Share

C5

Penulis: CALLIEYAH JULY
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-05 08:55:38

LORIE LOVE

“Akala ko gutom ka na?” nakakunot na ngayon ang noo niya.

“Wala naman po akong pinipili na pagkain. Lahat po ay kaya kong kainin, hindi po ako maselan,” sagot ko sa kanya pero nagulat ako dahil biglang pumreno siya.

“May problema po ba?” nagtataka na tanong ko sa kanya.

“Red light,” sagot niya sa akin at uminom siya ng tubig. Ako naman ay napatingin naman ako sa unahan.

Hindi na ako kumibo kasi tama naman siya. Naka-red light nga kaya siya huminto. Akala ko tuloy ay baka may mali akong sinabi na ayaw niya. Pero mukha namang wala. Nang muling maging green ang stoplight ay pinatakbo na niya ang sasakyan niya. Ako naman itong tahimik lang na nakaupo dito sa tabi niya. 

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. May dinaanan kami na kainan at bumili siya ng pagkain. Nang ibigay na ito sa kanya ay binigay niya agad sa akin. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya.

“That’s your food, kainin mo mamaya. Aalis ako kaya mag-isa ka lang sa condo ko. All you need to do there is to clean my unit,” sabi niya sa akin.

“Okay po, salamat po sa pagkain.” sabi ko sa kanya.

Wala naman akong narinig na kahit na ano mula sa kanya. Nang makarating kami sa tapat ng condo building niya ay hindi pa ako bumaba agad dahil binigyan pa niya ako ng instructions para sa mga dapat kong gawin at kung saan ako pupunta.

“Babalikan kita mamaya. Huwag kang aalis sa unit ko,” paalala niya sa akin bago siya umalis.

Napanguso na lang ako dahil paano ako aalis kung ni singkong duling wala akong pera. Hindi ko naman kayang lakarin pauwi sa mansion nila.

Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Ninong Cong ay mabilis na ako naglakad papunta sa may entrance para umakyat na ako. Siguro ay tinawagan na sila ni ninong dahil pinapasok nila ako kaagad ng sabihin ko na sa may unit ako ng boss ko pupunta.

Sumakay ako sa elevator dahil nasa pinakamataas na palapag siya. Siguro kong aakyatin ko ‘yon na gamit ang hagdan ay baka malagutan ako ng hininga lalo na masa ika 40th floor siya.

Hindi ko alam kung ano bang trip ng matandang ‘yon. Bakit naman kailangan pa na sa 40th floor siya kung puwede naman na sa mga 5th floor na lang sana?

Pero kahit naman isipin ko na sana ay sa mababa na lang ay wala akong magagawa dahil ‘yon ang trip ng ninong kong hilaw. Bagay na bagay pa naman sa kanya ang ninong cong na call sign pero ayaw naman niya akong panindigan. Hindi raw kasi niya ako kilala.

Ewan ko ba sa mga politiko. Bakit ang hilig nilang magdaos ng binyagang bayan o pambarangay, tapos hindi na nila kilala ang mga inaanak nila. Kung sabagay sure ako na marami ang mga kasabay ko noong nagpabinyag ako. Kaya hindi niya rin kilala ang mga ito.

Isa pa bata pa siya noon dahil SK chairman pa lang siya noon. At ang sabi pa ay tatlong taong gulang na ako noong nagpabinyag ako. Kaya malaki na talaga ako.

Habang nandito ako sa loob ng elevator ay naamoy ko ang mabangong amoy ng pagkain kaya mas lalo akong nagutom. Akala ko talaga ay sobrang heartless ng ninong kong hilaw pero hindi naman pala.

Bumili pa siya ng pagkain para hindi ako magutom. Nang nakarating na ako sa 40th floor ay kaagad na bumugad sa akin ang mismong condo na niya. Penthouse na rin yata ang tawag nila dito. 

Grabe ang laki dahil solong-solo lang niya ang isang buong floor. Kung sabagay mayaman talaga ang mga congressman. Wala namang duda na mayaman siyang tao. Sana lang talaga ay hindi siya katulad ng mga nakikita ko sa tv na korakot. Sana kahit na may pagka-masungit  siya sana ay tapat siya sa tungkulin niya sa bayan at sa nasasakupan niya.

Sa sobrang laki nito ay hindi ko na alam kung saan ba ako magsisimula. Siguro ay kakain na lang muna ako para may lakas ako na maglinis sa magandang unit na ito. Ngayon ko talaga nalaman na iba ang binigay niyang susi sa akin. Susi pala ito ng room niya at hindi ng unit niya. Siguro ay wala talagang nagtatangkang pumunta dito sa penthouse niya.

Tumayo ako dito sa harap ng glass wall niya at bigla akong nalula ng tumingin ako sa baba. Jusko po! Ang taas pala talaga nitong 40th floor. Bago pa ako mahilo sa kakatingin sa ibaba ay pumunta na lang ako sa may kusina para kumain. Ang ganda ng mga gamit niya sa bahay kaya naman nahihiya akong makigamit.

Siguro ay magkakamay na lang akong kakain. Sanay naman akong magkamay kaya walang problema sa akin. Nagsimula na akong kumain ay sobrang natuwa talaga ako dahil ang sarap nitong pagkain na binili sa akin ni ninong cong. Dahil sa naging mabait siya ngayon ay hindi ko na muna siya itatakwil. 

Ninong ko muna siya ngayon kahit pa ayaw niya akong akoin na inaanak. Dahil sa sarap na sarap ako sa kinakain ko ay hindi ko man lang namalayan na tapos na pala ako. Mabuti na lang may mga bottled water dito kaya okay lang siguro na humingi ako ng isa.

Nang maging goods na ako ay nagmamadali na akong maglinis. Sa totoo lang ay malinis naman itong penthouse niya. Kaya wala naman akong gaanong lilinisin. Pinalitan ko na lang ang mga beddings niya para naman maging bago. Itong lalaking ito, white and black lang ang mayroon dito sa room niya. Lakas talaga makalalaki ng kulay.

Hapon na ako natapos. Malapit na pa lang mag alas singko ng hapon pero ang boss ko naman ang hindi pa bumabalik. Hindi ko tuloy alam kung saan ako uupo kaya mas pinili ko na lang dito sa may malaking carpet. Habang nakaupo ako ay nagulat ako dahil biglang tumunog ang telepono. Wala sana akong balak na sagutin pero kasi pangatlong tawag na niya ito.

“H–Hello po–”

“Bumaba ka na, uuwi na tayo–”

“Ninong?”

“May iba ka pa bang inaasahan na tatawag?” Masungit na naman siya.

“Pababa na po ako,” sabi ko na lang at ibinaba ko na ang tawag.

Kahit kailan talaga ang lalaki na ‘yon. Kaya naman nagmamadali akong umalis sa penthouse niya. Bago ako tuluyang umalis ay sinigurado ko muna na safe ang lahat. Pagbaba ko ay nakita ko ang kotse niya na naghihintay kaya naman lumapit agad ako. Sa frontseat na ako uupo dahil baka sabihan na naman niya na ano ang akala ko sa kanya driver.

Nang buksan ko ang pintuan ay nagulat ako dahil may nakasakay na.

“Sa likod ka na lang,” sabi niya kaya naman sa backseat na ako sumakay.

Nang nakaupo na ako ay pinatakbo na agad niya ang sasakyan. Ako naman ay sa labas lang nakatingin. Hindi ko sinulyapan ang ninong ko at ganun rin ang kasama niyang babae. Pero alam ko na maganda itong kasama niya.

“Are you hungry?” narinig ko na tanong ni ninong pero hindi ko naman alam kung ako ba ang tinatanong niya.

“Yes, babe.”

Confirmed nga may jowa na siya. At itong babaeng ito ang jowa niya.

“Love, are you hungry?” narinig ko na naman na tanong ni ninong.

Bakit naman siya nagtatanong kung sumagot na ang jowa niya? Magkaiba ba silang dalawa ng endearment? Tanong ko sa sarili ko.

“Love? Bakit love? Babe ang tawag mo sa akin diba?” tanong ng babae.

Paktay na, mukhang mahuhuli na ngayon si ninong. Babaero rin yata ang lalaking ito. Hulma pa lang ng mukha niya ay halata naman. Ginagamit niya ang kagwapuhan niya para maglaro.

“I’m not asking you,” sabi ni ninong sa babae kaya bigla akong tumingin sa kanila.

“Hindi ako? So, sinong tinatanong mo? Siya ba? Siya ba ang love mo?” sunod-sunod na tanong ng babae at tinuro pa ako kaya naman kinakabahan na ako ngayon.

“Wala po akong alam d’yan, Ma’am. Maid lang po ako ni Congressman,” sabi ko agad dahil baka awayin pa ako nitong babae.

“So, bakit love ang tawag mo sa babaeng ‘yan? Ang cheap mo naman kung siya ang tinatawag mong love.” tanong ng babae na halatang naiinis na dahil pasimple akong nilait pero kalmado lang ang boses niya.

“Dahil—”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Haha johan lorie lang kase..hayan selos tuloy ang jowa mo.........
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
thank you author
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ang pogi ng pangalan ni ninong con JOHANN...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C67

    LORIE LOVE“Kumusta ang unang araw mo sa work mo?” “Okay naman,” sagot ko sa kanya.“Mabuti naman, pero kapag gusto mo mag-work sa akin ay sabihin mo lang,” sabi sa akin ni Jude.“Gustuhin ko man ay alam mo naman na malaki ang utang na loob ko sa Zuares Foundation.”“Alam ko, pero malay mo lang,” natatawa na sabi niya sa akin kaya napangiti ako.“Ikaw talaga, kumusta pala kayo ng girlfriend mo?” tanong ko sa kanya.“Ayon,” sagot niya sa akin.“Anong ayon?”“Ayon, nag-break na kami,” sagot niya sa akin. Na para bang wala lang sa kanya. Hindi man lang brokenhearted.“At bakit naman?”“Sobrang selosa, nasasakal ako sa sobrang pagseselos niya,” sagot niya sa akin.“Nagselos ba sa akin?” tanong ko sa kanya.“Wala kang kinalaman this time,” sagot niya sa akin.“Baka maging single ka niyan habang buhay kapag hindi ka pa lumayo sa akin,” pabiro na sabi ko sa kanya dahil hindi lang naman ngayon ito dahil kahit pa noon ay ako na ang dahilan kaya sila naghihiwalay. “Don’t say that, hindi lang

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C66

    LORIE LOVEHindi naging madali ang unang araw ko sa trabaho pero masaya ako na natapos ito ng maayos kaya bukas naman ulit. Kahit pa malayo sa bahay namin ay doon pa rin naman ako uuwi. Hindi naman kasi ako puwedeng umuwi sa asawa ko dahil nga galit sa akin. Balak ko naman siyang suyuin pero hindi ko naman gusto na ipahiya ang sarili ko. Baka kasi itaboy niya ako doon at maging eskandalo pa.Hanggang ngayon kasi ay congressman pa rin siya. Pero active pa rin siya sa company niya kaya naman kahit hindi siya maging politiko ay mayaman pa rin siya. Hindi ko alam kung sino ba ang kasama niyang babae kanina dahil kasama lang niya ito sa loob ng office niya.Nauna pa nga akong lumabas kaysa sa kanila at ngayon ayt nag-aabang ako ng jeep. Dalawang sakay pa ako dahil malayo ito ay nasa one to two hours ang biyahe ko. Gusto ko sanang maghanap ng apartment pero sa weekend na lang. Pumasok na kasi ako sa trabaho ko kaya naman hindi na ako nakahanap pa. May dumaan na jeep kaya naman sumakay na aga

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C65

    LORIE LOVE“Huwag mo naman akong pahirapan na suyuin ka. I’m sorry kung ngayon lang ako bumalik and sorry kasi umalis ako. Pangako, hindi na ako aalis,” sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin na walang kahit na anong emosyon.“Sa tingin mo ba talaga ay may babalikan ka pa after mong umalis?”“Wala na ba? Sure ka ba na wala na akong babalikan?” tanong ko sa kanya.“Gawin mo ang trabaho mo dahil kung ayaw mo ay marami ang papalit sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaysa sagutin ang tanong ko sa kanya.“First day ko pa lang po, Sir. Pero ayaw mo na agad akong makita. Sorry po pero magtitiis ka sa mukha na ito. Kalma ka lang rin po at baka magkasakit ka pa ng highblood kapag ganyan ka lagi. Relax lang po, relax ka lang, kalma,” sabi ko at sinimulan ko ng iligpit ang mga nagkalat na mga papel sa sahig.“Sana hindi ka na bumalik,” napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Mahina pero sigurado ako sa narinig ko.“Puwede naman akong umalis kung ayaw mo talaga na makit

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C64

    LORIE LOVEAFTER 4 YEARS…“Welcome home, anak! Kumusta ang byahe mo?” bati ng pamilya ko sa akin sa pagdating ko dito sa bahay.“Miss na miss ko kayong lahat, okay naman po, nay,” sabi ko sa kanila.“Kami rin, anak,” nakangiti na sabi sa akin ni nanay.Niyakap nila ako kaya niyakap ko rin sila isa-isa ng mahigpit. Sobrang na miss ko talaga ang pamilya ko. Sa loob kasi ng apat na taon ay hindi ko sila nakasama.“Congrats, bunso. Proud na proud kami sa ‘yo,” sabi ni kuya sa akin.“Thank you, kuya. Sobrang thank you,” nakangiti na sabi ko at niyakap ko siya.“Alam ko na ginalingan mo kaya nagluto kami ng mga paborito mo,” sabi niya sa akin.“Miss na miss ko na talaga ang mga pagkaing pinoy,” sabi ko sa kanila.“Maliban sa pagkain ay ano pa ang na miss mo?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Kayo, kasi miss na miss ko na kasi talaga kayo,” sagot ko sa kanya.“Kami lang ba?”“Kuya, gutom na po ako,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Hayaan mo na lang muna ang kapatid mo, anak. Pagod ‘yan sa b

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C63

    LORIE LOVEHabang umiiyak ako ay may narinig ako na nag-dodoorbell kaya naman pinunasan ko ang luha ko at lumabas ako para tingnan. At hindi ko inaasahan ang bisita na pupunta sa akin. Dahil nandito siya, nandito si madam ngayon.“Magandang gabi po, madam,” bati ko sa kanya.“Kumusta ka dito? Okay ka lang ba dito na ikaw lang?” tanong niya sa akin at nakangiti na siya ngayon.“Opo, okay naman po ako.”“Mabuti naman, akala ko kasi ay hindi. Kapag gusto mong pumunta sa bahay ay umuwi ka lang doon. May dala akong pagkain,” sabi niya sa akin at hindi na siya tulad kahapon na nakasimangot.“Salamat po,” nahihiya na sabi ko sa kanya.“May pinuntahan lang ako dito kaya napadaan na ako,” sabi niya at umupo siya sa may sofa.“Gusto mo po ba ng maiinom?”“I’m good, hindi naman ako magtatagal. Balita ko pala ay sa sabado na ang operasyon ng nanay mo,” sabi niya sa akin.“Opo, sa sabado na po.”“Alam ko na kaya ng nanay mo,” sabi niya sa akin.“Salamat po, salamat po sa inyo ni Cong. Dahil po sa i

  • NINONG CONGRESSMAN (SPG)   C62

    LORIE LOVEHindi ko alam pero nakakaramdam ako ng lungkot. Nalulungkot ako dahil ako lang mag-isa dito ngayon. Hindi ako sanay, hindi ako sanay na ako lang ang nandito at wala ang makulit ko na boyfriend. Kumusta na kaya siya? Nakarating na kaya sila sa pupuntahan nila?Gusto ko sana siyang tawagan pero hindi ko ginawa dahil alam ko na baka busy siya. Alam ko rin na tatawag siya sa akin kapag free na siya. Kaya naman nagluto na lang ako ng hapunan ko. Napangiti ako dahil kumain siya kanina bago siya umalis. Malinis ang kusina ay halatang naglinis siya.Kahit pa naninibago ako sa kanya ay natutuwa ako. Hindi naman pala siya gano’n ka sosyal. I mean kahit pa mayaman siya ay marunong rin naman pala siya sa mga gawaing bahay. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit mahal na mahal siya ng mga tao rito. Hindi kasi ako masyadong interesado sa politika kaya hindi ako pumupunta sa mga lugar na pinupuntahan nila kapag kampanya.Tamad na tamad talaga ako kaya taong bahay ako kapag walang pasok sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status