Share

Chapter 009

Author: Rachel
last update Huling Na-update: 2024-06-30 20:31:41

“Jerry! Babe!”

Halos mabingi si Ahtisa sa sigaw ng babae na di kalayuan sa harap niya.

Masakit ang katawan niya mula sa pagkakabangga sa kasalubong ngunit mas nakakairita at mas masakit sa tenga ang tili ng babae di kalaylan sa kanyang harapan.

Agad siyang nag-angat ng tingin, iyon ay upang mabigla lamang nang makilala ang kaharap.

“Alona?”

Tulad niya ay nabigla din ito nang mapgtanto kung sino siya.

“Ahtisa? Ikaw ba yan?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

“Alona?” Halos kasabay nito na nagulat din siya sa kaharap.

“Ikaw nga.” Masayang pagkumpirma nito sabay hila sa braso niya para makatayo ng maayos. Pagkatayo niya ng maayos, agad na ipinakilala sa kanya ang asawa nito na noon ay hinahamig ang sarili habang hila-hila pa rin ang tali ng aso.

“Asawa ko nga pala, si Jerry.”

Agad na napatingin siya sa gawi ng lalaki na saktong lumingon din sa kanya pagkarinig ng pagppakilala sa kanya nito dito.

“Hi”, halos nagkoro pa ang dalawa.

“Ayos ka lang ba?” Tanong
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Unwanted Love   Chapter 025

    Ilang araw na ang nakalilipas subalit hindi pa rin maalis sa isipan ni Ahtisa ang mga sinabi ni Maverick sa kanya na mahal siya nito. Sa mga ipinapakita ng binata ay nararamdaman naman niya na totoo ang sinasabi nito. Nakikita niya ang mga pagsisikap nito na mapalapit sa kanya at sa kanyang mga magulang. Hindi rin ito nagkukulang Sa pag-aalaga sa kanya at palaging inaalala ang kanyang ipunagbubuntis. Kulang na lang talaga ay ito na ang maging ama nito. Kung ito ang pagbabasehan, walang dahilan para hindi siya mainlove dito. Napakagwapo nito at may mała-Adonis na katawan sa Pagkaperpekto ng hubog ng mga muscles, makalaglag panty, ika nga. Ang problema, masyado itong mabilis without asking permission at palaging ipinipilit ang kanyang gusto ng hindi iniisip ang kanyang damdamin. Madalas nga na hindi na nito pinapakinggan ang mga nais niya at kung ano ang gusto nito ay iyon ang masusunod. Masyado itong bossy kaya pakiramdam niya ay magiging preso siya kung ito ang makakatuluyan niya. Ida

  • My Unwanted Love   Chapter 024

    Agad na ngang lumipat ang kanyang mga magulang, kasama siya sa condo ng binata. Dahil sa mahaba at palipat-lipat na lugar ay napagod ng husto ang kanyang mga magulang kaya matapos kumain ng hapunan ay pinatulog na niya agad ang mga ito, habang siya naman ay naroon pa rin at itinutuloy ang pag-ayos ng kanilang mga gamit. Isinasalansan niya iyon sa cabinet na ipinagamit sa kanila ni Maverick. “Magpahinga ka na. Magpapatawag ako ng maids bukas para sila ang gumawa niyan.” Nagulat pa siya sa tinig na bigla na lang narinig mula sa kanyang likuran. “Bakit mo ba talaga ginagawa ito?” Ang sa halip ay tugon niya dito. “Nagalit na ang daddy mo sa iyo. Sila İnay at Itay tiwalang tiwala sa iyo. Sa tingin mo anong mararamdaman nila kapag nalaman nila na hindi Ikaw ang tunay na a…” Pagkarinig ay agad na tinakpan ni Maverick ng palad nito ang bibig niya. “Kapag inulit mo pa yan lips ko na ang tatakip sa labi mo.” Pagbabanta nito. “Subukan mo para may mag-asawang sampal ka sa akin.” Pal

  • My Unwanted Love   Chapter 023

    Halos makabangga pa ni Ahtisa si Alona pag labas niya sa elevator sa first floor na sakto naman sa pagpasok nito. “Ahtisa?” Gulat pa ito at tila nagtataka. “Ilang minuto na lang malelate na tayo. Saan ka pupunta?” “Sige na umakyat ka na, baka malate ka, mag-usap na lang tayo mamaya, tatawagan kita.” Ang sa halip na tugon niya dito. Magsasalita pa sana ito nang may pumasok na ibang empleyado na hindi naman nila kilala dahil malamang ay sa ibang floor ito nagtatrabaho. Napakalaki ng building na iyon at halos di magpangita ang mga empleyado kaya kung sa ibang floor nakaassign ay hindi talaga magkakakilala. Liban na lang siguro kung manager o may position na mataas at syempre kung Ikaw ang may-ari, dahil talagang kailangan mong kilalanin ang lahat ng tao sa loob ng company lalo na sa mga nasasakupang department. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na sya. Naiwan ang ibang sakay nito na sa palagay niya ay sa mas mataas na floor nagtatrabaho. Nagulat pa si Alona pagbukas ng

  • My Unwanted Love   Chapter 022

    “Tay, nay hin…” Gusto niyang tutulan ang mga binitiwan ng lalaki subalit mabilis nitong naagaw ang sasabihin niya at mas ikinagimbal niya ang sumunod nitong sinabi. “Ako rin po ang tatay ng magiging anak namin.” Nagkatinginan ang mag-asawa sabay bato ng mga gulat at nagtatanong na mga mata sa kanya. “Buntis ka?” Halos magkoro pa ang mga ito. Hindi siya agad nakasagot, sa halip ibinaling niya ang tingin sa binata na noon ay nakatingin na rin sa kanya at tila ba nagtatanong at nagtataka. Marahil ay hindi rin nito inaasahan na hindi pa pala alam ng kanyang mga magulang ang pagdadalantao niya. Nagtitigan sila. Gusto nyang ipakita ang panlilisik ng mga mata sa galit dito, subalit nakamasid ang kanyang mga magulang kaya kinalma niya ang sarili at inisip niyang ayunan muna ang binata. Nginitian niya ito at tila ba nag-uusap at nagkakaunawaan ang kanilang mga mata habang magkahinang. Muli syang humarap sa mga magulang. “O…opo nay, tay, pasensya na po, hindi ko agad nasabi.”

  • My Unwanted Love   Chapter 021

    Nang marinig ni Maverick na papasyalan ni Ahtisa ang mga magulang sa hospital matapos ang trabaho, mula sa usapan nila ni Alona ay nagpasya siyang sundan ito ng palihim. Gamit ang kanyang motor, lihim niyang sinundan ang bus na sinakyan ng dalaga, hanggang sa bumaba ito sa bus stop na malapit sa isang private hospital. Nagkubli siya sa waiting shed sa kabillang bahagi ng kalsada. Nakita niyang dumaan ito sa isang restaurant at pumasok doon. Makalipas ang ilang minuto, lumabas din itong may bitbit na. Nang makita niyang pumasok na ito sa loob ng facility, saglit niyang iniwan ang motor upang masundan ito ng palihim. Aalamin niya ang kinaroroonan ng mga magulang nito. Hindi siya lumalapit sa dalaga, ngunit hindi niya hinagayaang makawala ito sa paningin niya. Nang pumasok na ito sa isang private room ay nag-abang lang siya sa malapit, ngunit tagong bahagi ng hospital. Sa loob ng private room ay masayang masaya ang kanyang mga magulang na makita si Ahtisa sa kanyang sorpresang pag

  • My Unwanted Love   Chapter 020

    Nakahinga ng maluwag si Ahtisa nang magpaalam na ang binata. Hindi pa natatapos ang gulo sa buhay niya ay may nagbabadya na namang dumating. Maganda sana ang offer ng binata dahil isa iyong win-win situation para sa kanya, subalit natatakot siya sa parents nito, lalo na sa tatay nito na amo rin niya. ‘Alam kong mailalabas ko ng hospital si tatay nang hindi nangangailangan ng tulong ng ibang tao lalo na iyong may kapalit ng mahal.’ Bigla siyang napatingin sa kanyang tiyan. “Alam kong wala kang kasalanan. Pero ipapangako ko sa iyo na di ako titigil hangga’t hindi nagbabayad ng malaki ang demonyo mong ama, saan nang lupalop siya naroon at sinuman siya, at ang magaling kong kaibigan. Pagbabayarin ko sila ng mahal.” Malakas niyang isinatinig habang hinahaplos ang impis pang tiyan. Pagbalik ni Maverick sa mansiyon ay wala na ang mga bisita ng mga magulang, subalit ang mga ito ay nakaupo sa sala at naghihintay sa kanya. “Saan ka nanggaling? Sa babaeng nabuntis mo?” Ang kanyan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status