Share

Kabanata 6

Penulis: Gia Maezy
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-03 21:13:55

Nang makabalik si Margareth, wala na sa mesa nila si Kasumi. Nang maalala ni Margareth ang sinabi sa kanya ng dalaga ay nagngitngit na naman siya sa galit. Hindi niya mapigilan na yakapin ang braso ni Aslan saka naglambing dito. 

“Aslan, pwede ba akong matulog sa mansyon ngayon?” malambing niyang sabi’t nagpapa-cute pa. 

Alam niyang alam ni Aslan kung anong meaning ng sinabi niya. Syempre, lalaki si Aslan kung kaya’t kapag ang babae na ang nagyayang pumunta sa bahay ng lalaki. Alam na ang gagawin nila. 

Ngunit tumayo lang si Aslan, kinuha ang backpack ni Akiro at nagsalita. “Ihahatid kita sa bahay niyo.” 

Hindi naman makapaniwala si Margareth sa sinabi ng lalaki.

“Aslan naman, apat na taon na tayong engage at okay naman na ang mga hita ko. Bakit hindi ako pwedeng pumunta sa inyo? Bakit? Dahil ba iniingat-ingatan mo ang bahay niyo si Kasumi kaya ganun?”

Nandilim ang mukha ni Aslan at tiningnan siya ng makahulugan. “Marga, hindi mo na kailangan pang makialam sa affair. We’re not married yet.” 

Nang mapagtantong na-reject na naman siya ng lalaki, mas lalong nadagdagan ang galit niya kay Kasumi. 

“Aslan, alam mo ba ang sinabi sa akin ni Kasumi kanina lang? Sabi niya sa akin, ginamit ka lang daw niya ng ilang taon para magkaroon ng magandang lahi. Nasa sa kanya raw ang huling halakhak dahil nagkaroon siya ng anak sa’yo! Matapos isilang si Akiro, iniwan niya kayo at sumama sa ibang lalaki at nabuntis. Anong klaseng babae siya? Hindi siya nararapat sa pagmamahal mo.” 

Nang marinig ang sinabi ni Margareth ay mas dumilim lalo ang mukha ni Aslan. Mas lumalim din ang galit nito kay Kasumi kung kaya’t tuwang-tuwa nama siya. 

Samantala si Aslan naman ay mas lalong nagalit, habang iniisip ng lalaki ang sinabi ni Kasumi tungkol sa kanya ay mas lalo sumisikip ang dibdib niya. Si Kasumi na iniwan sila ng anak niya. Pero bakit pa-victim pa ito na para bang siya ang nangiwan?

Kinarga niya si Akiro at iniwan si Margareth na nakaupo sa mesa. Hindi man lang niya pinansin ang babae na tinatawag siya. 

*** 

Kinabukasan, hinatid ni Aslan si Akiro sa classroom nito. Doon, nakita niya si Kasumi na nakatayo sa pinto at masiglang binabati ang mga batang pumapasok. Nakasuot ang babae ng puting t shirt at long black skirt. Sobrang ganda rin ng ngiti nito at talagang approachable kung tingnan ang babae. Niyakap nito ang bawat estudyanteng pumapasok sa classroom nito. Nang makita kung gaano kabait sa iba si Kasumi, biglang naalala tuloy ni Aslan ang narinig niya mula kay Margareth kahapon. 

Kinuha lang nito ang sperm niya para ano? Para makakuha ng magandang lahi sa kanya? Ano siya? Babymaker?! 

Malinaw pa sa sikat ng araw na itinuring siyang basura ng babaeng ito.

Kinuha niya ang kamay ni Akiro at naglakad papasok. Gusto sanang yakapin ni Kasumi ang bata ngunit agad na iniwasan siya niyo. Tiningnan lang siya ni Akiro ng panunuya’t nagsalita. “Niyakap mo lahat ng kaklase ko para ano? Para yakapin din ako? Akala mo ba hindi ko yun alam?” 

Matapos sabihin yun ni Akiro ay naglakad na ito papasok ng classroom sukbit ang school bag nito. 

Napakunot-noo na lang si Kasumi at napapailing. Bago pa man siya makapagsalita ay inunahan na siya ni Aslan na nasa tabi lang niya. 

“Ginamit mo lang ako sa magandang lahi ha. Ang lakas din ng loob mong sabihin yun.” 

 Nang marinig ang sinabi ni Aslan, alam na ni Kasumi na nagsumbong si Margareth sa lalaki. 

Ngumiti lang siya ng casual saka sumagot. “Hindi naman ganun. Sino ba ang nagsumbong sa’yo at may dagdag na ang sinabi ko sa kanya?” 

“Kung sabagay, sino nga ba ang cheap sa ating dalawa? Anyway, hindi naman ako yung nang-iwan ng ilang taon at kinalimutan pa ang isa niyang anak. Anong klaseng ina naman yun?” pangugutyang sabi ni Aslan  sa kanya. 

“Mr. Anderson, tatanungin kita. Bakit nga ba kayo iniwan? Anong nangyari bago siya umalis? Walang ina ang kusang lalayo sa anak niya unless tinulak siya palayo ng mga taong dapat nagpoprotekta sa kanya. Kasi ang alam ko, walang inang gugustuhin na mapalayo ang sa anak, tama?” 

Nang marinig ang sinabi ni Kasumi, biglang naalala ni Aslan ang nakaraan. Bumalik sa isip niya ang itsura ni Kasumi noon. Umiiyak at nagmamakaawa, habang inaagaw sa kanya ang anak nila.

Kinuyom nito ang kamao saka ngumisi. “Kahit na may kasalanan ang ama, sana para sa bata na lang, hindi ba? Inosente ang bata sa nangyari.” 

Nawala ang ngiti sa labi ni Kasumi at seryosong tiningnan si Aslan. 

"Mr. Anderson, bago kami naging isang ina, naging normal na tao muna kami. May karapatan kaming mahalin ang aming sarili. At kapag toxic na ang marriage namin, may karapatan kaming umalis.” 

Para siyang nagkukuwento ng buhay ng ibang tao. Hindi matanggap ni Aslan ang sinabi niya. Lalo na ang panlalamig niya sa lalaki.  

Dati, si Kasumi ang pinaka-mapagmahal na nanay at asawa. Umiikot ang mundo nito sa kanila ni Akiro. Pero ngayon? Para itong bato, wala ng maramdamang pagmamahal sa kanila. 

Tinitigan niya ang mga mata ni Kasumi. Naghahanap ng kahit katiting na emosyon. Kahit galit o sakit, okay na sa kanya. Kasi kung galit pa ang ex-wife niya, ibig sabihin may feelings pa ito sa kanila. 

Pero wala.

Ang nakikita niya lang ay isang magandang babae na nakangiti sa kanya ng casual. Isang ngiting binibigay ng normal na tao sa isang hindi kakilala.  

Unti-unting kumirot ang puso ni Aslan. 

"Kasumi," paos niyang tawag sa ex-wife. 

"Paano mo ba mapapatawad si Akiro? Nagkukulang siya sa aruga at nagiging rebelde na dahil walang pagmamahal ng ina. Kapag nagtuloy-tuloy ito, masisira ang buhay niya. Hindi ka ba nakokonsensya? Kahit kay Akiro na lang…"

Yumuko si Kasumi saka ngumisi. "Hindi ba’t iyan naman ang gusto niyo? Diba pinagtulungan niyo kaming paglayuing dalawa? Ikaw ang nakipaghiwalay sa akin ‘di ba? Ikaw ang nagbigay ng annulment nating dalawa para lang hindi ko siya makasama. Mr. Anderson, hindi ba dapat masaya ka na?"

"KASUMI!” gigil na sabi ni Aslan. "Anak mo siya! Gusto mo ba talagang lumaki siyang spoiled brat at barumbado?"

"Problema mo na 'yan," kibit-balikat na sagot ni Kasumi. "Mula noong pinalayas niyo ako sa mansyon ng mga Anderson, hindi ko na siya anak. Please accept the reality."

Ang boses ni Kasumi ay malambing pero brutal naman ang sinabi. Hindi makapaniwala si Aslan, hindi niya matanggap ang sinabi ni Kasumi sa kanya. Ano nga ba ang nangyari sa babaeng ito? Bakit ang tigas-tigas na ng puso?

Umigting ang panga niya saka sinamaan ng tingin si Kasumi. “Ngayon na estudyante mo siya, sana huwag kang bias. Huwag mo sana siyang pag-initan.” 

Tumango si Kasumi bilang paalam. " Huwag kang mag-alala, Mr. Anderson, hindi naman ako ganun. Kung wala na kayong sasabihin, papasok na ako sa klase."

Tumalikod si Kasumi at pumasok sa classroom bago sinara ang pinto.

Si Aslan ay naiwan sa hallway at nakatitig lang sa bintana. Pinanood niya si Kasumi sa loob habang nagsasalita sa gitna. 

Sobrang confident, magaling din magturo at napakabait sa mga bata. Kagaya rin noon, akala niya nagbago na ang babae ngunit hindi pa rin pala ito nagbabago. 

Mabait pa rin at mapagmahal sa kapwa. 

Ang nagbago lang ay ang pagtingin nito sa kanya at sa anak nila.

Biglang kumirot ang dibdib ni Aslan, parang may parte ng pagkatao niya ang natanggal at sobrang sakit nun.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 52

    Mabilis silang nakarating sa mansyon ni Aslan. Nakaabang na ang matang Butler sa gate, bakas ang mukha nito ang hiya at lungkot nang makita si Kasumi. Alam ng matanda ang mga nangyari noon at alam ni Sebastian na may kasalanan din siya dahil mas pinili nitong manahimik."Ma'am Kasumi..." bati nito nang nakayuko. "Nasa kwarto niya po si Young Master."Hindi na nagsalita si Kasumi. Dire-diretso siyang umakyat sa hagdan habang hila-hila si Kira.Pagbukas ng pinto ng kwarto ni Akiro, sumalubong sa kanila ang amoy ng gamot at ang lamig ng aircon.Sa gitna ng malaking kama, nakahiga ang maliit na katawan ni Akiro.Namumula ang mukha nito sa taas ng lagnat. Ang dating mataray at pa-cool na bata, ngayon ay mukhang lantang gulay na. Sa puntong iyon, mas lalong nanikip ang dibdib ni Kasumi para sa anak. "Aki..."Lumapit siya sa kama. Umupo siya sa gilid at dahan-dahang hinaplos ang noo ng anak, sobrang init pa nito’t inaapoy pa ng lagnat. "Anak, nandito na si Mama," bulong niya habang nangi

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 51

    Kararating lang ni Kasumi sa office niya nang mag-ring ang phone niya. Nang makitang si Aslan ang tumatawag ay napahinga siya ng malalim bago sagutin ito. "Hello? Mr. Anderson, may kailangan ka ba?"Mula sa kabilang linya, rinig niya ang paos at pagod na boses ni Aslan."Kasumi, a-absent muna si Akiro ngayon. Mataas ang lagnat niya eh."Kumabog ang dibdib ni Kasumi. Nakaramdam siya ng pag-aalala sa bata pero pinigilan niya na lamang ang sarili. Hindi siya magiging marupok, saka may ama at stepmom naman ito na pwedeng mag-alaga sa lalaking anka niya. "Ganun ba? Sige, noted. I-mark ko na lang siya as excused sa record ko."Papatayin na sana niya ang tawag nang magsalita ulit si Aslan."Kasumi, sandali lang.""May kailangan ka pa ba, Mr. Anderson?""Gusto ka sana niyang makita," garalgal na sabi ni Aslan. "Kanina pa siya nagsasalita ng tulog at hinahanap ka niya. Hindi pa rin bumababa ang lagnat niya. Pwede bang... pwede bang pumunta ka muna rito?"Humigpit ang hawak ni Kasumi sa phon

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 50

    Pagkatapos ng awarding, paika-ikang na lumapit si Akiro kay Kira. Hawak niya ang pink notebook at kumikinang-kinang pa ito. Inabot niya ito sa kapatid niya at malamig na nagsalita. "Oh. Sayo na."Bigla naman siyang niyakap ni Kira sa leeg at hinalikan sa pisngi."Kuya..."Natulala si Akiro nang marinig iyon sa bata. "Tinawag mo ba akong Kuya?" tanong niya kung kaya’t tumango si Kira bilang sagot. Hindi naman nakatiis si Akiro na kurutin ng mahina ang pisngi ng bata. "Kung alam ko lang na magsasalita ka, dapat pala kahapon pa ako naglaro! Isa pa nga, tawagin mo pa nga ulit ako ng Kuya!” Umiling si Kira. Tinuro nito ang sugat sa binti ni Akiro."Ouchie..."Napangiti si Akiro, alam niyang concern ito sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam ng may kapatid pala. Parang tinunaw ang puso niya.Dumating si Kasumi dala ang first aid kit. Lumuhod siya sa harap ni Akiro at sinimulan linisin ang sugat nito."Good job kanina, Akiro," malambing na sabi ni Kasumi. "Proud na proud ako sa'yo."Bumilis an

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 49

    One Week Later, ginanap ang sports day sa paaralan nila Akiro. Sobrang ingay sa buong school, hiyawan dito at takbuhan doon. Busy ang lahat ng teachers at students sa gaganaping event. Si Kasumi ay inaasikaso ang mga bata sa pila.Habang sa isang sulok ng bleachers, may sariling mundo ang dalawang bata.Nakaupo si Akiro at mukhang tamad na tamad. Naka-cross arms ito, nakasandal at mukhang bored na bored. Wala naman kasi siyang pakialam sa sports.Sa tabi niya, nakaupo ang batang si Kira. Yakap-yakap ang isang malaking popcorn. May nakasuksok din na ice cream sa bibig nito habang pakurap-kurap ang malalaki nitong mata. Biglang may dumaang kaklase nila na katatapos lang manalo sa isang event. Hawak-hawak nito ang prize, isang Fancy Diary Notebook na may design na pink stars at kumikinang pa. Nanlaki ang mga mata ni Kira.Sinundan niya ng tingin ang notebook na iyon. Tumulo pa nga ang laway ng bata at hindi man lang napansin ito. Gustong-gusto ni Kira iyon dahil sobrang ganda. Napan

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 48

    "Alam mo bang severe depression na ang sakit ni Kasumi simula nung mamatay ang parents niya? Matagal bago siya naka-recover pero nung dumating ka, naging masaya siya. Akala niya ikaw na ang happy ending niya."Lumapit si Cohen at dinuro-duro ang dibdib ni Aslan."Binigay niya ang buhay niya sa'yo at kay Akiro. Pero anong ginawa niyo? Tinapon niyo siya na parang isang basura. Ang panloloko niyo ang nagpabalik sa depression niya’t mas malala na ito keysa dati."Nanigas si Aslan."Naging paranoid siya, Aslan. Araw-araw siyang nakatakot. Akala niya lahat ng tao sasaktan siya. Alam mo ba nung buntis siya kay Kira, muntik na niyang ipalaglag ang bata."Nanlaki ang mata ni Aslan. "A-Ano?""Takot na takot siya, Aslan. Natatakot siya na kapag lumabas si Kira, iiwan din siya nito at sasaktan gaya ng ginawa ni Akiro sa kanya. Ayaw na niyang magmahal kasi takot na siyang maiwan. MAIWAN NG MAG-ISA.""Kaya kita tinatanong, paano mo nagawang sirain ang babaeng puno ng pangarap at pagmamahal sa’yo? A

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 47

    Napailing si Aslan at hindi makapaniwala sa sinabi ng doktor. "Imposible iyon, Dok."Nanginginig ang mga kamay habang nakakuyom. "Kilala ko si Kasumi, masayahin siya. Optimistic kumbaga. Nung buntis siya kay Akiro, kahit alam niyang delikado dahil sa sakit niya sa dugo, hindi siya natatakot. She was brave. Paano siya magkakaroon depression? Paanong magiging suicidal siya?@ Pilit niyang kinukumbinsi si Dr. Casper pati na ang sarili niya. Pero habang binibigkas niya ang mga salitang 'yun, unti-unti ring nauubos ang tapang niya sa katawan.Sino ba ang niloloko niya?Alam niya ang mukha ni Kasumi nung iwan niya ito.Wasak at durog na durog. Para itong isang mamahaling vase na nabasag sa sahig. Iniwan ito ng asawang mahal nito. Itinakwil pa ng lalaking anak at higit sa lahat, nasira ang kamay na bumubuhay sa pangarap nito.Sino ba naman ang hindi mababaliw sa ganung sitwasyon?Parang may bumabaril sa dibdib ni Aslan sa mga oras na yun.Para lang mailigtas si Margareth sa depression, hin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status