Share

CHAPTER 4

Author: Lyn Hadjiri
last update Last Updated: 2024-12-16 20:24:00

Paradise island

ATE D volunteer to cooked our breakfast early in the morning, kaya sabay-sabay kaming kumain nang agahan.

Tahimik lang nakaupo sa tabi ko ang aking asawa at nasa harapan naman naming nakaupo ang nakatatanda niyang kapatid.

Nakaiilang kumain, dahil masyadong tahimik, lalo na kanina nag-aaway silang magkapatid. Dahil lang sa akin.

Hindi ako makapaniwala na kapatid pala ni Ate D si Dervon. Kilala ko na kasi siya, mabait siya at malambing. Kaya nagulat ako na magkapatid pala sila. Parang ang labo kasi, ang layo ng ugali nila. Nakilala ko lang naman siya dahil sa aking ama.

“By the way, may place na ba kayong napili para sa honeymoon niyo?” biglaang tanong niya at nasamid naman sa iniinom niyang juice si Dervon.

Mukhang kalmado na ngayon si Ate D. Nabawasan na rin yata ang init ng ulo niya.

“Ate, ano ba? Kumakain pa tayo ng agahan. Don’t bring up the topic. Can we just eat?” iritadong saad niya sa kaniyang kapatid. Hindi niya nagustuhan ang ideyang iyon.

“Really, Dervon? Bastos ba ang tanong ko? Eh, ’yong ginawa mo sa asawa mo ay hindi ba kabastos-bastos?” malamig na tanong nito sa kaniya, bagamat kalmado pa rin ang boses nito.

Kung puwede lang sana ay huwag na muna nilang pag-usapan ang tungkol doon. Maski kasi ako ay hindi ko rin naisip ang bagay na iyon.

Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Maliban na lang kung ako ang nakikipag-usap sa mga empleyado ko kapag nagkakaproblema kami sa kumpanya.

Isa pa, baka magalit na naman si Dervon at ako na naman ang pagbubuntungan niya ng galit.

"Ate, pag-aawayan na naman ba natin ang babaeng ’yan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa ate niya, na may bahid na inis ang kaniyang boses.

Napatingin na lamang ako sa platito ko na halos hindi ko na nagalaw ang kinakain ko. Babaeng ’yan? Talagang wala siyang pakialam sa ’kin.

“May pangalan siya, Dervon. At isa na rin siyang Avelino. Kaya huwag na huwag mo siyang masabi-sabing babae lang. Sa oras na binastos mo ang asawa mo ay parang binastos mo na rin kami ni mommy!” Mariin akong napapikit. Nagtaas na naman siya ng boses.

“I have nothing to do with her, and I don’t want to share my room. We’re only married on paper, and I’ve already made it clear that we shouldn’t interfere with each other’s lives. Kung puwede rin na huwag na kaming tumira sa iisang bubong.” Pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay napatayo na si Ate D. Walang pagdadalawang isip na sinampal niya ito at ako naman ay napasinghap, dahil sa gulat.

“Wow! Just wow little brother! You don’t want to share your room with her because of your mistress! Remember brother, I have an eyes on you. Akala mo hindi ko alam na pumunta rito ang kabit mo kahapon?! May nangyari ba sa inyo habang nandito ang asawa mo?!”

Dahil sa marahas na pagtayo ng asawa ko ay bumagsak ang inuupuan niya.

“Wala! I already told her na walang nangyari sa amin ni Arjana!”

“Hindi ako tanga para paniwalaan pa ang mga sinasabi mo! Hindi na kita kilala, Dervon!”

“Fine! Isipin niyo ang gusto niyong isipin! Wala na akong pakialam pa!” sigaw niya. Pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya at maski ang ugat sa kaniyang leeg ay bunabakat na rin. Mahigpit na nakakuyom ang kaniyang kamao.

“Where the he are you going?!”

Sumulyap ito sa akin at napangisi pa siya. Ako naman ay bayolenteng napalunok lang. “Honeymoon,” mariin na sagot niya sa ate niya kasabay nang paghila niya sa aking pulso.

Hindi na ako nakapagprotesta pa. Nagmamadali na rin kasi siya at diretso kaming pumasok sa kuwarto niya. Marahas niya rin akong binitawan.

“Pack my things, tutal asawa naman daw kita. Pupunta tayo sa lugar na wala roon ang ate ko. She’s getting into my nerves. This is the first time that she slapped me hard, fuck it!” Napasabunot pa siya sa buhok niya.

Salubong ang kaniyang kilay at napapatiim bagang pa siya. Halata sa hitsura niya ang iritasyon. “Ano pa ang tinatayo mo riyan?! Mag-impake ka na ng mga gamit natin!”

Mabilis din akong kumilos, sa takot na masigawan pa niya ako. Kung ano lang ang nakikita ko na mga gamit niya ay iyon lang ang inilagay ko sa traveling bag niya.

“Uhm, Dervon. Tapos na,” pagkuha ko ng kaniyang atensyon.

“We’re going then,” malamig na sabi niya at inagaw sa akin ang bagahe niya. Kasama na rin iyong akin na itinabi ko sa gilid ng kama kagabi.

Natuwa ako, kasi dinala niya iyong maleta kong dinala rin ng ate kaniya kanina.

Pagkalabas namin ni Dervon ay nadatnan namin si Ate D sa sala. Tahimik lang itong nakaupo. Tumayo siya nang makita niya kami at pinagkrus pa ang magkabilang braso niya. Tinaasan niya ng kilay ang kapatid niya.

“Siguro, kung hindi ako pumunta rito ay baka hindi kayo aalis dito, ’no?” sarkatiskong tanong niya kay Dervon.

“Shut up, ate. Lock my door before you leave,” supladong utos niya at nauna nang lumabas.

Inirapan na lang siya ng ate niya at naglakad ito palapit sa ’kin. “Aurora. Kapag may ginawang hindi maganda sa ’yo ang asawa mo. Don’t hesitate to call me, okay? If you have a problem just call me. One call away lang ako,” she said gently. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

“Sige po, Ate D,” tumatangong sagot ko.

“Let’s go!” sigaw ni Dervon na hindi pa tuluyang nakalalabas. Nasa pinto pa rin kasi siya.

“Sige na, lakad na. Basta narito lang ako,” nakangiting saad niya saka ako niyakap na mabilis ko namang ginantihan.

“Thank you again, Ate D,” sambit ko at kumalas na sa yakapan namin.

Mabilis na naglakad ako palabas ng condo at sumunod kay Dervon, na nasa elevator na ngayon at naghihintay na sa akin.

Napalunok ako nang tiningnan niya ako nang masama at basta na lamang niya sinipa ang maleta ko. Hinawakan ko agad ito para hindi tuluyang matumba.

“May sarili ka namang kamay kaya dalhin mo na lang ang gamit mo.”

Ano pa nga ba ang magagawa ko?

NANG tuluyan na kaming nakarating sa parking lot ay naglakad siya palapit sa kulay pulang kotse. Ito ang sinakyan namin kahapon. Tahimik na sumunod lang ako.

Nang nasa tapat na kami ng kotse niya ay kunot ang noong pinanood ko lang siya na sumakay sa driver seat na hindi man lang ako inaya na pumasok na rin. O hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.

Oh well, hindi pala siya gentleman.

“What are you still doing there?!” Napapitlag pa ako sa lakas ng boses niya at natatarantang bubuksan ko na sana ang pinto nang sumigaw na naman siya. “Sa backseat ka sumakay!”

“Hindi mo naman ako kailangang sigawan! Hindi ako bingi!” sigaw ko rin sa kanila pabalik at kamuntikan ko nang sipain ang pinto ng kaniyang sasakyan. Dahil na rin sa inis na nararamdaman ko.

Katulad nang kahapon ay mabilis din ang pagmamaneho niya. “Slow down!”

Hindi niya ako pinansin at talagang nananadya siya. Mas bumilis pa kasi ang pagda-drive niya. Walang pakialam kung maaaksidente kaming dalawa. Nagtataka ako kung bakit siya naging doctor.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, ngunit mayamaya ay naramdaman ko ang paghinto nito.

Umawang ang labi ko nang makita ko kung sino ang sumakay at umupo sa tabi niya. Kaya naman pala ayaw niya akong umupo roon.

“Hi, baby,” bati ng babae sa nakaiinis nitong boses.

“Hello,” tipid na sambit lang ni Dervon. Ibang-iba siya, ibang-iba siya kung kaharap niya ang babaeng ito.

Nang akma siyang hahalikan nito nang mabilis siyang umiwas.

“Baby,” sambit ng babae at hindi niya ito pinansin. Muli siyang nagmaneho.

Kahit papaano ay gumaan ang bigat sa aking dibdib. Natuto na siya na hindi niya dapat ginagawa iyon kapag kasama nila ako.

Tapos ang babaeng ito ay sinasadya niya na huwag akong pansinin. Na parang hindi ako nag-e-exist sa mundo.

Umpisa pa lamang ito. Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa, pero hindi na maganda ang relasyon namin. Paano pa kaya sa mga susunod na araw? Hindi ko na alam kung may mangyayari bang himala.

ILANG oras ang biniyahe namin at dumating din kami sa destinasyon namin.

“Na-miss ko ang Paradise Island na ito, baby,” malambing na saad ng girlfriend ni Dervon. Umikot ang aking mata.

Girlfriend? Hindi na siya matatawag na ganoon. Isa na siyang kabit dahil may asawa na ang inakala niyang boyfriend pa niya.

Muli ay tahimik lang si Dervon. Ni hindi niya sinagot ang babae at basta na lamang siyang bumaba.

Umibis na rin ako dahil wala naman akong maaasahan sa kaniya. Mas inuuna niya ang babae niya kaysa sa akin na asawa niya.

Tumingin pa siya sa akin. “Bahala ka na ring mag-check in ng sarili mong hotel room,” sambit niya.

Tumango na lamang ako bilang tugon at saka siya humakbang palayo. Napanguso ako dahil sa paghahabol ng babae. Hindi ito nag-abalang dalhin ang gamit ng kaniyang kabit. Tsk.

Ano ba ’tong napasukan ko? Hey, Papa God. Bakit naman ganito ang ibinigay mong bagong buhay ko na kasama ang asawa ko?

Why? Dahil ba na masama akong tao? Hindi ganito ang gusto kong buhay.

Gusto ko ang buhay na masaya. Iyong normal at simpleng buhay lang naman ang hinihiling ko. Iyong buhay na may magmamahal sa akin at mag-aalaga. Hindi ganito na puro pasakit lamang ang mararamdaman ko.

Napatawa na lang ako nang mapakla. Asa pa naman ako.

Paradise Island, this is one of my favorite place because this island is mine. What a coincidence. Dito ba sila unang nagkita?

Binitbit ko na lamang ang maleta ko. Hindi ko na kailangan pang mag-check in. May sarili akong penthouse sa hotel ko.

Unang araw namin bilang mag-asa at ganito pa kami. Ang asawa ko na may kasamang kabit at parang tinapon lang ako sa basurahan.

Fuck this life...

Sa penthouse ko ay ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama at bumuntong-hininga na naman ako.

I closed my eyes at inisip ang puwedeng mangyari sa relasyon namin. Baka magiging mabait pa sa ’kin ang asawa ko. Asawa ko, ang sarap pakinggan kung hindi lang siya gago.

Well, gagawin ko ang lahat maging mabait lang siya sa ’kin and I’ll make him fall for me. Swear!

Napangiti ako sa naisip ko.

Ilang sandali pa lamang ay bumigat na ang talukap ng mga mata ko at tuluyan na akong dinala nang kaantukan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife's Tears   CHAPTER 42

    Chapter 42Kinabukasan ay nagising ako nang makaramdam ng ginhawa. Pagkamulat ko pa lang, mukha ng asawa ko ang nakita ko.Nakaunan siya sa braso ko at mahigpit na nakayakap sa baywang ko. Isang mabilis na pagtibok ng puso ang naramdaman ko.She’s really beautiful.Sinapo ko ang pisngi niya. Makinis iyon, malambot at mainit. “Aurora...” I uttered her name. Hindi siya nagising sa ginawa ko. Nanatili lang siyang nakapikit, dahil sa lalim ng tulog niya.Tumingin ako sa paligid. Hindi pamilyar ang kuwarto. Hindi ko alam kung sino ang nagdala rito sa akin. Yellow at brown ang kulay ng pinta ng mga pader, at maraming mamahaling kagamitan na nagpapakita na hindi ito ordinaryong silid. Na-curious ako. Bakit ako nandito? Ano ba ang nangyari kagabi? At si Aurora ba talaga ang kasama ko?Tiningnan ko saglit ang asawa ko, at maingat ko siyang pinaunan at kinumutan. Kumirot ng kaunti ang puso ko, ito ang unang beses na ginawa ko ito. Tumayo ako at tiningnan ang buong kuwarto hanggang napako ang ti

  • My Wife's Tears   CHAPTER 41

    Chapter 41: The real Ape“Dervon, what's up, buddy? I invite your wife.”Nasa isang private bar kami ni Haze, isang lugar na puno ng ilaw, ingay, at amoy ng alak. Napatigil ako sa pag-inom at napalingon sa kaniya. Agad kong sinundan ang direksyon ng tingin niya, at doon ko nakita ang aking asawa, kasama ang PI niyang si Leo Veins. Sumikip bigla ang dibdib ko nang makita ko ulit siya. As usual kasama pa rin niya ang mga lalaking iyan.“Hey, Mrs. Ave—madam! Come here!” tawag ni Haze. Kahit nakainom ay halatang mataas ang tolerance ng isang ito.Tahimik na lumapit sa amin si Aurora, marahan at maingat ang bawat hakbang na para bang ayaw niyang mapansin ako. Sinusubukan kong hulihin ang tingin niya, umaasang magtatama ang mga mata namin kahit sandali, pero hindi iyon nangyari.“Congratulations pala, Aurora! I saw your interview yesterday. That was awesome!” masayang sambit ni Haze habang nagtatapik pa sa mesa. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Interview? Ano naman iyon at kailan naman na

  • My Wife's Tears   CHAPTER 40

    Chapter 40Ngunit mahigpit ko pa rin siyang niyakap. Ilang beses naman niya akong pinaghahampas sa dibdib at hagulgol lang ang naririnig ko. Bakit parang masakit sa tenga? At bakit kumikirot ang parte ng puso ko? Hindi ko na talaga naiintindihan pa ang nararamdaman ko.“I hate you!” Napapikit ako nang maramdaman ang kamay niya na mahigpit na humahawak sa damit ko. “M-mahal kita, m-mahal na mahal... alam mo ba? My mommy blamed me na kung p-pumunta raw ako noon kay papa baka buhay pa raw ito... i-inuna ko kasi, inuna kita dahil mahal kita.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko at niyakap niya ako nang mahigpit... tila ayaw niya akong pakawalan.“G-Gusto kong umiyak noong namatay si papa... Gustong-gusto ko, at gusto ko ikaw ang yakap ko at ikaw ang makakita ng kahinaan ko kasi... mahal kita... Gusto kong i-comfort mo ako, sasabihin mong okay lang, tanggapin na lang natin ang kapalaran ni papa, pero... nasaan

  • My Wife's Tears   CHAPTER 39

    Chapter 39: Her agony Tahimik kaming kumakain ng panghapunan sa labas. Ramdam ang awkward na atmosphere sa paligid, walang nagsasalita, at tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig.Paglingon ko sa tapat, nasalubong ko ang malamig na titig niya. Pero mabilis din siyang umiwas ng tingin.“Veins,” tawag sa akin ni Arjana, hindi ako kumilos. Ni hindi ko siya nilingon, dahil ang asawa ko mismo ang nakatingin sa kaniya ngayon.Nang mapansin ko na tumayo si Aurora at bigla siyang tumalikod ay sumabay rin si Zafrael. Maski ako ay napatayo, dahil kanina pa talaga ako nagtitimpi sa inis.“Ako na,” mariin na sabi ko sa lalaki. Nakipagtigasan din siya sa akin.“Ako na. Asikasuhin mo na lang siya,” sabi niya sabay tingin kay Arjana. Na alam kong nagagalit na ito sa ’kin, pero wala akong pakialam.“Dito ka na lang. She’s my wife, and I have the right,” mariin na saad ko.“Let him go, Zaf,” sabat ni Haze. Hinila niya ito paupo.Naglakad na ako palayo, habang tinatawag pa ako ni Arjana. Hindi k

  • My Wife's Tears   CHAPTER 38

    Chapter 38“Isa ka pa, Andrey.”“Nag-distribute kami ng pagkain kanina, tapos may mga nakasama na rin kaming mga bata sa drawing corner. Hindi lang puro saya itong ginagawa namin, doc. Ginagawa rin namin ’yong part namin,” walang emosyon na sabi ng PI ng asawa ko.“Sa nakikita ko ay wala naman talaga kayong ginagawa,” mariin kong sambit. “Bakit, gusto ninyo ba ang asawa ko?”Natahimik sila. Napatingin sa akin sina Leo at Zafrael, halata ang iritasyon. Si Haze naman ay nakangisi pa rin, parang natutuwa sa gulong nabuo. Kasi ngayon lang ako nagkaganito.“Dervon, huwag kang magbintang kung kanino-kanino,” putol ni Leo, tumayo siya mula sa mesa. “Kung mahal ang pinag-uusapan, dapat ikaw ang tinatanong diyan. Kasi kung totoong mahal mo ang asawa mo, hindi ka sana nag-cheat sa kaniya.”Humakbang ako palapit sa kaniya. “Sino ka ba? Hindi ba private investigator ka lang niya? Pero ano ang ginagawa mo rito?”Umigting ang panga niya at mas lumapit din siya sa akin, alam ko na pareho na naming p

  • My Wife's Tears   CHAPTER 37

    Chapter 37: Win her backNAGING busy kami buong araw sa medical mission. Sunod-sunod ang dumating na mga bata at matatanda para magpa-check up. Ang ilan ay naghihintay sa pila, may mga batang umiiyak habang kinukuhanan ng vital signs ng mga nurse, at may mga doctor namang abala sa pagtuturo ng basic health care. Lahat ay kumikilos, bawat sulok ng orphanage at ng garden sa labas ay puno ng ingay ng mga tao.Dahil sa dami ng ginagawa, nawaglit sa isipan ko ang tungkol kay Ape. Nakaupo kami ni Arjana sa bench sa garden, kung saan may kaunting katahimikan kumpara sa loob. Amoy ko pa ang halimuyak ng mga bulaklak na tanim ng mga madre.“Baby… I want orange.” Napatingin ako kay Arjana nang magsalita siya.Nakaupo kami sa bench sa labas lang ng orphanage, sa may garden. Mahinang ihip ng hangin ang dumadampi at maririnig ang tawanan ng mga bata sa loob.Hindi ko sana siya papansinin, pero dahil sa kalagayan niya ngayon ay wala akong choice.“Okay, stay here. Kukuha lang ako,” pagpapaalam ko s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status