Partager

KABANATA 3

Auteur: KokoyIsMyLife
last update Date de publication: 2026-05-17 18:04:41

"Bwisit talaga," bulong ni Glenn, at halos madurog ang hawak na cellphone.

Ilang beses na niyang sinubukang kontakin si Arianne pero bigo siya. Umaga na, at sigurado namang lumipas na ang init ng kanilang mga ulo.

"Ba't hindi niya sinasagot?" tanong niya sa sarili.

Umiiling si Arianne nang isilid sa suot na bag ang cellphone. Kasalukuyan siyang papasok sa casino kung saan nagtatrabaho ang kaibigang si Kia. 

Ilang beses niyang hinayaan lamang tumunog ang cellphone dahil ang pangalan ni Glenn ang rumerehsitro roon.

At wala pa siya sa wisyo para sagutin ito. Kailangan niyang unahin ang trabahong kailangan niya at ng pamilya.

"Arianne!"

"Kia!" masaya, at patakbo siyang lumapit doon.

"Kalalabas mo lang?" tanong ni Arianne, at saglit na sinilip ang casino sa likod nito.

"Oo."

"Naku, pauwi ka na ba?" nahihiya niyang usisa habang magkahawak ang kamay nila.

"Oo pero binilin na kita sa kaibigan ko."

"Talaga?" kahit alangan ay napangiti siya dahil sa magandang balita ng kaibigan.

Luminga si Kia sa Casino, at may sinenyasan mula roon bago humarap kay Arianne.

"Si Sir Kevin, assistant 'yan ng ni Mr. Danilo, 'yong Director of Operations dito sa Casino. May interview ka sa kaniya, at i-o-orient ka na rin," pagbibigay alam nito sa kaniya.

Maluwag na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi dahil sa narinig. Naging mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng kaibigan dahil sa malaking pabor na ito.

"Salamat, Kia, ha?"

"Sus, wala 'yon. Sino ba'ng magtutulungan? Kung 'di tayong mahihirap lang din," Nakangiti rin nitong pambabalewala sa bagay na nagawa para sa kaniya.

Nanatili lang nakangiti si Arianne sa kaibigan. Mabuti pa rin sa kaniya ang Diyos. Hindi man siya biniyayaan ng kayamanan at pera. Wala namang katumbas na halaga ang mga taong nariyan para sa kaniya.

"Sige na, pumasok ka na roon."

"Galingan mo ang pagsagot. Magpabibo ka para magustuhan ka ni Sir."

Muli niyang tinapunan nang tingin ang lalakeng nasa 'di-kalayuan. Hindi naman ito mukhang matanda. Sa tantiya niya nga ay ilang taon lang ang lamang nito sa edad niya. 

"Lambingin mo lang," bulong ni Kia kay Arianne.

"H-ha?" tila natakot siya sa suhestiyon ng kaibigan.

"Kalma lang, pa-sweet lang gano'n. Ipapasok ka niya'n," may kahulugan ang ngisi nito sa kaniya.

Marahan siyang napalunok, tila may nararamdaman siyang kakaiba sa sinaad ni Kia.

"Sige na, go!" 

"A, si-sige," ngiting alangang sagot ni Arianne.

Tumingala siya sa malaki, at matayog na Benz Casino. May kalakasan ang tibok ng kaniyang puso habang nakatitig sa bold letters na signage ng casino.

Saglit pa na sumilip si Arianne nang tumunog ang cellphone sa loob ng bag. Pinilig niya lamang ang ulo, at hinatak ang suot na blouse. Kailangan niyang maging pormal ang histura para maging maayos ang hitsura.

"Ma-magandang umaga po, Sir."

Sinipat siya nang tingin nito mula ulo hanggang paa. Tumindig siya nang diretso, at huminga nang malalim.

"Umupo ka," Itinuro nito ang silya sa tapat ng isang lamesa kasalukuyan silang nasa loob ng opisina.

"Sa-salamat," nahihiyang tumalima si Arianne. Ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa ang envelope.

"Resume ko po, Sir."

Saglit lang siya nitong tinitigan pailalim bago kinuha ang inaabot niya, at binuksan. Masalsal na masalsal ang kaba sa dibdib niya habang pinapanood itong basahin ang kaniyang resume.

"Sir, madali lang po akong matuto."

"Kahit ano pong trabaho, kakayanin ko."

"Ang sabi ni Kia may experience ka sa pagiging waitress," pormal na saad nito habang nakikipagtitigan sa kaniya.

"Opo, sa bar po ako nagtatrabaho," alertong tugon niya habang hindi naalis ang pagkakangiti.

Bumuga ito nang hangin bago isinandal ang likod sa upuan. Tinitigan siya nito na para bang lumalagos na sa kaniyang kaluluwa.

Kung sa ibang pagkakataon na ganito siya nito tinitigan. Iisipin niyang binabastos na siya ng kaharap.

"Okay, wala pa kaming vacant. Ang kailangan namin ngayon ay janitress."

"Okay lang po sa akin. Kahit ano, kahit janitress, malaking tulong na po 'yon. Kailangan ko lang po talaga ng trabaho," tuwang-tuwang sambit ni Arianne, at halos mapaangat sa kinauupuan.

Napaamang siya nang yumuko, inilagay nito ang dalawang braso sa lamesa at humarap sa kaniya. Sunod-sunod siyang napakurap, at bahayang umatras.

"Hindi ka naman siguro maselan?" kakaiba, at may bahid na malisyang usisa nito habang malagkit ang tingin sa dalaga.

Sinubukan ng dalagang lumunok dahil sa pagdapo ng ibang nerbyos. Rumehistro rin sa mga mata niya ang kilabot.

"Hindi maarte?" dagdag pa nito nang mapansin ang naging reaksyon niya.

"Kasi kung ngayon pa lang na hindi ka na makasagot. I guess, hindi mo kayang magtrabaho sa ganitong klaseng lugar-"

"Kaya ko po!" mabilis na bawi ni Arianne.

Mas naging makahulugan ang ngisi ng lalake habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa dalaga. 

Kahit gusto niyang lumabas, at putulin ang pakikipagtitigan dito ay hindi niya magawa.

Baka isipin nitong mahina ang loob niya, at hindi handa sa mga puwedeng mangyari. Kung sa simpleng pakikipagsukatan lang ng tinginan ay hindi niya magawa.

"Ikaw ba 'yong friend ni Kia?"

Sinalubong, at sinabayan si Arianne ng isang lalake na hanggang balikat lang niya. 

"Oo. Arianne," Huminto siya sa paglalakad, at inilahad ang kamay.

"Boligs," pagtanggap nito.

"Tinanggap ka na ni Boss?"

"Oo, magsisimula na ako mamayang gabi," aniya naman niya.

Naglakad na si Boligs kaya sinabayan niya na rin ito. Hanggang sa makarating sila sa labas ng casino.

"Kumain ka ng marami, at maghanda. Magdamagan kasi rito, hangga't hindi nauubos 'yong pera ng mayayaman. Hindi tayo matutulog," pabulong nitong pahayag.

"Talaga?" Natatawang wika ni Arianne.

"Oo, ang sabi janitress ka. May kahirapan 'yang trabaho mo."

"Wala namang trabahong madali, 'di ba?" naging seryoso siya nang sabihin ito.

Tumango-tango ito habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng suot na lowest short.

"Sige, Boligs. Mauna na ako," paalam niya, at tipid na ngumiti.

"Sige, ingat ka. Kita-kits na lang mamaya!"

Kinawayan muna ni Arianne si Boligs bago ito talikuran. Mukhang magiging magkaibigan sila no'n dahil maayos ang pakikitungo sa kaniya.

Walang halong kahit ano, hindi katulad ng kaninang kausap niya sa opisina.

May kakaiba sa assistant ng Director of Operations na 'yon!

Kung paano tu

mingin, ngumiti at magsalita. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng trabaho, hindi niya babalewalain ang asta ng lalakeng iyon sa kaniya.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My lover-in-law   KABANATA 10

    Akmang babaling si Mercedes sa nilalaro. Napahiyaw ang lahat ng mga kapitbahay nila nang itaob ni Arianne ang mesa.Gulat na napatayo ang lahat ng ito."Lintek na sugal na 'to!" malakas na sigaw niya nang itaob niya ang mesa ng ina.Hinihingal siyang humarap sa gulat na gulat na si Mercedes."Mahirap na nga kitain ng pera, nagsusugal pa kayo!""Wala ka galang-" Pinigilan ni Arianne ang kamay nitong sasampalin niya."Wala akong galang?" ulit niya.Nanlalaki ang mga mata niyang pinagkatitigan ang ina na buong buhay niya ay puro hirap ang ibinigay sa kanya."Dahil wala kayong pagmamahal, Nay."Natigilan si Mercedes."Kahit pagmamalasakit na lang. Kahit sa mga kapatid ko na lang. Pero mas pinagmamalasakitan niyo pa 'tong mga kasugal niyong walang pangarap sa buhay!" Sinulyapan niya ang mga kapitbahay na pinanood sila.Gigil niyang ibinaba ang kamay ng ina."Nakapagtrabaho ka lang. Akala mo kung sino ka, bakit sa isang sahod mo ba riyan sa trabaho mo? Mayaman ka na?" paghahamon ng ina."M

  • My lover-in-law   KABANATA 9

    Umuugong ang sigawan sa loob ng bar matapos ang pagkanta ni Glenn. Nasa harap ang ilang babae na hindi magkamayaw sa pagtili sa kanya."Glenn."Nilinga niya ang assistant ng bar na si Harold. May ibininulong ito sa tenga niya kaya agad siyang bumaba ng stage.Natigilan naman ang lahat ng babae."Nasaan sila?" nagmamadaling tanong niya sa gwardiya na nasa labas ng bar."Nasa gilid."Patakbo siyang lumabas."Kuya Glenn!""Jacob at Arci!"Yumakap sa bewang niya ang dalawang kapatid ng nobya. Nag-aalala siyang bumaba sa mga ito."Anong nangyari?""Nasa bingu-han po si Nanay. Kaya sa inyo kami dumiretso," sagot ni Arci.Hinimas niya ang buhok nito."Okay lang. Akong bahala sa inyo.""Heto, kumain muna kayo."Dinala ni Glenn ang dalawang bata sa kwarto ng kanilang banda sa likod ng bar. Ibinigay niya rin pagkain na dapat para sa banda sa dalawang bata.Kinuha niya ang cellphone at sinilip ang oras. Hindi niya matawagan si Arianne dahil alam niyang abala iyon sa casino. Umupo siya silya at

  • My lover-in-law   KABANATA 8

    "Aaron, ayos ka lang dito?" tanong niya sa kapatid matapos pumasok sa kwarto nito. Masasabi niyang mas higit ito sa kwarto ng kapatid sa dating hospital kung saan ito naka-confine."Ayos na ayos, Ate."Naawa niyang hinawi ang buhok ng kapatid at pigil ang luhang pinagkatitigan ito."May kausap akong Nurse, si Nurse Aiah. Siya muna ang bahala sa iyo rito habang nagtatrabaho ako.""Salamat, ate," nahihinang tugon ng kapatid. Umiling siya habang pigil ang luha na hinawakan ang kamay ni Aaron."Wala kang dapat ipagpasalamat. Kapatid kita, at gagawin ko ang lahat para sa iyo.""Paano sina Jack, Arci, at Jacob?"Nginitian niya ang kapatid."Ako nang bahala sa kanila. Huwag ka nang mag-alala. Humiga ka na."Inalalayan niya itong humiga at tinabingan ng kumot. Hinalikan pa niya sandali ito sa noo."Matulog ka na.""Arianne."Nakangiti siyang lumabas ng pinto nang harapin ang kakilalang nurse."Ikaw nang bahala kay Aaron. Kapag may problema, tawagan mo lang ako.""Ako nang bahala."Hinawakan n

  • My lover-in-law   KABANATA 7

    Habol hiningang parang isang kabayo si Arianne matapos linisin ang lahat ng sulok ng Benz Casino.Napasandal siya sa hallway ng kanilang locker. Ang bigat-bigat ng kaniyang magkabilang balikat, parang may nakasakay na kung ano.Siguro dahil sa laki ng ginamit niyang mop, at vacuum cleaner. Pumasok siya sa loob nang magbukas na ang casino. Nagsimula na rin pumasok ang ilang mayayamang suki ng sugalan."Arianne!"Inalis niya ang pagkakasandal sa pader nang lumapit si Kia na kamukha na kapareho ng kaniyang suot."Pagod ka na?"Nakangiting inabot nito ang isang bote ng tubig. Magaan niya iyong tinanggap."Salamat.""Nakakapagod din doon sa kusina. Ang sakit na ng binto ko kabalik-balik," reklamo nito na sumandal sa kinasasandalan niya."Nabanggit ni Boligs 'yong tungkol sa pag-utang mo kay Mamaw. Nasa labas na 'yong sekretarya niya, gusto mo bang makausap?" dagdag nito."Oo, sana.""Sabay na tayo?"Naka-abriysete si Kia sa kaniya habang naglalakad. Nagtungo sila sa smoking area. Naabutan

  • My lover-in-law   KABANATA 6

    "Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Arianne sa kapatid habang hinahaplos-haplos ang buhok nito."Ano raw ang sakit ko, Ate?" balik-tanong ni Aaron.Natigilan si Arianne pagkaraan napalunok. Hindi pa man niya nasasagot ay malungkot na agad ang imahe ng kapatid.Tila ba kinurot ang puso ni Arianne. Ni hindi niya maituloy-tuloy ang paghawi sa buhok ni Aaron."Sabihin mo, Ate. Ayos lang.""Aaron-""Anak!"Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may bumunghalit ng iyak mula sa katabi nilang kama. Sabay silang napalinga roon ni Aaron."Anak!" umiiyak ang isang ginang habang tila ba ginigising ang anak na babae.Lumapit doon ang ilang nurse. May pumigil sa ginang. Habang ang iba ay chine-check ang pasyente. Sabay-sabay silang nagulat nang biglang mangisay ang batang babae.Napahawak siya kay Aaron nang wala sa oras habang nahihintatakutan ang anyo."Iyong anak ko!""Nasaan ba 'yong Doktor! Tumawag kayo ng Doktor! Iligtas ninyo ang anak ko!"Pero walang kumikilos na nurse. Pilit na kumawala

  • My lover-in-law   KABANATA 5

    "Aaron, ayos ka lang?" Halos ihagis ni Arianne ang bag na sakbit sa kung saan nang maabutan ang kapatid na nakahiga, at nakahawak sa ulo."Aaron," naiiyak niyang sambit pagkaraan dumaluhong dito."Ate," Iyak ng binatilyo.Inalalayan niyang mapaharap ang kapatid. Halos huminto ang tibok ng kaniyang puso nang makita ang dugo na nanggaling sa ilong ng kapatid."Ate," hagulgol nito sa kaniya."Sandali, sandali lang," hindi alam ni Arianne kung ano'ng gagawin o uunahin.Nagpabaling-baling siya kaliwa't-kanan. Wala na naman sa labas si Glenn dahil sa kanto lang siya nito inihatid para hindi na makita ng ina na galit na galit sa binata."Ate," sambit ni Aaron na tila ba nanghihingi ng tulong."Sandali, Aaron."Pinunasan ni Arianne ang mga luha. Nag-ipon siya ng lakas kahit na nanginginig ang kalaman niya dahil sa kaba kung ano'ng nangyayari sa kapatid.Huminga siya nang malalim bago buong lakas na binuhat si Aaron. Kahit mabigat ito ay naging balewala sa kaniya.Hirap na hirap ang dalaga ha

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status