Mag-log inSi Aslan naman ay kanina pa tingin ng tingin mula sa kabilang table. Sobrang sakit sa mata ang nakikita niya. Ang sweet-sweet ng mga ito na para bang isang perfect family.
Hindi niya namalayan na sobrang higpit na pala ng pagkakahawak niya sa kutsara. He had to admit, naka-move on na nga talaga sa kanya si Kasumi. Habang naiisip niya yun, talagang na-de-depress siya. Tatayo na sana siya para umalis at humithit ng sigarilyo nang biglang dumating si Margareth.
"Aslan," tawag nito sa kanya.
Agad na tumakbo si Akiro kay Margareth, masayang-masaya nang makita ang babae. "Tita Margareth! Buti dumating ka na, nagugutom na po ako eh! Nag-order po ako ng paborito mong carbonara!"
Niyakap ni Margareth ang bata at hinalikan ang ulo nito. “Sorry na, baby at ngayon lang. Napakabait mo talaga sa akin! At dahil diyan may binili akong gift para sa’yo, sana magustuhan mo. Latest toy car iyan!”
"Wow! Thank you, Tita! The best ka talaga!"
Sinadya ni Akiro na lakasan ang boses at tinitigan ang ina sa kabilang table. Gusto nitong kunin ang atensyon ng ina ngunit hindi man lang tumingin si Kasumi sa kanila. Busy naman ito sa pagpapakain kay Kira. Dahil doon, nainis lalo si Akiro kung kaya’t hinila nito ang kamay ng Tita Margareth nito.
“Tita, kapag kinasal po kayo ni Daddy, ikaw na ang magiging Mom ko! Ikaw na po ang magiging favorite Mom ko!”
Si Margareth na nagustuhan ang sinabi ni Akiro ay ngumiti ng matamis. “Oo naman, baby. I will be the best Mommy for you!”
Umupo si Margareth sa tabi ni Aslan at nagtanong. "Aslan, okay ka lang? May nag-complain na naman bang guro sa’yo tungkol kay Aki? Normal lang naman para sa mga bata ang makulit, huwag kang mag-alala."
Tumingin lang si Aslan kay Margareth. “Huwag mo siyang i-spoil at baka idala pa niya ito sa pagtanda. Tingnan mo siya, he’s causing trouble every day. Laging nakikipag-away sa mga kaklase kung kaya’t palaging pinapatawag ang magulang niya.”
“Okay! Okay, mag-iingat na ako sa susunod, hindi ko na rin siya masyadong i-i-spoil-in. Huwag ka ng magalit, kumain na lang tayo…” Hahawakan na sana ni Margareth ang kamay ni Aslan ngunit bigla itong umiwas.
Malapit lang ang table nina Kasumi kung kaya’t rinig na rinig nito ang pag-uusap nila. Talagang pinaparinig din kasi ni Margareth ang usapan nila. Kung noon, talagang maiinis at magwawala si Kasumi ngunit ngayon, hindi na rin siya naapektuhan. Napaka-cheap lang ni Margareth para gawin lang ito sa kanya. Pagselosin siya? Asa!
Biglang natapunan ng juice si Kasumi dahil natabig ng kanyang anak na si Kira ang baso. Doon lamang siya natauhan, bigla siyang tumayo at pumunta sa CR upang linisin ang juice sa kanyang damit.
Pagharap niya sa salamin, nakatayo na sa likod niya si Margareth.
Nakangisi lamang ito sa kanya. "Kasumi," bati nito. "Kamusta? Buhay ka pa pala?"
Pinunasan ni Kasumi ang damit niya. "Oo naman at okay na okay ako."
Pilit na tumawa si Margareth. "Nakita mo naman siguro kung gaano ako ka-close sa mag-ama mo? Tanggapin mo ng talo ka na at akin na sila. Hindi ka ba magagalit?"
Tinapon ni Kasumi ang tissue sa basurahan, humarap sa babae at tiningnan lamang ito ng seryoso. "Bakit naman ako magagalit?" tanong niya.
Ngumiti siya nang matamis at nagpatuloy. "Diba dapat magpasalamat pa ako sa'yo? Kasi ikaw ang taga-kolekta ng basura ko."
Namula ang mukha ni Margareth sa inis. "Anong sabi mo?!"
"Sabi ko," ulit ni Kasumi, "Yung asawang tinapon ko na, pinulot mo. Yung anak na tinuruan niyong maging bastos, sa'yo na rin. Bagay kayo."
"At isa pa, apat na taon na kaming hiwalay pero bakit hindi ka pa rin niya pinapakasalan? Oops! Mukhang hindi ka naman pala ganun ka-importante sa kanya."
Nanlaki ang mata ni Margareth nang marinig ang sinabi niya. "Ang kapal mo!! Akala mo ba mahal ka niya dati? Pwes, magising ka sa katotohanan, alam mong nabuntis ka lang dahil lasing siya noon!”
Nang marinig ni Kasumi ang sinabi ni Margareth, para siyang sinampal ng napakalakas. Totoo naman talagang nabuos si Akiro dahil lasing sila pareho ni Aslan noon.
Sa oras na yun, gusto sana niyang ipalaglag ang bata dahil ayaw niyang isipin ng mga tao na isa siyang gold digger at gagamitin lang niya ang anak niya para makapasok sa pamilya ni Aslan pero pinigilan siya ng lalaki at pinakasalan pa. Naging responsibilidad sila ni Aslan at nang matapos silang magpakasal, talagang sobrang maalaga ito sa kanila ng anak niya. He was a good husband and a good father.
Kahit na nalaman niya na ginawa lang nito yun para kay Margareth.
“Akala mo ba may paki pa ako? Kahit ano pang rason pa ‘yan, hindi mo maikakaila na nauna ako sa kanya,” matapang na sabi ni Kasumi sa babae.
Biglang may inabot sa kanya si Margareth, isang medical report yun kung kaya’t binasa niya.
Medical record yun ni Margareth na nakasaad pa’y dahil sa aksidenteng natamo ay hindi na ito makaka-conceive pa ng anak.
"Gets mo na ba?" ngisi ni Margareth sa kanya. "Nung nalaman ni Aslan na baog ako, nangako siya na bibigyan niya ako ng anak. Kaya ka niya pinakasalan at kaya ka niya binuntis, dahil yun sa akin, Kasumi!”
Biglang huminto ang mundo ni Kasumi, nakaramdam siya ng kirot habang nakatingin sa medical record na hawak-hawak niya. Hindi dahil sa iniwan siya ng lalaki kung ‘di dahil buong buhay niya na kasama si Aslan ay isang malaking kasinungalingan pala.
Ang pag-ibig niya, ang sakripisyo niya at ang pangarap niya. Lahat 'yun, pinagtawanan lang nila.
Pero hindi siya iiyak. Hindi sa harap ng bruhang 'to.
Nang makita ni Margareth na medyo naapektuhan si Kasumi ay agad na tinaas nito ang kilay. “Lahat ng nangyari sa inyo ay setup lang! Kung sabagay, sino ba naman ang papatol sa isang sekretarya lang ‘di ba? Kasumi, sa araw na pumasok ka sa kompanya ng mga Anderson, namuhay ka na bilang anino ko. Isang panakip-butas para maligtas lang ako at magbubuntis ng magiging anak ko. Sa simula hanggang huli, isa ka lang namang kasangkapan para kay Aslan. Ano nga ba ang karapatan mong magtapang-tapangan sa harapan ko?”
Gustong matawa ni Kasumi, akala niya mas masakit na ang lokohin ni Aslan pero may mas sasakit pala, ang katotohanang naging baby maker lang pala siya. Akala niya dahil sobrang buti nito sa kanya ay gusto na rin siya ng lalaki pero ang tanga niya para maniwala roon. Sobrang pathetic, Kasumi!
Ngumiti si Kasumi nang mapait. "So isang tool lang pala ako?"
"Oo. Ginamit ka lang niya. Tapos nung wala ka nang silbi, tinapon ka na na parang basura."
Tumawa lang si Kasumi, isang tawang puno ng pang-aasar.
“Kahit ano pang rason iyan, hindi pa rin maalis na ako ang naging unang babae ni Aslan at ako ang totoong nanay ni Akiro. Hindi mo na yun mababago pa, Margareth.”
Kinuyom ni Margareth ang kamao dahil sa inis. “Ano naman? Akin na sila ngayon, iniwan mo na sila noon pa man at kinamumuhian ka na nila ngayon. Para sa kanila, isa ka ng walang silbi, isang basura na kailangang itapon sa basurahan!”
Napaismid si Kasumi, “Hindi naman ako gumastos ng kahit piso pero nakama ko naman ang Top 1 Bachelor ng bansa gabi-gabi. Sobrang nag-enjoy ako sa kanya, Margareth. Sino ba naman ang hindi? Gwapo, talented at masarap pa sa kama si Aslan. Bonus na nagkaroon kami ng anak at si Akiro yun. Hindi ba’t sa akin pa rin ang huling halakhak?”
Tama si Kasumi, sino ba naman ang hindi mag-e-enjoy sa isang lalaking katulad ni Aslan? Lahat ng babae sa mundo ay nagkakandarapa sa lalaki pati na siya. Lahat gustong tikman ito, kaya nga labis ang selos ni Margareth kay Kasumi.
Hindi niya matanggap sa loob ng ilang taon, kinakama nito ang isang babaeng katulad ni Kasumi. Si Kasumi lang talaga at wala ng iba. Apat na taon na silang engage ni Aslan pero hindi man lang siya ginagalaw ng lalaki. Ang konti nga lang ng physical touch nilang dalawa.
Paanong hindi siya magseselos kay Kasumi?
Namula si Margareth sa galit. "Ang kapal mo! Walang hiya ka!"
"Mas walang hiya ka. At least ako, naka-score, ikaw? Apat na taon na kayong engage pero hindi pa rin kayo kasal? Baka naman, hindi ka masarap kasama o baliktarin natin, sa kama?”
Matapos na sabihin yun ay iniwan na ni Kasumi si Margareth sa loob na umuusok na ang ilong sa galit. Ngayon lang napahiya ng ganito ang babae at kay Kasumi pa talaga!
“Kasumi, humanda ka. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin ngayon!” bulong ni Margareth sa sarili.
Si Aslan naman ay kanina pa tingin ng tingin mula sa kabilang table. Sobrang sakit sa mata ang nakikita niya. Ang sweet-sweet ng mga ito na para bang isang perfect family. Hindi niya namalayan na sobrang higpit na pala ng pagkakahawak niya sa kutsara. He had to admit, naka-move on na nga talaga sa kanya si Kasumi. Habang naiisip niya yun, talagang na-de-depress siya. Tatayo na sana siya para umalis at humithit ng sigarilyo nang biglang dumating si Margareth."Aslan," tawag nito sa kanya. Agad na tumakbo si Akiro kay Margareth, masayang-masaya nang makita ang babae. "Tita Margareth! Buti dumating ka na, nagugutom na po ako eh! Nag-order po ako ng paborito mong carbonara!"Niyakap ni Margareth ang bata at hinalikan ang ulo nito. “Sorry na, baby at ngayon lang. Napakabait mo talaga sa akin! At dahil diyan may binili akong gift para sa’yo, sana magustuhan mo. Latest toy car iyan!” "Wow! Thank you, Tita! The best ka talaga!"Sinadya ni Akiro na lakasan ang boses at tinitigan ang ina sa
Sa loob ng restaurant, masayang tumatakbo si Kira sa hallway, sobrang cute nitong tingnan ngunit bigla itong nabangga sa isang malaking bagay. Tumingala si Kira at nakita si Alsan, ngumisi ang bata sa kanya at pilit na kinukuha ang isang lollipop nito sa maliit na bulsa. Inabot ni Kira ito sa lalaki at tinuro pa ang maliit na bibig na para bang sinasabing—‘Eat this tito.’Natigilan si Aslan, bago pa man maka-react ang lalaki biglang sumulpot si Akiro. Hinablot nito ang lollipop sa kanya at nagsalita. “Akin na nga ‘yan! Hindi naman kumakain nito si Dad!” Akmang itatapon ni Akiro sa basurahan ang candy nang biglang pinigilan ito ni Aslan. “Akiro, huwag kang maging bastos.”Kinuha niya ulit ang candy mula sa anak, "Kahit kanino pa galing 'yan, tanggapin mo. Be grateful, anak."Tumalikod na lamang si Akiro, tila ba nagmamaktol sa sinabi ng ama. "Bahala ka nga po ,Dad. Kung gusto mo pong malason niyan, sige kunin mo po." Matapos na sabihin yun ay pumunta na si Akiro sa table nila. Si As
Nakatayo lang si Aslan sa hallway hanggang sa unti-unting nawala ang pigura ng tatlong tao sa paningin niya. Ang principal na sakto namang napadaan doon ay masayang binati si Aslan. “Mr. Anderson, anong ginagawa niyo po rito? Napa-trouble na naman ba ang anak niyong si Akiro?” Tumango lang si Aslan at nagtanong, “Anong ginagawa rito ni Miss Kasumi Takahashi?” Nagulat ang principal dahil sa tanong niya ngunit sumagot naman agad. “Kilala niyo po si Miss Takahashi? Bagong guro siya rito sa paaralang ito, alam niyo bang marami ng awards ang natatanggap ng mga batang na-handle niya? At ang galing pa niyang magturo. Pinakiusapan ko nga siyang mag-take over sa klase kung saan nandoon ang anak niyo. For sure matutulungan niya si Akiro.” Nang marinig ang sinabi ng principal ay napakunot ang noo ni Aslan. Paanong ang genius na designer na si Kasumi ay napunta sa gantong paaralan at naging isa pang guro? Ang wedding dress na dinesign nito noong kabataan ay naibenta ng malaking halaga. Pagkat
Ang tanong ni Aslan ay parang asido na tumutunaw sa puso ni Kasumi. Gusto niyang matawa dahil ang ironic ng sinabi nito. Gusto niyang isigaw sa mukha ng lalaking 'to ang katotohanan.‘Tanga ka ba Aslan?’Naalala niya noon, sabi ng manghuhula, si Aslan ay magkakaroon ng anak na babae at magiging swerte ito sa buhay ng lalaki. Magiging smooth daw ang business nito at gagaan ang buhay.Dahil mahal na mahal niya ang asawa niya noon, siya mismo ang naghanap ng paraan. Uminom siya ng kung anu-anong herbal medicine, kahit mapait at nakakasuka ay tiniis niya. Pati na ang mga side effects nito na kahit bawal sa kondisyon niya ang magbuntis ulit, sinugal niya ang buhay niya para mabigyan lang si Aslan ng isang babaeng anak. Pero anong napala niya? Iniwan siya nito at ipinagpalit. At ngayon, ang lakas ng loob nitong magtanong kung gaano kagaling ang lalaki niya?Unti-unting kumirot ang dibdib niya pero hindi niya pinahalata. Tinitigan niya si Aslan ng malamig at walang ekspresyon. “Wala ka n
“A-Aray ko batang pipi, bakit ka ba nangangagat diyan?!” Si Kasumi na kakalabas pa lang ng office ay nakita ang kanyang anak na si Kira na nanggigil na kinagat ang braso ng isang batang lalaki, ni ayaw nitong tigilan ang bata kahit na nagpupumiglas na. Dahil sa sobrang gulat, dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang anak at hinila ito. “Kira, bitawan mo siya!” Binitawan naman agad ng kanyang anak ang batang lalaki at pilit na tinuturo ang labi nito saka umiiling. Para bang sinasabi ng anak niya na ‘Hindi ako pipi Mommy! Hindi ako pipi!” Marahan niyang hinaplos ang buhok ng kanyang anak, “Naniniwala si Mommy na ginawan ka ng masama ng batang ‘yan pero masama ang nangangagat anak. Tingnan natin kung may sugat ba ang batang yun, okay?” Masakit sa kanya na na-bu-bully ang kanyang anak pero mali pa rin kasi ang mangagat ng iba. Kahit na nakakunot ang noo, napatango na lamang si Kira bilang pagsang-ayon. Nang makitang kumalma na ang anak niya, agad na tiningan ni Kasumi ang







