Share

My Zillionaire Husband begs for a Second Chance
My Zillionaire Husband begs for a Second Chance
Author: Gia Maezy

Kabanata 1

Author: Gia Maezy
last update Last Updated: 2026-01-17 23:09:19

“A-Aray ko batang pipi, bakit ka ba nangangagat diyan?!” 

Si Kasumi na kakalabas pa lang ng office ay nakita ang kanyang anak na si Kira na nanggigil na kinagat ang braso ng isang batang lalaki, ni ayaw nitong tigilan ang bata kahit na nagpupumiglas na. 

Dahil sa sobrang gulat, dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang anak at hinila ito. “Kira, bitawan mo siya!” 

Binitawan naman agad ng kanyang anak ang batang lalaki at pilit na tinuturo ang labi nito saka umiiling. Para bang sinasabi ng anak niya na ‘Hindi ako pipi Mommy! Hindi ako pipi!” 

Marahan niyang hinaplos ang buhok ng kanyang anak, “Naniniwala si Mommy na ginawan ka ng masama ng batang ‘yan pero masama ang nangangagat anak. Tingnan natin kung may sugat ba ang batang yun, okay?” 

 Masakit sa kanya na na-bu-bully ang kanyang anak pero mali pa rin kasi ang mangagat ng iba. Kahit na nakakunot ang noo, napatango na lamang si Kira bilang pagsang-ayon. Nang makitang kumalma na ang anak niya, agad na tiningan ni Kasumi ang braso ng batang lalaki. Akmang magsasalita na sana siya nang makita niya ang isang mukhang pilit niyang minimemorya sa isipan niya gabi-gabi sa takot na makalimutan niya. 

Parang huminto ang mundo niya’t parang nawalan ng hangin ang kanyang katawan. Ang batang lalaki na nasa harapan niya ay walang iba kung ‘di ang panganay niyang si Akiro. 

Ang anak na iniwan niya apat na taon na ang nakaraan.

Nanginig ang mga kamay ni Kasumi. Gusto niyang yakapin ang bata at sabihing, 'Anak, si Mommy ito…’

Ngunit biglang bumalik sa kanyang isipan kung paano siya pandirihan ng kanyang anak noon at ang mga masasamang salitang nanggaling sa bibig nitong nagpasakit ng kanyang dibdib. “Ang sama-sama mong nanay! Umalis ka na rito at hindi ka na magpakita sa amin kahit kailan! Hindi na rin kita kikilalaning mom ko. Si Tita Margareth lang ang Mommy ko kasi mabait siya sa akin!”

Parang binasag ang puso ni Kasumi nang marinig ang sinabi ng kanyang anak noon. Mas masakit pa yun nang malaman niya ang pagtataksil sa kanya ng kanyang asawa. Hindi niya inaasahan na pati anak niya kinamumuhian din siya at doon na sumabog ang sakit na nararamdaman niya. Doon din niya na-realize na wala na siyang kakampi pa.  

Hindi niya alam kung paano siya nakaalis sa pamilyang Anderson noon pero ramdam pa rin niya kung gaano kasakit ang naranasan niya. 

Apat na taon na ang nakalipas ng iwan niya ito, hindi na siya magsisinungaling na hindi siya na-e-excite nang makita ito. Ngunit taliwas iyon sa reaksyon ng anak niya, kitang-kita pa rin niya ang pagka-disgusto nito sa kanya. 

Tumayo siya nang tuwid, tinignan niya si Akiro, hindi bilang nanay na nangungulila, kundi bilang nanay na ipinagtatanggol ang isa pa niyang anak.

“Ako ang nanay niya, alam kong mali ang ginawa ng anak ko at humihingi ako ng sorry para sa kanya. Subalit tinawag mo siyang batang pipi kanina at pang-iinsulto yun. Kailangan mo ring mag-sorry sa kanya.” 

Nang marinig ni Akiro ang sinabi niya ay mas lalo lang itong nagalit. Tiningnan siya nito ng matalim at nagsalita. “Totoo namang pipi siya ah! Hindi nga makapagsalita ‘yan at masama rin siya katulad mo. Hindi ako magso-sorry sa inyo!”

Naka-pamewang pa ang bata na parang isang maliit na boss. What a spoiled brat, sa isip ni Kasumi. 

Akmang sasagot pa sana si Kasumi nang may marinig siyang boses sa likuran. Isang boses na apat na taon niyang pilit kinalimutan.

“Akiro! Sino ang nag-utos sa’yo na magsalita ng ganyan?”

Mababa, malamig at may pagka-authoritative ang boses ng lalaki.

Nanigas ang bata. Dahan-dahan itong lumingon at pinakita ang kagat sa braso.

"Daddy..." sumbong ni Akiro tila nagpapaawa bigla. "Tignan mo oh. Kinagat ako ng anak ng masamang babaeng ‘yan. Ang sakit sakit..."

“Akiro, siya ang nanay mo, paano mo nagawang magsalita ng ganyan sa kanya? Hindi kita pinalaking walang modo!” 

Hindi tinignan ng lalaki ang sugat bagkus tinitigan lang nito ang anak ng masama.

“No Dad! Bad siya! Iniwan niya ako dahil sa piping ‘yan! Hindi ko na siya nanay, ayaw ko na siyang maging nanay!” inis na sabi ni Akiro sa ama. 

“AKIRO! Mag-sorry ka or else!” banta ni Aslan sa anak kung kaya’t biglang nanginig sa takot ang bata. Napayuko si Akiro at walang nagawa kung ‘di ang mag-sorry sa dalawang babaeng nasa harapan. 

“Sorry…” Pagkatapos ay tumakbo na papasok sa loob ng classroom. 

Lumapit naman si Aslan kina Kasumi at Kira. “Anak mo?” 

Alam ni Kasumi na kapag bumalik siya talagang hindi niya maiiwasan na makita si Aslan at makikita nito ang babaeng anak nila. Pero hindi niya in-expect na mangyayari iyon sa ganitong sitwasyon. 

Naalala niya ang araw ng divorce nila. Galing siya sa ospital noon, buntis siya kay Kira at excited na sabihin iyon kay Aslan ngunit nang magsasalita pa lang sana siya, inabutan na siya nito ng divorce papers.

Hindi siya makapaniwala, akala nga niya’y pina-prank lang siya ng lalaki pero nang magsalita ang lalaki’y biglang nablanko ang kanyang isip. 

"Kasumi," sabi nito noon, “Na-injure ang binti ni Margareth dahil sa pagligtas nito sa akin at dahil doon, hindi na siya muling makaka-perform sa stage ulit. Sobrang na-depress siya, Kasumi. Kung hindi ko siya pakakasalan, magpapakamatay siya. Wala akong choice kung ‘di ang makipaghiwalay sa’yo.”

Sa puntong yun doon na gumuho ang mundo niya. Akala pa niya noon na dahil sa desperasyon at stress ng sitwasyon kaya nagawa ito ni Aslan sa kanya not until narinig niya ang totoong usapan ng dalawa. 

“Aslan, sumama ka kay Kasumi para lang protektahan ako noon. Ngayon na okay na ang lahat, wala ng rason para panatilihin siya sa tabi mo. Mukhang ayaw mo ata siyang iwan, huwag mong sabihing in-love ka na sa kanya?” 

Nanikip ang dibdib ni Kasumi nang marinig yun. Hiniling niya na sana sabihin nitong ‘Oo, mahal ko si Kasumi’ ngunit matapos ang ilang segundong paghihintay narinig niya ang sagot ng lalaki. “Hindi ah.” 

Napangiti ng mapait si Kasumi nang marinig ang sagot ni Aslan sa kausap. Turns out mabait lang ito sa kanya dahil siya ang panakip-butas para hindi targetin ng mga kaaway nito ang tunay nitong mahal na si Margareth. Ang tanga niya para umasang pareho sila ng nararamdaman para sa isa’t-isa. 

Hindi niya maiwasang maging bitter at makaramdam pa rin ng sakit, hindi sa mahal pa niya ang lalaki kung ‘di sobrang naaawa lang siya sa sarili noon. Kahit ngayon nga na nakatayo ito sa harapan niya ay wala na siyang makapang pagmamahal sa lalaki. 

"Oo," deretsong sagot niya. "Anak ko siya."

Nanliit ang mata ni Aslan, kumuyom din ang kamao nito sa magkabilang-gilid. 

"Kasumi," madiin na sabi nito sa kanya. "Alam mong delikado sa'yo ang mabuntis. Alam mong pwede mong ikamatay 'yan."

Lumapit ang lalaki sa kanya’t puno ng galit at selos ang boses. “Gaano ba kagaling ang lalaki mo para isugal mo ang buhay mo’t mabigyan lang siya ng anak?”

Nang marinig ang sinabi ng lalaki ay hindi mapigilan ni Kasumi na matawa ng mahina. 

Ang kapal talaga ng lalaking ito. Kung alam lang nito kung sino ang tatay ni Kira!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 5

    Si Aslan naman ay kanina pa tingin ng tingin mula sa kabilang table. Sobrang sakit sa mata ang nakikita niya. Ang sweet-sweet ng mga ito na para bang isang perfect family. Hindi niya namalayan na sobrang higpit na pala ng pagkakahawak niya sa kutsara. He had to admit, naka-move on na nga talaga sa kanya si Kasumi. Habang naiisip niya yun, talagang na-de-depress siya. Tatayo na sana siya para umalis at humithit ng sigarilyo nang biglang dumating si Margareth."Aslan," tawag nito sa kanya. Agad na tumakbo si Akiro kay Margareth, masayang-masaya nang makita ang babae. "Tita Margareth! Buti dumating ka na, nagugutom na po ako eh! Nag-order po ako ng paborito mong carbonara!"Niyakap ni Margareth ang bata at hinalikan ang ulo nito. “Sorry na, baby at ngayon lang. Napakabait mo talaga sa akin! At dahil diyan may binili akong gift para sa’yo, sana magustuhan mo. Latest toy car iyan!” "Wow! Thank you, Tita! The best ka talaga!"Sinadya ni Akiro na lakasan ang boses at tinitigan ang ina sa

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 4

    Sa loob ng restaurant, masayang tumatakbo si Kira sa hallway, sobrang cute nitong tingnan ngunit bigla itong nabangga sa isang malaking bagay. Tumingala si Kira at nakita si Alsan, ngumisi ang bata sa kanya at pilit na kinukuha ang isang lollipop nito sa maliit na bulsa. Inabot ni Kira ito sa lalaki at tinuro pa ang maliit na bibig na para bang sinasabing—‘Eat this tito.’Natigilan si Aslan, bago pa man maka-react ang lalaki biglang sumulpot si Akiro. Hinablot nito ang lollipop sa kanya at nagsalita. “Akin na nga ‘yan! Hindi naman kumakain nito si Dad!” Akmang itatapon ni Akiro sa basurahan ang candy nang biglang pinigilan ito ni Aslan. “Akiro, huwag kang maging bastos.”Kinuha niya ulit ang candy mula sa anak, "Kahit kanino pa galing 'yan, tanggapin mo. Be grateful, anak."Tumalikod na lamang si Akiro, tila ba nagmamaktol sa sinabi ng ama. "Bahala ka nga po ,Dad. Kung gusto mo pong malason niyan, sige kunin mo po." Matapos na sabihin yun ay pumunta na si Akiro sa table nila. Si As

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 3

    Nakatayo lang si Aslan sa hallway hanggang sa unti-unting nawala ang pigura ng tatlong tao sa paningin niya. Ang principal na sakto namang napadaan doon ay masayang binati si Aslan. “Mr. Anderson, anong ginagawa niyo po rito? Napa-trouble na naman ba ang anak niyong si Akiro?” Tumango lang si Aslan at nagtanong, “Anong ginagawa rito ni Miss Kasumi Takahashi?” Nagulat ang principal dahil sa tanong niya ngunit sumagot naman agad. “Kilala niyo po si Miss Takahashi? Bagong guro siya rito sa paaralang ito, alam niyo bang marami ng awards ang natatanggap ng mga batang na-handle niya? At ang galing pa niyang magturo. Pinakiusapan ko nga siyang mag-take over sa klase kung saan nandoon ang anak niyo. For sure matutulungan niya si Akiro.” Nang marinig ang sinabi ng principal ay napakunot ang noo ni Aslan. Paanong ang genius na designer na si Kasumi ay napunta sa gantong paaralan at naging isa pang guro? Ang wedding dress na dinesign nito noong kabataan ay naibenta ng malaking halaga. Pagkat

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 2

    Ang tanong ni Aslan ay parang asido na tumutunaw sa puso ni Kasumi. Gusto niyang matawa dahil ang ironic ng sinabi nito. Gusto niyang isigaw sa mukha ng lalaking 'to ang katotohanan.‘Tanga ka ba Aslan?’Naalala niya noon, sabi ng manghuhula, si Aslan ay magkakaroon ng anak na babae at magiging swerte ito sa buhay ng lalaki. Magiging smooth daw ang business nito at gagaan ang buhay.Dahil mahal na mahal niya ang asawa niya noon, siya mismo ang naghanap ng paraan. Uminom siya ng kung anu-anong herbal medicine, kahit mapait at nakakasuka ay tiniis niya. Pati na ang mga side effects nito na kahit bawal sa kondisyon niya ang magbuntis ulit, sinugal niya ang buhay niya para mabigyan lang si Aslan ng isang babaeng anak. Pero anong napala niya? Iniwan siya nito at ipinagpalit. At ngayon, ang lakas ng loob nitong magtanong kung gaano kagaling ang lalaki niya?Unti-unting kumirot ang dibdib niya pero hindi niya pinahalata. Tinitigan niya si Aslan ng malamig at walang ekspresyon. “Wala ka n

  • My Zillionaire Husband begs for a Second Chance   Kabanata 1

    “A-Aray ko batang pipi, bakit ka ba nangangagat diyan?!” Si Kasumi na kakalabas pa lang ng office ay nakita ang kanyang anak na si Kira na nanggigil na kinagat ang braso ng isang batang lalaki, ni ayaw nitong tigilan ang bata kahit na nagpupumiglas na. Dahil sa sobrang gulat, dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan ng kanyang anak at hinila ito. “Kira, bitawan mo siya!” Binitawan naman agad ng kanyang anak ang batang lalaki at pilit na tinuturo ang labi nito saka umiiling. Para bang sinasabi ng anak niya na ‘Hindi ako pipi Mommy! Hindi ako pipi!” Marahan niyang hinaplos ang buhok ng kanyang anak, “Naniniwala si Mommy na ginawan ka ng masama ng batang ‘yan pero masama ang nangangagat anak. Tingnan natin kung may sugat ba ang batang yun, okay?” Masakit sa kanya na na-bu-bully ang kanyang anak pero mali pa rin kasi ang mangagat ng iba. Kahit na nakakunot ang noo, napatango na lamang si Kira bilang pagsang-ayon. Nang makitang kumalma na ang anak niya, agad na tiningan ni Kasumi ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status