LOGIN“Huwag ka nang pumunta rito sa susunod para magtangkang magpakamatay.”
Agad na yumuko si Elena. Bumigat ang kanyang dibdib dahil sa matinding kahihiyan. Mabilis siyang tumango. “Pasensya na…” Pagkatapos ay tumalikod si Elena at tumakbo. Hindi na siya nag-abalang tignan ang mukha ng lalaking nagligtas sa kanya. Mabilis ang kabog ng kanyang puso. Ano bang iniisip niya? Paulit-ulit na umalingawngaw ang tanong sa kanyang isipan. Talagang tinangka niyang itapon ang sariling buhay. Hindi man lang siya nakapagpaalam kay Leo. Sumikip nang masakit ang kanyang dibdib. Paano kung may mangyaring himala? At wala na siya? Unti-unting bumagal ang mga hakbang ni Elena. Hindi na pantay ang kanyang paghinga. Muling napuno ng luha ang mga mata niya. Kailangan siya ni Leo kahit hindi niya ito kayang iligtas. More thoughts rushed through her mind. Naghahanap ng kahit anong posibleng solusyon. At pagkatapos ay isang pangalan ang biglang sumagi sa kanyang isipan. Si Amelia, ang kanyang tiyahin. Ang nakatatandang kapatid ng kanyang ina. Agad na dumilim ang ekspresyon ni Elena. Si Amelia ay malupit. Isang uri ng babaeng binibilang ang bawat sentimong ginagastos nito. Isang babaeng kailanman ay hindi nagmalasakit kay Elena o kay Leo matapos mamatay ang kanilang mga magulang. In fact, she barely tolerated their existence. Pero ngayon, walang ibang malalapitan si Elena. Kailangan niyang sumubok para sa kapatid. Pero bago ang lahat. Kailangan muna niyang makita si Leo. Habang humihinga pa ito. Agad na itinaas ni Elena ang kanyang kamay at pinara ang isang dumaraang taxi. Sumilip ang drayber sa kanya mula sa bintana. “Sa ospital, kuya,” hingal niyang sabi. Mabilis na umandar ang sasakyan. Tahimik na naupo si Elena sa likurang bahagi ng taxi habang mahigpit na magkadikit ang kanyang mga daliri. Walang tigil sa pagtakbo ang kanyang isip. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Sa wakas, huminto ang taxi sa harap ng ospital. Agad na binayaran ni Elena ang pamasahe at pagkatapos ay mabilis siyang bumaba. Patakbo siyang pumasok sa ospital. Umalingawngaw ang kanyang mga yabag sa sahig. Mabilis siyang pumasok sa pintuan at tinahak ang pasilyo. Bawat hakbang ay kumakabog ng malakas ang kanyang dibdib. Hindi siya huminto hanggang sa marating niya ang silid ni Leo. Dahan-dahang itinulak ni Elena ang p***o at pumasok. Agad na nadurog ang kanyang puso. Leo lay motionless on the hospital bed. Maputla ang balat nito habang napapalibutan ng mga makina. Mahinang tumutunog ang mga monitor. May oxygen tube sa ilalim ng ilong ni Leo. He looked so fragile. Nothing like the cheerful brother who used to tease her every morning. Tuluy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ni Elena habang dahan-dahan siyang lumalapit. “Leo…” bulong niya. Nanginginig ang kanyang tinig habang inaabot ang kamay nito. Malamig 'yon. Fragile in her grasp. Elena squeezed it gently. “Pasensya na…” Nabasag ang kanyang tinig. “Pasensya na dahil hindi kita matulungan ngayon.” Muling pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi. “Sinubukan ko...” Nanginginig ang kanyang mga balikat. “Pero parang lahat na lang ng bagay ay mali.” Pinunasan niya ang kanyang mga mata gamit ang manggas ng damit niya. Pagkatapos ay yumuko siya palapit kay Leo. “Pakiusap, magtiis ka pa nang kaunti. Pupunta ako sa bahay ni Tiya Amelia.” Mapait sa kanyang bibig ang mga salitang 'yon. “Sigurado akong… tutulungan niya tayo.” Kahit siya mismo ay hindi naniniwala roon. Pero kailangan niyang sabihin 'yon. “Magpakatatag ka para sa akin, okay?” Dahan-dahang binitiwan ni Elena ang kamay nito na para bang hinahayaang mawala ang huling piraso ng pag-asang hawak niya. Sa sandaling 'yon, bumukas ang p***o. Pumasok si Doctor Evans. Seryoso ang mukha nito. “You can see it for yourself,” he said quietly. “Hindi maganda ang kalagayan niya.” Agad na humarap si Elena rito. Puno ng desperasyon ang kanyang mga mata. “Pakiusap, Doc… Hindi ba pwedeng ituloy na lang ninyo ang transplant?” Nabasag ang kanyang tinig Magkadikit ang kanyang mga kamay habang nagmamakaawa. “Ipinapangako kong makukuha ko agad ang pera. Sumusumpa ako. Pakiusap… iligtas ninyo ang kapatid ko.” Napabuntong-hininga si Doctor Evans. Punong-puno ng awa ang mukha nito. But his words were cold. “I’m sorry, Miss Villegaz. Hindi gano'n ang proseso ng ospital.” Bumagsak ang puso ni Elena. “We cannot perform a transplant without the required payment and consent documentation.” Nanatiling propesyonal ang tono nito. Even though Elena felt like her world was collapsing. “Get the money as soon as possible.” Sandali itong tumigil. Then added quietly. “Or I’m afraid… you’ll lose Leo.” Napuno ng katahimikan ang silid. Dahan-dahang tumingin si Elena sa kanyang kapatid. Muling sumikip nang husto ang kanyang dibdib. Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya kay Doctor Evans. Ngayon, determinasyon na ang laman ng kanyang mga mata. “Makukuha ko ang pera.” Mahina ang kanyang tinig. Sandaling pinagmasdan ni Doctor Evans ang kanyang mukha. Pagkatapos ay bahagya itong tumango. Hindi na naghintay pa si Elena ng isang segundo. Tumalikod siya at tumakbo palabas ng silid. Iisa lamang ang laman ng kanyang isip. Iisang destinasyon. Ang kanyang huling pag-asa. Si Tiya Amelia. Dahil gusto man siya ng babaeng 'yon o hindi. Ngayong gabi, pupunta si Elena roon para singilin ang utang na matagal nang ipinagkakait sa kanila.Mabilis kumilos si Hector, mas mabilis kaysa sa inaasahan ng sinuman sa loob ng silid. Hindi pa man tuluyang nawawala ang tawa ni Elena, na tila walang kamalay-malay sa kung anong nangyayari ay sumugod na siya at hinila ang lalaki palayo sa asawa. Marahas ang pagkakahila niya kaya napaatras ito at muntik nang mawalan ng balanse.“What’s your fvcking problem, man?” the guy snapped, irritation flashing across his face.Hindi na nag-aksaya ng oras si Hector sa pagsagot. Sa halip, kamao niya ang nagsalita. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ng lalaki na nagdulot ng matinis na tunog na umalingawngaw sa buong silid. The impact snapped his head to the side, and his body staggered, ngunit hindi ito binigyan ni Hector ng pagkakataong makabawi. Hinawakan niya ito sa kwelyo at muling sinuntok ng ilang beses.Blood smeared across Hector's knuckles as the man’s face became increasingly battered. Dumudugo ang ilong nito, punit ang mga labi at nawalan ng dalawang ngipin. Ang datin
Bumaba si Elena sa hagdan habang inaayos ang suot na robe. Natanaw niyang nakaupo sa sofa si Nicole. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, napairap siya bago umiwas ng tingin. Agad na tumayo ang babae at lumapit sa kanya.“I'm serious sorry,” sabi nito sa malambot na na tono. “Hayaan mo na lang akong bumawi sa'yo. We could… have fun.”Huminto si Elena at tamad itong tinignan.“Fun with you?” she scoffed. “Mas gugustuhin ko pang manatili sa mansyon kaysa makasama ka.”Tinangka niyang lampasan si Nicole, ngunit hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Come on,” pangungumbinsi nito.Elena let out an exasperated sigh and ran her free hand through her hair.“Ano bang gusto mo?”“Just girl-to-girl time,” nakangiting sagot ni Nicole. “Nothing serious.”Pinagmasdan ni Elena ang mukha ni Nicole, sinusubukang alamin kung anong binabalak nito. Hindi naman dating gano'n kadaling humingi ng tawad ang babae, kaya kahina-hinala para sa kanya ang biglaang pagiging mabait nito.“Tonight,” dagdag ni Nicole
The dining room glowed under the soft golden light of the chandelier, its gentle shimmer reflecting across the long table. Umupo si Elena at bahagyang inayos ang damit habang kumportableng inilulugar ang sarili sa upuan. Nanatiling bakante ang upuang nasa tapat niya, gayundin ang upuan sa dulo ng mesa. Hindi pa dumarating si Nicole, at wala rin si Hector.For a moment, the silence wrapped around her, comforting yet strangely unsettling. Bahagyang umangat ang mga sulok ng kanyang labi nang maalala ang mga nangyari. Hindi niya maiwasang balikan sa isip ang paraan ng pagtitig ni Hector sa kanya, kung paano lumalambot ang tinig nito kapag silang dalawa lamang. And how easily he had made her forget the arrangement between them.Hindi ‘yon nagmukhang peke. Hindi rin niya naramdaman na ginagawa lamang nito ang mga bagay dahil napipilitan ito. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng mesa nang muling sumagi sa isip ang isang salitang matagal na niyang pilit iniiwasan. Ang kontrata
Ilang minutong katahimikan ang lumipas bago bumukas ang pinto ng banyo. Lumabas si Hector na may nakasampay na tuwalya sa balikat. Kalmado at walang pagmamadali ang mga kilos nito habang naglalakad patungo sa closet, ngunit hindi maiwasan ni Elena na mapatitig sa lalaki.Water droplets still clung to his skin, tracing the defined lines of his chest before disappearing beneath the waistband of his navy-blue sweatpants. Hindi magawang alisin ni Elena ang tingin sa asawa. Bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa laylayan ng damit na suot.Saglit na pumasok si Hector sa closet bago muling lumabas. Wala pa rin itong suot na pang-itaas at bahagyang magulo na ang basang buhok. Agad na napunta ang mga mata nito kay Elena at napansin ang paraan ng pagkakatitig niya rito. A slow, knowing smirk curved his lips as he approached her.“Want to get a closer look?” panunukso nito sa mahinang tinig.Agad na natauhan si Elena. Namula ang kanyang mga pisngi at dali-dali siyang umiwas ng tingin.“Anon
Napahagikgik nang mahina si Elena habang bahagyang inilalapit ang sarili kay Hector. Magaan ang tono ng kanyang tinig, ngunit may nakatagong pahiwatig sa likod nito.“Bakit mo naman pipigilan ang sarili mo?”Hindi agad sumagot si Hector. Sa halip, ibinaling nito ang tingin sa driver. Hindi na kinailangang magsalita ng lalaki dahil sapat na ang isang tingin para maiparating ang nais nitong sabihin. Agad namang naiitindihan ng driver, kaya bumaba ito ng sasakyan at tahimik na isinara ang pinto, hinayaan silang dalawa na mapag-isa sa loob.Saka lamang muling ibinaling ni Hector ang atensyon sa kanya. Bahagyang umangat ang sulok ng mga labi nito na bumuo ng isang ngiting hindi niya madalas makita. For once, his expression was completely unguarded.Natahimik si Elena. Bahagyang nanlaki ang mga mata habang pinagmamasdan ang asawa. Hindi ‘yon ang ekspresyong nakasanayan niyang makita sa mukha nito. Malayong-malayo sa malamig at walang-awang lalaking kayang sumira ng buhay ng isang tao sa pam
When Hector reached Elena, he crouched in front of her and removed his jacket in one smooth motion. Isinukbit nito ang isang braso sa ilalim ng bisig niya at inalalayan siyang makatayo. She swayed slightly, kaya agad na hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanyang baywang para hindi tuluyang mawalan ng balanse. Hindi pa rin inaalis ng lalaki ang tingin sa mukha niya habang marahang dumadampi ang hinlalaki nito sa kanyang pulso na para bang tinitiyak nitong maayos lamang ang kalagayan niya."Look at me," mahinahon nitong utos.Dahan-dahang inangat ni Elena ang mukha at sinalubong ang tingin nito. They were red and slightly unsteady, but she managed to hold his gaze. Ilang sandaling pinagmasdan ni Hector ang kanyang mukha bago bahagyang ikiniling ang ulo."Are you hurt, baby?"Umiling si Elena, ngunit bago pa man makapagsalita si Hector, bigla niya itong niyakap at mahigpit na kumapit sa katawan nito. Kumuyom ang kanyang mga daliri sa damit ng lalaki na para bang kailangan niya ng isang







