Share

Kabanata 25

Penulis: Gia Maezy
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-11 22:05:18

Matapos na sabihin yun, binuhat ni Kasumi si Kira at mahigpit na niyakap ang bata. Hinalikan pa niya ang mapupulang pisngi nito saka nagsalita. "Sorry, baby. Sorry kung natakot ka. Pero tandaan mo ito, kahit gaano tayo kahina kapag inaapi tayo ng iba kailangan nating lumaban, okay? Huwag mong hayaang tapakan ka nila. Naiintindihan mo ba, anak?"

Tumango si Kira kahit hindi nito masyadong naiintindihan pa ang sinabi ng ina. Gamit ang maliliit nitong kamay, hinaplos ng bata ang namamagang pisngi n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 44

    Buong gabi siyang nanatili sa basement, yakap-yakap ang sketchpad ni Kasumi habang umiiyak na parang bata. Hindi na nga rin niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kakaiyak. Kinabukasan, tumunog ang phone niya. Mabilis naman niya itong sinagot kahit kakagising pa lang. "Sir, lumabas na po ang result ng DNA test."Natigilan si Aslan, hindi niya alam pero nagsimulang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim bago sumagot."Sabihin mo related ba kami ni Kira? Anak ko ba siya?""Sir..."Naghintay si Aslan. Para bang lalabas na ang puso niya sa sobrang kaba. "Negative po. Ayon po sa result, hindi po si Kira ang anak niyo. Kayo ni Kira ay hindi related sa isa’t-isa.” Napatayo si Aslan mula sa kanyang upuan nang marinig ang balita."Wait, hindi ko anak si Kira?" nanginginig na tanong niya ulit sa assistant niya. Umiling naman ang assistant. "Sir, ayon sa report, negative po ang DNA test. Wala kayong biological relationship kay Kira."Kumunot ang noo ni Aslan. "I

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 43

    Pagkarinig ni Margareth sa banta ni Aslan na hihiwalayan siya nito, agad siyang napaluhod at napahagulhol."Aslan, I'm sorry! Maling-mali ako sa nagawa ko kay Kasumi. Sige tatanggapin ko ang parusang ibibigay mo sa akin pero 'wag mo naman sana akong hiwalayan!"Kumapit pa siya sa pantalon ni Aslan habang basang-basa ng luha ang mukha. "Dahil sa pagligtas ko sa'yo noon, nawalan na ako ng kakayahang magkaanak. Sinong lalaki pa ang tatanggap sa akin? Kapag iniwan mo ako, mas mabuti pang mamatay na lang ako!"Nang marinig ito ni Aslan, humigpit ang hawak niya sa kanyang kamao.Tanginang utang na loob! Ito ang kadenang nakapulupot sa leeg niya. Ito ang dahilan kung bakit niya iniwan si Kasumi noon.Sana siya na lang ang nasugatan. Sana siya na lang ang napilay. Mas gugustuhin pa niyang maging baldado kaysa magkautang na loob sa babaeng 'to.Pumikit siya ng mariin saka tiningnan ng malamig ang dalaga. "Margareth, si Kasumi muntik nang mamatay sa panganganak kay Akiro. Para protektahan ang

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 42

    Hahawakan na sana ni Margareth ang braso ni Aslan ngunit agad na tinabig iyon ng lalaki. "Aslan..." hindi naman makapaniwalang sabi ni Margareth kay Aslan. Sa hindi inaasahang pagkakataon isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ng dalaga… Galing iyon kay Kasumi. "Para 'yan sa anak ko," gigil na sabi ni Kasumi sa babae. "Kung may nangyari sa kanya, papatayin talaga kita."Isa pang sampal ang pinakawalan ni Kasumi at sa kabilang pisngi naman."At para 'yan kay Akiro. Alam mo bang ang pangbibintang sa isang inosenteng bata ay pwedeng sumira sa pagkatao niya habambuhay?!"Pulang-pula na ang mukha ni Margareth. Hawak niya ang pisngi habang naiiyak na tumingin kay Kasumi. "Kasumi! How dare you!""How dare I? Subukan mo pang lumapit sa mga anak ko, hindi lang sampal ang aabutin mo."Subalit tinalikuran lang siya ni Kasumi, binuhat na nito si Kira at hinawakan ang kamay ni Akiro. "Tara na."Sumunod naman si Akiro sa ina na para bang isang maamong tuta. Naiwan si Margareth na nagwawala

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 41

    Sa kabilang banda, buhat-buhat pa rin ni Aslan si Kira. Tumingin lamang ng masama si Aslan kay Akiro. "Akiro," mariing tawag niya sa anak. Pero bago pa siya makapagbitaw ng salita, sumingit na naman si Margareth."Aslan, please. Huwag dito, umuwi na lang tayo. Tingnan mo basang-basa na si Aki, baka magkasakit siya."Tumingin si Aslan kay Kasumi at kay Kira. Gusto niyang manatili, gusto niyang siguraduhin na okay lang sila. Pero nakita niya ang galit sa mata ni Cohen at ang pag-iwas ni Kasumi sa kaniya. Alam niyang wala na siyang lugar para roon."Umuwi na tayo," malamig na utos ni Aslan.Bago umalis, lumingon siya kay Kasumi saka nagsalita. "Magpapadala ako ng doktor para i-check si Kira.""Hindi na kailangan," putol ni Cohen sa kanya. "May sarili kaming doktor dito. Kami na ang bahala sa anak namin."Tumalikod si Aslan, bitbit ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Kasama niya si Margareth na lihim na nakangisi at si Akiro na tahimik na lumuluha habang hila-hila ng baba

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 40

    Umupo siya sa tabi ni Kira, pagkakita sa kanya ng bata, tuwang-tuwa ito. Umakyat ito sa lap ni Aslan at umupo ng komportable. Tinuro ni Kira ang hipon sa mesa, tapos tinuro iyon sa bibig nito. Agad namang sinunod ni Aslan ang ibig ipahiwatig ng bata sa kanya. Agad niyang binalatan ng hipon si Kira, tinanggal ang ulo nito at sinubuan ang bata. Kinagat ni Kira ang kalahati, tapos inilapit ang natirang kalahati sa bibig ni Aslan."Kira!" saway ni Kasumi. "Hindi ganyan! Nakain mo na iyan, Baby! Don't give it to others! Halika nga rito!"Pero imbes na mandiri, kinain ni Aslan ang tirang hipon ni Kira.Napanganga ang lahat.Si Aslan? Ang kilalang maarte at ayaw magpahawak sa iba, kinain ang tira-tira ng bata?!Namangha ang matandang Takahashi, "Grabe, Aslan! Nagbago ka na talaga! Dati ang arte-arte mo, iba tlaga kapag nagiging tatay na!"Tumingin si Aslan kay Kasumi. "Kumpara sa hirap ng nanay niya nung pinanganak siya, wala lang naman ito."Natigilan si Kasumi. Alam niya ang ibig sabih

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 39

    Kilala si Aslan bilang isang malamig at walang pusong businessman pero ngayon, sa harap ng batang babae, lumuhod siya para magpantay ang mga mata nila.Tinuro niya ang dessert table na puno ng desserts."Kira," malambing niyang tawag. "Gusto mong kumain ng cake? Samahan ka ni Tito."Nang marinig ni Kira na inaya ito ni Aslan biglang nagningning ang mga mata ng bata. Sa isip ng bata, “Kakain ako ng cake at makakasama ko pa si Papa!”Agad niyang hinawakan ang malaking kamay ni Aslan at hinila ito, atat na atat nang pumunta sa mesa. Nakita ito ni Kasumi kung kaya’t agad siyang kinabahan."Kira!" tawag niya, halatang nagpa-panic. "Huwag kang kung saan-saan sumasama. Halika rito sa Mama."Tumingin si Aslan kay Kasumi. "Hindi ba busy kayo ni Cohen sa pagpaplano ng kasal niyo?" sarkastiko tanong ng lalaki. "Hayaan mo na muna siya sa akin. Wala naman akong ginagawa, ako na muna ang magbabantay sa kanya."Bago pa makasagot si Kasumi, binuhat na ni Aslan si Kira at naglakad palayo papunta sa mg

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status