Lorie yarn! hahahhaa.. thank you po sa inyong lahat
LORIE LOVE“Ayaw ko pang matige, Lord.” sambit ko hanggang sa nagulat ako sumunod na nangyari dahil bigla na namang gumalaw ang elevator kaya akala ko bigla na lang akong matutumba pero may mainit na bisig ang sumalo sa akin. Ngayon ay hawak na ako ng ninong ko.“Ninong, ano po ang nangyayari?” tanong ko sa kanya.“Hindi ko alam, pareho tayong nandito kaya ako pa talaga ang tinatanong mo ngayon.” masungit na sabi niya sa akin.“May nangyayari na hindi maganda sa atin pero masungit ka pa rin sa akin. Kaya hindi mo talaga ako masisi kung bakit ako bastos sa ‘yo eh,” sabi ko rin sa kanya.“Alin ba ang mali sa sagot ko? Sinabi ko lang naman na hindi ko alam,” sabi niya sa akin.Hindi ko na lang siya pinansin. Hinayaan ko na lang siya pero nakakapit pa rin ako sa kanya dahil nga ayaw ko naman na matumba dahil nahihilo na ako. Tapos parang nawawalan na ng hangin dito. Hindi ko alam kung kaya ko bang tumagal dito. Ano naman kaya ang nangyari sa elevator na ito? Bakit naman ngayon pa siya nasi
LORIE LOVE“Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin ba tapos?” narinig ko na tanong ni ninong dahil pumasok siya dito sa room niya.“Malapit na po,” sagot ko sa kanya.“Kumusta ang lakad mo kanina?” tanong niya sa akin.“Okay naman po. Pinasa ko na ang lahat ng kailangan at kukuha na lang po ako ng entrance exam,” sagot ko sa kanya.“Kailan ang entrance exam?”“Sa monday po,” sagot ko sa kanya.“Linisin mo na rin ang kabilang room. Doon ang magiging room mo,” sabi niya sa akin.“Sige po,” sabi ko sa kanya at inilabas ko ang mga labahin niya.“Huwag mo ng labhan ‘yan. May naglalaba ng mga ‘yan. Kumain ka na lang doon at isa pa ayusin mo na ang mga gamit mo kasi lilipat ka dito,” sabi niya sa akin.“Hindi pa po ako g–”“Kumain ka na, hindi gaanong masarap ang luto mo pero kaya naman ng pagtyagaan,” sabi niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.“Bagay nga talaga kayong dalawa ng jowa mong frog,” sabi ko sa kanya.“Oo naman, hindi ko naman siya magiging girlfriend kung hindi,” nakangisi na
LORIE LOVEMaaga pa akong gumising dahil dadaan ako sa university na papasukan ko. Ipapasa ko kasi ang lahat ng kailangan ko. Sobrang namangha ako sa ganda nitong school na ito. Ang alam ko ay majority ng mga nag-aaral dito ay mayaman. At kung may naiiba man ay iyon ang mga scholar.After kong ipasa ang mga kailangan ko ay nag-ikot-ikot na muna ako dito. Kahit pala ganitong wala pa ang official na pasukan ay may mga students pa rin dito. Sa tingin ko nga ay mga varsity player sila. Ang lawak ng school ground dito at sobrang laki talaga ng school.Nang bigla kong naalala na kailangan ko pala na dumaan sa penthouse ni ninong ay nagmamadali na akong naglalakad. Hanggang sa hindi inaasahan na may nabangga ako.“I’m sorry,” narinig ko na sabi sa akin ng nakabanggaan ko.“I’m sorry rin po.”“Are you freshmen?” nakangiti na tanong sa akin ng gwapo at matangkad na lalaki.“Opo,” sagot ko sa kanya.“I’m Jude,” nakangiti na pakilala niya sa akin.“Lorie,” sabi ko na lang sa kanya.“Sorry po ulit
LORIE LOVE“Sure ka ba?” tanong niya sa akin kaya ako naman itong biglang kinabahan sa kanya.“Paano kung ipakita niya talaga? My gosh! Hindi ko yata kaya! Oh my G! Help me!”“You want to see it again?” nakangisi na tanong niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko dahil tama siya.“Not interested,” sagot ko sa kanya dahil naalala ko lang bigla na nakita ko na pala ito noong nakaraan lang. At masasabi ko na xl nga talaga siguro ang size. Ewan ko pero iyon ang unang beses na nakakita ako ng ganun. Kaya bigla na lang uminit ang pisngi ko dahil malaki nga talaga.“You know what, ikaw lang ang bukod tanging gumaganyan sa akin. Galit na galit ka ba sa akin dahil sa hindi kita tinanggap na inaanak ko?” tanong niya sa akin.“Alam mo, kung may choice lang ako na alisin ang pangalan mo sa baptismal ko ay sana ginawa ko na para hindi mo palabasin na sinungaling ako.” sabi ko sa kanya para maging dahilan para tumahimik siya na para bang nag-iisip siya.“So, ibig bang sabihin ay inaanak talaga kita
LORIE LOVEIlang minuto na akong nandito sa tapat ng pintuan ni Madam pero hindi pa rin ako kumakatok. Nakatayo lang ako at hindi ko alam kung kakatok ba ako o hindi.“Good morning, Lorie.” nakangiti na bati sa akin ni Sir Ranz.“Good morning po,” nakangiti rin na bati ko sa kanya.“Bakit ka nakatayo d’yan? May kailangan ka ba kay mommy?” tanong niya sa akin.“Pinatawag po niya ako,” sagot ko sa kanya.“Bakit hindi ka pa pumapasok?”Kakatok sana ako pero bigla na lang bumukas ang pintuan at lumabas ang ninong ko, este ang boss ko na masungit pa sa lahat ng masungit.Ang aga-aga pero ang sama agad ng tingin niya sa akin. Para bang may kasalanan akong ginawa sa kanya. Kung iniisip niya na babatiin ko siya ay asa siya. Hindi kami bati na dalawa akala niya siguro ay magpapatalo ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.“Pinatawag raw siya ni mommy,” si Sir Ranz na ang nagsalita.“Alam ko,” sabi niya na nakasimangot na ngayon. Pati ang kapatid niya ay dinadamay niya sa kasungitan niya.“Paso
LORIE LOVE“Lorie, dalhan mo raw ng chips si Sir Johann sa room niya,” sabi sa akin ng isa pang katulong dito sa mansion.“Anong chips daw?” tanong ko sa kanya.“Hindi naman niya sinabi, basta chips daw,” sagot niya sa akin.“Okay sige,” sabi ko at kumuha ako ng lahat ng klase ng chips para naman hindi na ako bumalik ulit dito sa baba.Hindi pa tapos ang party pero nasa room na nila siya kasama ng jowa. Siguro ay nag-jugjugan na ang dalawang ‘yon. Mukha pa namang mahilig itong ninong kong hilaw. Pero ano nga ba ang pakialam ko sa kanya. Simula ngayon ay kalilimutan ko na siyang ninong ko.Ayaw naman niya akong tanggapin na inaanak niya kahit ang totoo naman ay inaanak niya. What if ipakita ko na lang kaya ang baptismal ko? Maniniwala na kaya siya? Pero ‘wag na, ‘wag na dahil pinahiya niya ako kanina sa harap ng mga kaibigan niya. Sinigawan niya ako at alam ko na galit siya pero bakit ako pa rin ang inutusan niya na magdala ng chips nila.“Papagalitan kaya niya ako ulit?” tanong ko sa