Share

WILL YOU MARRY ME?

KANINA PA NAKATITIG sa hawak niyang cellphone si Everett. Ilang minuto na rin ang nakakalipas simula nang bigla na lang naputol ang tawag niya kay Tori. Ni hindi na nagawang magpaalam ng babae sa kanya at batid niyang kung sino man ang tinawag nitong “love” ang siyang naging dahilan.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Everett bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa gilid ng kanyang kama. Naglakad siya palabas ng kanyang silid at pumunta sa kusina para kumuha ng canned beer. Bumalik siya sa kanyang kuwarto at tumuloy sa nakabukas na salaming pinto na siyang nag-uugnay sa maliit na balkonahe ng kanyang condo unit.

Ipinasok niya sa bulsa ng suot niyang pantalon ang hawak na cellphone saka niya ipinatong sa bakal na railing ang magkabila niyang siko habang hawak sa kaliwang kamay ang nakabukas na canned beer. Tinanaw ni Everett ang malawak na lungsod at wala sa loob siyang napangiti. Ah, napakaganda ng gabi. Nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan gayundin ang mga ilaw na nagmumula s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status