Mag-log inAng tanong ni Aslan ay parang asido na tumutunaw sa puso ni Kasumi.
Gusto niyang matawa dahil ang ironic ng sinabi nito. Gusto niyang isigaw sa mukha ng lalaking 'to ang katotohanan.
‘Tanga ka ba Aslan?’
Naalala niya noon, sabi ng manghuhula, si Aslan ay magkakaroon ng anak na babae at magiging swerte ito sa buhay ng lalaki. Magiging smooth daw ang business nito at gagaan ang buhay.
Dahil mahal na mahal niya ang asawa niya noon, siya mismo ang naghanap ng paraan. Uminom siya ng kung anu-anong herbal medicine, kahit mapait at nakakasuka ay tiniis niya. Pati na ang mga side effects nito na kahit bawal sa kondisyon niya ang magbuntis ulit, sinugal niya ang buhay niya para mabigyan lang si Aslan ng isang babaeng anak.
Pero anong napala niya? Iniwan siya nito at ipinagpalit.
At ngayon, ang lakas ng loob nitong magtanong kung gaano kagaling ang lalaki niya?
Unti-unting kumirot ang dibdib niya pero hindi niya pinahalata. Tinitigan niya si Aslan ng malamig at walang ekspresyon.
“Wala ka na doon Mr. Anderson," malamig na sagot niya sa lalaki. "Labas ka na rin sa personal life ko," patuloy pa niya.
Dumilim ang mukha ni Aslan, hindi sanay ang lalaki na sinasagot siya nang ganito ni Kasumi, dati kasi sunud-sunuran ito sa kanya.
"Kasumi," mariing sabi ng lalaki, “Concern lang naman ako sa’yo. Nanay ka pa rin ni Akiro kaya ayaw kong mapahamak ka.”
Napangisi na lamang si Kasumi. Concern? Ngayon pa talaga?
"Wag ka nang mag-abala pa, Mr. Anderson," sarcastic niyang sagot sa lalaki. "Okay na okay ako. Buhay pa naman ako, 'di ba?"
Tatalikod na sana siya nang bigla siyang tinawag ni Aslan. “Kasumi.”
Hinawakan ni Aslan ang braso niya’t tila pinipigilan siya. Ang mga mata nito ay nakapako sa mukha niya—yung mukhang mas lalong gumanda at kuminis matapos ang apat na taon.
“Huwag mong kalimutan, may anak ka pa rin sa akin. Paano mo nagawang iwan ang anak mong isa para lang sa anak mong ‘yan? Hindi ko alam na ganun ka pala kawalang puso.”
Tinignan lang ni Kasumi si Aslan. Dati, isang tingin lang ng lalaki sa kanya, tiklop na agad siya. Pero ngayon? Wala na.
"Bakit ako magpapaka-tanga na suyuin ang taong ayaw sa akin? Mas pipiliin ko na lang maging masaya sa piling ng mga taong mahal ako. Bakit ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa inyo?"
Yumuko siya at binuhat si Kira, bigla namang nagbago ang boses niya. Kanina’y malamig ngayon ay naging malambing na. “Tara na, baby. Andyan na si Daddy para sunduin tayo. Pupunta tayo sa isang restaurant, hindi ba gusto mong pumunta roon? Mag-ce-celebrate tayo kasi nakahanap na si Mommy ng bagong trabaho.”
Naglakad siya palapapit kay Cohen na kanina pa naghihintay sa hallway. Agad na binuhat ni Cohen si Kira at umalis na kasama ni Kasumi.
Nang makita ni Aslan kung gaano kasaya ang tatlong taong umalis sa harapan niya ay nakaramdam siya ng inis. Tinignan niya ang likod ni Kasumi habang naglalakad palayo kasama ang ibang lalaki.
Humigpit ang hawak niya sa gilid ng kanyang pantalon. Hanggang sa lumabas ang mga ugat sa kamay niya dahil sa sobrang gigil.
Paulit-ulit na umi-echo sa utak niya ang isang pangungusap noon.
“Aslan, si Kasumi… May anak na sa ibang lalaki…”
Si Aslan naman ay kanina pa tingin ng tingin mula sa kabilang table. Sobrang sakit sa mata ang nakikita niya. Ang sweet-sweet ng mga ito na para bang isang perfect family. Hindi niya namalayan na sobrang higpit na pala ng pagkakahawak niya sa kutsara. He had to admit, naka-move on na nga talaga sa kanya si Kasumi. Habang naiisip niya yun, talagang na-de-depress siya. Tatayo na sana siya para umalis at humithit ng sigarilyo nang biglang dumating si Margareth."Aslan," tawag nito sa kanya. Agad na tumakbo si Akiro kay Margareth, masayang-masaya nang makita ang babae. "Tita Margareth! Buti dumating ka na, nagugutom na po ako eh! Nag-order po ako ng paborito mong carbonara!"Niyakap ni Margareth ang bata at hinalikan ang ulo nito. “Sorry na, baby at ngayon lang. Napakabait mo talaga sa akin! At dahil diyan may binili akong gift para sa’yo, sana magustuhan mo. Latest toy car iyan!” "Wow! Thank you, Tita! The best ka talaga!"Sinadya ni Akiro na lakasan ang boses at tinitigan ang ina sa
Sa loob ng restaurant, masayang tumatakbo si Kira sa hallway, sobrang cute nitong tingnan ngunit bigla itong nabangga sa isang malaking bagay. Tumingala si Kira at nakita si Alsan, ngumisi ang bata sa kanya at pilit na kinukuha ang isang lollipop nito sa maliit na bulsa. Inabot ni Kira ito sa lalaki at tinuro pa ang maliit na bibig na para bang sinasabing—‘Eat this tito.’Natigilan si Aslan, bago pa man maka-react ang lalaki biglang sumulpot si Akiro. Hinablot nito ang lollipop sa kanya at nagsalita. “Akin na nga ‘yan! Hindi naman kumakain nito si Dad!” Akmang itatapon ni Akiro sa basurahan ang candy nang biglang pinigilan ito ni Aslan. “Akiro, huwag kang maging bastos.”Kinuha niya ulit ang candy mula sa anak, "Kahit kanino pa galing 'yan, tanggapin mo. Be grateful, anak."Tumalikod na lamang si Akiro, tila ba nagmamaktol sa sinabi ng ama. "Bahala ka nga po ,Dad. Kung gusto mo pong malason niyan, sige kunin mo po." Matapos na sabihin yun ay pumunta na si Akiro sa table nila. Si As
Nakatayo lang si Aslan sa hallway hanggang sa unti-unting nawala ang pigura ng tatlong tao sa paningin niya. Ang principal na sakto namang napadaan doon ay masayang binati si Aslan. “Mr. Anderson, anong ginagawa niyo po rito? Napa-trouble na naman ba ang anak niyong si Akiro?” Tumango lang si Aslan at nagtanong, “Anong ginagawa rito ni Miss Kasumi Takahashi?” Nagulat ang principal dahil sa tanong niya ngunit sumagot naman agad. “Kilala niyo po si Miss Takahashi? Bagong guro siya rito sa paaralang ito, alam niyo bang marami ng awards ang natatanggap ng mga batang na-handle niya? At ang galing pa niyang magturo. Pinakiusapan ko nga siyang mag-take over sa klase kung saan nandoon ang anak niyo. For sure matutulungan niya si Akiro.” Nang marinig ang sinabi ng principal ay napakunot ang noo ni Aslan. Paanong ang genius na designer na si Kasumi ay napunta sa gantong paaralan at naging isa pang guro? Ang wedding dress na dinesign nito noong kabataan ay naibenta ng malaking halaga. Pagkat
Ang tanong ni Aslan ay parang asido na tumutunaw sa puso ni Kasumi. Gusto niyang matawa dahil ang ironic ng sinabi nito. Gusto niyang isigaw sa mukha ng lalaking 'to ang katotohanan.‘Tanga ka ba Aslan?’Naalala niya noon, sabi ng manghuhula, si Aslan ay magkakaroon ng anak na babae at magiging swerte ito sa buhay ng lalaki. Magiging smooth daw ang business nito at gagaan ang buhay.Dahil mahal na mahal niya ang asawa niya noon, siya mismo ang naghanap ng paraan. Uminom siya ng kung anu-anong herbal medicine, kahit mapait at nakakasuka ay tiniis niya. Pati na ang mga side effects nito na kahit bawal sa kondisyon niya ang magbuntis ulit, sinugal niya ang buhay niya para mabigyan lang si Aslan ng isang babaeng anak. Pero anong napala niya? Iniwan siya nito at ipinagpalit. At ngayon, ang lakas ng loob nitong magtanong kung gaano kagaling ang lalaki niya?Unti-unting kumirot ang dibdib niya pero hindi niya pinahalata. Tinitigan niya si Aslan ng malamig at walang ekspresyon. “Wala ka n
“A-Aray ko batang pipi, bakit ka ba nangangagat diyan?!” Si Kasumi na kakalabas pa lang ng office ay nakita ang kanyang anak na si Kira na nanggigil na kinagat ang braso ng isang batang lalaki, ni ayaw nitong tigilan ang bata kahit na nagpupumiglas na. Dahil sa sobrang gulat, dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang anak at hinila ito. “Kira, bitawan mo siya!” Binitawan naman agad ng kanyang anak ang batang lalaki at pilit na tinuturo ang labi nito saka umiiling. Para bang sinasabi ng anak niya na ‘Hindi ako pipi Mommy! Hindi ako pipi!” Marahan niyang hinaplos ang buhok ng kanyang anak, “Naniniwala si Mommy na ginawan ka ng masama ng batang ‘yan pero masama ang nangangagat anak. Tingnan natin kung may sugat ba ang batang yun, okay?” Masakit sa kanya na na-bu-bully ang kanyang anak pero mali pa rin kasi ang mangagat ng iba. Kahit na nakakunot ang noo, napatango na lamang si Kira bilang pagsang-ayon. Nang makitang kumalma na ang anak niya, agad na tiningan ni Kasumi ang







