Share

CHAPTER 8

“ITAY. . .” Napahagulhol si Genis, niyakap niya nang ubod higpit ang ama, “Patawarin nyo ako kung wala akong nagawa. . .’

            “Genis. . .”

            Pagdilat niya ng mga mata ay nakita niya si Amanda na, bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.  Bumangon siya ay yumakap dito habang umiiyak.  Pagkatapos ng napakahabang panahon, ngayon lang siya muling umiyak.  Pinakawalan niya ang lahat ng galit at pangungulila sa pamilya na nararamdaman niya.

            “Wala man lamang akong nagawa,” sabi niya rito, “Naririnig ko silang nagmamakaawa pero nagtago lang ako.  Wala akong ginawa para matulungan sila,” aniya kay Amanda, kailangan niyang ilabas lahat ng nasa dibdib niya or else sasabog na iyon.  “Ang sakit-sakit.  Hindi ako patahimikin ng konsensya ko.”

            Naramdaman niya ang mga kamay nitong humagod sa likuran niya.  Kahit paano ay nakatulong iyon para maibsan ang bigat ng dibdib na nadarama.  Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat nito.

RAMDAM NI AMANDA ang paghihirap ng kaloobang nadarama ni Genis ng mga sandaling iyon.  Very vulnerable ito ng mga sandaling iyon.  Alam niyang kailangan siya nito.  Alam din niyang sa likod ng galit na ipinapakita nito sa kanya ay nagtatago ang totoong Genis, iyong dating Genis na nakilala niya.

            “Ilabas mo lang lahat ng sama ng loob mo.  Nandito lang ako para saiyo,” sabi niyang parang nakikipag-usap sa isang bata habang hinahagod ang likuran nito, “Makikinig lang ako saiyo.” Buong pagmamahal na sabi niya dito.

            Iyak lang ito ng iyak.

            Hanggang sa maramdaman niyang natutulog na itong muli.  Dahan-dahan niyang inalalayan ito pahiga.  Pinagmasdan niya ito habang natutulog.  Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha.

            Sa likod ng pagiging waring invincible nitong pagkatao ay ang sakit ng kaloobang nararamdaman nito.  God, hindi niya alam kung paanong nasangkot ang Daddy niya sa nangyaring ito sa pamilya ni Genis.

            Kailangan niyang malaman ang lahat-lahat.  Pero saan siya mag-uumpisa?

“BREAKFAST IS READY,” malambing na sabi ni Amanda kay Genis nang lumabas ito ng kuwarto.  Ang guwapo-guwapo nito sa suot nitong long sleeve na kulay blue at asul ring neck tie. 

            Tiningnan siya nito ng masama, “Ayoko ng makita pa sa pamamahay ko kahit sino sa pamilya mo!” Anito sa kanya saka marahas na hinawakan siya sa braso, “At iyong kagabi?  Hah, dala lang yon ng kalasingan ko!”

            “Genis, naiintindihan kita kung marami kang sama ng loob na kinikimkim dyan sa dibdib mo.  Hindi mo lang ako asawa, kaibigan mo rin ako at pwede mo akong pagkatiwalaan. . .”

“Tumigil ka! Huwag kang umakto na parang kailangan talaga kita sa buhay ko!” Yamot na sabi nito sa kanya, dinuro nito ang sentido niya, “Ito ang i*****k mo dyan sa kukute mo, kahit na kailan, hindi kita ituturing na asawa.” Dumiin ang pagkakahawak nito sa kamay niya, “At subukan mo lang magsumbong kahit na sino sa pamilya mo, malilintikan ka sakin.”

            “Wala akong sinasabi sa kanila,” halos paanas lang na sabi niya, “Hangga’t maari nga ay ayaw kong malaman nila kung paano mo akong itrato.  Alam ko naman kasing dala lang ‘yan ng matindi mong galit. . .pero alam kong mabuti kang tao. . .”

            “Hindi ako mabuting tao!” bulyaw nito sa kanya, “Wala akong kasing sama!  Mas masahol pa ako sa tatay mo dahil siya, kailangan pa niyang iutos sa mga tauhan niya ang pagpatay sa pamilya ko. . .pero ako, ako mismo ang kakasa ng baril para pumatay!  Tandaan mo ‘yan!”

            Pinangilabutan siya sa sinabing iyon ni Genis.  Ngunit ewan ba niya kung bakit kahit anong pilit nitong ipaintindi sa kanya kung gaano ito kagalit sa kanya ay naniniwala pa rin siyang mabuti itong tao.

            Na para bang gusto lamang naman siya nitong sindakin but deep inside, alam niyang malambot ang puso nito.  Or pinapaniwala lamang niya ang kanyang sarili sa kalokohan niyang ito?

           

DINAANAN lang ni Genis ang mga inihandang almusal ni Amanda although aaminin niyang very tempting iyon lalo pa at naalala niya ang nanay niya sa tortang talong at d***g na bangus na nasa mesa. Ang mga iyon kasi ang madalas ihanda ng nanay niyang almusal dahil alam nitong paborito nilang magkapatid iyon.

            Bumuga siya ng hangin para pigilan ang emosyong nararamdaman ng mga sandaling iyon.  Nagmamadali na siyang lumabas ng bahay.  Nakita niya si Mang Doy na naghihintay na sa sasakyan.

            “Mang Doy, sa warehouse tayo!” Aniya sa matanda nang sumakay na sa kotse.  Tahimik na pinaandar ng matanda ang sasakyan.  Ipinaling niya ang kanyang ulo sa may bintana.  Aaminin niyang may mga sandaling parang nakakaramdam siya ng awa kay Amanda.  In fairness ay nagging napakabait at maunawain nito sa kanya sa loob ng tatlong taon nilang pagiging magkasintahan.  May mga sandali pa ngang may kakaiba na siyang nararamdaman para dito.  Ngunit lahat ng iyon ay kaagad niyang binubura sa kanyang damdamin.  Hindi siya pwedeng madistract lalo na ng kagandahan nito.

            Hah, para na rin niyang ipinagkanulo ang kanyang mga magulang at kapatid sa oras na umibig siya sa babaeng iyon!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status