Partager

KABANATA 5

Auteur: KokoyIsMyLife
last update Date de publication: 2026-05-17 18:09:20

"Aaron, ayos ka lang?" 

Halos ihagis ni Arianne ang bag na sakbit sa kung saan nang maabutan ang kapatid na nakahiga, at nakahawak sa ulo.

"Aaron," naiiyak niyang sambit pagkaraan dumaluhong dito.

"Ate," Iyak ng binatilyo.

Inalalayan niyang mapaharap ang kapatid. Halos huminto ang tibok ng kaniyang puso nang makita ang dugo na nanggaling sa ilong ng kapatid.

"Ate," hagulgol nito sa kaniya.

"Sandali, sandali lang," hindi alam ni Arianne kung ano'ng gagawin o uunahin.

Nagpabaling-baling siya kaliwa't-kanan. Wala na naman sa labas si Glenn dahil sa kanto lang siya nito inihatid para hindi na makita ng ina na galit na galit sa binata.

"Ate," sambit ni Aaron na tila ba nanghihingi ng tulong.

"Sandali, Aaron."

Pinunasan ni Arianne ang mga luha. Nag-ipon siya ng lakas kahit na nanginginig ang kalaman niya dahil sa kaba kung ano'ng nangyayari sa kapatid.

Huminga siya nang malalim bago buong lakas na binuhat si Aaron. Kahit mabigat ito ay naging balewala sa kaniya.

Hirap na hirap ang dalaga habang bitbit ang kapatid, lumabas siya ng bahay.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" Sigaw niya sa mga kapitbahay habang anumang segundo ay puwede nang mahulog ang kapatid.

"Ate," Mabilis siyang nilapitan ng iba pang mga kapatid sina Arci at Jacob.

"Arci, tumawag ka ng traysikel. Bilis!" Tumakbo agad ang sampung taon niyang kapatid palabas ng compound nila.

"Jacob, si Mama?" tanong niya sa bunso nila.

"Nasa bahay nila Aling Dyosa, nagbibingo."

"Ano?!"

Halos malagot ang ugat ni Arianne sa leeg nang sumagot. Hindi niya inaasahang makapagsusugal pa ang ina nang ganito ang kalagayan ni Aaron. Isa pa, wala naman silang pera.

"Tawagin mo. Sabihin mo kailangan dalhin si Aaron sa hospital!"

"Sige, Ate!"

Mabilis na nagpalinga-linga ang dalaga. Wala namang tumutulong sa kaniyang kapitbahay. Pirming nanonood ito sa kaniya habang nahihirapan sa pagbubuhat.

"Ang tagal, bwisit."

Kahit pakiramdam ni Arianne ay matatanggal na ang mga buto niya sa braso dahil sa pagbubuhat kay Aaron ay minabuti niyang maglakad.

Tutal, hindi naman makakapasok sa eskinita nila ang traysikel.

"Ate."

Sumasagitsit ang pakarag-karag na pedicab nang lumapit sa kanila.

"Hindi ba sabi ko, traysikel para mas mabilis?" angil niya sa kapatid.

"Wala nang nakaparada. Pedicab na lang," katwiran ni Arci.

"Ano? Isasakay ninyo ba 'yan dito o hindi?" nababanas na tanong naman ng driver.

"Sige, sige na!" napipilitang niyang sagot.

Pabalik-balik si Arianne sa labas ng pampublikong hospital. Nasa loob ng emergency room ang kapatid. Nakahalukipkip siya habang hinahawi-hawi ang buhok.

Kung may dasal man siya ngayon ay iyon 'yong maging ligtas ang kapatid. At malaman na kung ano'ng mayroon ito. 

Kung bakit, at saan galing ang dugong lumalabas sa ilong nito.

Huminto siya sandali pagkaraan kinuha ang cellphone. Kulang na lamang ay ituktuk niya sa sariling noo ito dahil sa inis.

"Bakit ka pa ngayon nawalan ng baterya?" inis na tanong niya sa sarili.

Napapikit si Arianne sa inis habang sinasalat ang noo. Paano niya ngayon matatawagan si Glenn para damayan siya ngayon?

Hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto. Alerto siyang bumaling doon, lumapit sa doktor na nagtingin sa kapatid.

"Dok., kumusta po 'yong kapatid ko?" tanong niya habang nagkiskisan ang mga nanlalamig na palad.

"Huminto na ang pagdurugo ng kaniyang ilong."

Naging maluwag ang paghinga ni Arianne. Nakatingin lamang siya sa pormal na pormal na Doktor ngayon sa harap niya.

"Ang maipapayo ko lang ay i-admit ninyo ang kapatid mo rito."

"Bakit ho? May sakit ba siya?" naguguluhan niyang tanong.

Tumango lamang ito nang kaunti. Napakurap si Arianne. Hindi niya nagugustuhan ang nababasang reaksyon sa doktor.

"We need to do some test. He is showing symptoms of leukemia."

"Leukemia?" kahit gusto niyang mabingi ay malinaw niyang narinig ang binanggit ng kaharap.

Nanigas ang buong katawan ng dalaga. Ang laki rin ng puwang sa kaniyang labi habang tuluyang pumatak ang mga luha.

Kahit na wala na sa harapan ni Arianne ang Doktor ay nanatili siyang nakatayo habang tulala.

Tulo nang tulo ang kaniyang mga luha. Ito na nga ang hinala niya, ang maysakit ang kapatid.

Umaalon ang dibdib niya dahil sa labis-labis na emosyon. Pilit niyang hinahabol ang hininga.

"Arianne!" umalingawngaw ang boses ni Mercedes.

Hinintay niyang makalapit ang ina.

"Ma-"

"Lintek ka! Bakit mo pa ako tinawag? Bakit mo pa ako inistorbo sa pagbibingo ko, ha?"

"Ma, si Aaron-"

"Ang tanda-tanda mo na! Huwag mong sabihin na hindi mo kayang solusyonan ang bagay na iyan! Talagang kailangan mo pa akong tawagin!'

Mas bumilis ang tibok ng puso ni Arianne. Tinitigan niya ang inang galit na galit sa kaniya habang nakapameywang. Nakukuha na rin nila ang atensyon ng ibang tao na dumadaan dahil sa pagiging eskandalosa ni Mercedes.

"Ano?"

Napangisi si Arianne nang itulak pa ng ina ang kaniyang noo gamit ang hintuturo nito. Paulit-ulit iyon ginawa ng kaniyang Mama hanggang sa hawakan niya iyon.

Hinarap niya ito habang may gigil ang imahe.

"Hindi ba dapat nag-aalala kayo ngayon?" tanong niya habang nanlalaki ang mga mata dahil sa galit.

Natigilan si Mercedes, tila hindi inaasahan ang ginagawa niya. Sinubukan pa nitong iaalis ang kamay pero hindi niya hinayaan. Sa halip, mas mariin niya iyong hinawakan.

"Dapat mas higit pa 'yong nararamdaman ninyong kaba kaysa sa akin?!"

"Dapat kayo ang unang nakaisip na dalhin siya sa hospital noong unang beses na naglabas ng dugo ang ilong ni Aaron!"

"Dapat kanina, kayo ang nasa tabi niya!" Umiiyak, at buong lakas niyang sigaw dito habang patuloy na dumadaloy ang mga luha.

"Aba-"

"Ngayon nagagalit pa kayo sa akin?!"

"Ano bang klase kayong ina?!"

Nagtalsikan ang laway kasama ang mga luha niya nang gumalaw ang mukha dahil sa lakas nang pagkakasigaw niya.

Tila ba lahat ng kinikimkim ay sumabog na ngayon. Gusto niyang humagulgol nang ubod nang lakas.

Puwersahang inalis ni Mercedes ang kamay na hawak ni Arianne. Isang sampiga sa kanang pisngi ang natanggap niya rito.

"Hayop ka! Anak lang kita!" 

Wala silang pakialam mag-ina sa ingay nilang dalawa sa hallway. Hinawakan nito ang kaniyang buhok, at gigil na sinabunutan.

"Ang kapal ng mukha mo!"

"Alam ninyo, kaya ko pang tiisin ang pagiging anak ninyo. Pero sana, iba na lang ang naging ina ng mga kapatid ko, lalo na si Aaron!"

Huminto ang ina nito sa ginagawa sa kaniya pagkaraan binalingan nang tingin si Mercedes.

"Sana nagkaroon sila ng inang maasahan nila. Iyong mabuting ina na aalagaan sila! Hindi katulad ninyo!"

Iyon lamang, at iniwan ni Arianne si Mercedes. Alam niyang mali ang ginagawa, at sinasabi niya sa ina.

Pero kailangan niyang mailabas ang sama ng loob baka tuluyan iyong sumabog, at mas malala pa ang masabi o magawa niya sa sariling magulang.

Umiiyak siyang nagtungo sa isang tindahan. 

"Ate, patawag po," aniya niya sa tindera.

"Heto po."

Kinuha niya ang te

lepono, at agad na pinindot ang numero ni Glenn. May ilang ring ang nagmula roon hanggang sa walang sumagot.

Napapikit siya kasabay nang mas masasaganang mga luha.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • My lover-in-law   KABANATA 10

    Akmang babaling si Mercedes sa nilalaro. Napahiyaw ang lahat ng mga kapitbahay nila nang itaob ni Arianne ang mesa.Gulat na napatayo ang lahat ng ito."Lintek na sugal na 'to!" malakas na sigaw niya nang itaob niya ang mesa ng ina.Hinihingal siyang humarap sa gulat na gulat na si Mercedes."Mahirap na nga kitain ng pera, nagsusugal pa kayo!""Wala ka galang-" Pinigilan ni Arianne ang kamay nitong sasampalin niya."Wala akong galang?" ulit niya.Nanlalaki ang mga mata niyang pinagkatitigan ang ina na buong buhay niya ay puro hirap ang ibinigay sa kanya."Dahil wala kayong pagmamahal, Nay."Natigilan si Mercedes."Kahit pagmamalasakit na lang. Kahit sa mga kapatid ko na lang. Pero mas pinagmamalasakitan niyo pa 'tong mga kasugal niyong walang pangarap sa buhay!" Sinulyapan niya ang mga kapitbahay na pinanood sila.Gigil niyang ibinaba ang kamay ng ina."Nakapagtrabaho ka lang. Akala mo kung sino ka, bakit sa isang sahod mo ba riyan sa trabaho mo? Mayaman ka na?" paghahamon ng ina."M

  • My lover-in-law   KABANATA 9

    Umuugong ang sigawan sa loob ng bar matapos ang pagkanta ni Glenn. Nasa harap ang ilang babae na hindi magkamayaw sa pagtili sa kanya."Glenn."Nilinga niya ang assistant ng bar na si Harold. May ibininulong ito sa tenga niya kaya agad siyang bumaba ng stage.Natigilan naman ang lahat ng babae."Nasaan sila?" nagmamadaling tanong niya sa gwardiya na nasa labas ng bar."Nasa gilid."Patakbo siyang lumabas."Kuya Glenn!""Jacob at Arci!"Yumakap sa bewang niya ang dalawang kapatid ng nobya. Nag-aalala siyang bumaba sa mga ito."Anong nangyari?""Nasa bingu-han po si Nanay. Kaya sa inyo kami dumiretso," sagot ni Arci.Hinimas niya ang buhok nito."Okay lang. Akong bahala sa inyo.""Heto, kumain muna kayo."Dinala ni Glenn ang dalawang bata sa kwarto ng kanilang banda sa likod ng bar. Ibinigay niya rin pagkain na dapat para sa banda sa dalawang bata.Kinuha niya ang cellphone at sinilip ang oras. Hindi niya matawagan si Arianne dahil alam niyang abala iyon sa casino. Umupo siya silya at

  • My lover-in-law   KABANATA 8

    "Aaron, ayos ka lang dito?" tanong niya sa kapatid matapos pumasok sa kwarto nito. Masasabi niyang mas higit ito sa kwarto ng kapatid sa dating hospital kung saan ito naka-confine."Ayos na ayos, Ate."Naawa niyang hinawi ang buhok ng kapatid at pigil ang luhang pinagkatitigan ito."May kausap akong Nurse, si Nurse Aiah. Siya muna ang bahala sa iyo rito habang nagtatrabaho ako.""Salamat, ate," nahihinang tugon ng kapatid. Umiling siya habang pigil ang luha na hinawakan ang kamay ni Aaron."Wala kang dapat ipagpasalamat. Kapatid kita, at gagawin ko ang lahat para sa iyo.""Paano sina Jack, Arci, at Jacob?"Nginitian niya ang kapatid."Ako nang bahala sa kanila. Huwag ka nang mag-alala. Humiga ka na."Inalalayan niya itong humiga at tinabingan ng kumot. Hinalikan pa niya sandali ito sa noo."Matulog ka na.""Arianne."Nakangiti siyang lumabas ng pinto nang harapin ang kakilalang nurse."Ikaw nang bahala kay Aaron. Kapag may problema, tawagan mo lang ako.""Ako nang bahala."Hinawakan n

  • My lover-in-law   KABANATA 7

    Habol hiningang parang isang kabayo si Arianne matapos linisin ang lahat ng sulok ng Benz Casino.Napasandal siya sa hallway ng kanilang locker. Ang bigat-bigat ng kaniyang magkabilang balikat, parang may nakasakay na kung ano.Siguro dahil sa laki ng ginamit niyang mop, at vacuum cleaner. Pumasok siya sa loob nang magbukas na ang casino. Nagsimula na rin pumasok ang ilang mayayamang suki ng sugalan."Arianne!"Inalis niya ang pagkakasandal sa pader nang lumapit si Kia na kamukha na kapareho ng kaniyang suot."Pagod ka na?"Nakangiting inabot nito ang isang bote ng tubig. Magaan niya iyong tinanggap."Salamat.""Nakakapagod din doon sa kusina. Ang sakit na ng binto ko kabalik-balik," reklamo nito na sumandal sa kinasasandalan niya."Nabanggit ni Boligs 'yong tungkol sa pag-utang mo kay Mamaw. Nasa labas na 'yong sekretarya niya, gusto mo bang makausap?" dagdag nito."Oo, sana.""Sabay na tayo?"Naka-abriysete si Kia sa kaniya habang naglalakad. Nagtungo sila sa smoking area. Naabutan

  • My lover-in-law   KABANATA 6

    "Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Arianne sa kapatid habang hinahaplos-haplos ang buhok nito."Ano raw ang sakit ko, Ate?" balik-tanong ni Aaron.Natigilan si Arianne pagkaraan napalunok. Hindi pa man niya nasasagot ay malungkot na agad ang imahe ng kapatid.Tila ba kinurot ang puso ni Arianne. Ni hindi niya maituloy-tuloy ang paghawi sa buhok ni Aaron."Sabihin mo, Ate. Ayos lang.""Aaron-""Anak!"Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may bumunghalit ng iyak mula sa katabi nilang kama. Sabay silang napalinga roon ni Aaron."Anak!" umiiyak ang isang ginang habang tila ba ginigising ang anak na babae.Lumapit doon ang ilang nurse. May pumigil sa ginang. Habang ang iba ay chine-check ang pasyente. Sabay-sabay silang nagulat nang biglang mangisay ang batang babae.Napahawak siya kay Aaron nang wala sa oras habang nahihintatakutan ang anyo."Iyong anak ko!""Nasaan ba 'yong Doktor! Tumawag kayo ng Doktor! Iligtas ninyo ang anak ko!"Pero walang kumikilos na nurse. Pilit na kumawala

  • My lover-in-law   KABANATA 5

    "Aaron, ayos ka lang?" Halos ihagis ni Arianne ang bag na sakbit sa kung saan nang maabutan ang kapatid na nakahiga, at nakahawak sa ulo."Aaron," naiiyak niyang sambit pagkaraan dumaluhong dito."Ate," Iyak ng binatilyo.Inalalayan niyang mapaharap ang kapatid. Halos huminto ang tibok ng kaniyang puso nang makita ang dugo na nanggaling sa ilong ng kapatid."Ate," hagulgol nito sa kaniya."Sandali, sandali lang," hindi alam ni Arianne kung ano'ng gagawin o uunahin.Nagpabaling-baling siya kaliwa't-kanan. Wala na naman sa labas si Glenn dahil sa kanto lang siya nito inihatid para hindi na makita ng ina na galit na galit sa binata."Ate," sambit ni Aaron na tila ba nanghihingi ng tulong."Sandali, Aaron."Pinunasan ni Arianne ang mga luha. Nag-ipon siya ng lakas kahit na nanginginig ang kalaman niya dahil sa kaba kung ano'ng nangyayari sa kapatid.Huminga siya nang malalim bago buong lakas na binuhat si Aaron. Kahit mabigat ito ay naging balewala sa kaniya.Hirap na hirap ang dalaga ha

  • My lover-in-law   KABANATA 4

    Awtomatikong tumayo mula sa pagkakaupo si Glenn sa nakahintong motor nang huminto ang isang jeep. Binaba roon si Arianne, sandali itong natigilan."Arianne," Lapit ng binata.Naging malungkot naman ang mukha lalo na ang mga mata ng dalaga. Pinanood na lang kung paano maglakad palapit sa kaniya si G

  • My lover-in-law   KABANATA 3

    "Bwisit talaga," bulong ni Glenn, at halos madurog ang hawak na cellphone.Ilang beses na niyang sinubukang kontakin si Arianne pero bigo siya. Umaga na, at sigurado namang lumipas na ang init ng kanilang mga ulo."Ba't hindi niya sinasagot?" tanong niya sa sarili.Umiiling si Arianne nang isilid s

  • My lover-in-law   KABANATA 2

    Nakikipaghiwalay ka ba sa akin?" masakit na tono ni Glenn habang may ano'ng nagbabara sa lalamunan.Nagpawala ng may kabigatang hininga si Arianne. Nang ilipad niya ang mga mata sa daan ay nahagip nang tingin niya ang parating na pampasaherong jeep."Ma-mauna na ako," nanginginig niyang boses na pa

  • My lover-in-law   KABANATA 1

    Glenn!" tili ni Arianne nang basta hatakin na lang ng boyfriend ang katabi niyang lalake."Gago ka!""Lumayo ka sa girlfriend ko!" naghihimutok nitong eskandalo sa loob ng isang bar.Pinagmamasdan lamang niya ang binatang mamatay-matay sa galit. Pulang-pula ang maputi, at maamo nitong mukha."What'

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status