MasukSa loob ng classroom, agad na nagpakilala si Kasumi bilang bagong teacher ng mga ito.
"Good morning, class. I'm Teacher Kasumi, your new teacher for this year. Now, let's start with checking your attendance…”
Isa-isa niyang tinawag ang mga pangalan ng mga bata hanggang sa sumunod ang kanyang anak.
"Anderson Akiro."
Subalit walang sumagot sa kanya.
Nakasandal si Akiro sa upuan, naka-cross arms at naka-dekwatro pa.
Siniko ito ng katabi saka bumulong. "Uy, Akiro! Tinatawag ka ni Teacher. Bingi ka ba?"
Inirapan lamang ni Akiro ang katabi. "Hindi ako bingi!"
"Eh bakit ayaw mong sumagot?"
"Ayoko eh. Pake mo ba?"
Tumahimik na lang ang katabi nito sa takot na mapagbuntunan ng galit ni Akiro mamayang recess.
Hindi man lang tumingin si Kasumi kay Akiro. Nakayuko lang siya’t tinitingan ang class record na hawak.
"Wala ba si Akiro?" tanong niya sa klase. "Kung wala siya, buburahin ko na ang pangalan niya sa listahan. Ibig sabihin, disqualified na rin siya sa MATH-TINIK CONTEST next month. Ibibigay ko na lang siguro ang slot sa iba."
Nang marinig ni Akiro ang sinabi ni Kasumi ay napatayo ang bata. Pasaway itong bata, oo. Pero Math wizard ito, gustong-gusto nitong sumali sa competition na yun para ipamukha sa bad woman na ‘to na sobrang galing nito kahit wala itong kinagisnang nanay!
"Bulag ka ba?" sigaw ni Akiro. "Andito ako oh!"
Hindi nagalit si Kasumi, kalmado lang siyang tumingin sa anak niya.
"Ikaw si Akiro Anderson ‘di ba? Kung ikaw nga, sumagot ka ng 'Present'. Kung hindi, absent ka sa record ko."
Walang nagawa si Akiro kung ‘di ang umupo ng tuwid. ]
"Present!" labag sa loob na sigaw ng a sa kanya.
Tiningnan lang ito ni Kasumi saka bumalik ulit sa class record niya.
"Okay, next..." tuloy ni Kasumi at nagtawag ulit ng ibang bata.
Si Akiro naman ay mas lalong nainis sa inasta ng ina.
‘Yun lang?! Hindi man lang siya pinansin nito?’
Dati, konting kibot niya lang, nag-aalala na agad ang Mommy niya pero ngayon, parang hangin na lang siya nito kung tingnan.
Lalong sumama ang loob ng bata sa ina.
“Humanda ka, Bad Woman. Papahirapan kita,” bulong nito sa sarili saka ngumisi ng nakakaloko.
Hindi maipinta ang mukha ni Akiro habang nakatingin sa ina. Halos umusok na ang ilong niya sa inis dahil sa harap-harapan siyang binalewala ng sarili niyang ina. Pasimple niyang tinitigan nang masama si Kasumi habang pilit na kinikimkim ang galit na wala naman siyang mapagbalingan.
Eksakto namang bumukas ang pinto at isang maliit na tinig ang bumasag sa katahimikan nila.
"Teacher, sorry po, late po ako."
Lumingon si Kasumi at agad nakita ang isang payat na batang lalaki na nakatayo sa may pintuan. Imbes na magalit, isang malambot na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Nilapitan ni Kasumi ang payat na bata at inakay papasok sa loob.
"Ikaw ba si Kyro Chavez?"
"O-opo, Teacher. Ako po yun!"
"Sige, sa susunod huwag ng magpapa-late, ha? Sige na, pumunta ka na sa upuan mo."
Magalang na yumuko ang bata at nagsalita. "Salamat po, Teacher. Pangako po, hindi na mauulit."
Habang naglalakad ang bata patungo sa upuan nito, napansin ni Kasumi na iika-ika ito. Agad siyang kinabahan at pinatigil ang bata.
"Teka, anong nangyari sa binti mo?"
Umiling si Kyro, pilit na tinatago ang sakit na nararamdaman. “W-Wala po ito, Teacher. Nadapa lang po ako kanina habang humahabol ng sasakyan."
Napatigil si Kasumi, alam niya ang sitwasyon ni Kyro—ulila na sa ama at may sakit pa ang ina ng bata. Sa edad na walo ay pasan na nito ang responsibilidad sa bahay. Isang oras itong bumabyahe araw-araw para lang makapasok sa eskwelahan. Bilang isang batang lumaki sa ampunan at walang magulang na umagapay mula pagkabata, ramdam niya ang paghihirap ng batang nasa harapan niya.
Isang batang lumalaban sa hirap ng buhay.
Hindi nagdalawang-isip si Kasumi,kinuha niya ang kanyang first-aid kit at lumuhod sa tapat ng bata.
"May band-aid si Teacher rito. Lalagyan natin yung sugat mo ha, basta huwag mo lang basain at baka matanggal.”
Dahan-dahan niyang nilinis ang sugat nito at dinikitan ng band-aid na may cute na cartoon design. Napangiti ang bata’t kitang-kita ang kislap sa mga mata nito. "Salamat po, Teacher."
"Walang anuman. O sige, mag-umpisa na tayo ng klase."
***
Habang nangyayari ang lahat ng 'yon, parang sasabog na sa galit si Akiro. Nakakuyom ang maliliit niyang kamao habang bumubulong sa sarili.
"Sarili mong anak, hindi mo magawang asikasuhin, pero pagdating sa iba, ang bait-bait mo? Nanay ba talaga kita?"
Palipat-lipat ang tingin ng bata kay Kasumi at Kyro. Kung nakakamatay lang ang titig, malamang ay tustado na ang kawawang band-aid sa binti ng kaklase niya. Punong-puno ng inggit ang puso ng pasaway na batang si Akiro.
Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Pero habang nag-aayos ng linya si Kasumi, napansin niyang may kulang na bata.
"Nasaan si Kyro?" nag-aalalang tanong niya.
Nagtaas ng kamay ang isa sa mga estudyante. "Teacher, noong PE class po namin kanina, sumama po si Kyro kay Akiro sa storage room para kumuha ng mga bola. Pagkatapos po noon, hindi na siya bumalik."
Natigilan si Kasumi nang marinig ang sinabi ng isang bata. Napatingin siya sa direksyon ni Akiro at ang kaba sa dibdib niya ay unti-unting lumalala.
Ano na naman ba ang ginawa ng pasaway niyang anak?!
Mabilis silang nakarating sa mansyon ni Aslan. Nakaabang na ang matang Butler sa gate, bakas ang mukha nito ang hiya at lungkot nang makita si Kasumi. Alam ng matanda ang mga nangyari noon at alam ni Sebastian na may kasalanan din siya dahil mas pinili nitong manahimik."Ma'am Kasumi..." bati nito nang nakayuko. "Nasa kwarto niya po si Young Master."Hindi na nagsalita si Kasumi. Dire-diretso siyang umakyat sa hagdan habang hila-hila si Kira.Pagbukas ng pinto ng kwarto ni Akiro, sumalubong sa kanila ang amoy ng gamot at ang lamig ng aircon.Sa gitna ng malaking kama, nakahiga ang maliit na katawan ni Akiro.Namumula ang mukha nito sa taas ng lagnat. Ang dating mataray at pa-cool na bata, ngayon ay mukhang lantang gulay na. Sa puntong iyon, mas lalong nanikip ang dibdib ni Kasumi para sa anak. "Aki..."Lumapit siya sa kama. Umupo siya sa gilid at dahan-dahang hinaplos ang noo ng anak, sobrang init pa nito’t inaapoy pa ng lagnat. "Anak, nandito na si Mama," bulong niya habang nangi
Kararating lang ni Kasumi sa office niya nang mag-ring ang phone niya. Nang makitang si Aslan ang tumatawag ay napahinga siya ng malalim bago sagutin ito. "Hello? Mr. Anderson, may kailangan ka ba?"Mula sa kabilang linya, rinig niya ang paos at pagod na boses ni Aslan."Kasumi, a-absent muna si Akiro ngayon. Mataas ang lagnat niya eh."Kumabog ang dibdib ni Kasumi. Nakaramdam siya ng pag-aalala sa bata pero pinigilan niya na lamang ang sarili. Hindi siya magiging marupok, saka may ama at stepmom naman ito na pwedeng mag-alaga sa lalaking anka niya. "Ganun ba? Sige, noted. I-mark ko na lang siya as excused sa record ko."Papatayin na sana niya ang tawag nang magsalita ulit si Aslan."Kasumi, sandali lang.""May kailangan ka pa ba, Mr. Anderson?""Gusto ka sana niyang makita," garalgal na sabi ni Aslan. "Kanina pa siya nagsasalita ng tulog at hinahanap ka niya. Hindi pa rin bumababa ang lagnat niya. Pwede bang... pwede bang pumunta ka muna rito?"Humigpit ang hawak ni Kasumi sa phon
Pagkatapos ng awarding, paika-ikang na lumapit si Akiro kay Kira. Hawak niya ang pink notebook at kumikinang-kinang pa ito. Inabot niya ito sa kapatid niya at malamig na nagsalita. "Oh. Sayo na."Bigla naman siyang niyakap ni Kira sa leeg at hinalikan sa pisngi."Kuya..."Natulala si Akiro nang marinig iyon sa bata. "Tinawag mo ba akong Kuya?" tanong niya kung kaya’t tumango si Kira bilang sagot. Hindi naman nakatiis si Akiro na kurutin ng mahina ang pisngi ng bata. "Kung alam ko lang na magsasalita ka, dapat pala kahapon pa ako naglaro! Isa pa nga, tawagin mo pa nga ulit ako ng Kuya!” Umiling si Kira. Tinuro nito ang sugat sa binti ni Akiro."Ouchie..."Napangiti si Akiro, alam niyang concern ito sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam ng may kapatid pala. Parang tinunaw ang puso niya.Dumating si Kasumi dala ang first aid kit. Lumuhod siya sa harap ni Akiro at sinimulan linisin ang sugat nito."Good job kanina, Akiro," malambing na sabi ni Kasumi. "Proud na proud ako sa'yo."Bumilis an
One Week Later, ginanap ang sports day sa paaralan nila Akiro. Sobrang ingay sa buong school, hiyawan dito at takbuhan doon. Busy ang lahat ng teachers at students sa gaganaping event. Si Kasumi ay inaasikaso ang mga bata sa pila.Habang sa isang sulok ng bleachers, may sariling mundo ang dalawang bata.Nakaupo si Akiro at mukhang tamad na tamad. Naka-cross arms ito, nakasandal at mukhang bored na bored. Wala naman kasi siyang pakialam sa sports.Sa tabi niya, nakaupo ang batang si Kira. Yakap-yakap ang isang malaking popcorn. May nakasuksok din na ice cream sa bibig nito habang pakurap-kurap ang malalaki nitong mata. Biglang may dumaang kaklase nila na katatapos lang manalo sa isang event. Hawak-hawak nito ang prize, isang Fancy Diary Notebook na may design na pink stars at kumikinang pa. Nanlaki ang mga mata ni Kira.Sinundan niya ng tingin ang notebook na iyon. Tumulo pa nga ang laway ng bata at hindi man lang napansin ito. Gustong-gusto ni Kira iyon dahil sobrang ganda. Napan
"Alam mo bang severe depression na ang sakit ni Kasumi simula nung mamatay ang parents niya? Matagal bago siya naka-recover pero nung dumating ka, naging masaya siya. Akala niya ikaw na ang happy ending niya."Lumapit si Cohen at dinuro-duro ang dibdib ni Aslan."Binigay niya ang buhay niya sa'yo at kay Akiro. Pero anong ginawa niyo? Tinapon niyo siya na parang isang basura. Ang panloloko niyo ang nagpabalik sa depression niya’t mas malala na ito keysa dati."Nanigas si Aslan."Naging paranoid siya, Aslan. Araw-araw siyang nakatakot. Akala niya lahat ng tao sasaktan siya. Alam mo ba nung buntis siya kay Kira, muntik na niyang ipalaglag ang bata."Nanlaki ang mata ni Aslan. "A-Ano?""Takot na takot siya, Aslan. Natatakot siya na kapag lumabas si Kira, iiwan din siya nito at sasaktan gaya ng ginawa ni Akiro sa kanya. Ayaw na niyang magmahal kasi takot na siyang maiwan. MAIWAN NG MAG-ISA.""Kaya kita tinatanong, paano mo nagawang sirain ang babaeng puno ng pangarap at pagmamahal sa’yo? A
Napailing si Aslan at hindi makapaniwala sa sinabi ng doktor. "Imposible iyon, Dok."Nanginginig ang mga kamay habang nakakuyom. "Kilala ko si Kasumi, masayahin siya. Optimistic kumbaga. Nung buntis siya kay Akiro, kahit alam niyang delikado dahil sa sakit niya sa dugo, hindi siya natatakot. She was brave. Paano siya magkakaroon depression? Paanong magiging suicidal siya?@ Pilit niyang kinukumbinsi si Dr. Casper pati na ang sarili niya. Pero habang binibigkas niya ang mga salitang 'yun, unti-unti ring nauubos ang tapang niya sa katawan.Sino ba ang niloloko niya?Alam niya ang mukha ni Kasumi nung iwan niya ito.Wasak at durog na durog. Para itong isang mamahaling vase na nabasag sa sahig. Iniwan ito ng asawang mahal nito. Itinakwil pa ng lalaking anak at higit sa lahat, nasira ang kamay na bumubuhay sa pangarap nito.Sino ba naman ang hindi mababaliw sa ganung sitwasyon?Parang may bumabaril sa dibdib ni Aslan sa mga oras na yun.Para lang mailigtas si Margareth sa depression, hin







