Share

058

Author: Miss A.
last update Huling Na-update: 2025-06-14 08:27:27

Iba't ibang usapan ang naririnig ko sa buong meeting room

Lahat ng tao sa loob ng meeting room ay abala sa kani-kaniyang diskusyon. May mga bumubulongan, may mga nag-uusap nang seryoso, at may mga panay ang tanong kay Mr. Sanchez at kay Raven tungkol sa biglang rebelasyon. Habang ang iba naman ay kino congrats si tita Lai st Stephanie

Pero ako?

Tahimik lang akong nakaupo. Ang dami kong gustong sabihin, gustong ipagtanggol, pero sa sobrang dami ng tanong sa isip ko, hindi ko alam kung alin ang uunahin.

I felt out of place.

Kaya bago pa ako tuluyang kainin ng bigat ng atmosphere sa silid, tumayo ako at tahimik na lumabas. Wala ni isa sa kanila ang nakapansin—pati si Raven ay abala sa pakikipag-usap kay Mr. Sanchez.

Paglabas ko ng meeting room, sinalubong agad ako ng tahimik na hallway. Sa wakas, nakahinga ako ng malalim. Pero hindi pa man ako nakakalayo...

"Jazeah!"

Napalingon ako sa tawag na 'yon.

Tumigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan akong lumingon—at heto na nga si Stephanie. Mabil
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
nararamdaman Ng Isang ama Ang lukso Ng dugo...sana Malaman nmn nila agad na mag ama Sila KC sobrang haba Ng panahon ung pagkakalayo Ng mag ama Ms A
goodnovel comment avatar
Ian Dave Salceda Alupit
update po please maganda and story
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My husband is a Billion-Dollar   066

    Naglalakad ako pabalik sa hotel ng makarinig ako ng bulungan at kaluskos mula sa may kusina. Agad akong napatigil at tumingin sa direksyon ng boses."Ang OA naman kasi nung request...""Saan naman kukuha ng pakwan dito?"Mas lalong kumunot ang noo ko at agad na binilisan ang lakad. Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Katy na naglalakad paikot, abalang-abala habang may hawak na clipboard. Halatang aligaga, parang ilang beses nang pinagalitan."Katy," tawag ko.Napalingon siya agad saakin at kita ko ang gulat sa mukha niya."Ma'am," sabi niya, medyo hinihingal. "Sorry po—""Ano'ng nangyayari?" tanong ko agad. "May problema ba?"Napakagat siya ng labi bago tumingin sa mga kasama niya. Lumapit siya saakin at bahagyang inilayo ako sa ibang staff bago bumulong."Si... si Ms. Stephanie po, ma'am. May request.""Anong klaseng request?" tumaas ang isa kong kilay "Gusto raw po niya ng fresh na pakwan... Ayaw po niya ng ibang prutas. Gusto niya raw 'yung matamis at malamig," nahihiyang sagot n

  • My husband is a Billion-Dollar   065

    Me:I'm sorry Rav, mag-usap tayo please You misunderstood everything, please let me explain Kung ayaw mong mag-usap tayo ay hihintayin kita hanggang sa ready kana I'm sorry Rav, I love youRav, nagpaluto ako ng pagkain sa mga maids para kung uuwi ka ngayon ay may makain ka sa bahay I love youMalungkot akong napatitig sa mga message ko kay Raven sa nagdaang dalawang araw namin sa Isla. Hanggang ngayon ay wala parin akong update sa kaniya, bukod sa mas lalong hindi ko na e-enjoy ang business trip namin ay mas tumataas ang chance na gusto kong bumalik para makausap siya Sumisikip ang dibdib ko sa bawat gabing naiisip kong galit siya saakin, ayoko na kasing mangyari ulit ang nangyari noon sa relasyon namin Nangunot ang nuo ko ng makita ang message ni Val saakin, wala akong internet ngayon pero nakikita ko naman ang kaniyang sinend na text Val: Nakita ko si baby boy mo dito sa restaurant, may kasama Nangunot ang nuo ko sa sinabi niya, may sinend pa siyang picture pero dahil wala

  • My husband is a Billion-Dollar   064

    Paggising ko ay bumungad sa akin ang preskong tanawin ng isla sa labas. Kagabi pagka daong namin sa isla ay madaling araw na kaya deretso tulog kami sa hotel na naka reserved saamin rito Bumangon ako at excited na kinuha ang cellphone. Nag expect ako ng kahit text man lang kay Raven pero nawala ang excitement sa aking mukha ng makitang wala parin siyang chat, ang tanging chat lang na natanggap ko ay kay Val na kanina lang din ang chat saakin Val: Kamusta ang biyahe? Safe naman kayong naka daong? Napangiti ako dahil kahit papaano ay mas nag-aalala parin naman pala saakin, nakangiti akong nag reply ng sagot sa kaniya Me:Safe naman kami, start na ng feeding program mamayaNapilitan akong tumayo sa kama at mag-ayos para makapag ready sa mga kailangang gawin ngayong araw. Alam ko namang gawain na ng mga empleyado ang feeding program at puwedeng panuorin ko nalang sila pero gusto kong tumulong Ng makapag-ayos ay saka ako lumabas at naabutan ko ang ilan sa team namin na nag a-almusal s

  • My husband is a Billion-Dollar   063

    Malamig ang simoy ng hangin habang isa-isa akong binabati ng mga investors sa pag-akyat ko sa yacht. Nakangiti ako, pormal, maayos ang postura, pero ang dibdib ko'y mabigat, parang may batong nakapatong sa gitna ng puso ko.Mga empleyado at boardmembers ang nakikita kong sumasakay sa yate at ilang staff rinMadilim na ang paligid at tanging mini lamps lang sa gilid ng malaking yate ang nagsisilbing ilaw at ang maliwanag na buwan Muli kong sinilip ang aking cellphone at binalikan ang message ko kay Raven pero nakitang hinid niya man lang ito sineen. Bumuntong hininga ako at napayuko Akala ko ay magbibigay parin siya ng paalam niya kahit na aalis na ako, akala ko mag aalala siya o paalalahanin ng kahit na ano pero mukhang malaki ang tampo o galit saakin ni Raven"Ma'am," tawag ni Katy habang papalapit. "Andito na po lahat ng boardmembers and employee. Kumpleto na po tayo" "Okay, susunod ako" aniko at nagpilit ng ngiti Tumango ito at nauna ng umakyat sa yate, muli kong nilingon ang da

  • My husband is a Billion-Dollar   062

    Hindi ko na alam kung paano kami lumabas ng bahay.Wala na akong naririnig, parang pinutol ng takot at gulat ang lahat ng ingay sa paligid. Si Raven, mabilis na kinuha si Lola Rachel mula sa sahig. Nakakunot ang noo niya, naninigas ang panga—pero hindi siya nagsalita kahit isang salitaSabay kaming sumunod ni Angel papunta sa labas ng bahay, ang ibang maids ay napasigaw at nataranta ng makita ang eksena"Rav..." mahina kong sambit, pero hindi niya ako tiningnan.Si Angel na umiiyak na nakasunod ay humawak sa braso ni Raven. "Bilisan natin... please..."Bumukas ang pinto ng sasakyan. Maingat na inihiga ni Raven si Lola sa backseat, si Angel agad na yumakap dito habang nanginginig ang tumabi sa kaniya Ako naman ay tahimik lang na nakatayo, hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi "Sumakay ka na," malamig na utos ni Raven nang mapansin niyang hindi pa ako gumagalaw.Wala akong nagawa kundi sumunod, sumakay ako sa passenger at mabilis na nag drive si Raven paalisWala ni isa sa aming n

  • My husband is a Billion-Dollar   061

    Isang araw bago ang aming business trip sa batangas pero hindi parin umuuwi si Raven sa mansion. Nadadama ko na ang lamig sa aming kama kapag nagigising akong mag-isa, nagkakaroon naman kami ng interaction kapag tumatawag ako pero saglit lamang iyon Mas lumala raw ang kalagayan ni lola Rachel at mukhang mahihirapan itong maglakad ang sinabi niya saakin, dagdag pa niya ay gusto niyang dalhin sa hospital ang lola niya pero mismong si Lola Rachel raw ang ayaw magpapunta sa hospital at mas gugustuhing sa bahay nalang daw ito Bitbit ang basket ng prutas at ilang gamot na nabili ko para kay Lola Rachel, bumaba ako ng sasakyan sa harap ng mansion. Hindi ko alam kung tama bang narito ako, pero ang totoo, hindi si Lola ang dahilan kung bakit ako nagpunta. Gusto ko lang makita si Raven kahit sandali—bago ako umalis para sa business trip.Tahimik ang paligid, walang guard na nakaabang sa gate, kaya marahil nasa loob ang mga ito. Sa bawat hakbang ko papunta sa pinto, ramdam ko ang unti-unting p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status