KALMADONG kinuha ni Crixzus ang isang hard briefcase mula sa likuran ng sasakyan. Binuksan nito iyon, tumambad sa mga mata ng mga armado ang bugkos-bugkos na kulay asul na papel na pera.
“Sapat na ba ito para pagbigyan mo ako?” Napatikhim ang lalaki sabay lingon sa mga kasama. Tumango ang mga ito, sumenyas na tanggapin ang pera. “I believe that silence means yes. Here, take it.” Isinarado ni Crixzus ang briefcase bago inilabas mula sa nakabukas na bintana ng kotse. Tinanggap iyon ng lalaki kasunod ang isang buntonghininga. “Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan, De La Croix. Dahil kung hindi ay malamig na bangkay ka nang lalabas dito.” Sumenyas ito sa ibang tauhan na papasukin sila sa bakuran. Nang maigarahe ang sasakyan, naunang bumaba si Crixzus para pagbuksan siya ng pinto. Nag-aalangan na napatingala siya sa lalaki. “Magiging okay ba tayo sa loob?” Sapat na ang lahat ng kaniyang nasaksihan para mabatid na hindi basta-basta lamang ang taong kanilang pinuntahan. Nakadarama siya ng panganib sa lugar na iyon. Inilahad ni Crixzus ang palad sa kaniyang harapan. “Trust me, baby. I'll protect you no matter what.” May tiwala siya sa lalaki kaya naman inabot niya ang kamay nito. Naramdaman pa niya ang marahan nitong pagpisil. “Brace yourself. Makakaharap mo na sila.” Hawak kamay na binaybay nila ang daan patungo sa loob ng malaking mansyon. Sinamahan sila ng isa sa mga tauhan ng Don, nakasunod rin si Skye sa kanila na alertong nagmamasid sa paligid. “Dito niyo na lang siya hintayin. Pupuntahan ko lang siya sa kaniyang silid para ipaalam na narito ka.” Itinuro nito ang malawak na sala kung saan naroon ang isang mahabang sofa na gawa sa leather bago sumakay sa elevator patungo sa silid ng Don. Inilibot ni Mikaela ang mga mata habang nakaupo. Nalulula siya habang palipat-lipat ang tingin sa mga sining na nakasabit sa pader. May kaunting alam siya sa arts kaya naman sa nakikita niyang kulay, hugis, espasyo, at maging ang mensahe na hatid ng mga iyon ay batid niyang orihinal at high-quality. Tiyak na milyon ang halaga ng bawat isa. “Could you please shut your mouth? You're really nailing the fish-out-of-water impression,” pabulong na sita sa kaniya ni Crixzus. Napailing siya at napakamot sa ulo. “S-sorry. Nakamamangha kasi ang mga painting na nakasabit sa pader. Para akong nasa isang museum. Alam mo bang gusto kong maging—” Nabitin sa ere ang kaniyang salita nang bumukas ang elevator. Iniluwa nito ang isang lalaki na naglalaro ang edad sa sixties o seventies. Kahit kulubot na ang balat ay matikas pa rin ang tindig nito. Taglay ang kulay chocolate na mga mata na kapares ng sa kaniya. Suot nito sa leeg ang malaking kadena na kwintas na gawa sa ginto, at gintong relo naman sa pulsuhan. Ang bawat daliri ay mayroon ding nakasuot na naglalakihang mga gintong singsing. May hawak itong baston na may disenyo ng ulo ng agila, tanda ng kapangyarihan nito. “De La Croix? Ano ang masamang hangin na nagdala sa ’yo rito? Tila napakaimportante ng pakay mo, ikaw pa talaga ang sumadya. Isinama mo pa ang tagapagbigay aliw mo,” anito sabay sulyap sa kaniya gamit ang mapanlibak na tingin. Napahawak siya sa braso ni Crixzus. Nakaramdam siya ng takot sa matandang kaharap. Ni minsan ay wala pang nangahas insultuhin siya nang harap-harapan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon. “Maging marahan ka sa pagbibitiw mo ng salita, Don Ybarro. Baka pagsisihan mo kapag nalaman mo ang pakay ko,” pagtatanggol sa kaniya ni Crixzus. Ngumisi ang Don bago umupo sa bakanteng sofa na nasa kanilang harapan. Iwinasiwas nito ang kamay sa isang maid na mabilis namang lumapit. “Ipaghanda ng meryenda ang ating mga bisita, madali!” “Masusunod, Don!” Yumuko ang katulong bago matulin na umalis. Sumandal ang Don sa sofa, pinagkrus ang mga binti, at saka seryoso na tumingin sa kanila. “Bueno, ano nga ba ang dahilan at napadpad ka sa pugad ko, De La Croix? Ang lakas ng loob mo na pasukin ang lungga ng kalaban mo na isang alalay at isang babae lamang ang kasama. Narito ka ba para isuko na sa akin ang Norte?” Ang pinag-aawayan nilang teritoryo ang tinutukoy nito. Humigpit ang kapit ni Mikaela sa braso ni Crixzus kaya naman napalingon sa kaniya ang lalaki. “A-ano ba ang mga sinasabi niya? H-hindi ba narito tayo para—” Napaigtad siya nang biglang hablutin ng Don ang kaniyang pulso. Umigkas ang panga nito habang matiim na nakamasid sa kaniyang braso. “I-ikaw . . . ” Ibinaling nito ang kulay tsokolate na mga mata sa kaniya. Binitawan nito ang kaniyang pulso, kasunod nito ay ang pagdakot sa kaniyang panga. Mabilis na hinawakan naman ni Crixzus ang kamay ng matanda ngunit hindi ito nagpatinag na tanggalin ang pagkakahawak sa kaniyang panga. “Don Ybarro!” May pagbabanta sa himig ni Crixzus. “H-huwag mo po akong sasaktan! M-maawa po kayo, Sir!” pakiusap niya. Nangingilid ang kaniyang luha sa takot. “S-sino ka? B-bakit may hugis bilog at kulay pula kang birthmark sa iyong pulso? B-bakit magkapareho tayo ng mga mata?” Hindi siya makasagot. Pagkaraan ng ilang saglit, si Crixzus na ang nagsalita. “Tama ang iniisip mo, Don Ybarro. Siya nga ang nawala mong anak eighteen years ago. Matagal na siyang nasa akin.” Hindi makapaniwala si Mikaela sa narinig. Hindi niya inaasahan na magiging malupit ang tunay niyang ama sa una nilang pagkikita. Binitawan nito ang kaniyang panga at saka sarkastikong tumawa. “Sa tingin mo ganoon mo kadaling mabibilog ang ulo ko, ha, De La Croix? Walanghiya ka talaga! Gagamitin mo maging ang namatay kong anak para lang sa pansariling hangarin mo? Wala kang pinagkaiba sa tuso mong ama!” Naikuyom ni Crixzus ang mga kamao, pinipigil ang galit na sumabog. “Hindi tuso ang ama ko, alam mo yan!” “Kaya ba pinatambangan niya ako at ang aking pamilya sa kaniyang mga tauhan para ipapatay? Dahil sa kaniya, nawala ang nag-iisa kong anak! At ngayon, ihaharap mo sa akin ang babaeng ito?” Dinuro nito ang mukha ni Mikaela ngunit mabilis na tinabig ni Crixzus ang kamay ng matanda. Nakasusugat ang tingin nitong ipinukol kay Crixzus ngunit hindi nakaramdam maski kaunting takot ang binata. “Hindi kita pipilitin na maniwala kung ayaw mo. Huwag mo lang insultuhin si Mikaela at ang ama ko!” Hinila siya patayo ni Crixzus. Akmang aalis na sila nang sumulpot ang isang ginang bitbit ang tray na may laman na mga pagkain. Napadako ang kaniyang tingin sa pulsuhan nito na may kapares na birthmark katulad nang sa kaniya. “S-sandali, Hija . . . M-maaari ba kitang makausap sandali?” pakiusap ng ginang. “Gracia! Hayaan mo na silang umalis!” utos ng Don ngunit hindi ito nakinig. Ipinatong nito ang tray sa center table, at pagkatapos ay buong ingat na hinawakan ang kaniyang kamay. “Huwag mong sabihin na naniniwala ka sa mga traydor na iyan? Mag-isip ka, Gracia! Hindi ka pa ba nadala sa ginawa ng mga De La Croix sa atin?” nanggigigil na pigil ng Don sa asawa ngunit hindi nag-atubili ang ginang na bitawan ang kaniyang kamay. Ngumiti ito sa asawa. “Maaari ba na kumalma ka muna, aking mahal na asawa? Nakakahiya sa ating mga bisita ang inaasal mo.” Napabuga na lang ng hangin ang matandang lalaki bago umupo sa sofa. “Hindi malayong anak kita, hija. May taglay kang kagandahan katulad ng sa akin, nakuha mo rin ang kulay tsokolate na mga mata ng aking asawa. Hindi malabo ang sinasabing ito ni Crixzus.” Bumaling ang mga mata ng ginang sa kaniyang kasama. “Maaari mo bang ikuwento sa amin kung paanong napunta sa ’yo ang batang ito?” Hinilot ni Crixzus ang bridge ng ilong bago tumugon. “I'm not good at storytelling. If you want, you can get a DNA test to be certain. That would be quicker, what do you think?” “Bakit parang nagmamadali ka yata, De La Croix?” banas na tanong ng Don. “Dahil gusto kong pakasalan ang anak niyo sa lalong madaling panahon.”“Saan tayo pupunta?” maang na tanong ni Mikaela kay Crixzus na kasalukuyang katabi niya sa backseat ng kotse. Kasama rin nila si Skye na siyang driver nila.Maaga siyang ginising ng lalaki at pinagbihis. Wala naman itong sinasabi kung saan ang destino nila kaya siya na mismo ang nagtanong.“Sa Fortaleza Montereal,” matipid na tugon nito.“Fortaleza Montereal?” Ngayon niya lang narinig ang pangalan na iyon, ngunit ang Montereal sa salitang iyon ay isa lang ang ibig sabihin . . . may kinalaman iyon sa tunay niyang pamilya.“Oo. Napuntahan mo na ang lugar na iyon. Ang malawak na hacienda kung saan unang beses mong nakita at nakilala ang iyong mga magulang. Gusto ka nilang makita.”Hindi niya batid kung ano ang iniisip nito. Nakatanaw lang ito sa bintana buong biyahe, parang wala sa mood na kausapin siya. Nilibang na lamang niya ang sarili sa panonood ng mga videos sa kaniyang cell phone.Katulad nang dati, maraming armadong tauhan sa labas at loob ng malaking gate na bakal. Kailangan nil
Walang hirap na natanggal nito ang suot niyang swim shorts mula sa likuran. Malayang naglakbay ang malikot at pangahas nitong mga kamay sa kaniyang buong katawan habang magkalapat ang kanilang mga labi, mapusok na nagpapalitan sila ng mga halik.“U-ugh . . . D-Daddy . . . ” ungol niya nang maramdaman ang kamay nito sa kaniyang gitnang bahagi. Nakagat niya ang pang-ibaba na labi nang maramdaman ang dalawang daliri nito na inilabas-pasok mula roon. “F-faster . . . please,” pikit matang pakiusap niya, paliyad-liyad ang katawan. Sinasabayan ang kamay nitong nagpapaligaya sa kaniya. “Y-yeah . . . Touch me there, D-Daddy . . . I-I like it,” pikit-mata niyang halinghing.Nagtatagis ang mga ngiping nilakumos ni Crixzus ang isa niyang dibdib. “I like the way you moan, sweetheart. Moan louder . . . I’m gonna make you feel so good!”Binilisan nito ang paglabas-pasok ng daliri sa kaniya hanggang sa tumirik ang kaniyang mga mata dahil sa sarap na natatamasa. Nang malapit na siya sa rurok ay humi
Malakas siyang napasinghap nang magkaroon siya ng pagkakataon na makalutang mula sa pagkakalubog. “T-tama na!” nahihirapan niyang usal ngunit tila bingi sa kaniyang pakiusap si Carmilla. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa ’yo na layuan mo si Crixzus! Akin lang siya! Akin!” Nanggagalaiti ito sa galit. Muli, inilubog nito ang kaniyang ulo sa tubig. Hindi niya batid kung ilang segundo siya sa ilalim, ang alam niya lang ay naninikip na ang kaniyang dibdib. Marami na rin siyang tubig na nainom. Sa kagustuhan na makatakas mula sa mga kamay nito, buong pwersa niya itong sinuntok sa sikmura. Napaigik ito sa sakit at kaagad siyang nabitawan. Galit na hinawakan niya ito nang mahigpit sa magkabila na balikat. “S-sinabi ko sa ’yo na tama na! A-ano ba ang problema mo?!” hinihingal niyang sigaw. Hindi ito sumagot, bagkus ay ngumisi na tila nagtagumpay sa plano. Mahigpit na hinawakan ni Carmilla ang magkabila niyang kamay na nakahawak sa mga balikat nito. “A-ano’ng ginagawa mo?” Hindi ito tumu
“Mikaela, halika na! Maupo ka na rito at samahan mo na kaming kumain,” bait-baitang paanyaya sa kaniya ni Carmilla. Isang hindi makabasag-pinggan at mapagpanggap na anghel-anghelan ang ganap nito. At ang nakatatawa pa ay para bang limot nito kaagad ang ginawa sa kaniya. Well, ano nga ba ang maaasahan niya sa isang taong may mental problem? Gustuhin niya mang patulan ito ay hindi maaari. Mas kailangan niya ngayon ay malawak na pang-unawa. Pang-unawa na hindi niya batid kung hanggang kailan niya matitikis. Pinilit niyang ngumiti pabalik dito kahit na asiwa siya. Sa kabila ng kumikirot na puso ay ayaw niyang ipahalata sa mga kaharap na nasasaktan siya personally. Iyon ang ayaw na ayaw niya, ang makita ng iba ang kaniyang kahinaan. Out of respect ay pumayag siya. “Sige, salamat.” Lumakad siya patungo sa mahabang lamesa. Hinila ni Crixzus ang bakanteng upuan sa bandang kaliwa nito para doon siya paupuin, ngunit naging mas mabilis si Skye sa kilos. Nauna nitong nahila ang upuan sa tabi,
Mahigpit siyang napakapit sa kumot na nakatakip sa kaniyang nanlalamig na katawan. Palihim niyang pinagmasdan ang mga kilos nito.Napansin niya ang maliit na kulay puting papel na hawak nito, ilang saglit pa ay inilagay nito iyon sa kaniyang side table. Mabilis siyang napapikit nang biglang ibaling nito ang tingin sa kaniyang dako. Pigil na pigil ang paghinga lalo na nang maramdaman niya ang mga yabag nitong papalapit sa kama.Inihanda niya ang sarili sa kung ano ang puwedeng sumunod na mangyari. Kung sakali man na ulitin nito ang ginawa sa kaniyang pananakal ay wala siyang ibang magagawa kundi ang labanan ito. Wala siyang balak na mamatay sa mga kamay nito.Ngunit, lumipas na ang ilang minuto ay walang nangyayari; nanatiling tahimik ang silid. Hanggang sa narinig niya ang mahinang langitngit ng nagbukas-sara na pinto ng kaniyang kuwarto. Muli, kabadong binuksan niya ang mga mata. Napahawak siya sa dibdib at malayang nakahinga nang mapagtantong wala na ito. Duda siyang may binabalak
“B-bakit kailangan ko silang patayin? M-mag-utos ka kahit na ano, gagawin ko! Huwag lang ang pumatay ng tao! H-hindi ko magagawa ’yan, lalong higit kung sa mga magulang ko! H-hindi man sila ang nagpalaki sa akin, mga magulang ko pa rin sila! Dugo at laman ko pa rin sila!” Mahina itong tumawa, hanggang ang tawa na iyon ay naging isang nakatatakot na halakhak na pumailanglang sa silid. Hawak nito ang sikmura, tila sayang-saya sa kaniyang naging reaksyon.“Just kidding, sweetheart. All I need is their help and approval, so that I can marry you. Not their death,” bawi nito sa sinabi. Ngunit kahit na ganoon, hindi mawala-wala ang kaba niya sa dibdib. Maluha-luha pa ito sa katatawa habang pinagmamasdan niya, na para bang magandang biro iyon.“Crixzus, that’s not a joke! That’s disturbing and cruel!” aniya sa seryosong tinig. Nilakasan niya ang loob na komprontahin ito.Tumigil naman ito sa pagtawa, kinamot nito ang makapal na kilay gamit ang hintuturong daliri, pagkuwa’y sinabi, “Baby, I’