Partager

Kabanata 3

Auteur: Gia Maezy
last update Date de publication: 2026-01-17 23:11:19

Nakatayo lang si Aslan sa hallway hanggang sa unti-unting nawala ang pigura ng tatlong tao sa paningin niya. Ang principal na sakto namang napadaan doon ay masayang binati si Aslan. “Mr. Anderson, anong ginagawa niyo po rito? Napa-trouble na naman ba ang anak niyong si Akiro?” 

Tumango lang si Aslan at nagtanong, “Anong ginagawa rito ni Miss Kasumi Takahashi?” 

Nagulat ang principal dahil sa tanong niya ngunit sumagot naman agad. “Kilala niyo po si Miss Takahashi? Bagong guro siya rito sa paaralang ito, alam niyo bang marami ng awards ang natatanggap ng mga batang na-handle niya? At ang galing pa niyang magturo. Pinakiusapan ko nga siyang mag-take over sa klase kung saan nandoon ang anak niyo. For sure matutulungan niya si Akiro.” 

Nang marinig ang sinabi ng principal ay napakunot ang noo ni Aslan. Paanong ang genius na designer na si Kasumi ay napunta sa gantong paaralan at naging isa pang guro? 

Ang wedding dress na dinesign nito noong kabataan ay naibenta ng malaking halaga. Pagkatapos nitong maka-graduate para lang mabayaran ang kanyang naitulong sa babae ay tinalikuran nito ang pangarap at naging sekretarya pa niya. 

Isa sa mga pangarap ni Kasumi ay ang maging sikat na international designer sa buong mundo. Hindi niya ma-gets kung bakit kinalimutan nito yun at naging isang primary teacher na lang?

Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang assistant niya. Nang sagutin nito ang tawag ay agad siyang nagsalita. “Paki-check nga kung anong nangyari kay Kasumi sa nagdaang taon.”

Hindi siya makapaniwala na ang isang taong obsessed na obsessed sa pangarap ay agad na kinalimutan yun. Nang maputol ang tawag ay nakipagkwentuhan muna siya sa principal at agad na pumasok sa classroom upang sundan ang kanyang anak na si Akiro. 

Nang makapasok siya sa loob ay nakita niya ang anak niyang nagmumukmok kung kaya’t nilapitan niya ito. “Ikaw pa ang may ganang magalit diyan? Ikaw na ilang beses na pinatawag ako para rito? 

Tumingin sa kanya si Akiro, “Ayaw mo na ba sa akin, Dad? Gusto mo na rin bang makasama ang piping—I mean ang batang yun?” 

Hinimas niya ang ulo ng kanyang anak. “Hindi ko naman siya anak bakit ko siya gugustuhin? Pero nanay mo pa rin si Mommy Kasumi mo, huwag mo sana siyang tratuhing ng ganun.” 

“Hindi, Dad. Hindi niya naman ako naging anak, ni hindi niya nga ako binisita man lang at kinamusta kung okay lang ba ako.” 

“Siya ang nagluwal sa’yo, don’t be so rude, okay?” sabi na lang ni Aslan. 

Si Akiro ay napanguso na lang at tumango. Kinuha nito ang bag at isinukbit na upang umuwi. Habang naglalakad kasabay ng kanyang ama, ang tanging nasa isip lang ng batang lalaki ay ang pigura ng kanyang ina at ang piping batang yun. 

“Ayaw kong makipag-share ng nanay sa piping batang yun. Nakakahiya kaya!” inosenteng bulong nito sa sarili. 

*** 

Sa kabilang banda, pilit na ngumiti si Kasumi habang papasok sa loob ng kotse kung saan naroon ang kanyang anak at si Cohen. 

“Sumi, huwag mong pilitin ang sarili mong ngumiti, alam ko namang pilit lang naman ‘yan,” sabi ni Cohen habang nakatingin sa kanya. 

Nang marinig yun ay napawi ang ngiti sa kanyang mukha. “Okay lang naman ako, Cohen. Naka-move on naman na at wait, masaya kaya ako ngayon! Meron na akong trabaho, sa wakas!” 

Tumingin si Cohen sa rearview mirror, puno ng lungkot ang mga mata ng lalaki. 

"Kung hindi lang na-injure ang kamay mo," bulong nito, "Isa ka na sanang sikat na designer ngayon. Hindi mo kailangang magtiyaga bilang isang primary teacher."

Napahawak si Kasumi sa kanang pulso niya, biglang nanginig ang kanyang kamay at bumalik ang alaala niya ng gabing 'yun. Hinding-hindi niya makakalimutan ang sakit ng pagkakaturok ng kutsilyo sa kamay niya. 

Gabi na noon at sinugod siya ng mga kalaban ni Aslan sa business world.

"Nasaan na ang project plan ni Aslan?! Ibigay mo o puputulin namin ‘yang kamay mo!" sabi ng isang lalaking hindi niya kilala. 

Kahit na sobrang sakit na ng kanyang kamay, itinikom pa rin niya ang bibig niya. Alam niyang kapag nagsalita siya, babagsak ang kumpanya ni Aslan. Mawawala ang tsansa nitong maging tagapagmana ng pamilyang Anderson. Alam din niya kung gaano kahalaga para sa lalaki ang proposal na yun kaya tiniis niya ang sakit.  

Hinayaan niyang tusukin ng kutsilyo ang kamay niya ng lalaki. Hinayaan niyang maputol ang ugat ng kamay na ginagamit niya sa pagguguhit. Para sa kanya, mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa ibunyag ang mga sikreto ng lalaki. Kaya naman kahit na sobrang sakit, tikom pa rin ang bibig niya. Wala siyang nilabas ni isang salita para ma-satisfy ang kalaban. 

Akala niya mamatay na siya oras na yun ngunit sa kabutihang palad, may taong dumaan at doon siya nakaligtas. Nang idinala siya sa ospital, nalaman niya na hindi na niya magagamit pa ang kamay niya. Hindi na rin siya makakapag-guhit pa ng mga disenyo at sa ganung kabilis lang, naglaho ang pangarap niya. 

Nang umuwi si Aslan mula sa business trip nito, medyo hilom na ang sugat niya. Nagtanong naman din ang lalaki ngunit sinabi niya na lang na galos lang yun at huwag mag-alala. Alam niya kasi na mag-aalala ito ngunit ang tanga lang niya para isipin yun noon.

Napaka-bobo niya dahil naniwala siyang mag-aalala si Aslan sa kanya. 

Ang lalaking yun, hindi man lang siya minahal. 

Ang akala niyang sacrifice for love... sacrifice for nothing pala. Isa lang pala siyang panakip-butas para sa babaeng mahal talaga nito.

Ngumiti nang mapait si Kasumi, kung sabagay tapos naman na yun. Nasa past na kung kaya’t move on na siya. Sabi nga past is past, ang mahalaga ngayon ay ang kanyang anak na babaeng si Kira. 

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 223

    Pagmulat ni Kasumi, puting kisami ng VIP hospital room ang bumungad sa kanya. Sa may balcony, nakatayo si Aslan at seryosong nakikipag-usap sa cellphone. Nang mapansin nitong gumalaw siya, agad nitong pinatay ang tawag at nagmamadaling lumapit sa kanyang kama."Kasumi," seryoso ngunit malambing na wika ng lalaki. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?"Napapikit ng mariin si Kasumi. "Bakit… Bakit ako nandito?"Nakahinga ng maluwag si Aslan nang marinig ang malinaw na boses ng asawa. Yumuko siya at hinalikan ang pinsgi nito. Isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha."So, nakalimutan mo na?" panunukso ni Aslan habang nakatitig sa mga labi ni Kasumi. "Kinalimutan mo na kung paano mo ako niyakap at hinalikan pabalik sa loob ng sasakyan kanina habang half-conscious ka? Ayaw mo nga akong bitawan eh."Biglang nag-init ang buong mukha ni Kasumi nang mag-flash back sa utak niya ang nangyari kanina. Naalala niya, naalala niya ang mainit na dibdib nito nang hubarin nito

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 222

    Agad na tumakbo si Aslan palapit sa asawa at mabilis na lumuhod sa malamig na sahig. Kinuha niya ang asawa at niyakap ng mahigpit.Sobrang lamig nito, kasing-lamig ng yelo ang balat nito at nangingitim na ang mga labi."Kasumi… Baby, gumising ka. Nandito na ako," nanginginig na bulong ni Aslan at paulit-ulit na hinahalikan ang nagyeyelong labi at pisngi nito. "Wag kang matulog, please…"Dahil sa pamilyar na boses at amoy, bahagyang dumilat ang mga mata ni Kasumi. Isang mahinang boses ang lumabas sa mga labi ng babae. "Aslan, s-sobrang lamig…"Mabilis na hinubad ni Aslan ang suit jacket niya at ibinalot ito ng mahigpit kay Kasumi. Binuhat niya ito at idinikit ang mukha niya sa mukha nito para bigyan ito ng init."Shhh… Wag ka nang matakot," piyok na bulong niya, "Iuuwi na kita. Ilalabas na kita rito."Paglabas nila ng cold storage, tiningnan niya si Solomon ng malamig. "Solomon," matigas na utos ni Aslan. "Hanapin mo kung sinong gumawa nito. Gusto ko siyang mamatay."Hindi na niya hin

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 221

    Halos sumabog na ang dibdib ni Aslan sa sobrang takot. Sa gitna ng nagtataasang chandelier at tumutugtog na classical music sa grand ballroom, iisang bagay lang ang umiikot sa utak niya. Nawawala ang asawa niyang si Kasumi.At sa ganitong klaseng high-society banquet, ang biglaang pagkawala ng isang babae ay madalas nauuwi sa iisang karumal-dumal na rason, may nagpainom sa babae ng kung ano at tinangay ito.Iyon ang pinaka kinatatakutan niyang mangyari.Kinuwelyuhan ni Aslan si Solomon, ang mismong may-ari ng hotel na kinatatayuan nila. Dinuro niya at malamig na nagsaita. "Makinig ka sa akin, Solomon," nanggigigil na banta ni Aslan, "Kapag may nangyaring masama kay Kasumi, isusumpa ko… Pasasabugin ko 'tong buong hotel mo! Dudurugin ko ang negosyo niyo!"Kahit si Solomon ay pinagpapawisan na ng malamig. Kanina lang, nagbibilin pa siya kay Kasumi ng mga reminders para sa event at hindi niya napansing matagal na pala itong hindi nakakabalik mula sa restroom."Aslan, huminahon ka! Tingin

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 220

    Samantala, sa kabilang banda ng ballroom.Lumapit si Mr. Solomon kay Kasumi, may hawak itong isang maliit na platito na naglalaman ng isang eleganteng dessert."Matcha Snow Cake," nakangiting alok ni Mr. Solomon. "Napansin kong kanina ka pa walang kinakain. Try this. It's their specialty."Nanlaki nang bahagya ang mga mata ni Kasumi. "B-Bakit alam mong paborito ko ang matcha?"Bago pa man makasagot si Mr. Solomon, isang malaking braso ang biglang umakbay kay Kasumi. Mabilis na inagaw ni Aslan ang platito mula sa kamay ng designer."Oh, what a coincidence," sarkastikong tawa ni Aslan, "Paborito rin 'to ng anak ko. Sa parehong taste niyo ni Kasumi at sa taste niyo ng anak ko, baka may dugong Anderson ka rin, Mr. Solomon? Ano sa tingin mo, kapamilya ba kita?"Hindi nagpatinag si Mr. Solomon. Nananatiling kalmado ang ngiti nito. "Sino'ng mag-aakala, Mr. Anderson? Siguro sadyang may mga taong mas bagay lang talaga para sa isa't isa dahil pareho sila ng gusto."Bago pa maging gulo ang pagp

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 219

    Isang mabilis at marahas na galaw at mahigpit na kinwelyuhan ni Aslan ang ang suit ni Mr. Solomon. Idiniin niya ang lalaki sa pader habang galit na galit sa lalaki. "Gago ka ba?!" gigil na asik ni Aslan habang ang mga mata’y nagliliyab sa poot. "Makinig kang mabuti, Mr. Solomon. Subukan mong hawakan kahit isang hibla lang ng buhok niya… subukan mo siyang agawin sa akin at ipinapangako ko sa lahat ng demonyo sa impyerno, isasama ko ang buong pamilyang Aquino sa hukay! Luluhod kayo sa kangkungan, tandaan niyo iyan!"Binitawan ni Aslan ang kwelyo nito nang padabog. Inayos niya ang kanyang coat, binigyan ng isang huling nakamamatay na tingin si Mr. Solomon at nagmamadaling tumalikod para sundan kung saan man nagpunta si Kasumi.Nang tuluyan nang makalayo si Aslan, hindi napigilan ni Mr. Solomon na mapahalakhak ng malakas sa tahimik na corridor. "Tsk, tsk, tsk. Aslan," natatawang bulong ni Mr. Solomon. "Isang napakagandang babae na handang ibigay sa’yo ang lahat pero anong ginawa mo? Hi

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 218

    Gutom na siya dahil sa sunud-sunod na drama. Dumiretso siya sa dessert section kung saan nakalatag ang mga macarons at cakes. Akmang kukuha sana siya ng isang slice nang may mag-abot sa kanya ng isang flute ng champagne."I knew it. Hindi talaga ako nagkamali sa'yo."Napalingon si Kasumi, nakatayo sa tabi niya si Mr. Solomon. Pansin niyang mga mata nito ay may kakaibang kislap ng paghanga habang pinagmamasdan siya."Ito pala ang totoong aura ng sikat na genius ng UP," nakangiting dagdag ni Mr. Solomon.Ngumiti si Kasumi at tinanggap ang champagne, bahagyang nakipag-toast sa lalaki. "Masyado niyo po akong pini-praise, Mr. Solomon. Pangako, gagawin ko ang lahat para hindi mapahiya ang Bridal Competition sa Paris."Tinapik ni Mr. Solomon ang balikat niya ng marahan. "Wala akong duda na malalampasan mo pa ako, Kasumi. By the way, alam kong pagod ka na. I asked the chef to prepare some special desserts for you. Tara doon sa VIP table, let's talk about your—"Bago pa man matapos ni Mr. Solo

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 7

    Sa loob ng classroom, agad na nagpakilala si Kasumi bilang bagong teacher ng mga ito. "Good morning, class. I'm Teacher Kasumi, your new teacher for this year. Now, let's start with checking your attendance…” Isa-isa niyang tinawag ang mga pangalan ng mga bata hanggang sa sumunod ang kanyang ana

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 6

    Nang makabalik si Margareth, wala na sa mesa nila si Kasumi. Nang maalala ni Margareth ang sinabi sa kanya ng dalaga ay nagngitngit na naman siya sa galit. Hindi niya mapigilan na yakapin ang braso ni Aslan saka naglambing dito. “Aslan, pwede ba akong matulog sa mansyon ngayon?” malambing niyang s

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 5

    Si Aslan naman ay kanina pa tingin ng tingin mula sa kabilang table. Sobrang sakit sa mata ang nakikita niya. Ang sweet-sweet ng mga ito na para bang isang perfect family. Hindi niya namalayan na sobrang higpit na pala ng pagkakahawak niya sa kutsara. He had to admit, naka-move on na nga talaga sa

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 4

    Sa loob ng restaurant, masayang tumatakbo si Kira sa hallway, sobrang cute nitong tingnan ngunit bigla itong nabangga sa isang malaking bagay. Tumingala si Kira at nakita si Alsan, ngumisi ang bata sa kanya at pilit na kinukuha ang isang lollipop nito sa maliit na bulsa. Inabot ni Kira ito sa lala

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status