共有

KABANATA 8

作者: KokoyIsMyLife
last update 公開日: 2026-05-28 18:51:22

"Aaron, ayos ka lang dito?" tanong niya sa kapatid matapos pumasok sa kwarto nito. Masasabi niyang mas higit ito sa kwarto ng kapatid sa dating hospital kung saan ito naka-confine.

"Ayos na ayos, Ate."

Naawa niyang hinawi ang buhok ng kapatid at pigil ang luhang pinagkatitigan ito.

"May kausap akong Nurse, si Nurse Aiah. Siya muna ang bahala sa iyo rito habang nagtatrabaho ako."

"Salamat, ate," nahihinang tugon ng kapatid. Umiling siya habang pigil ang luha na hinawakan ang kamay ni Aaron.

"Wal
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • My lover-in-law   KABANATA 10

    Akmang babaling si Mercedes sa nilalaro. Napahiyaw ang lahat ng mga kapitbahay nila nang itaob ni Arianne ang mesa.Gulat na napatayo ang lahat ng ito."Lintek na sugal na 'to!" malakas na sigaw niya nang itaob niya ang mesa ng ina.Hinihingal siyang humarap sa gulat na gulat na si Mercedes."Mahirap na nga kitain ng pera, nagsusugal pa kayo!""Wala ka galang-" Pinigilan ni Arianne ang kamay nitong sasampalin niya."Wala akong galang?" ulit niya.Nanlalaki ang mga mata niyang pinagkatitigan ang ina na buong buhay niya ay puro hirap ang ibinigay sa kanya."Dahil wala kayong pagmamahal, Nay."Natigilan si Mercedes."Kahit pagmamalasakit na lang. Kahit sa mga kapatid ko na lang. Pero mas pinagmamalasakitan niyo pa 'tong mga kasugal niyong walang pangarap sa buhay!" Sinulyapan niya ang mga kapitbahay na pinanood sila.Gigil niyang ibinaba ang kamay ng ina."Nakapagtrabaho ka lang. Akala mo kung sino ka, bakit sa isang sahod mo ba riyan sa trabaho mo? Mayaman ka na?" paghahamon ng ina."M

  • My lover-in-law   KABANATA 9

    Umuugong ang sigawan sa loob ng bar matapos ang pagkanta ni Glenn. Nasa harap ang ilang babae na hindi magkamayaw sa pagtili sa kanya."Glenn."Nilinga niya ang assistant ng bar na si Harold. May ibininulong ito sa tenga niya kaya agad siyang bumaba ng stage.Natigilan naman ang lahat ng babae."Nasaan sila?" nagmamadaling tanong niya sa gwardiya na nasa labas ng bar."Nasa gilid."Patakbo siyang lumabas."Kuya Glenn!""Jacob at Arci!"Yumakap sa bewang niya ang dalawang kapatid ng nobya. Nag-aalala siyang bumaba sa mga ito."Anong nangyari?""Nasa bingu-han po si Nanay. Kaya sa inyo kami dumiretso," sagot ni Arci.Hinimas niya ang buhok nito."Okay lang. Akong bahala sa inyo.""Heto, kumain muna kayo."Dinala ni Glenn ang dalawang bata sa kwarto ng kanilang banda sa likod ng bar. Ibinigay niya rin pagkain na dapat para sa banda sa dalawang bata.Kinuha niya ang cellphone at sinilip ang oras. Hindi niya matawagan si Arianne dahil alam niyang abala iyon sa casino. Umupo siya silya at

  • My lover-in-law   KABANATA 8

    "Aaron, ayos ka lang dito?" tanong niya sa kapatid matapos pumasok sa kwarto nito. Masasabi niyang mas higit ito sa kwarto ng kapatid sa dating hospital kung saan ito naka-confine."Ayos na ayos, Ate."Naawa niyang hinawi ang buhok ng kapatid at pigil ang luhang pinagkatitigan ito."May kausap akong Nurse, si Nurse Aiah. Siya muna ang bahala sa iyo rito habang nagtatrabaho ako.""Salamat, ate," nahihinang tugon ng kapatid. Umiling siya habang pigil ang luha na hinawakan ang kamay ni Aaron."Wala kang dapat ipagpasalamat. Kapatid kita, at gagawin ko ang lahat para sa iyo.""Paano sina Jack, Arci, at Jacob?"Nginitian niya ang kapatid."Ako nang bahala sa kanila. Huwag ka nang mag-alala. Humiga ka na."Inalalayan niya itong humiga at tinabingan ng kumot. Hinalikan pa niya sandali ito sa noo."Matulog ka na.""Arianne."Nakangiti siyang lumabas ng pinto nang harapin ang kakilalang nurse."Ikaw nang bahala kay Aaron. Kapag may problema, tawagan mo lang ako.""Ako nang bahala."Hinawakan n

  • My lover-in-law   KABANATA 7

    Habol hiningang parang isang kabayo si Arianne matapos linisin ang lahat ng sulok ng Benz Casino.Napasandal siya sa hallway ng kanilang locker. Ang bigat-bigat ng kaniyang magkabilang balikat, parang may nakasakay na kung ano.Siguro dahil sa laki ng ginamit niyang mop, at vacuum cleaner. Pumasok siya sa loob nang magbukas na ang casino. Nagsimula na rin pumasok ang ilang mayayamang suki ng sugalan."Arianne!"Inalis niya ang pagkakasandal sa pader nang lumapit si Kia na kamukha na kapareho ng kaniyang suot."Pagod ka na?"Nakangiting inabot nito ang isang bote ng tubig. Magaan niya iyong tinanggap."Salamat.""Nakakapagod din doon sa kusina. Ang sakit na ng binto ko kabalik-balik," reklamo nito na sumandal sa kinasasandalan niya."Nabanggit ni Boligs 'yong tungkol sa pag-utang mo kay Mamaw. Nasa labas na 'yong sekretarya niya, gusto mo bang makausap?" dagdag nito."Oo, sana.""Sabay na tayo?"Naka-abriysete si Kia sa kaniya habang naglalakad. Nagtungo sila sa smoking area. Naabutan

  • My lover-in-law   KABANATA 6

    "Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Arianne sa kapatid habang hinahaplos-haplos ang buhok nito."Ano raw ang sakit ko, Ate?" balik-tanong ni Aaron.Natigilan si Arianne pagkaraan napalunok. Hindi pa man niya nasasagot ay malungkot na agad ang imahe ng kapatid.Tila ba kinurot ang puso ni Arianne. Ni hindi niya maituloy-tuloy ang paghawi sa buhok ni Aaron."Sabihin mo, Ate. Ayos lang.""Aaron-""Anak!"Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may bumunghalit ng iyak mula sa katabi nilang kama. Sabay silang napalinga roon ni Aaron."Anak!" umiiyak ang isang ginang habang tila ba ginigising ang anak na babae.Lumapit doon ang ilang nurse. May pumigil sa ginang. Habang ang iba ay chine-check ang pasyente. Sabay-sabay silang nagulat nang biglang mangisay ang batang babae.Napahawak siya kay Aaron nang wala sa oras habang nahihintatakutan ang anyo."Iyong anak ko!""Nasaan ba 'yong Doktor! Tumawag kayo ng Doktor! Iligtas ninyo ang anak ko!"Pero walang kumikilos na nurse. Pilit na kumawala

  • My lover-in-law   KABANATA 5

    "Aaron, ayos ka lang?" Halos ihagis ni Arianne ang bag na sakbit sa kung saan nang maabutan ang kapatid na nakahiga, at nakahawak sa ulo."Aaron," naiiyak niyang sambit pagkaraan dumaluhong dito."Ate," Iyak ng binatilyo.Inalalayan niyang mapaharap ang kapatid. Halos huminto ang tibok ng kaniyang puso nang makita ang dugo na nanggaling sa ilong ng kapatid."Ate," hagulgol nito sa kaniya."Sandali, sandali lang," hindi alam ni Arianne kung ano'ng gagawin o uunahin.Nagpabaling-baling siya kaliwa't-kanan. Wala na naman sa labas si Glenn dahil sa kanto lang siya nito inihatid para hindi na makita ng ina na galit na galit sa binata."Ate," sambit ni Aaron na tila ba nanghihingi ng tulong."Sandali, Aaron."Pinunasan ni Arianne ang mga luha. Nag-ipon siya ng lakas kahit na nanginginig ang kalaman niya dahil sa kaba kung ano'ng nangyayari sa kapatid.Huminga siya nang malalim bago buong lakas na binuhat si Aaron. Kahit mabigat ito ay naging balewala sa kaniya.Hirap na hirap ang dalaga ha

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status