INICIAR SESIÓNNanginginig ang mga kamay ni Kasumi habang kinakalkal ang pinakailalim na drawer ng kanyang bedside table. Ang paghinga niya ay mabigat at putol-putol. Nanlalamig ang buong katawan niya habang ang mga alaala ng aksidente at ang dugo ni Aslan ay patuloy na nag-fa-flashback sa isip niya.“Nasaan na 'yon? Kailangan ko ng gamot ko…” bulong niya sa sarili.Ngunit wala siyang makapa. Walang maliit na puting bote ng anti-depressants at sleeping pills na matagal na niyang itinatago."Ito ba ang hinahanap mo?"Halos mapatalon si Kasumi nang marinig ang isang malalim at paos na boses mula sa madilim na bahagi ng kwarto. Umikot siya at nakita si Aslan na nakasandal sa pader. Nakasuot ito ng itim na silk bathrobe na bahagyang nakabukas, inilalantad ang pamilyar at matigas nitong dibdib. Pero hindi ang presensya nito ang nagpatigil sa mundo niya kundi ang maliit na bote ng gamot na pinaglaruan nito."A-Akin na 'yan," utal na utos ni Kasumi, pilit na pinapatapang ang boses kahit nanginginig na. "A
Kinagabihan, bumalik ang normal at masayang ingay sa loob ng mansyon. Nakaupo si Kasumi sa carpeted floor, matiyagang tinuturuan si Akiro para sa nalalapit nitong International Math Olympiad. Sa kabilang banda, nakadapa si Aslan sa tabi ni Kira, seryosong nagkukulay ng princess coloring book.Sa mga sandaling iyon, pinagmamasdan ni Aslan ang mukha ni Kasumi. Sa isip niya, “Kung si Kasumi man ang batang nagligtas sa kanya noon… Ipinapangako niyang ibibigay niya ang buong mundo para makabawi sa lahat ng sakit na naibigay niya sa dalaga.”—Kung titingnan, napaka-abstract ng gawa ni Kira. Puro bilog na ulo, stick na katawan at isang malaking kahon na may tatsulok na bubong. Pero hindi kailangan ni Aslan ng isang art critic para maintindihan kung ano ang iginuhit ng bata.Apat na tao na magkakahawak-kamay sa tapat ng isang bahay. May malaking araw sa taas na may nakaguhit na ngiti."Ito po si Kuya Akiro, tapos ito po ako," turo ni Kira gamit ang maliit nitong daliri. Inilipat nito ang tur
Nakatitig si Aslan sa lumang litrato. Pilit niyang inaaninag ang bawat detalye ng batang babae na nasa larawan. Ang kwintas nito at ang maliit nitong bulto pati na ang mapupungay ngunit malamig nitong mga mata.Parang may pumilipit sa puso niya, ang mga matang iyon, kapareho ng mga mata ni Kasumi noong araw na iniwan niya ito.“Bakit… bakit parang pareho sila ng mga mata?”Bago pa man lumipad ang isip niya sa isang imposibleng konklusyon, gumapang palapit sa kanyang paanan si Margareth. Puno ng dumi ang damit nito at sobrang gulo na ng buhok. "Aslan… a-aaminin ko na," nanginginig at basag ang boses ni Margareth, humihikbi habang nakakapit sa sapatos ng binata. "Oo! Hindi ako ang nagbigay ng dugo sa'yo noon! Gusto kong mag-donate, pangako! Tumakas ako kina Papa papunta sa ospital pero dahil kakatapos lang ng operasyon ko noon, nahimatay ako sa hallway."Mas lalong nagdilim ang aura ni Aslan. Nanigas ang kanyang panga. "Kaya noong nagising ka at tinanong ka ng Mama ko kung sa'yo ang kw
Paglabas ni Kasumi sa kwaro, pumasok agad si Assistant Luke. Mabilis na nag-iba ang timpla ng mukha ni Aslan. Bumalik ang pagiging malamig, seryoso at kinatatakutang CEO ng Anderson Group."Ano na ang balita?" malamig na tanong ni Aslan."Boss, nakuha na po natin ang report," mabilis na sagot ng assistant. "Si Rex Alcantara po ang may gawa. Binayaran niya 'yung guard sa school para pakialaman ang preno ng sasakyan ni Ma'am Kasumi."Biglang umapaw ang matinding galit at dilim sa mga mata ni Aslan. Kung nagkataong wala siya roon noong nawalan ito ng preno baka wala na si Kasumi ngayon. Mabuti na lang at agad na nakita niya ang sasakyan nito. "Gusto niyang mamatay? Edi pagbibigyan ko siya," madiin at puno ng lason na wika ni Aslan. "Luke, i-activate mo lahat ng resources natin. Simula ngayon, target locked na ang buong Alcantara Group. Papalugiin natin ang negosyo nila! Sisiguraduhin kong magmamakaawa si Rex Alcantara at ang buong pamilya niya sa harapan ko para lang mabuhay!"***Kinab
"Kasumi, please… L-Lumabas ka na. Hindi ko kailangan ng kahit sino, hindi ako mamatay dito," pagmamatigas pa rin ni Aslan kahit nanginginig na ang panga sa sakit."Ready na tayo," anunsyo ni Mike. Walang pag-aalinlangan, inilapat niya ang malamig na scalpel sa balat ni Aslan at hiniwa ang paligid ng bumaong salamin."ARGHH!" Isang malalim at nakakapanindig-balahibong ungol ang kumawala kay Aslan.Kusa nitong nabitawan ang kamay ni Kasumi at mahigpit na napakapit sa riles ng bakal ng kama. Tumulo ang malalaking butil ng pawis at luha mula sa mga mata ng binata dahil sa hindi mapantayang hapdi ng nahihiwang laman na walang anesthesia."Aslan…" naiiyak na bulong ni Kasumi."K-Kaya ko 'to, Kasumi,” hirap na hirap na ngiti ni Aslan, pilit inaamo ang asawa kahit na parang pinupunit ang katawan niya. "Wag kang umiyak… S-sandali lang 'to."Pero mas lalong lumalim ang hiwa. Sa pagkakataong ito, napaigtad ang buong katawan ni Aslan. Nagsimula itong mangisay at magkumbulsyon sa sobrang sakit.
Nanginginig ang mga kamay ni Kasumi habang pilit na iniaangat ang mukha ni Aslan. Ang kaninang malinis at mamahaling suit nito ay basang-basa na ng mainit at malagkit na likido. Dugo! Napakaraming dugo."Aslan! Aslan, gumising ka! Wag kang pipikit, parang awa mo na!" basag na sabi ni Kasumi habang umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi na nabahiran na rin ng alikabok at dugo.Parang sirang plaka na nag-flashback sa utak ni Kasumi ang pinaka kinatatakutan niyang bangungot. Ang wasak na sasakyan ng mga magulang niya. Ang dugo ng mama't papa niya na unti-unting tumutulo sa kanyang mukha habang pilit din siyang niyayakap para protektahan sa impact. Ang pagkawala ng hininga ng mga ito sa mismong harapan niya.Hindi! Hindi pwede. Hindi pwedeng maulit 'to."Aslan! Tatawag ako ng tulong!"Isang paos at nahihirapang ungol ang pinakawalan ng lalaki. “H-Huwag na… Ang mahalaga naman ay ligtas ka.” "Baliw ka ba?!" umiiyak niyang sigaw habang nakatitig sa mga matang dahan-dahang iminumulat ni As
Kahit nanginginig pa, patakbong lumabas ang dalawang guro na parang nakakita ng isang multo. Literal na naiwan ang mga kaluluwa nito sa takot kay Aslan.Nang makaalis ang mga ito, bumaling si Aslan kay Kasumi habang nakakunot ang noo. "Bakit pinatawad mo agad? Ang mga taong ganyan kalakas manira, d
Napatitig siya rito ng ilang segundo bago nakabawi. "Nababaliw ka na ba, Aslan?" mahina niyang tanong sa lalaki. Tiningala siya ni Aslan saka nagsalita. "Kasumi… Alam kong ginamit kita noon para saluhin ang mga panganib na dapat sana ay kay Margareth tatama. Ang dami mong ginawa para sa akin pero
Kakapasok pa lang ni Aslan sa sala, mabilis ng gumapang palapit sa kanya si Margareth. Lumuhod ito sa harapan niya, umiiyak at nakakapit sa mga binti niya. Kasunod din nito ang mga magulang nitong lumuluhod at nagmamakaawa. "Aslan! P-Patawarin mo ako, please!" hagulgol ni Margareth, basang-basa ng
Ang engrandeng kasal nina Aslan at Margareth ay ginanap sa pinakamagarang hotel sa bansa. Lahat ng sikat na media at reporters ay nandoon para i-cover ang "Wedding of the Century" ng taon. Kakahinto pa lang ng sasakyan ni Aslan sa entrance, dinumog na agad ito ng mga reporters na panay ang pagkuha







