Share

CHAPTER 6

Author: Lyn Hadjiri
last update Last Updated: 2025-08-08 10:20:18

Be strong

PUMIKIT ako at huminga nang malalim. Naguguluhan ako at hindi talaga ako ganito. I’m not crying over someone; I genuinely don’t care about them. My well-being is all I care about, and of course kasama na roon ang pamilyang mayroon ako. Hindi rin naman ako mahina.

“Hey, Aurora!” Nagulat naman nang may tumawag sa akin.

Nang tingnan ko ito ay si Hajinn lang pala. Kumaway pa siya sa ’kin, bago siya umupo sa tabi ko.

“Bakit ka sumunod? Iniwan mo roon ang kaibigan mo?” tanong ko sa kaniya. Magaan ang loob ko kay Haze. Siguro dahil ibang-iba ang ugali niya compared sa asawa ko.

“Hayaan mo na silang dalawa. Magsama silang mga baliw,” aniya at ngumiti na naman siya. Kaya lumabas na naman ang asset niya sa magkabilang pisngi. Ang dimple niya mismo. “Okay ka lang ba?”

“Huwag mo akong kaawaan,” malamig na sambit ko at tumingin sa asul na karagatan.

“Tinatanong lang kita kung okay ka lang. Hindi kita kinakawawa, ha. Hindi mo nga ako pinansin kanina. Nagmukha akong baliw habang kinakausap ka. Pero ikaw ay behave lang,” sabi niya at parang may hinanakit sa kaniyang boses.

Ang ayoko sa lahat ay ang kinakaawaan ako. Ayoko ng ganoon kasi pakiramdam ko ay mahina ako sa paningin nila.

Gusto ko iyong nakikita nila na kaya ko at matapang ako. Na wala lang sa akin ang lahat, dahil kung ano pa ang problema ang dumating sa buhay ko ay kaya kong harapin ng mag-isa. Na isa lang naman itong pagsubok. Dahil iyon naman talaga ako. Iyon ako at hindi ako umaasa sa iba.

“Then what are you doing here?” I asked him. Ang aking atensyon ay nasa magandang tanawin. Ramdam ko ang pagtitig niya sa mukha ko.

“Makikitsimis lang naman ako,” mabilis na sagot niya, kaya sinulyapan ko siya. “Kidding aside. Ayaw ko lang sa mga lalaki na sinasaktan kayong mga babae. Galit ako sa mga lalaking ganoon, na iyong sinasaktan nila ang mga babae. Na wala namang ibang ginawa sa kanila, kundi ang mahalin sila.” Sa boses pa lamang niya ay nahihimigan ko ang iritasyon niya.

“Pero lalaki ka.” kunot ang noong sambit ko.

“Yes, pero iba naman ako. Hindi ako katulad nila,” depensa niya sabay ngiti na naman niya. Honestly speaking, nakadadala talaga ang ngiti niyang iyan. Kahit sinong tao ay mahahawa.

“But I’m curious, Haze. Bakitb ka naman galit sa kauri mo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.

“Marami akong kapatid na babae, Aurora. Ayokong nakikita silang sinasaktan ng mga lalaki. Oo, lalaki nga ako. Ngunit malaki ang respeto ko sa inyo. Hindi ko lang kayang makitang umiiyak ang mga babae, dahil sa kanila. I’ve seen the pain firsthand—sa mommy ko mismo.” Nagkainteres ako bigla sa kuwento niya.

“What happened?”

“Bata pa lang ako noon at alam ko na

ang dahilan ng mga luha ni mommy. Alam mo ba na pinanganak ako na wala sa tabi namin si dad? Wala siya sa tabi ni mommy sa mga panahon na kailangan siya,” malungkot na sabi niya. Kumislap pa ang kaniyang mga mata.

“Masakit iyon,” komento ko na ikinatango niya.

“Yes. Pitong taong gulang din akong nawalay kay dad at si mom naman. Alam kong mahirap magpalaki ng anak, kahit nag-iisa lang ako. Seeing my mom cry breaks my heart,” he said. I understand. Bilang isang anak ay masakit talagang makita na nahihirapan ang ating ina.

“Tapos? Ano ba ang dahilan kung bakit nawalay ka sa daddy mo? O kung ano ang nangyari sa kanila?”

Tipid siyang ngumiti at bumuntong-hininga. “They’re breaking up, but not because someone cheated. Pero kung sa point of view ng daddy ko ay iyon ang ginawa ni mommy. That’s not true. Someone set them up, leading to father’s heartbreaking decision, and he thinks my mother is only after money. Can you believe that? Dahil lang sa mga taong nasa likod niyon ay nawala agad ang tiwala ng aking ama.”

“They’re both victims,” I uttered and he nodded again.

“They met again after 8 long years. Tadhana nga naman ay masyadong mapaglaro. Iyon nga lang galit si dad, galit siya sa aking ina. Well, sino ba naman ang hindi kamumuhian kung ang girlfriend mo ay inakala mong nag-cheat sa ’yo?” He laugh without humor, saka siya nagpatuloy sa pagkukuwento. “Dad’s reckless decision shattered lives, leaving regret and heartache.”

“Ganoon talaga, Haze. Kapag galit tayo ay nakagagawa tayo ng maling desisyon. Na kalaunan ay pagsisisihan pa rin natin,” aniko.

“Kung sana ay pinakinggan niya si mommy ay hindi na rin sana sila nagkahiwalay at nagkasakitan pa. Love puts us through tough times. Anyways, that’s all in the past. Naka-move on na rin ang parents ko. Gumagawa na sila ng panibagong alaala at mahal na mahal nila ang isa’t isa. Isa sa natutuhan nila ang pagtitiwala. Kaya hintayin mo ang karma ng kaibigan ko,” mahabang pahayag niya at mahina akong napahalakhak.

“Hanga ako sa mga magulang mo, Haze. Kahit ilang taon silang naghiwalay, nawala ang tiwala ng daddy mo sa mommy mo ay hindi nawala ang pagmamahal niya at ganoon din ang iyong ina. Nalampasan nila ang pagsubok. True love nga iyon.”

“Tama ka. Gusto ko rin nang ganoong pag-ibig. Kilala ko naman talaga ang matalik kong kaibigan. Mahirap mang paniwalaan pero mabait ’yan, e. Kaya maraming nahuhumaling sa gagong ’yan. Hindi ko lang alam kung bakit ayaw niya sa iyo,” nakasimangot na saad niya.

“Ayaw niya sa akin, dahil may iba siyang mahal, Haze. Iyon ang dahilan,” aniko.

“Kung ako lang ang na-trap kasama ka ay hindi magiging miserable ang buhay ko.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Basta ituloy mo lang ang plano mong paibigin ang lalaking iyon. Tingnan na lang natin kung hindi siya luluhod sa iyo,” natatawa niyang sambit. Mag-best friend sila ng asawa ko, but mas kinakampihan niya ako.

“How about you, Haze? Naranasan mo na ba ang masaktan?” I asked him.

“Unfortunately yes.”

“Really?” hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi halata. Nagmahal na rin si Haze? Wala talaga sa hitsura niya. Parang naglalaro lang naman ito. Kung sabagay nga naman, mukha pa lang niya ay marami na ang maghahabol sa kaniya. Pero siya pa pala ang makararanas ng sakit. Tumango siya kaya kunulit ko siyang magkuwento.

“I let her go because she wanted to pursue her dreams. She prioritized that, and I’m okay with it. It’s fine; it’s for our future,” he said.

“Kakaiba ka. Ang suwerte talaga ng future wife mo, Haze,” nakangiting sabi ko.

“Ako rin ay hanga sa iyo, Aurora. Kahit nasasaktan ka sa ginawa ng kaibigan ko ay may lakad nang loob ka pa rin na magsabi na gagawin mo ang lahat, mahulog lang ang loob ni Dervon. Alam kong kaya mo. Isa ako sa tatawa sa kaniya kapag nangyari na iyon,” aniya.

“Thank you, Haze,” sincere na saad ko at binigyan ko pa siya ng matamis, na ngiti na bihira ko na lang iyong ginagawa.

Kahit na ngayon ko lang siya nakilala ay magaan na ang aking loob. Hindi man lang ako nakaramdam nang pagkailang, kahit na kanina ay hindi ko siya pinansin. Parang nagkaroon pa ako ng kaibigan. Bagong kaibigan. Hmm, not bad.

“You’re welcome, Mrs Avelino,” nakangiting sabi niya. Hayan na naman ang pagngiti niya.

Kung kay Haze lang ako ikinasal ay baka hindi ako ganito. Na hindi ako nasasaktan, dahil sa pinaggagawa ng asawa ko. Pero alam ko rin na may true love pa siyang hinihintay. Ang babaeng mahal niya na mas pinili niyang palaging. Na iyon din ang kagustuhan nito.

Buti pa si Haze, kung titingnan mo ay parang mapaglaro ito sa babae, pero hindi naman. Totoo naman talaga ang kasabihan na, don’t judge the book by its cover.

Sabagay hindi maiwasan na husgahan mo ang isang tao sa panlabas na anyo. Dahil iyon din naman ang nakikita mo, hindi ang buong istorya nito.

Kaya bago mo husgahan ang isang tao, make sure na alam mo ang kuwento nila sa buhay.

“Huwag kang magpapatalo sa babaeng iyon, Aurora. Kaya mong labanan iyon. Huwag kang mag-alala. Kakampi mo ako, mas pipiliin kita kaysa kay Dervon.”

“Halata nga na sa akin ka kakampi. Dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi mo sa kaibigan mong iyon. Hindi ko alam kung bakit naging magkaibigan kayo. Ang layo ng ugali ng isang iyon. Tapos nalaman ko rin kahapon na kapatid pala niya si Ate D,” pahayag ko.

“Kilala mo si Ate Diane?” he asked and I nodded.

“Dahil kay papa, kaya kilala ko siya. Kahapon nga ay nag-away sila. Ako ang nahihiya,” nakangiwing sambit ko. Napangisi siya at mukhang natuwa siya sa nalaman.

“Kilala ko ang ate niya. Nakatatakot iyon kapag magalit. Masyado rin kasing mabait si Ate Diane. Buti nga sa kaniya. Deserve niyang mapagalitan nang ganoon. Kasi tanga-tanga siya,” sabi pa niya at ako talaga ang natatawa sa pagtatraydor niya sa kaniyang kaibigan.

“Hindi naman halatang galit ka sa kaniya, ’no?” tanong ko.

“Sinabi ko na sa iyo kanina. Galit ako sa mga lalaking nananakit ng babae at hindi exempted si Dervon. Kasama na siya sa pinakaayaw ko,” naiiling na saad pa niya.

“Ikaw talaga.” Sa tuwa kong kausap siya ay nagawa kong hawakan ang ulo niya.

“Dapat nakangiti ka lang. Bawal kang umiyak at sumimangot,” aniya.

Salamat sa guwapong lalaki na ito. Nawala na ang bigat sa aking dibdib.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife's Tears   CHAPTER 48

    Chapter 48“What’s your name?” mahinang tanong ng isang lalaki, sa babaeng kausap niya sa mga oras na ito.“I’m... Margarita,” napapaos ang boses na sagot nito sa kaniya.“Margarita?” Natawa siya nang mahina, though wala naman talagang mali sa pangalan nito. Maganda naman iyon. “Why, Margarita?”“’Cause I’m drunk… so, so drunk. I drank a margarita, alright?”sagot nito. Napapikit pa ito, halata ngang lasing na. Wala na sa sarili nitong poise ang dalaga.“Oh, I see. Sa kalasingan mo ay hindi mo na maalala ang pangalan mo.” Napahalakhak pa siya, dahil natutuwa siya sa tinuran ng babae. “Pero bakit ka ba nagpakalasing, ha?”“Because...I’m so mad!” sigaw nito, may kasama pang pagturo sa kung saan.“Kanino ka ba galit?” he asked, bigla siyang na-curious sa dalaga.“Kay DV.”“DV? Who is he?”“He’s my uhm...” Ipinilig pa nito ang ulo. Alam niyang nahihilo na talaga ito.“Ano ba ang ginawa sa ’yo ng DV na ’yon, Margarita?" “K-kuwentuhan na lang kita. I was once a neurologist, and I even went

  • My Wife's Tears   CHAPTER 47

    Chapter 29: Revelation No.1 Drunk & MargaritaSOMEONE’S POV “Arjana...” tawag ko sa asawa ko na ngayon ay nakaupo sa mahabang sofa, at hinihimas-himas ang kaniyang malaking tiyan. Nilingon niya.“What is it, baby?” malambing na tanong niya.“Come here...” marahan na utos ko at nginitian niya ako ng matamis, saka siya lumapit sa akin. Pagkalapit niya ay inalalayan ko siyang makaupo sa sofa, dito mismo sa tabi ko. Nakangiti kong hinaplos ang malaking umbok ng tiyan niya. Naglalambing na niyakap niya ako, at humilig siya sa balikat ko. “Ilang buwan na lang manganganak ka na.”“Yup, sayang wala ka roon.” Napangisi ako. “Why would you be sad? Your lover is there anyway.”“Why are you doing this, huh?”“Because I want Aurora Pearls Crizanto, who happens to be the wife of your damn man!”“I hate you! Basta after this plan! Maghihiwalay na tayo at makukuha mo na ang babaeng iyon!” sigaw at hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.“Watch your words. She has a name, my Aurora.” Mariin na hinawaka

  • My Wife's Tears   CHAPTER 46

    Chapter 46Tumingin ako sa lalaki, kanina pa niya ako ginagalit, e.“Mali. Baril,” pagtatama ko.“What? Parehas lang naman iyon ah,” mahinang tugon niya, at mapaklang tumawa ako, isang tawang may bigat ng banta.“Idiot, tinanong kita sa ating wika kaya sasagot ka rin ng Tagalog! Wala ka sa America, dude,” mariin kong sagot, ang tinig ko may halong galit at pagmamaliit.“Madam, put your gun down, please,” yumanig ang boses ni Leo, pilit na humihiling habang naglalakad papalapit.“Alam mo, Mr. Captain Cleton, bobo ka. Sabi mo isa akong suspect? Then Leo and Bud are also suspects kasi hindi sila umalis sa tabi ko. Ashton Earl Cleton, mag-imbestiga ka pa nang mabuti at alamin mo kung sino talaga ang kriminal, hindi iyong maghihinala ka lang. And are you out of your mind, huh? He’s my Vice President! Do you think I have a plan to kill him, gayong ang ganda ng performance niya—kahit pa sugarol at manloloko siya?” mariin kong sambit, sabay ibinalik ang baril sa likod ko.“At iyon ang unang e

  • My Wife's Tears   CHAPTER 45

    Chapter 45: Surrender HINDI ko na hinintay pang may dumating na pulis sa bahay namin. Bago pa man nila ako arestuhin, ako na mismo ang lumapit at sumuko. Kung ano man ang paratang sa akin ay sige haharapin ko. Taas-noo, at matapang kong tatanggapin ang kung ano mang katanungan nila tungkol sa krimen na ako raw ang may gawa. Tsk.Tahimik ang paligid nang dumating ako sa istasyon, kasama ko naman si Bud. Walang nag-utos sa akin, walang sapilitang tumulak. Ako mismo ang nagbukas ng pinto at huminga nang malalim bago pumasok. Ramdam ko ang bigat ng bawat tingin sa akin—mga matang nagtataka kung bakit isang katulad ko ang kusang loob na pumapasok sa lugar na karaniwang iniiwasan ng mga may kasalanan.Ang kaso, iyong pulis na in-charge sa kaso ko ay pinainit ang ulo ko. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi niya.“What the fuck did you say?!” sigaw ko, hindi na ako kalmado sa lagay na ’yan, at kinuwelyuhan ko na nga ang lalaki.“Madam, calm down!” sita sa akin ni Bud, pero hindi ko siya pinans

  • My Wife's Tears   CHAPTER 44

    Chapter 44AURORANagising ako kinaumagahan, dahil sa mahinang pag-iyak ni Dervon. Kala ko panaginip lang, pero totoo pala. Boses niya ang naririnig ko, kahit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko.Sumikip ang dibdib ko nang makita kong nakayakap siya nang mahigpit sa akin at paulit-ulit na sinasabi ang, “I’m sorry…”Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry. Biglaan naman yata, at hindi ko pa ito in-expect. Nanaginip ba siya? Sinapian ng iyakin na esprito? Because knowing him, hindi naman siya iyakin, e.“I’m sorry… I-I’m really sorry… sorry…” Humarap ako sa kaniya at mabilis naman siyang umupo, kasabay na tinakpan ang mukha niya, gamit ang kaniyang malaking palad.Parang bata kung umiyak, ah.“Bakit ka nagso-sorry? Ang aga-aga, ah,” tanong ko, bahagyang nanginginig ang boses. Kasi nga bagong gising pa ako.“I’m sorry… Ang tanga-tanga ko lang kasi... Sorry,” aniya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Kanina pa yata siya umiiyak.He closed his eyes at masaganang lumalandas

  • My Wife's Tears   CHAPTER 43

    Chapter 27: Criminal “THE Fvck?!” That was her collection? And oh God! I remember it now! Hindi pala ito koleksyon ng bracelet. Maraming pendant lang siya, pero iisang bracelet lang din. And she’s my Ate Ape... S-Siya nga… “What have you done, Avelino?” bulong ko sa sarili ko, nanginginig pa ang mga kamay ko.Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang mga litrato namin, mula pa noong first day ko sa school. Shit! S-siya pala ang kasa-kasama ko dati…Bigla kong naramdaman ang pagbigat ng dibdib ko, sumikip ito, at bumalik sa isip ko ang mga ginagawa ko sa kaniya noon. Lahat ng alaala na bigla ko na lang nakalimutan. THIRD PERSON’S POV“Ate Ape! Babalik ka, ha? Babalik ka po, ha?” halos maiyak na tanong ni Dervon sa batang babae, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses niya.“Of course, my Deeyvey. I’ll be back, at pagbalik ko…” natatawang sambit ni Ate Ape habang hinahaplos ang buhok niya. “Dapat matangkad ka na at binatang-binata na.”“Pero matagal po ba?” inosente niyang tanong,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status