Eto muna dahil may naging emergency, sana ay maintindihan ninyo pero babawi din ako dahil currently sinusulat ko na din ang mga sunod na chapters
Kuyom ang kamao kong mabilis ang lakad, tumutulo ang luha ko sa pisngi pero mas nangibabaw ang galit sa aking dibdibSa pagkakataong iyon ay hindi ko na makilala kung sino ang mga taong nadadaanan ko, hinanap ng mata ko si Stephanie at kitang-kita ko si Stephanie sa gilid ng mini pool, suot ang puting flowy na damit, kumikinang sa araw. Nakataas ang kamay at may hawak na phone, panay selfie, habang sa tabi niya'y isang staff na mukhang pinapagalitan niya."You're stupid, ang sabi ko champagne na pinaka strong bakit ito ang dinala mo?!" Sigaw ng babae sa isang staff sa hotelNakayuko ang staff, halatang hiyang-hiya. Nakatayo sa paligid ang ibang empleyado, hindi makagalaw. Kitang-kita ko kung paanong pinapahiya ni Stephanie ang tao sa harap ng lahat. Lalo lamang akong napuno. Huminga ako ng mas malalim at mas dinagdagan lamang niya ngayon ang inis sa aking dibdib"Do you want to get fired? Gusto mo bang malaman pa to ng daddy ko ang tungkol sa ganitong work ng mga staff dito sa hotel,
Tahimik lang akong naglalakad sa may dalampasigan. Pinipilit kong i-enjoy ang tanawin, ‘yung huni ng alon at malamig na hangin. Pero kahit anong pilit kong ipanatag ang loob ko, hindi parin maalis sa isip ko ‘yung bigat sa dibdib ko. Lalo na at alam kong naririto pa si Stephanie at ganon ding hindi ko parin ma contact si Raven, tinawagan ko kanina si David para itanong kung kumusta si Raven at nasabi nitong busy ito sa hospital ngayonNapahinto ako ng mapansin kong may dalawang pamilyar na tao sa may gilid ng beach. Medyo malayo sila pero malinaw parin sa paningin ko.Si Mr. Sanchez... at si Stephanie.Magkatabi silang nakaupo sa isang duyan na gawa sa kahoy at lubid, nakaharap sa dagat. Nagtatawanan. Panay ang selfie ni Stephanie habang yakap-yakap ang braso ng matandang lalaki.“Smile, daddy! Ang stiff mo,” biro pa ni Stephanie na dinig ko pa kahit mula rito.At ngumiti naman si Mr. Sanchez. ‘Yung ngiti na bihira niyang ibigay kahit sa mga board meeting.Parang may kung anong kumuro
Naglalakad ako pabalik sa hotel ng makarinig ako ng bulungan at kaluskos mula sa may kusina. Agad akong napatigil at tumingin sa direksyon ng boses."Ang OA naman kasi nung request...""Saan naman kukuha ng pakwan dito?"Mas lalong kumunot ang noo ko at agad na binilisan ang lakad. Pagdating ko sa kusina, nakita ko si Katy na naglalakad paikot, abalang-abala habang may hawak na clipboard. Halatang aligaga, parang ilang beses nang pinagalitan."Katy," tawag ko.Napalingon siya agad saakin at kita ko ang gulat sa mukha niya."Ma'am," sabi niya, medyo hinihingal. "Sorry po—""Ano'ng nangyayari?" tanong ko agad. "May problema ba?"Napakagat siya ng labi bago tumingin sa mga kasama niya. Lumapit siya saakin at bahagyang inilayo ako sa ibang staff bago bumulong."Si... si Ms. Stephanie po, ma'am. May request.""Anong klaseng request?" tumaas ang isa kong kilay "Gusto raw po niya ng fresh na pakwan... Ayaw po niya ng ibang prutas. Gusto niya raw 'yung matamis at malamig," nahihiyang sagot n
Me:I'm sorry Rav, mag-usap tayo please You misunderstood everything, please let me explain Kung ayaw mong mag-usap tayo ay hihintayin kita hanggang sa ready kana I'm sorry Rav, I love youRav, nagpaluto ako ng pagkain sa mga maids para kung uuwi ka ngayon ay may makain ka sa bahay I love youMalungkot akong napatitig sa mga message ko kay Raven sa nagdaang dalawang araw namin sa Isla. Hanggang ngayon ay wala parin akong update sa kaniya, bukod sa mas lalong hindi ko na e-enjoy ang business trip namin ay mas tumataas ang chance na gusto kong bumalik para makausap siya Sumisikip ang dibdib ko sa bawat gabing naiisip kong galit siya saakin, ayoko na kasing mangyari ulit ang nangyari noon sa relasyon namin Nangunot ang nuo ko ng makita ang message ni Val saakin, wala akong internet ngayon pero nakikita ko naman ang kaniyang sinend na text Val: Nakita ko si baby boy mo dito sa restaurant, may kasama Nangunot ang nuo ko sa sinabi niya, may sinend pa siyang picture pero dahil wala
Paggising ko ay bumungad sa akin ang preskong tanawin ng isla sa labas. Kagabi pagka daong namin sa isla ay madaling araw na kaya deretso tulog kami sa hotel na naka reserved saamin rito Bumangon ako at excited na kinuha ang cellphone. Nag expect ako ng kahit text man lang kay Raven pero nawala ang excitement sa aking mukha ng makitang wala parin siyang chat, ang tanging chat lang na natanggap ko ay kay Val na kanina lang din ang chat saakin Val: Kamusta ang biyahe? Safe naman kayong naka daong? Napangiti ako dahil kahit papaano ay mas nag-aalala parin naman pala saakin, nakangiti akong nag reply ng sagot sa kaniya Me:Safe naman kami, start na ng feeding program mamayaNapilitan akong tumayo sa kama at mag-ayos para makapag ready sa mga kailangang gawin ngayong araw. Alam ko namang gawain na ng mga empleyado ang feeding program at puwedeng panuorin ko nalang sila pero gusto kong tumulong Ng makapag-ayos ay saka ako lumabas at naabutan ko ang ilan sa team namin na nag a-almusal s
Malamig ang simoy ng hangin habang isa-isa akong binabati ng mga investors sa pag-akyat ko sa yacht. Nakangiti ako, pormal, maayos ang postura, pero ang dibdib ko'y mabigat, parang may batong nakapatong sa gitna ng puso ko.Mga empleyado at boardmembers ang nakikita kong sumasakay sa yate at ilang staff rinMadilim na ang paligid at tanging mini lamps lang sa gilid ng malaking yate ang nagsisilbing ilaw at ang maliwanag na buwan Muli kong sinilip ang aking cellphone at binalikan ang message ko kay Raven pero nakitang hinid niya man lang ito sineen. Bumuntong hininga ako at napayuko Akala ko ay magbibigay parin siya ng paalam niya kahit na aalis na ako, akala ko mag aalala siya o paalalahanin ng kahit na ano pero mukhang malaki ang tampo o galit saakin ni Raven"Ma'am," tawag ni Katy habang papalapit. "Andito na po lahat ng boardmembers and employee. Kumpleto na po tayo" "Okay, susunod ako" aniko at nagpilit ng ngiti Tumango ito at nauna ng umakyat sa yate, muli kong nilingon ang da