Share

LUCKY BRIDE

CONSUNJI REAL ESTATE AND CONSTRUCTION COMPANY

ORTIGAS CENTER, MANILA

"So, where's the lucky bride?" tanong ni Landon kay Taj pagkatapos niyang iabot rito ang hawak na baso na may lamang alak.

Halos kararating lang ni Taj sa opisina ni Landon na siyang umaaktong CEO ng Consunji Construction na ipinamana sa kanya ng Lolo niyang si Alberto Consunji.

Anak si Landon ng family attorney ng pamilya Consunji at naging malapit silang magkaibigan simula pa noong una siyang mapadpad sa mansion ng Lolo niya. Nagtuloy-tuloy ang pagiging magkaibigan nila dahil palagi itong kasama ng Daddy nitong si Attorney Dominguez tuwing pumupunta ito sa Guimaras dahil na rin sa utos ng Lolo niya. Idagdag pang pareho din sila ng university na pinasukan kaya mas lalo pa silang nagkalapit.

Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan nang ipatawag siya ng Lolo niya sa mansion nito sa Bulacan. Bago ito tuluyang binawain ng buhay ay hinangad nito na muli siyang makita pagkatapos ng mahigit na isang dekada. At dalawang lingg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status