Share

Chapter 74

NANINIWALA NA SI Veron na ang masamang damo ay matagal mamatay. Napatunayan niya iyon sa kalagayang natamo ni Mr. Thurn dahil nakikipaglaban pa rin ang katawan nito mula sa tadtad ng balang natamo mula sa sariling pamangkin. Hindi niya akalaing mabubuhay pa rin ang matanda sa kabila ng lahat ngunit ipinagpapasalamat pa rin iyon ni Veron dahil may pagkakataon siyang matunghayan kung paano nito pagbayaran ang mga kasalanan sa piitan kung sakaling gumaling na ito.

Ang buong Gem Secret Agency Association ang nagpagamot sa tatlong importanteng tao na lubhang naapektuhan ng sagupaang naganap. Sina Mr. Thurn, Skyler at higit sa lahat ay si Ynzo. Buong akala ni Veron ay maayos na ang kalagayan ni Ynzo dahil dadalawang bala lang naman ang natanggap nito ngunit laking kaguluhan ng lahat nang mawalan ng malay tao ang kaniyang asawa habang dinadala ito sa ospital. Unang naisip niya ay umaarte lang ang lalaki ngunit napatunayan iyon nang maramdamang halos humina na ang pintig ng pulso nito nang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status