Share

CHAPTER 9

NASA kusina sina Imee at Amanda nang marinig nila ang malakas na boses ni Wendy sa salas.  Nangigigil siya dahil basta na lamang ito dumarating anytime nito gustuhin.

            “Hindi mo inilock ang pinto,” sita niya kay Imee, “Alam mo namang nagkalat ang magnanakaw dito sa Maynila.” Magnanakaw na gaya ni Wendy na ibig nakawin ang puso ng asawa niya.

            Nagmamahalan kami, tanda niyang sabi sa kanya ni Genis ngunit iba ang naririnig miyang sinasabi ng damdamin nito.  Hindi siya convince na may pagtingin nga rito ang kanyang asawa.  Marahil ay isa lamang iyon sa mga palabas ng mga ito para pasakitan siya.  Gayunpaman ay nagseselos pa rin siya.  Babae pa rin naman si Wendy.

            “Amanda!” Palahaw ni Wendy ngunit kunwa’y wala siyang naririnig.  Mas lalo namang natrigger si Wendy, yamot na hinila nito ang buhok niya, “Kapag tinatawag ko ang pangalan mo, lalapit ka kagad!”

            “Ma’m. . .” sabi ni Imee na takot na takot nakatayo lang habang pinapanuod sila.

            “Uy, ako ang amo dito, itong babaeng ito, ka-level mo lang kaya sakin ka maging loyal, maliwanag?” Sabi ni Wendy dito. 

            Natatarantang tumango ang dalaga.

            Kinaladkad siya ni Wendy sa salas.  “Ano ba, Wendy, nasasaktan ako,” nagpupumiglas na sabi niya ngunit tinadyakan siya nito kaya para siyang nanghina sa sakit ng pagkakasipa nito sa kanya.

            Napaiyak na lamang siya sa sobrang sakit na nararamdaman.  Parang hindi pa ito nakuntento, pinagsasampal pa siya nito.

            “Bakit ka ba galit na galit sakin?” Tanong niya rito.

            “Bakit ako galit na galit saiyo?” Anitong tiningnan siya ng masama, “Hah, ano ba sa palagay mo?” Akmang tatadyakan siya nitong muli ngunit mabilis siyang nakatakbo sa kuwarto ni Genis, mabilis naman siyang nasundan ni Wendy kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong ma-ilock ang pinto.  “Talagang ginagalit mo kong babae ka,” gigil na sabi ni Wendy. 

            Kinuha nito ang flower vase para ibato sa kanya pero nakailag siyang muli at tinamaan niyon ang picture frame ng mga magulang ni Genis na nakaharang sa wall.  Nabasag iyon at nalaglag.

            Natigilan silang pareho.  Alam nila kung gaano kahalaga para kay Genis ang larawang iyon ng mga magulang.

            “Ma’m, ano pong nangyari?” Gulat na tanong ni Imee na napasugod sa kinaroroonan nila dahil sa matinding ingay na nilikha ng pagkabasag ng frame.

            “Saksi ka sa nangyari,” sabi kaagad ni Wendy kay Imee, “Binasag ni Amanda ang larawan!”

“GENIS. . .” napapikit si Amanda nang halos bumaon na ang mga daliri ni Genis sa leeg niya.  Nakita niya si Imee na tahimik na tahimik lang sa isang sulok habang waring maiiyak na nakamasid sa kanila.

            Alam niyang nagi-guilty ito dahil siya ang isinumbong nitong nakabasag ng picture frame.  Ngunit hindi siya nagagalit kay Imee.  Alam niyang dala lamang iyon ng takot kay Wendy kaya siya ang isinumbong nitong may kasalanan.

            “Mas mahalaga pa ang mga larawang yan kesa sa buhay mo!” Galit na galit na sabi ni Genis sa kanya, “Yan na lang ang natitirang alaala ng mga magulang ko!”

            “N-Nasasaktan ako,” nagsusumamong sabi niya rito, kung nakamamatay lamang ang klase ng tinging ipinupukol nito sa kanya, marahil ay kanina pa siya namatay.  Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

            Kahit naman sabihin niyang hindi siya ang nakabasag niyon ay hindi na siya nito paniniwalaan lalo pa at naunahan na siya ni Imee na magsumbong.  Alam niyang inutusan ito ni Wendy na gawin iyon.

            Napaupo siya sa sahig nang bitiwan siya ni Genis.  Iyak lang siya ng iyak.  Nagpupuyos naman sa galit si Genis nang lumabas ito ng bahay.

            “Ma’m sorry po,” halos paanas lamang na sabi ni Imee nang lapitan siya nito, “Natatakot kasi ako sa  asungot na babaeng iyon kaya sinunod ko iyong utos nya,” awing-awang sabi nito sa kanya.

            Napahikbi siya.  Kakayanin pa ba niya ang lahat ng ito?

           

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status