LOGINPagpasok ni Amara sa ballroom, agad siyang sinalubong ng liwanag ng mga chandelier at ng samu’t saring bulungan ng mga bisita.
Pakiramdam niya ay biglang bumigat ang hangin. Hindi dahil sa dami ng tao. Kundi dahil sa isang pares ng mata— na agad siyang hinanap. Si Ethan Reyes. Nakatayo ito sa gitna ng silid, kausap ang ilang bisita, ngunit tila naputol ang usapan nang makita siya. Ang mga mata nitong malamig at matalim ay agad tumuon sa kanya. At sa sandaling iyon parang siya lang ang nakikita nito. Napalunok si Amara. Calm down… Kaya mo ‘to. Inayos niya ang kanyang postura, tinaas nang bahagya ang baba, at pinilit ang isang confident na ngiti—eksaktong ginagawa ng kanyang kambal na si Althea. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang. Unti-unti siyang lumapit kay Ethan. Habang papalapit, mas lalo niyang nararamdaman ang kakaibang pressure na nagmumula sa presensya nito. Hindi ito kailangang magsalita para maramdaman ang authority nito. Tahimik… pero dominante. Nang tuluyan siyang makalapit, huminto siya sa harap nito. Saglit silang nagkatitigan. At sa isang iglap may kung anong nagbago sa ekspresyon ng lalaki. Bahagyang kumunot ang noo nito. Parang may hindi tugma. “Althea.” Malalim ang boses nito. Direkta. Walang emosyon. Ngunit may kakaibang bigat. “Hi,” sagot ni Amara, pilit pinapantay ang tono. Lumapit si Ethan ng bahagya. Sapat lang para maramdaman niya ang init ng katawan nito. At sa hindi niya maintindihan— biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “Late ka,” sabi nito. Hindi galit. Pero hindi rin malambing. Parang isang simpleng obserbasyon… na may halong panunuri. “Sorry,” sagot ni Amara, bahagyang ngumiti. “Traffic.” Isang dahilan na alam niyang hindi papalag si Althea. Tahimik si Ethan. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Mas matagal. Mas matalim. Parang sinusuri siya. At iyon ang lalo pang nagpakaba sa kanya. “Something’s off.” Parang tumigil ang puso ni Amara. “A-ano?” pilit niyang tanong. Bahagyang nag-angat ng kilay si Ethan. “You’re quieter.” Napahinto siya. “Since when did you become this… calm?” Napakagat-labi si Amara. Think. Think like Althea. Bahagya siyang tumawa. “Is that a bad thing?” Hindi agad sumagot si Ethan. Sa halip, bahagya nitong ikiniling ang ulo, tila iniisip ang sagot. “I’m not sure yet,” sabi nito. At sa simpleng sagot na iyon lalo lang lumalim ang kaba ni Amara. Nagsimula ang program, at napilitan si Amara na manatili sa tabi ni Ethan habang isa-isang nagsasalita ang mga host at bisita. Ngunit kahit nakatingin siya sa harap ramdam na ramdam niya ang presensya ng lalaki sa tabi niya. Tahimik ito. Ngunit parang bawat galaw niya ay napapansin nito. “Smile.” Napakurap si Amara. Bahagya siyang napalingon kay Ethan. Hindi ito nakatingin sa kanya—nakatitig pa rin sa harap—ngunit malinaw ang sinabi nito. “People are watching.” Mabilis niyang inayos ang ekspresyon niya at ngumiti. “Relax your shoulders,” dagdag pa nito. Parang may konting inis. “Hindi ka ganyan dati.” Napayuko si Amara nang bahagya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalo pang kakabahan. Dahil bawat salita nito— patunay na kilalang-kilala nito si Althea. At bawat pagkakamali niya— posibleng magbunyag ng katotohanan. Matapos ang formal program, nagsimula ang mingling. Isa-isang lumapit ang mga bisita para batiin sila. “Althea! You look gorgeous!” “Perfect match talaga kayo ni Ethan!” “Finally, you’re settling down!” Ngumiti si Amara. Tumango. Nakipagkamay. Ngunit sa loob-loob niya— unti-unti na siyang napapagod. Hindi siya sanay sa ganitong eksena. Hindi siya si Althea. At kahit anong pilit niya— may mga bagay na hindi niya kayang gayahin. “Excuse me.” Napalingon siya. Si Ethan. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito. “Come with me.” Wala itong paliwanag. Wala ring tanong. Parang utos. At sa hindi niya maintindihan— sumunod siya. Tahimik ang hallway na dinaanan nila. Malayo sa ingay ng ballroom. Mas malamig. Mas pribado. Hanggang sa makarating sila sa balcony. Humaplos ang malamig na hangin sa balat ni Amara. Sa wakas— nakahinga siya. Lumapit siya sa railing at tumingin sa city lights. “Hindi ka comfortable.” Napalingon siya kay Ethan. Nakatayo ito sa likod niya. Malapit. Masyadong malapit. “I’m fine,” sagot niya. Ngunit umiling si Ethan. “No, you’re not.” Lumapit pa ito. Ngayon ay katabi na niya. At sa distansyang iyon— ramdam na ramdam niya ang presensya nito. “You’ve been avoiding eye contact,” sabi nito. “Your answers are shorter.” “Your reactions… delayed.” Isa-isa nitong binilang. Parang report. Parang observation. Parang— hinuhuli siya. Napakagat-labi si Amara. “I told you,” mahina niyang sagot, “I’m just tired.” Tahimik si Ethan. Ngunit hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Parang may hinahanap. Parang may gustong kumpirmahin. “At may isa pa.” Napalingon siya. Bahagyang kumunot ang noo nito. “You don’t smell the same.” Nanlaki ang mga mata ni Amara. “Ano?” Hindi niya alam kung matatawa ba siya o kakabahan. “You used to wear something sweeter,” dagdag nito. “Now… it’s lighter.” Napahawak siya sa sarili niyang braso. Hindi niya alam kung paano sasagot. Dahil— totoo. Hindi siya si Althea. At kahit pabango— hindi niya kayang kopyahin. “People change,” mahina niyang sabi. Matagal siyang tinitigan ni Ethan. Mas matagal kaysa kanina. Mas malalim. At sa sandaling iyon— pakiramdam ni Amara ay unti-unti nitong binabasag ang lahat ng harang niya. Hanggang sa— bahagyang tumango si Ethan. “Yeah,” sabi nito. “People do.” Ngunit hindi kumbinsido ang tono nito. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila. Tanging hangin at malayong ingay ng siyudad ang maririnig. Hanggang sa— “Why now?” Napatingin si Amara. “What do you mean?” “Why change now?” tanong ni Ethan. “After everything.” Napahinto siya. Hindi niya alam ang sagot. Hindi niya alam ang history ng dalawa. Hindi niya alam kung anong “everything” ang tinutukoy nito. At doon— lalo niyang naramdaman ang kahinaan niya sa sitwasyon. “Maybe…” mahina niyang sabi, “I just realized things.” Nanatiling nakatingin si Ethan. “Like what?” Napahinga siya nang malalim. “At some point… you get tired of pretending.” Parang may kung anong nagbago sa ekspresyon ni Ethan. Hindi malinaw. Ngunit parang may tumama. “Pretending?” ulit nito. Muntik nang mapapikit si Amara. Careful… “I mean…” agad niyang bawi, “pretending to be perfect.” Tahimik si Ethan. Pagkatapos ay— bahagya itong ngumiti. Hindi malamig. Hindi rin ganap na mainit. Pero— iba. “You were never perfect,” sabi nito. Parang simpleng statement. Ngunit may kakaibang dating. “At least not to me.” Napatingin si Amara sa kanya. At sa unang pagkakataon— hindi siya kinabahan. Kundi— nakaramdam siya ng kakaibang init sa dibdib. Dahan-dahang lumapit si Ethan. Hindi biglaan. Hindi agresibo. Pero sapat para bumilis ang tibok ng puso ni Amara. “You know what’s strange?” mahina nitong sabi. Hindi siya sumagot. Naghintay lang. “I don’t recognize this version of you.” Tumigil ito sa harap niya. Sobrang lapit. Halos maramdaman na niya ang paghinga nito. “But…” Bahagyang bumaba ang tingin nito sa labi niya. “…I can’t seem to look away.” Napasinghap si Amara. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Kaba. Takot. O— ibang bagay. Isang bagay na hindi niya dapat maramdaman. Para sa lalaking— hindi naman talaga para sa kanya. Unti-unting tinaas ni Ethan ang kamay nito. Bahagyang inayos ang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha niya. Isang simpleng galaw. Ngunit— parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Amara. “Careful,” bulong nito. “With that look… people might think you’re someone else.” Parang may tumigil sa puso niya. Ngunit hindi niya alam kung bakit— parang may ibang ibig sabihin ang sinabi nito. Bago pa siya makasagot— may kumatok sa pinto. “Sir, they’re looking for you.” Agad umatras si Ethan. Parang walang nangyari. Parang bumalik sa dati. “Let’s go back,” sabi nito. Muli itong naging malamig. Kontrolado. Hindi na muli lumingon habang naglalakad pabalik. Ngunit si Amara— naiwan sandali sa balcony. Hawak ang dibdib. Pinipilit pakalmahin ang sarili. Dahil malinaw na sa kanya ngayon— Hindi lang ang sikreto niya ang delikado. Kundi pati ang nararamdaman niya. Dahil habang tumatagal— mas lalo siyang nahuhulog. Sa lalaking— hindi kanya. At sa lalaking— hindi dapat niyang mahalin.Pagkatapos ng mahabang grocery, bumalik sina Amara at Ethan sa kanilang bagong bahay. Ang mga grocery bags ay puno ng mga pagkain, prutas, gulay, at mga pangunahing pangangailangan. Tahimik na naglalakad si Amara sa kitchen, binubuksan ang mga cabinet at inilalagay ang mga items sa kanilang lugar. Ang bawat kilos niya ay maingat, parang may sinasadyang ayusin, hindi lang para sa kanya kundi para rin sa impression na gusto niyang ipakita kay Ethan.Si Ethan ay nakatayo malapit sa kitchen island, sinusuri ang bawat galaw ni Amara habang nag-aayos siya ng groceries. Hindi niya maalis sa isip na kahit simple lang ang mga galaw niya, may kakaibang focus at pagiging maingat na hindi niya nakikita sa karamihan.“You know… we need a better system here,” sabi ni Ethan, tinuturo ang mga cabinet.“System?” tanong ni Amara, nagtaka.“Yes. Shelving, labeling… para mabilis mahanap ang mga gamit. Hindi ka mahirapan kapag nagluluto,” paliwanag ni Ethan, tumingin sa kanya habang iniinspeksyon ang kitc
Dahan-dahang sumilip ang liwanag ng umaga sa loob ng kwarto, tumatama sa puting kurtina at unti-unting gumagapang papunta sa kama kung saan magkatabi—ngunit may pagitan—na natutulog sina Amara at Ethan. Tahimik ang paligid, ngunit hindi iyon nagtagal.Unang nagising si Amara. Dahan-dahan niyang binuksan ang mata, ilang segundo bago niya naalala kung nasaan siya. Napatingin siya sa kisame, at doon pa lang, bumalik na ang lahat—ang kasal, ang pagpapanggap, at ang katotohanan na pilit niyang itinatago.At si Ethan. Agad siyang napalingon sa tabi niya. Nandoon si Ethan. Malapit. Mas malapit kaysa sa inaasahan niya. Sa hindi niya namamalayan, habang natutulog sila, nabawasan ang pagitan nila. Ang isang braso ni Ethan ay bahagyang nakapatong malapit sa kanya, halos dumadampi sa tagiliran niya. Ang mukha nito ay kalmado, payapa, parang walang iniisip.Ngunit para kay Amara—parang tumigil ang mundo. Napahinto ang paghinga niya. Napakalapit nito. Kung gagalaw siya… baka magising. Kung hindi si
Tahimik ang buong bahay, ngunit sa loob ni Amara, parang may bagyong hindi mapigilan. Pagkasara ng pinto matapos umalis ang mga magulang ni Ethan, tila mas lalong lumalim ang katahimikan sa paligid. Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi nagbibigay ng kapayapaan—sa halip, lalo lamang nitong pinapalakas ang bawat tibok ng puso niya. Kasabay ng paglakad ni Ethan papunta sa kanilang kwarto, wala siyang nagawa kundi sumunod, kahit ang bawat hakbang niya ay punong-puno ng kaba.Pagpasok nila sa loob ng kwarto, agad niyang napansin ang ayos nito—malinis, elegante, at perpektong akma sa isang bagong kasal na mag-asawa. Ang malambot na ilaw mula sa bedside lamps ay nagbibigay ng tahimik at intimate na atmosphere. Ang kama sa gitna ay tila masyadong malaki para sa kanya, at sa isip niya, parang iyon ang sentro ng lahat ng takot niya sa gabing iyon.“You can relax now,” sabi ni Ethan habang tinatanggal ang coat niya at maingat itong isinabit sa upuan.Napatingin si Amara sa kanya, pilit pinipigi
Patuloy ang ingay at saya sa reception hall, ngunit para kay Amara, unti-unti nang lumalabo ang lahat. Ang tawanan, ang musika, ang mga pagbati—lahat iyon ay parang nasa malayo, habang ang isip niya ay nananatiling nakatali sa isang bagay. Sa dance floor, kakatapos lang nila ng kanilang first dance ni Ethan. Mahinahon siyang humiwalay sa kanya, ngunit nanatili ang kamay nito sa baywang niya, tila ayaw siyang pakawalan agad. “You did well,” mahina niyang sabi. Napatingin si Amara sa kanya. “I just followed you.” Bahagyang ngumiti si Ethan. “Then keep doing that.” Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang dating ang simpleng linyang iyon. Parang may ipinapahiwatig, isang pangako na hindi niya lubos na naiintindihan. Bago pa siya makasagot, muling nagsalita ang host. “Ladies and gentlemen, let’s give another round of applause for our newlyweds!” Nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti siya, nagkamaliit sa gitna ng mga camera flashes, ngunit sa likod ng mga iyon—isang lihim a
Dahan-dahang humakbang si Amara sa gitna ng aisle, ramdam ang bawat tibok ng puso niya na parang kasabay ng bawat hakbang. Kanina pa tumutugtog ang entrance song, at habang naririnig niya ang bawat salita, lalo niyang nararamdaman ang bigat ng sandaling iyon.Hindi na siya makakabalik.Hindi na siya pwedeng umatras.Habang papalapit siya sa altar, mas lumilinaw sa paningin niya ang lalaking naghihintay sa kanya—si Ethan Reyes. Nakatayo ito, diretso ang tindig, suot ang itim na tuxedo na lalong nagpapatingkad sa presensya nito. Ngunit hindi ang itsura nito ang nagpahina sa tuhod ni Amara.Kundi ang paraan ng pagtitig nito sa kanya.Parang siya lang ang nakikita nito sa buong simbahan.Napakagat siya sa labi at pilit inayos ang paghinga. Hindi ako si Amara… si Althea ako ngayon, paalala niya sa sarili.Isang hakbang pa.Isa pa.Hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa altar.“Take her,” sabi ng officiant habang inaabot siya ng ama niya kay Ethan.Marahang hinawakan ni Ethan ang kamay
Maagang nagising si Amara, ngunit hindi dahil sa excitement. Kundi dahil sa kaba na tila hindi niya maalis sa dibdib. Ilang segundo siyang nakahiga, nakatitig sa kisame, habang pilit niyang iniintindi ang katotohanan. Ito na. Ang araw ng kasal niya. At hindi lang basta kasal. Ikakasal siya bilang si Althea. Ang bigat ng responsibilidad ay parang nakapatong sa dibdib niya, at kahit anong pilit niyang huminga nang malalim, ramdam niya ang pagkilos ng kanyang puso—malakas, mabilis, parang handang tumalon sa dibdib niya.“Amara…” mahinang tawag mula sa pintuan.Napalingon siya at nakita ang mama niya, si Carmen, na nakatayo roon. Tahimik, pero punong-puno ng bigat ang presensya nito. Hindi kailangan ng salita para ipaalala sa kanya kung gaano kaseryoso ang araw na ito.“Ma…” mahina niyang sagot.Lumapit si Carmen at umupo sa tabi niya. Ilang segundo silang parehong tahimik, walang sinasabi, ngunit pareho nilang alam ang iniisip ng isa’t isa. Ang katahimikan ay punong-puno ng hindi nasasab







