl."

Sagot ni Sir Al.

"Kailangan ko din kasing bumuo ng team para sa Marketing."

Pagpapaliwanag ni Sir Carl.

"Okay po Sir Carl, maya-maya po ay ipapadala ko po sa inyo yung listahan sa inyong opisina."

"That's good Al."

Tugon ni Sir Carl.

Samantala ay sabay naman ulit na nag lunch sina Cristine at Ana.

"Best, Mukhang istrikto yung anak ng CEO natin no."

Pagku-kwento ni Ana kay Cristine.

"Oo nga best, pero siguro ay gusto lang niya na maging maayos ang trabaho kaya ganun siya.

Ang sagot ko naman kay Ana.

"Mayron na kayang girlfriend si Sir Carl?"

Tanong ni Ana sa akin.

"Siguro mayron na, kasi tingnan mo naman siya, gwapo, mayaman at simpatiko, sigurado ako na ang girlfriend ni Sir Carl ay mayaman din at maganda.syempre pipili din siya ng kagaya nila."

Sagot ko sa tanong ni Ana sa akin.

"Sabagay best tama ka, hindi pipili si Sir Carl ng mababang klase ng babae para sa kanya, syempre pipiliin niya ay yung katulad niya."

"Pero malay mo best, kung halimbawa ay wala pang girlfriend si Sir Carl ay magustuhan ka niya kasi ikaw ang pinakamaganda sa opisina natin."

"Hay naku best, malabo pa sa sabaw ng pusit yang mga sinasabi mo sa akin."

Pagkontra ko sa mga sinasabi ni Ana.

"Pero imposible ba yun best? E maganda ka naman.. lugi pa ba sa'yo si Sir Carl?"

May panunuksong pilit ni Ana.

"Ah, basta best, wala pa yan sa priority ko sa ngayon, yang love na yan darating na lang yan.. ang importante pa sa akin ngayon ay ang aking pamilya."

Sagot ko kay Ana.

"Okay best."

Sagot ni Ana na parang kumbinsido sa sinabi ko.

Pagbalik sa opisina ay may announcement si Sir Al sa amin.

"Okay guys, makinig kayong mabuti, gusto ni Sir Carl na bumuo ng team para sa Marketing ng ating kumpanya, hinihingi niya ang listahan ng inyong pangalan para mapagpilian niya.' Sa mga susunod na araw ay ipapatawag niya ang mga napili niya para sa Marketing team. Maliwanag ba yun?"

"Opo Sir Al."

Tugon namin kay Sir Al.

"Best, baka mapili ka ni Sir Carl."

Sabi sa akin ni Ana.

"Hindi naman natin sigurado kung mapipili ako." Isa pa maraming deserving dyan na mas maganda ang school na pinagtapusan at mas maganda ang kurso."

Sagot ko kay Ana.

"Siguro nga best, pero ang lamang mo sa kanila ay ang iyong ganda."

Pagmamalaki sa akin ni Ana.

"Hindi naman yan pagandahan best."

Ang sabi ko kay Ana.

Lumipas ang 2 araw at may mga pangalan ng pinatawag sa opisina ni Sir Carl.Marahil ay ito na yung mga napili niya. 2 kasama ko na ang tinawag at nagulat ako ng banggitin ang pangatlo.

"Cristine, pumunta ka daw sa office ni Sir Carl."

Pagtawag sa akin ni Sir Al.

"Best, sabi ko sa iyo di ba pipiliin ka ni Sir Carl."

Masayang sabi sa akin ni Ana.

Tumayo ako sa aking upuan at nagsimulang lumakad patungo sa opisina ni Sir Carl. Pagdating ko sa pintuan ng opisina ni Sir Carl ay kumatok ako.

Tok! Tok! Tok!

"Come in."

Sagot ni Sir Carl.

"So, ikaw pala si Cristine, tinitingnan ko ang mga Credentials mo at nakita ko naman na okay naman." "Gaano ka na pala katagal dito sa kumpanya?"

Tanong ni Sir Carl.

"A-apat na taon na po Sir."

Tugon ko kay Sir Carl.

"Kung kukunin ba kita sa team ko sa Marketing ay makakaya mo ang trabaho?"

Tanong ulit ni Sir Carl.

"O-opo Sir, magagawa ko po yan ng maayos."

Sagot ko kay Sir Carl.

"Good," "yan ang gusto ko, yung confident na sagot."

Tila namamanghang tugon ni Sir Carl sa akin.

"May boyfriend ka na ba Cristine?"

Nagulat ako sa tanong ni Sir Carl.

"W-wala po, kasama po ba yan sa interview Sir?"

Nagtatakang tanong ko kay Sir Carl.

"Oo naman, alam mo naman medyo distractive ang relationship sa trabaho, lalo kapag may problema kayo ng ka-relasyon mo."

Tinugon ko ng pagtango si Sir Carl.

"Okay, I think we're done, ipapatawag na lang ulit kita kapag buo na ang team."

Pagpapaalala ni Sir Carl sa akin.

"Okay po Sir, tutuloy na po ako."

Pagpapaalam ko kay Sir Carl.

"Wait, one thing, parang may kamukha ka."

Nag-iisip at nagtatakang sabi ni Sir Carl.

"Sino po Sir?"

Ang balik kong tanong kay Sir Carl.

"Never mind, baka dati kong kakilala, you may go na Cristine."

Nagugulimihanan na sagot ni Sir Carl.

"Salamat po Sir."

Pagpapa-alam ko kay Sir Carl.

Habang nasa opisina niya ay nag-iisip si Sir Carl.

"Parang may kahawig nga siya, sino kaya?"

Pagtatanong ni Sir Carl sa sarili.

"Maganda siya, at totoo kaya yung sinabi niya na wala pa siyang boyfriend?"

"Mukha siyang matalino at mabait, humahanga na yata ako kay Cristine."

Pag-amin ni Sir Carl sa sarili.

Hanggang sa pag-uwi ay nasa isip pa rin ni Sir Carl si Cristine.

Pagbaba ng kotse ay agad siyang dumiretso sa loob ng bahay at sinalubong siya ng kanyang mommy na si Carmela Motreal. Siya ang CEO ng kumpanyang pinagta-trabahuan ni Cristine.

"Kumusta Carl?"

Bungad na tanong ni Carmela kay Carl.

"Okay naman po mommy."

Sagot ni Carl.

Biglang naaalala ni Carl si Cristine ng makita niya ang kanyang mommy. Hindi siya puwedeng magkamali, malaki ang hawig ng kanyang mommy Carmela kay Cristine.

"Mom, may nakita akong empleyado sa ating kumpanya na malaki ang hawig sa'yo."

"Ha? A-ano?"

Biglang tanong ni Carmela kay Carl.

"Hindi kaya siya ang nawawala ninyong anak ni daddy?"

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ni Carmela sa sinabi ni Carl.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status