Share

CHAPTER 5

Author: Lyn Hadjiri
last update Last Updated: 2024-12-16 20:24:09

The owner

DERVON’S POV

NASA Paradise Island na kami at hinayaan ko na ang babaeng iyon na mag-check in sa sarili niyang hotel room. Pero hindi pa rin ako nakatulog kagabi, dahil naririnig ko ang mga babala ng ate ko.

Kaya umagang-umaga ay pumunta na ako sa information desk para sana magtanong.

“Miss, may naka-check in ba rito na ang pangalan ay Aurora Pearls Avelino?” tanong ko sa babae.

“I’m sorry, Sir. Pero bawal po iyon. Hindi po kami basta-basta nagbibigay ng information tungkol sa guest namin. Isa po iyon sa rule namin,” magalang na pahayag naman niya.

Ngunit hindi ako mapakali kapag hindi ko alam kung nandito siya. Mamaya niyan ay malalaman pa ng kapatid ko. Ako ang mapapahamak.

“Please, Miss. I just want to know. This is really important,” pakiusap ko para pagbigyan niya sana ako.

“Hindi po talaga puwede, Sir,” umiiling na sabi niya.

“She’s my wife, nagkaroon kasi kami nang tampuhan kagabi kaya umalis agad siya,” pagdadahilan ko na mukhang naawa na rin siya sa akin. Kaya Pinagbigyan na niya ako.

“Aurora Pearls Avelino?” Tumango ako. Hindi ko nga alam kung bakit iyon ang surname na nasabi ko kanina.

“Sir, wala pong Aurora Pearls Avelino ang naka-check in dito,” sabi niya at kumunot ang noo ko. Umuwi ba ang babaeng iyon nang hindi nagpapaalam sa akin? “Kung Crizanto po ang surname ay mayroon.”

Crizanto? That was her surname.

"Siya nga ang hinahanap ko, Miss. Can you check out her hotel room number for me?” desperadong saad ko.

“Hindi po siya naka-check in. Madam Aurora has a private penthouse, Sir.”

Nagulat naman ako sa sinagot niya. “Penthouse? May sarili siyang penthouse sa hotel niyo?” naguguluhang tanong ko.

"Yes, Sir. She’s the owner of the Paradise island. Nasa ika-50th floor ang penthouse ni ma’am. Totoo ho pala ang balita na ikinasal na si Madam Aurora. You are lucky to have her, Sir. Congratulations po.”

Nagpaalam na lang ako pagkatapos ko siyang pasalamatan. Siya ang may-ari ng islang ito? Paanong hindi ko nalaman ang tungkol doon?

Babalik na sana ako sa hotel room ko nang may nahagip akong pamilyar na bulto ng isang lalaki.

Si Hajinn ba iyon? Sino naman ang kasama niya?

Wait, si Aurora?

Biglang napatingin si Hajinn sa direksyon ko at napangiti siya nang makita ako.

“Hi there, dude! Come over here!” sigaw niya at kumaway pa talaga siya para lang makita ko. Wala sa sariling lumapit naman ako sa kinaroroonan nila.

AURORA’S POV

MAAGA akong nagising ngayon at nakaramdam din ako nang gutom. Walang laman ang sikmura ko noong nakatulog ako kagabi. Kaya malamang magugutom talaga ako.

Sa resto ng hotel ako nagpunta at pumuwesto sa bakanteng mesa. Kanina ay nag-check ako ng list ng mga guest namin. Tiningnan ko kung magkasama sina Dervon at ang babae niya. Hayon, hindi naman pala. Dahil tig-isa sila ng kuwarto. Hindi na sumama ang loob ko dahil doon.

Nang makita ako ng staff ko ay agad akong dinalhan ng coffee at toasted bread. Dala-dala ko ang laptop ko at tutal wala naman dito ang aking magaling na asawa ay mas mainam ang magtrabaho na lamang ako. Hindi rin uso sa akin ang vacation.

Sumisimsim na ako ng aking kape nang maramdaman kong may umupo sa tapat ko. Ngunit nag-focus lang ako sa ginagawa ko.

“Hi, you are Dervon’s wife right?” singit ng lalaki. Nagsalubong ang manipis kong kilay. Paano naman niya nalaman iyon? “I’m Hajinn Montefalcon.” Hindi siya pamilyar sa akin. “Kausapin mo naman ako, please,” he said with his pa-cute na boses and he’s persistent too. “Snob pala ang asawa ni Dervon. Hi there, dude! Come over here!”

“Ang aga-aga lumalandi ka na?” Awtomatikong napaangat ako nang tingin sa taong nagsalita.

Sumalubong sa akin ang walang emosyon niyang mga mata. I actually can read his mind, galit siya.

“Hoy, ano’ng aga-aga na lumalandi ka r’yan, dude? Kanina ko pa nga kinakausap itong asawa mo, pero hindi man lang ako pinansin. Ni sinulyapan ay hindi ginawa. Snobera pala ang misis mo, Dervon!”

Napatingin ako sa lalaki. Halos umawang ang labi ko. Ang guwapo pala niya. Makapal ang kaniyang kilay at matangos ang ilong. Natural na mapula ang mga labi at ang buhok niya, medyo magulo, pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya.

“Tsk.” Ang aga-aga rin ay suplado na siya.

“Oh, hi Mrs Avelino, I am Hajinn but just call me Haze. Matalik na kaibigan ako ng asawa mo,” nakangiting saad niya at lumabas ang dalawang dimple niya sa pisngi.

Oh, I remember him na! Nakita ko siya kahapon sa araw ng kasal namin ni Dervon. Nginitian ko siya at mas lumawak pa ang ngiting nakaguhit sa mga labi niya.

“Sorry kanina. Hindi ako sanay na kinakausap ako ng ibang tao habang may ginagawa ako,” paghingi ko nang paumanhin.

Naglahad ako ng kamay at nakangiting tinanggap naman niya ito. Subalit, nagulat ako nang dinala niya ito sa labi niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

“Nice meeting you, Mrs Avelino,” he said. Nahihiyang gumanti naman ako ng ngiti sa kaniya. Mukha naman siyang mabait.

“Hey, baby! Ang daya mo naman. Hindi mo ako inayang lumabas. Hiwalay na nga tayo ng room, e.” Biglang sulpot naman ng hilaw na girlfriend ni Dervon.

“Sorry,” tipid na sambit lang nito. Pero nakatingin nang diretso sa mga mata ko, kaya ako na ang nag-iwas nang tingin.

“What the hell, dude?!” biglaang sigaw naman ni Hajinn. Nakatayo na siya ngayon at nakapamaywang din. “Akala ko ba ay nasa honeymoon stage kayo ng asawa mo? Pero bakit kasama mo ang isang ito? Iba pala ang ka-honeymoon mo, Dervon. This is fucking insane. Come with me.”

Hindi na nakapagprotesta pa si Dervon, dahil nahila na siya ni Haze palayo sa amin. Sa collar talaga ng damit niya ang paraan nang paghila nito sa kaniya.

“Hey! Saan mo dadalhin si Veins?!” tanong ng babae. Hindi niya magawang sumunod sa mga ito. Pinukulan kasi siya nang masamang tingin ng kaibigan ni Dervon.

Nakuha rin sa tingin ang gaga.

And wait a minute! Maiiwan pa yata rito ang babae na kasama ako.

Binalingan naman ako nito. “Aurora Pearls, right? I’m Arjana Reyes. Girlfriend niya ako,” may pagmamayabang na pagpapakilala niya at mapaklawang napatawa naman ako.

Tinanong ko ba ang pangalan niya? Tinanong ko ba kung kaano-ano niya si Dervon? Hindi naman, ’di ba?

“Girlfriend? Baka ang ibig mong sabihin ay kabit?” nakataas ang kilay na tanong ko. Hindi na agad maipinta ang mukha niya.

“Kabit? Tanga ka ba? Girlfriend ako! Girlfriend ako ni Veins! Alam mo? Isa ka talagang kontrabida sa buhay namin!” sigaw niya at dinuro pa niya ako.

“And so what?” mataray na tanong ko at malamig na tiningnan ko siya.

“Ako ang mahal ni Veins. Alam ko rin na hindi ka niya mamahalin! Ako lang ang mahal niya! Ako lang!” Napa-poker face na lamang ako. Dahil sa sinabi niya at inaamin kong masakit. Parang kutsilyo ang salita niya at sinaksak ako sa mismong puso ko.

Alam kong wala akong laban pagdating sa bagay na ’yan. Pero hindi dahilan no’n ay susuko na ako. Nagsisimula na pa lang ako.

“I know right, and I’ll make him fall for me,” walang emosyon na laban ko sa kaniya. Lalo lang siyang nainis sa sinabi ko.

“Never iyan mangyayari!” Grabe, high blood agad?

Nginisihan ko lang siya. “What if he will love me eventually? What will you do, then?”

“Hindi, hindi ’yan mangyayari. Dahil ako lang ang mahal niya! Ako lang!” Tsk. Hindi naman ako bingi, para sumigaw pa siya.

“Bakit kung ikaw ang mahal niya ay bakit nagpakasal siya sa akin? Bakit hindi ikaw ang pinakasalan niya? Dapat pinili ka niya kung totoong ikaw ang mahal ni Dervon.”

“Mahal niya ako.” Paulit-ulit naman.

“Hindi ’yan ang ’saktong sagot mo sa tanong ko. Magkaiba ’yan sa posibilidad na naisip kong isasagot mo. Don’t tell me, lihim lang ang relasyon ninyo ni Dervon? Sa pagkakaalam ko kasi ay masyadong strict ang nanay ng asawa ko,” I said to her.

Sasagot pa sana siya nang bumalik na rin si Dervon. “What’s wrong, Arjana? Ayos ka lang?”

“Veins, inaaway ako ng babaeng ’yan!” Best actress talaga at parang bata kung magsumbong.

Ang bruha ay yumakap naman sa asawa ko at sinubsob pa ang makapal niyang face sa dibdib nito. Dervon glared at me na as if ay inaway ko talaga ang kabit niya. Tumigas lang ang ekspresyon ng mukha ko.

“What did you do?” malamig niyang tanong at nagkibit-balikat lamang ako.

“Tahimik akong nagtatrabaho. Kaya bakit ako makikipag-away?” nakataas ang kilay na tanong ko. Umigting ang panga niya, kasi nagawa ko siyang sagutin.

“Veins, pinagsalitaan niya ako ng hindi maganda.” Talaga lang ha?

“What is it?” Ang lambing ng kumag.

“She told me that, she’ll make you fall for her!” Napapikit na lang ako. Tsismosa talaga.

“That won’t happen. Hindi ako mahuhulog sa kaniya. Never,” mariin na saad niya.

“Huwag kang magsalita nang tapos, Dervon Veins. Baka mamaya niyan ay kakainin mo pa ang sinabi mo,” pagtatanggol naman ni Haze sa akin. Tumayo ako at hinarap si Dervon.

“Gagawin ko ’yon, gagawin ko ang lahat. Mahalin mo lang ako. Desperada na kung despereda, pero hindi kita susukuan, Dervon. Dahil mag-uumpisa pa lamang ako,” seryosong sabi ko and he grinned.

“Paano kung mabigo ka?” nanghahamon niyang tanong.

“I can. Mamahalin mo rin ako, DV.”

“So, sinasabi mo na ngayon na mahal mo na ako?”

“Paano kung sasabihin kong oo, ano’ng gagawin mo?”

“I won’t let myself falling for you then,” sagot niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at nanikip din nang husto ang aking dibdib.

“Well, let’s see,” nakangising sagot ko lamang. Mabilis na kinuha ko ang aking laptop at tinalikuran ko na sila.

“Mrs Avelino, hindi ka pa tapos kumain!” sigaw ni Haze.

“I lost my appetite!” I said to him.

“Akin na lang ang coffee mo!” pahabol na sabi pa niya.

“Ikaw ang bahala,” sagot ko nagmamadali na akong lumayo sa kanila.

Pumunta na lamang ako sa tabi ng dagat. Wala akong pakialam kung mababasa man ako.

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha ko. Ang ganda ng kulay asul na kalangitan at dagat. Dinig na rinig ko ang paghampas ng alon sa buhangin.

Sana bigyan pa ako nang lakas ng loob na harapin ang asawa ko, nang hindi naman ako nasasaktan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife's Tears   CHAPTER 48

    Chapter 48“What’s your name?” mahinang tanong ng isang lalaki, sa babaeng kausap niya sa mga oras na ito.“I’m... Margarita,” napapaos ang boses na sagot nito sa kaniya.“Margarita?” Natawa siya nang mahina, though wala naman talagang mali sa pangalan nito. Maganda naman iyon. “Why, Margarita?”“’Cause I’m drunk… so, so drunk. I drank a margarita, alright?”sagot nito. Napapikit pa ito, halata ngang lasing na. Wala na sa sarili nitong poise ang dalaga.“Oh, I see. Sa kalasingan mo ay hindi mo na maalala ang pangalan mo.” Napahalakhak pa siya, dahil natutuwa siya sa tinuran ng babae. “Pero bakit ka ba nagpakalasing, ha?”“Because...I’m so mad!” sigaw nito, may kasama pang pagturo sa kung saan.“Kanino ka ba galit?” he asked, bigla siyang na-curious sa dalaga.“Kay DV.”“DV? Who is he?”“He’s my uhm...” Ipinilig pa nito ang ulo. Alam niyang nahihilo na talaga ito.“Ano ba ang ginawa sa ’yo ng DV na ’yon, Margarita?" “K-kuwentuhan na lang kita. I was once a neurologist, and I even went

  • My Wife's Tears   CHAPTER 47

    Chapter 29: Revelation No.1 Drunk & MargaritaSOMEONE’S POV “Arjana...” tawag ko sa asawa ko na ngayon ay nakaupo sa mahabang sofa, at hinihimas-himas ang kaniyang malaking tiyan. Nilingon niya.“What is it, baby?” malambing na tanong niya.“Come here...” marahan na utos ko at nginitian niya ako ng matamis, saka siya lumapit sa akin. Pagkalapit niya ay inalalayan ko siyang makaupo sa sofa, dito mismo sa tabi ko. Nakangiti kong hinaplos ang malaking umbok ng tiyan niya. Naglalambing na niyakap niya ako, at humilig siya sa balikat ko. “Ilang buwan na lang manganganak ka na.”“Yup, sayang wala ka roon.” Napangisi ako. “Why would you be sad? Your lover is there anyway.”“Why are you doing this, huh?”“Because I want Aurora Pearls Crizanto, who happens to be the wife of your damn man!”“I hate you! Basta after this plan! Maghihiwalay na tayo at makukuha mo na ang babaeng iyon!” sigaw at hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.“Watch your words. She has a name, my Aurora.” Mariin na hinawaka

  • My Wife's Tears   CHAPTER 46

    Chapter 46Tumingin ako sa lalaki, kanina pa niya ako ginagalit, e.“Mali. Baril,” pagtatama ko.“What? Parehas lang naman iyon ah,” mahinang tugon niya, at mapaklang tumawa ako, isang tawang may bigat ng banta.“Idiot, tinanong kita sa ating wika kaya sasagot ka rin ng Tagalog! Wala ka sa America, dude,” mariin kong sagot, ang tinig ko may halong galit at pagmamaliit.“Madam, put your gun down, please,” yumanig ang boses ni Leo, pilit na humihiling habang naglalakad papalapit.“Alam mo, Mr. Captain Cleton, bobo ka. Sabi mo isa akong suspect? Then Leo and Bud are also suspects kasi hindi sila umalis sa tabi ko. Ashton Earl Cleton, mag-imbestiga ka pa nang mabuti at alamin mo kung sino talaga ang kriminal, hindi iyong maghihinala ka lang. And are you out of your mind, huh? He’s my Vice President! Do you think I have a plan to kill him, gayong ang ganda ng performance niya—kahit pa sugarol at manloloko siya?” mariin kong sambit, sabay ibinalik ang baril sa likod ko.“At iyon ang unang e

  • My Wife's Tears   CHAPTER 45

    Chapter 45: Surrender HINDI ko na hinintay pang may dumating na pulis sa bahay namin. Bago pa man nila ako arestuhin, ako na mismo ang lumapit at sumuko. Kung ano man ang paratang sa akin ay sige haharapin ko. Taas-noo, at matapang kong tatanggapin ang kung ano mang katanungan nila tungkol sa krimen na ako raw ang may gawa. Tsk.Tahimik ang paligid nang dumating ako sa istasyon, kasama ko naman si Bud. Walang nag-utos sa akin, walang sapilitang tumulak. Ako mismo ang nagbukas ng pinto at huminga nang malalim bago pumasok. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin sa akin—mga matang nagtataka kung bakit isang katulad ko ang kusang loob na pumapasok sa lugar na karaniwang iniiwasan ng mga may kasalanan.Ang kaso, iyong pulis na in-charge sa kaso ko ay pinainit ang ulo ko. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi niya.“What the fuck did you say?!” sigaw ko, hindi na ako kalmado sa lagay na ’yan, at kinuwelyuhan ko na nga ang lalaki.“Madam, calm down!” sita sa akin ni Bud, pero hindi ko siya pinans

  • My Wife's Tears   CHAPTER 44

    Chapter 44AURORANagising ako kinaumagahan, dahil sa mahinang pag-iyak ni Dervon. Kala ko panaginip lang, pero totoo pala. Boses niya ang naririnig ko, kahit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko.Sumikip ang dibdib ko nang makita kong nakayakap siya nang mahigpit sa akin at paulit-ulit na sinasabi ang, “I’m sorry…”Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry. Biglaan naman yata, at hindi ko pa ito in-expect. Nanaginip ba siya? Sinapian ng iyakin na esprito? Because knowing him, hindi naman siya iyakin, e.“I’m sorry… I-I’m really sorry… sorry…” Humarap ako sa kaniya at mabilis naman siyang umupo, kasabay na tinakpan ang mukha niya, gamit ang kaniyang malaking palad.Parang bata kung umiyak, ah.“Bakit ka nagso-sorry? Ang aga-aga, ah,” tanong ko, bahagyang nanginginig ang boses. Kasi nga bagong gising pa ako.“I’m sorry… Ang tanga-tanga ko lang kasi... Sorry,” aniya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Kanina pa yata siya umiiyak.He closed his eyes at masaganang lumalandas

  • My Wife's Tears   CHAPTER 43

    Chapter 27: Criminal “THE Fvck?!” That was her collection? And oh God! I remember it now! Hindi pala ito koleksyon ng bracelet. Maraming pendant lang siya, pero iisang bracelet lang din. And she’s my Ate Ape... S-Siya nga… “What have you done, Avelino?” bulong ko sa sarili ko, nanginginig pa ang mga kamay ko.Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang mga litrato namin, mula pa noong first day ko sa school. Shit! S-siya pala ang kasa-kasama ko dati…Bigla kong naramdaman ang pagbigat ng dibdib ko, sumikip ito, at bumalik sa isip ko ang mga ginagawa ko sa kaniya noon. Lahat ng alaala na bigla ko na lang nakalimutan. THIRD PERSON’S POV“Ate Ape! Babalik ka, ha? Babalik ka po, ha?” halos maiyak na tanong ni Dervon sa batang babae, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses niya.“Of course, my Deeyvey. I’ll be back, at pagbalik ko…” natatawang sambit ni Ate Ape habang hinahaplos ang buhok niya. “Dapat matangkad ka na at binatang-binata na.”“Pero matagal po ba?” inosente niyang tanong,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status