Mag-log inSa loob ng restaurant, masayang tumatakbo si Kira sa hallway, sobrang cute nitong tingnan ngunit bigla itong nabangga sa isang malaking bagay.
Tumingala si Kira at nakita si Alsan, ngumisi ang bata sa kanya at pilit na kinukuha ang isang lollipop nito sa maliit na bulsa. Inabot ni Kira ito sa lalaki at tinuro pa ang maliit na bibig na para bang sinasabing—‘Eat this tito.’
Natigilan si Aslan, bago pa man maka-react ang lalaki biglang sumulpot si Akiro. Hinablot nito ang lollipop sa kanya at nagsalita. “Akin na nga ‘yan! Hindi naman kumakain nito si Dad!”
Akmang itatapon ni Akiro sa basurahan ang candy nang biglang pinigilan ito ni Aslan. “Akiro, huwag kang maging bastos.”
Kinuha niya ulit ang candy mula sa anak, "Kahit kanino pa galing 'yan, tanggapin mo. Be grateful, anak."
Tumalikod na lamang si Akiro, tila ba nagmamaktol sa sinabi ng ama. "Bahala ka nga po ,Dad. Kung gusto mo pong malason niyan, sige kunin mo po." Matapos na sabihin yun ay pumunta na si Akiro sa table nila.
Si Aslan naman ay lumuhod sa harap ni Kira, “Ilang taon ka na, bata?”
Si Kira na kahit maliit ay matalino. Tinaas nito ang tatlong daliri, meaning she’s three years old.
Nanigas si Aslan nang makita ang tatlong daliri ng bata.
Tatlong taon.
Apat na taon ang lumipas nang maghiwalay sila ni Kasumi, kung tatlong taon na ang bata... ibig sabihin ba’y…
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Aslan, may posibilidad. Magtatanong pa sana siya sa bata nang biglang may tumawag sa bata. Si Kira naman ay tiningnan lang si Aslan at nag-hand gesture pa. Tinuro nito ang lollipop na hawak-hawak ng lalaki at tinap ang maliit na dibdib pagkatapos ay tinuro ulit siya. Para bang sinasabi nitong, ‘Sa’yo na lang po ‘yan. Bigay ko na sa’yo.’
"KIRA!" tawag ni Kasumi mula sa mesa. "Come here, baby!"
Tumakbo agad si Kira sa kanyang nanay. Yumakap din ito sa leeg ng babae habang buhat-buhat ito. "Sabi ko sa'yo, 'di ba? Don’t talk to stranger? Baka kunin ka nila at hindi mo na na makita si Mommy."
Nang marinig ito ay agad na sumiksik ang batang babae sa leeg ng ina na para bang natatakot. Umiling ng marahas si Kira, meaning hindi na ito makikipag-interact pa sa iba. Hinalikan lang ni Kasumi ang noo ng anak saka ngumiti. “Sige na, huwag ka ng matakot. Kumain na tayo. Bumili ako ng paborito mong spaghetti…”
Tatalikod na sana si Kasumi para bumalik sa upuan nila nang biglang narinig niya ang boses ni Aslan.
“Kasumi.”
Lumapit si Aslan sa mag-ina, ang mga mata nito ay nakapako sa mukha ng bata—sa mga mata nitong parehong-pareho pa.
"Ang batang 'yan..." Tinuro nito si Kira. "Anak ko ba siya?"
Humarap si Kasumi kay Aslan, kalmado nitong tiningnan ang lalaki.
"Kung nagdududa ka, Mr. Anderson, pwede namang bigyan kita ng buhok ni Kira. Magpa-DNA test ka kung gusto mo,” ngiting sabi ni Kasumi sa lalaki.
Natigilan si Aslan, hindi makapaniwala sa sinabi ng babae.
Kung anak niya talaga si Kira, hindi ba dapat magpa-panic si Kasumi? Pero heto, kalmado lang ang babae.
"Four years tayong hiwalay, tatlong taon na si Kira. Paano ka agad nakahanap ng lalaki? Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa’yo, Kasumi,” sagot naman ni Aslan.
Baliw na baliw sa kanya noon si Kasumi, paano agad ito nakahanap ng iba? Iyan ang nasa isip ni Aslan sa oras na yun.
"In less than a week after I left, nag-propose ka na kay Margareth ‘di ba? So bakit bawal akong maghanap ng iba? Anong tingin mo sa akin, martir na maghihintay sa'yo habang-buhay? Sorry, hindi ako tanga, Aslan."
"Gumaganti ka ba?" kunot-noong tanong ni Aslan kay Kasumi.
“Hindi ka naman ganun ka-worth it para paghigantihan, Aslan.”
Nang marinig yun, nakaramdam si Aslan ng pagkainis. “Kung mahal ka ng lalaking yun bakit hindi pa kayo kasal? Eh may anak na kayo ‘di ba? Napaka-iresponsable naman niyang ama.”
Gustong matawa ni Kasumi ngunit pinigilan niya lang. “Hindi ba’t may anak naman tayo noon at pinakasalan mo nga ako PERO sa huli niloko’t iniwan mo rin, tama? So anong karapatan mong kwestyunin ang iba ngayon?”
Matapos na sabihin yun, tumalikod si Kasumi dala-dala ang anak niya’t bumalik sa mesa nila.
Naiwan si Aslan na nakatayo habang nakatingin sa tatlong taong masayang kumakain sa harap niya. Kumuyom ang kanyang kamao at napabuga sa hangin. Aminin man niya o hindi, talagang nagbago na si Kasumi, pati na ang nararamdaman nito sa kanya’y nagbago at naglaho na rin. Habang iniisip niya yun, talagang bumibigat ang kanyang puso.
Sa kabilang mesa, nang makita ni Cohen na hindi okay si Kasumi ay inabutan niya ito ng tubig. “Okay ka lang? Gusto mo bang lumipat tayo ng restaurant?”
"Wag na," sagot ni Kasumi. "Nasa iisang city lang tayo at maliit lang ang mundo. Masanay na dapat tayong makita sila."
"Pero nagdududa na siya kay Kira," nag-aalalang sabi ni Cohen sa kanya. "Paano kung imbestigahan niya tayo? Baka agawin niya si Kira sa atin at kunin ang custody sa’yo. Alam mo naman kung paano niya inagaw si Akiro sa'yo noon ‘di ba? Nakalimutan mo na ba yun?"
Napahawak si Kasumi sa dibdib niya. Bigla kasing kumirot ito.
Dati, sobrang close sila ni Akiro. Mama’s boy na mama’s boy nga ito kung tutuusin. Sobrang bait, sweet at masunurin sa kanya. Subalit noong nag-kindergarten ito, nag-offer ang byenan niya na alagaan si Akiro habang nasa trabaho siya.
Noong nagkaroon siya ng business trip at dalawang buwan pa, naiwan ito sa byenan niya. Pagbalik niya, sobrang close na ito kay Margareth at na-brainwash na ang anak niya.
Ayaw na rin siyang kausapin ni Akiro. Na-realize niya na lang sa huli na pinlano nilang lahat na siraan siya habang wala siya. Para pagdating ng divorce, kusang pipiliin ng bata ang tatay nito.
Ang sakit isipin na ang pamilyang minahal niya’y nagtulung-tulong para saktan siya. Akala niya hilom na ang sakit na yun pero hindi pa pala. Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya.
"Huwag kang mag-alala, kaya nga ako nagtatapang-tapangan kanina. Reverse psychology kumbaga, kung magpapakita ako ng takot, lalo siyang maghihinala."
Ngumiti si Cohen at inabutan siya ng steak. "Ang galing mo talaga. Kapag gumaling na si Kira, aalis na tayo rito."
Si Aslan naman ay kanina pa tingin ng tingin mula sa kabilang table. Sobrang sakit sa mata ang nakikita niya. Ang sweet-sweet ng mga ito na para bang isang perfect family. Hindi niya namalayan na sobrang higpit na pala ng pagkakahawak niya sa kutsara. He had to admit, naka-move on na nga talaga sa kanya si Kasumi. Habang naiisip niya yun, talagang na-de-depress siya. Tatayo na sana siya para umalis at humithit ng sigarilyo nang biglang dumating si Margareth."Aslan," tawag nito sa kanya. Agad na tumakbo si Akiro kay Margareth, masayang-masaya nang makita ang babae. "Tita Margareth! Buti dumating ka na, nagugutom na po ako eh! Nag-order po ako ng paborito mong carbonara!"Niyakap ni Margareth ang bata at hinalikan ang ulo nito. “Sorry na, baby at ngayon lang. Napakabait mo talaga sa akin! At dahil diyan may binili akong gift para sa’yo, sana magustuhan mo. Latest toy car iyan!” "Wow! Thank you, Tita! The best ka talaga!"Sinadya ni Akiro na lakasan ang boses at tinitigan ang ina sa
Sa loob ng restaurant, masayang tumatakbo si Kira sa hallway, sobrang cute nitong tingnan ngunit bigla itong nabangga sa isang malaking bagay. Tumingala si Kira at nakita si Alsan, ngumisi ang bata sa kanya at pilit na kinukuha ang isang lollipop nito sa maliit na bulsa. Inabot ni Kira ito sa lalaki at tinuro pa ang maliit na bibig na para bang sinasabing—‘Eat this tito.’Natigilan si Aslan, bago pa man maka-react ang lalaki biglang sumulpot si Akiro. Hinablot nito ang lollipop sa kanya at nagsalita. “Akin na nga ‘yan! Hindi naman kumakain nito si Dad!” Akmang itatapon ni Akiro sa basurahan ang candy nang biglang pinigilan ito ni Aslan. “Akiro, huwag kang maging bastos.”Kinuha niya ulit ang candy mula sa anak, "Kahit kanino pa galing 'yan, tanggapin mo. Be grateful, anak."Tumalikod na lamang si Akiro, tila ba nagmamaktol sa sinabi ng ama. "Bahala ka nga po ,Dad. Kung gusto mo pong malason niyan, sige kunin mo po." Matapos na sabihin yun ay pumunta na si Akiro sa table nila. Si As
Nakatayo lang si Aslan sa hallway hanggang sa unti-unting nawala ang pigura ng tatlong tao sa paningin niya. Ang principal na sakto namang napadaan doon ay masayang binati si Aslan. “Mr. Anderson, anong ginagawa niyo po rito? Napa-trouble na naman ba ang anak niyong si Akiro?” Tumango lang si Aslan at nagtanong, “Anong ginagawa rito ni Miss Kasumi Takahashi?” Nagulat ang principal dahil sa tanong niya ngunit sumagot naman agad. “Kilala niyo po si Miss Takahashi? Bagong guro siya rito sa paaralang ito, alam niyo bang marami ng awards ang natatanggap ng mga batang na-handle niya? At ang galing pa niyang magturo. Pinakiusapan ko nga siyang mag-take over sa klase kung saan nandoon ang anak niyo. For sure matutulungan niya si Akiro.” Nang marinig ang sinabi ng principal ay napakunot ang noo ni Aslan. Paanong ang genius na designer na si Kasumi ay napunta sa gantong paaralan at naging isa pang guro? Ang wedding dress na dinesign nito noong kabataan ay naibenta ng malaking halaga. Pagkat
Ang tanong ni Aslan ay parang asido na tumutunaw sa puso ni Kasumi. Gusto niyang matawa dahil ang ironic ng sinabi nito. Gusto niyang isigaw sa mukha ng lalaking 'to ang katotohanan.‘Tanga ka ba Aslan?’Naalala niya noon, sabi ng manghuhula, si Aslan ay magkakaroon ng anak na babae at magiging swerte ito sa buhay ng lalaki. Magiging smooth daw ang business nito at gagaan ang buhay.Dahil mahal na mahal niya ang asawa niya noon, siya mismo ang naghanap ng paraan. Uminom siya ng kung anu-anong herbal medicine, kahit mapait at nakakasuka ay tiniis niya. Pati na ang mga side effects nito na kahit bawal sa kondisyon niya ang magbuntis ulit, sinugal niya ang buhay niya para mabigyan lang si Aslan ng isang babaeng anak. Pero anong napala niya? Iniwan siya nito at ipinagpalit. At ngayon, ang lakas ng loob nitong magtanong kung gaano kagaling ang lalaki niya?Unti-unting kumirot ang dibdib niya pero hindi niya pinahalata. Tinitigan niya si Aslan ng malamig at walang ekspresyon. “Wala ka n
“A-Aray ko batang pipi, bakit ka ba nangangagat diyan?!” Si Kasumi na kakalabas pa lang ng office ay nakita ang kanyang anak na si Kira na nanggigil na kinagat ang braso ng isang batang lalaki, ni ayaw nitong tigilan ang bata kahit na nagpupumiglas na. Dahil sa sobrang gulat, dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang anak at hinila ito. “Kira, bitawan mo siya!” Binitawan naman agad ng kanyang anak ang batang lalaki at pilit na tinuturo ang labi nito saka umiiling. Para bang sinasabi ng anak niya na ‘Hindi ako pipi Mommy! Hindi ako pipi!” Marahan niyang hinaplos ang buhok ng kanyang anak, “Naniniwala si Mommy na ginawan ka ng masama ng batang ‘yan pero masama ang nangangagat anak. Tingnan natin kung may sugat ba ang batang yun, okay?” Masakit sa kanya na na-bu-bully ang kanyang anak pero mali pa rin kasi ang mangagat ng iba. Kahit na nakakunot ang noo, napatango na lamang si Kira bilang pagsang-ayon. Nang makitang kumalma na ang anak niya, agad na tiningan ni Kasumi ang







