Share

Chapter three

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-04-01 16:16:52

Habang lumalalim ang gabi sa Makati, hindi maalis sa isip ni Amara ang listahan ng mga events na kailangan nilang daluhan bilang engaged couple. Charity gala, business mixers, art exhibitions—sunod-sunod. Para sa kanya, bawat isa ay parang malaking eksamen. Paano ngumiti nang tama? Paano makipag-usap nang natural? Paano hindi mapansin ang kaba sa dibdib habang nakatingin sa kanila ang maraming mata?

Sa totoo lang, si Amara ay hindi sanay sa ganitong mundo. Hindi siya tulad ni Athena na parang isinilang sa spotlight. Kaya bawat hakbang, bawat gestura, bawat salita ay pilit niyang ini-adjust. At habang ginagawa niya iyon, iniisip niya rin ang batang lihim niyang dinadala sa mundo—isang sikreto na nagiging dahilan para mas maging maingat at matino sa bawat kilos.

Ngunit sa kabila ng kaba, pinilit niyang manatiling kalmado. Pinilit niyang maging “Althea” sa panlabas, kahit sa loob, ang puso niya ay nag-aalab ng kaba at pagtataka sa sarili. Kung may nakakaalam ng totoo niyang sarili, baka magulat sila. O baka masira ang imahe niyang kinakailangan nilang ipakita sa publiko. Kaya siya’y nagpakumbaba, ngumiti nang malawak, at nakipagpalitan ng mga formal na bati sa mga bisita.

Si Ethan naman ay tahimik lang, ngunit hindi palampasin ang bawat kilos ni Athea. Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang tensyon sa paligid niya. Ang babae sa harap niya—parang Althea—iba sa nakilala niyang Althea noon. Mas simple, mas natural, mas… totoo. At mas lalo siyang naaakit sa bawat maliit na bagay na ginagawa nito.

Habang naglalakad sila papasok sa hotel para sa charity gala, napansin ni Ethan kung paano mahigpit na hawak ni Amara ang braso niya. Sa nakagawiang si Althea dati ang nauuna, confident, halos parang may-ari ng lugar, si Althea ngayon ay naglalakad nang tahimik, nakangiti, ngunit may halong kaba sa mga mata. Hindi niya maipaliwanag, pero may gusto siyang protektahan sa babaeng ito.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Ethan, yumuko ng kaunti para marinig siya ng maayos.

Mabilis na ngumiti si Amara. “Yes… okay lang.”

Ngunit alam ni Ethan na may kaba sa boses nito. Sa halip na magsalita pa, hinawakan niya nang mas maayos ang kamay nito habang magkasabay silang pumapasok sa loob ng ballroom. May pakiramdam siyang dapat siyang protektahan ang babae—kahit wala siyang paliwanag kung bakit.

Pagpasok nila sa ballroom, sinalubong sila ng mga taong nakasuot ng magagarang damit. Isa-isa silang kinausap, kinabati sa engagement. Napapangiti si Amara sa bawat pagkikita sa kanila, ngunit paminsan-minsan, napapatingin siya kay Ethan na parang humihingi ng tulong sa mga kaswal na usapan. Napansin iyon ni Ethan at hindi niya maiwasang mapangiti.

“Iba ka ngayon,” biglang sabi niya habang sandaling nakalayo sila sa crowd.

Napatingin si Amara sa kanya. “Ha?”

“Mas tahimik ka. Dati, ikaw ang nagdadala ng usapan sa bawat event.”

Sandaling natigilan si Amara, kinabahan sa sinabi ni Ethan. “Nagbabago ang tao,” sagot niya, pilit na ngumiti.

Tahimik na tumango si Ethan, ngunit hindi siya kumbinsido. Habang tumatagal ang gabi, mas lalo niyang napapansin ang mga detalye tungkol kay Althea: mas maingat ito sa pananalita, mas magalang sa staff, at may mga sandaling nakikita niya itong nagte-thank you sa mga waiter o organizer—isang bagay na hindi niya nakita kay Athena noon.

Isang maliit na insidente ang lalong nagpatindi sa kanyang pagtingin. May batang anak ng isang bisita na nahulog ang hawak na laruan. Bago pa man kumilos ang sinuman, agad na yumuko si Amara at pinulot ito, iniabot sa bata nang may ngiti. “Here,” sabi niya. “You dropped this.”

Ang mukha ng bata ay nagliwanag sa tuwa. “Thank you, ate!”

Ngumiti rin si Amara nang mas totoo—hindi iyong pang-social smile lang. Napatingin si Ethan at may hindi niya maipaliwanag na lungkot at init sa dibdib niya. Hindi ito Athena; hindi ito ang babae na kilala niya noon.

Habang nag-uusap ang mga bisita sa paligid nila, hindi maalis ni Ethan ang tingin kay Amara. Ang bawat kilos nito, bawat titig, bawat simpleng smile ay para bang may magnet na hindi niya mapigilan.

Maya-maya, lumapit ang isang matandang babae na kilala ni Ethan sa mundo ng negosyo. “Ethan, congratulations. You chose well.”

Ngumiti si Ethan. “Thank you.”

Tumingin ang babae kay Amara. “You look different tonight.”

Sandaling natigilan si Amara, ngunit ngumiti pa rin. “In a good way, I hope.”

Tumawa ang matanda. “Yes. Much better.”

Pagkatapos umalis, napatingin si Ethan kay Amara. “See? People notice.”

Bahagyang napakunot ang noo ni Amara. “Notice what?”

“Na iba ka ngayon.”

Hindi alam ni Amara kung bakit, pero bumilis ang tibok ng puso niya. Sandaling nagkatitigan sila bago siya umiwas ng tingin. Hindi niya maintindihan, pero may kakaibang tensyon sa pagitan nila.

Sa isip ni Ethan, mas lalo siyang nalilito. Kilala niya si Athea, at sigurado siya doon. Ngunit habang kasama niya si Amara, pakiramdam niya ay may ibang babaeng nakikilala siya—isang babaeng mas natural, mas genuine, mas malapit sa puso niya kaysa dati.

Habang lumalalim ang gabi, nagsimula na ang formal program ng event. Umupo sila sa isang mesa kasama ang ibang guests. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila ni Amara—simpleng usapan lang tungkol sa pagkain, venue, at mga tao. Ngunit bawat sagot ni Amara ay may kakaibang warmth, isang pagiging genuine na hindi niya nakita kay Athena noon.

“You're really different,” sabi ni Ethan bigla, sa isang sandaling tahimik.

Napatingin si Amara. “Bad different?”

Umiling si Ethan. “Better.”

Hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon, pero totoo iyon. Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ay mas gusto niya ang babaeng ito kaysa sa dati niyang girlfriend.

Si Amara naman ay pilit na pinapakalma ang sarili. Habang tumatagal ang oras sa tabi ni Ethan, mas nararamdaman niya ang koneksyon sa pagitan nila—isang koneksyon na hindi niya maintindihan. Parang matagal na niyang naramdaman dati, ngunit hindi niya alam kung paano at bakit. At higit sa lahat, hindi niya alam na ang lalaking nakaharap niya ngayon ang parehong lalaki na minsang nagbago ng kanyang mundo sa isang gabi—isang gabi na naalala niya nang bahagya lamang.

Habang patapos na ang event, sabay silang lumabas ng hotel. Tahimik ang gabi, mahina ang hangin. Habang naglalakad papunta sa sasakyan, biglang tumigil si Ethan.

“Althea.”

Napahinto siya. “Yes?”

Tumitig si Ethan sa kanya, may halong kaba at curiosity. Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti. “I'm starting to like this version of you.”

Biglang uminit ang pisngi ni Amara. Hindi niya alam kung ano ang sasagot. Hindi rin niya alam kung bakit may kakaibang saya sa dibdib niya sa narinig. Sa sandaling iyon, may simpleng sparks na nag-umpisang sumiklab sa pagitan nila—isang simula ng komplikadong damdamin na maaaring magpabago sa lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred seventy six

    AltheaHindi ako makatulog.Tahimik lang akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame ng condo ni James.Madilim ang buong kwarto maliban sa mahinang ilaw mula sa bedside lamp sa gilid ng kama. Tahimik ang paligid, tanging aircon lang at mabagal na paghinga niya ang naririnig ko.Katabi ko si James.Mahimbing ang tulog niya.Isang braso niya nakapulupot pa rin sa bewang ko na parang kahit sa pagtulog—takot pa rin siyang mawala ako. Hindi niya ako inangkin ngayon gabi dahil pagod daw ako sa biyahe. Iniisipnjiya lagi ang kapakanan ko. Biglang humigpit agad yung dibdib ko.God.Hindi ko na alam kung paano ko haharapin lahat ng ito.Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.Mas malinaw ko siyang nakikita ngayon sa mahinang ilaw.Mas mature na yung mukha niya.Mas halata yung pagod sa mga mata kahit nakapikit siya.Parang mas maraming gabi na hindi siya nakatulog nang maayos.At kahit natutulog siya ngayon—ramdam ko pa rin yung bigat na ilang taon niyang dinala.Dahil sa’kin.Dahil sa

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred seventy five

    JamesTahimik lang akong nakatingin sa marriage certificate habang hawak iyon sa kamay ko.Parang hindi pa rin nagsi-sink in.Married.After two years of losing her—nandito ulit si Althea.Asawa ko.Napahawak ako sa noo ko habang napapatawa nang mahina.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o tuluyan nang mababaliw.Kasi kung may magsabi sa’kin kahapon na makikita ko ulit siya—hindi ako maniniwala.Pero ngayon—nandito siya.Nasa tabi ko.Tahimik lang si Althea habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ko. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang mahigpit yung hawak niya sa bag niya.Parang kinakabahan pa rin.Parang may gusto pa ring takbuhan.At ayoko nang maramdaman iyon.“Baby.”Mahina lang.Pero agad siyang napatingin sa’kin.Fuck.Miss na miss ko talaga yung mata niya.Yung paraan ng pagtitig niya na parang laging may tinatagong emosyon.“You okay?”Saglit siyang natahimik bago pilit ngumiti.“Yeah.”Hindi ako naniwala.Hindi ko alam anong nangyari sa Canada.Hindi ko a

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred seventy four

    AltheaTahimik lang ako habang nakaupo sa loob ng sasakyan ni James.Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming bumiyahe mula sa office niya pero hanggang ngayon—hindi pa rin bumabagal yung tibok ng puso ko.Pakiramdam ko sasabog dibdib ko anumang oras.Sa tabi ko, tahimik lang si James habang mahigpit yung hawak niya sa manibela. Diretso lang yung tingin niya sa daan pero kita ko yung tension sa panga niya.Parang isang maling galaw ko lang—babagsak ulit siya.At iyon yung mas nagpapahirap sa’kin.Kasi hindi niya alam.Hindi niya alam na habang pilit niya akong binabalik sa buhay niya—may batang naghihintay sa’kin sa Canada.May batang anak niya.Napapikit ako sandali habang palihim na napahawak sa tiyan ko.Automatic.Habit.At doon ako lalo nilamon ng guilt.“Stop doing that.”Napamulat agad ako.Napalingon ako kay James.“Doing what?”Saglit siyang tumingin sa’kin bago bumalik ulit sa kalsada yung mata niya.“Thinking about running away again.”Biglang humigpit agad dibdib ko.G

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hunderd seventy three

    Althea "Not yet. "Mahina lang yung boses ko.Halos bulong.Pero sa tahimik na loob ng office—parang sobrang lakas pa rin noon.Nakatitig lang si James sa’kin habang mabigat yung paghinga niya. Kita ko kung paano gumagalaw yung panga niya, parang pilit niyang pinipigilan yung emosyon na kanina pa gustong sumabog.“What do you mean not yet?” mababa niyang tanong.Napalunok ako.Hindi ko alam paano ipapaliwanag.Paano ko sasabihin sa kanya na sa likod ng dalawang taon naming pagkakahiwalay—may batang buhay.May batang kamukhang-kamukha niya.May batang tinatawag akong “Mommy” habang hindi man lang alam kung sino yung ama niya.“James…” mahina kong sabi habang umiwas ng tingin. “Please.”Napamura siya nang mahina bago hinila yung buhok niya paatras.“Fuck this.”Napatingin agad ako sa kanya.At bago pa ako makapag-react—bigla siyang lumapit.Then mabilis niyang hinawakan yung kamay ko.Mahigpit.Parang takot na takot na naman siyang mawala ako.“James—”“Come with me.”Nanlaki agad y

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hunderd seventy two

    Althea2 years.Masyadong mabilis. Masyadong mabagal. Parang dalawang taon na dumaan na hindi ko man lang namalayan nang buo.Tahimik akong nakatayo sa harap ng salamin habang inaayos yung coat ko. Malamig pa rin sa labas, pero sanay na ako. Mas sanay kaysa dati. Hindi na siya yung lamig na nakakapanghina—yung lamig na tinatanggap mo na lang kasi wala ka nang choice.Sa likod ko, maririnig ko si Ramil na tumatawa habang karga siya ni Tita Lucia sa sala.“Careful, sweetheart,” mahinang sabi ni Tita Lucia habang pinupunasan yung kamay ni Ramil. “Ayaw mo ba mag-stay kay Lola?”“Lola!” tawa ni Ramil, sabay yakap sa kanya nang mahigpit.Napapikit ako sandali.Ang laki na niya.Two years old.Mas malinaw na yung mga mata niya ngayon. Mas expressive. Mas buhay.At kahit pilit kong iwasan—mas malinaw din yung hawig niya kay James.Yung paraan ng pagtitig niya kapag may gusto siya.Yung konting pagkakunot ng noo kapag nagtataka.Minsan kahit yung pag-iling niya kapag ayaw niya.Parang bawat ga

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred seventy one

    “Ang cute niya talaga.”Napangiti ako nang mahina habang pinapanood si Tita Lucia na karga si Ramil sa sala. Halos isang oras na niya itong kinakausap na parang naiintindihan lahat ng sinasabi niya.“Well, obviously,” biro ko habang hinihigop yung mainit na tsaa. “Mana sa’kin.”Napatawa siya agad.“Excuse me? Kita mo nga yung mata.” Tinuro niya si Ramil. “Barrameda na Barrameda.”Biglang natahimik yung ngiti ko.Kahit hanggang ngayon—iba pa rin talaga kapag naririnig ko yung apelyido ni James.Parang may humihila agad sa dibdib ko.Mabilis akong umiwas ng tingin bago tumingin sa labas ng bintana.Makapal yung snow ngayon. Tahimik yung buong neighborhood. Simple. Payapa.Pero minsan, sa sobrang tahimik—mas naririnig ko yung mga bagay na pilit kong tinatakasan.“Sweetheart.”Napalingon ako kay Tita Lucia.Concerned na naman yung tingin niya.At alam ko agad kung bakit.Masyado akong obvious kapag si James na yung nasa isip ko.“I’m okay,” mabilis kong sabi.Bahagya siyang ngumiti.“Hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status