naku, Johann hahhaha.. thank you po sa inyong lahat! god bless po!
LORIE LOVE“Ready na akong mamanhikan kahit pa hindi mo pa ako pinipikot eh,” sabi na naman niya kaya parang biglang sumakit ang ulo ko sa kanya. Ang lakas niyang mang-asar ngayon.“Sinasabi ko talaga sa ‘yo na—”“Hinihintay na tayo ni tatay,” nakangisi na sabi niya after niya ako halikan sa pisngi.“Nakailan ka na ha!” sabi ko sa kanya.“Mas marami pa ‘yan sa susunod,” sabi niya sa akin na talaga namang nang-aasar pa rin.“Subukan mo lang, paputukin ko ‘yang nguso mo,” pagbabanta ko sa kanya.“Nakakatakot ka naman, hindi mo pa nga ako na pipikot ay pinagbabantaan mo na ako agad–”“Tuwang-tuwa ka talaga sa kalokohan mo no,” sabi ko sa kanya.“Gutom na ako, love.”“Lorie kasi, Lorie, ang hirap mo naman kausap eh,” sabi ko sa kanya at mas nauna pa akong bumalik sa loob ng bahay. Dahil bigla na lang uminit ang pisngi ko.“Anak, sa may kubo na lang siguro natin para mahangin,” sabi sa akin ni tatay.“Sige po, tay. Pakisamahan na lang po si Sir cong. Pupuntahan ko lang po si nanay,” sabi k
LORIE LOVE“Papasok ka sa loob o hahalikan kita dito sa labas? Mamili ka, Love.” tanong niya sa akin kaya at ako naman itong hindi makapaniwala sa narinig ko.“Ano bang problema mo?” tanong ko ulit sa kanya.Lumapit siya sa akin kaya naman nataranta ako dahil mukhang hindi nga talaga siya nagbibiro. Mukhang gagawin niya talaga ang sinasabi niya kaya naman ako na mismo ang humila sa kanya para pumasok na kami sa loob ng bilihan ng cellphone. Baka maging eskandalo pa kapag talagang natuloy ang banta niya sa akin. Alam na alam rin talaga niya kung paano ako inisin.“Choose whatever you want,” sabi niya sa akin.“Po?”“Paano kita matatawagan kung wala ka namang phone. Dalawa na ang bilhin natin at ibigay mo sa parents mo ang isa para makausap mo rin sila,” sabi niya sa akin.“Hindi naman po ito kailangan. Puwede naman po akong umuwi sa bahay kapag day-off ko. May day off naman po ako diba?” tanong ko sa kanya.“Meron naman,” sagot niya sa akin.“Mahal po dito eh. Mas okay na keypad na la
LORIE LOVE“Bagay po ba kami?” tanong ninong kay manang na chismosa.“Naku, oo naman. Kung hindi nga lang niya sinabi na maid mo siya ay baka maniwala ako na magkasintahan talaga kayo. Ang gandang bata kasi nito para maging maid mo lang,” sabi pa ni manang na puring-puri ako.“Manang, gustuhin ko man na bigyan ka ng tip sa kakapuri mo sa akin ay wala akong pera lalo na bago pa lang ako sa trabaho ko. Kaya sorry talaga, manang,” natatawa na sabi ko sa kanya.Lumapit siya sa akin at may ibinulong pa talaga.“Landiin mo na lang, sure ako na kapag pinikot mo ‘yan ay magiging maganda ang buhay mo,” sabi pa niya kaya ako itong nagulat sa matandang ito.“Manang, hindi maganda ‘yang sinasabi mo. Mahal ko pa ang buhay ko lalo na itong buhok ko, hindi ka yata inform na maraming sisiw itong si Sir Cong,” sabi ko sa kanya.“Nandito lang ako sa harap niyo,” sabi ni ninong kaya nagkatinginan kaming dalawa ng matanda.“Naku, pasensya ka na po, Cong. Nagagandahan lang kasi talaga ako sa batang ito. M
LORIE LOVE“Who are you?” tanong ni Neda sa babae na tinawag na baby si ninong.“And who are you din?”“Ako lang naman ang girlfriend niya,” sabi pa ni Manang Neda.“I’m her girlfriend too,” sabi pa ng babae.“Liar!”“Mas liar ka! Ako ang girlfriend niya,” sabi ng babae na mukhang hindi rin siya magpapaawat.“Johann, explain this,” sabi ni Manang Neda.“Do I need to explain?” tanong pa ng ninong ko tapos pa cool lang siya na para bang hindi man lang kinakabahan sa mga babae niya.“You need to explain bakit may isa pa!”“Hi, honey/sweetheart,” may dumating pa na dalawa at mukhang mga babae rin sila ni ninong.“At talagang may dalawa pa!” sabi ni Manang Neda.“So, sino sa kanila ang tunay?” pabulong na tanong ko kay ninong.“Sino sa tingin mo?” tanong niya pa sa akin.“Aba, malay ko. Hindi ko alam, at isa pa isa kang legend. Biruin mo ‘yon nagsama-sama sila dito. Grabe ka talaga, hindi ka na ninong ng bayan. Jowa ka na ng bayan,” pabulong pa rin na sabi ko sa kanya.“Shhh, tumahimik ka
LORIE LOVE“Love, baki–”“Lorie nga po ang name ko, ang kulit mo rin po talaga.” pagtatama ko na naman sa kanya.“Eh ano naman kung love? Mas madali ‘yon,” sabi niya sa akin.“Gustong-gusto mo talaga na galit sa akin ang jowa mong pinaglihi sa sama ng loob na katulad mo,” sabi ko sa kanya.“Eh hindi ko maalala ang first name mo, anong magagawa ko,” sabi niya pa sa akin.“Kung may balak ka ng hiwalayan ‘yang jowa mo ay ‘wag mo na lang ako idamay. Baka sa akin pa niya ilabas lahat ng galit niya. Kawawa naman ako–”“Mukha ka bang kawawa? Eh ang tapang mo nga,” sabi niya at mukhang tuwang-tuwa pa siya.“Ang pangit naman kung mahirap na ako tapos nag-papaapi pa ako. Okay na siguro na maging matapang ako,” sabi ko sa kanya.“Tama ka nga naman,” sabi niya at kumagat siya sa kinakain kong crackers. Ako naman itong nagulat sa ginawa niya.“Magbihis ka na doon para makaalis na tayo. Hindi ka naman yata matutulog kaya agahan na natin,” sabi niya sa akin.“Okay po,” sabi ko at binigay ko sa kanya
LORIE LOVEPero habang nag-aayos ako ay nagulat ako dahil bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok dito si Manang Neda. “Hoy, bata! Bakit ka nandito?!” galit na tanong niya sa akin.“Ikaw nga nandito rin eh,” sabi ko sa kanya para inisin siya.“Balak mo ba talaga na akitin ang boyfriend ko?”“Ano ba ang pinagsasabi mo, Madam Neda?” nakangisi na tanong ko sa kanya.“Nang-iinis ka ba?”“Hindi po, nagtatanong lang ako. Wala naman kasi akong ginagawa pero nag-ooverthink ka na. Paano na lang kapag ginawa ko ‘yang sinasabi mo? Paano na lang kapag talagang talagang inakit ko na talaga ang jowa mo,” natatawa na sabi ko dahil mukha bang papatulan ako ni cong.Nakakatawa lang talaga isipin na nagseselos siya sa akin eh hindi nga ako mukhang tao. Ang pangit naman ng taste ni ninong kapag nangyari ‘yon. Inaasar ko lang ‘yon dahil alam ko na hindi ako pinapatulan nun eh. Pero wala talaga akong balak na akitin ‘yon kahit pa siya ang nakakuha sa first kiss ko.Paano pa kapag sinabi ko sa kanya?