เข้าสู่ระบบYes! goodmorning! ito yung kailangan kong i-highlight haha yung story ni Paco! Pero bagong story na ah, hindi na dito kay Ninong Jonas mag-u upload ako ng bago. Wait niyo nalang. Enjoy reading! sorry busy lang ako ngayon magpapasa kasi ako ng new story eh para sa contest kaya ndi ko ma-update ito ng mabilis.
REESEIsang maaliwalas na umaga ang tumambad sa akin sa Hacienda Del Riego. Kaagad akong bumangon, nagshower at nagbihis para kung sakaling papasyal kami ni Paco ngayon ay naka-ready na ako. Nagsuot lang ako ng blouse, itim na shorts at puting sandals at pagkatapos ay nagsuot ng baseball hat dahil mainit. Lumabas na ako ng Mansyon at natanaw si Paco sa di kalayuan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Totoo ngang naliligo siya kasama ng mga kabayo. Wala siyang suot na damit pang itaas kung kaya’t hantad na hantad sa akin ngayon ang napaka-yummy niyang abs. Hindi ko akalain na ganon ka-ganda ang katawan niya, parang pang male model. Nakasuot lang siya ng maong na pants at cowboy hat habang hawak ang isang hose na ginagamit niya pampaligo sa mga kabayo. Binasa niya rin ang sarili niya habang pinapaliguan ang mga ito. Itinapat niya ang hose sa yummy abs niya at dumaloy ang tubig doon. Oh my god! Nahihiya ako sa ginagawa ko! Pakiramdam ko tuloy ay sinisilipan ko siya. Ini-scrub niya
PACO Kakamot-kamot ako ng ulo dahil kasama naming maglibot-libot sa bayan si Nikita. Hawak ko ang kamay niya ngayon at naglalakad kami sa may tiangge. “Dapat iwan ka na lang eh, bakit ka pa sumama?” tanong ko sa kanya. “Tito Pogi naman eh! sige ka, monster ka na, hindi ka na pogi!” inis na saad niya, nakikita ko sa kanya si Tita Manika kapag nagsusungit kaya natatawa ako. Half-half talaga ang ugali at hitsura niya sa mga magulang niya. “Ayos lang naman na kasama natin siya, atleast hindi ako mabo-bored sayo.” saad naman ni Reese. “Hindi ako boring, ano! ikaw lang nagsasabi niyan.” saad ko sa kanya ngunit gusto ko siyang nakikitang nakangiti kagaya ngayon kaya okay na din kahit pa ang dahilan ng mga ngiti na iyon ay ang pang-aasar sa akin. Reese has been so lonely for so long dahil sa pagkamatay ng lolo Joaquin niya. I want to make her the happiest girl in the world ngayong nandito siya sa poder ko. Wala siyang ka-alam-alam na matagal ko ng hiningi sa mga magulang niya
PACO “Ano? gusto mo labas na tayo ngayon?” tanong ko sa kanya dahil nakabusangot pa rin siya. Kahit kailan talaga ang babaeng ‘to! akala mo laging pinaglihi sa sama ng loob! “Mamayang hapon na lang.” saad niya. Maya-maya ay nakarinig naman ako ng mga maliliit na yabag ng paa. “Tito Pogi, Tito Pogi!” saad ni Nikita na iniluwa ng pinto at nagulat ngunit natuwa siya nang makita niya si Reese. “Oh, Nikita, gising ka na pala, Prinsesa ko!” bati ko sa kanya. “Tito Pogi, she's gorgeous!” saad ni Nikita. “Thank you, Sweetie, anong pangalan mo?” tanong ni Reese na nakikipagkilala sa bata. “Nikita po. Ano pong pangalan niyo?” tanong ng bata kay Reese. “My name is Reese Dela Vega.” “Anak ko siya sa pagka-binata.” nakangiting pakilala ko ngunit sumimangot si Reese at mukhang hindi natuwa sa biro ko. “Joke lang, anak siya ni kuya Sanjo.” paliwanag ko. “Oh? ang laki na pala niya.” “Yeah, she's nine years old.” “Tito Pogi, siya na ba yung bride mo?!” Napa-facepalm nalang
REESE Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ba ako? Luminga-linga ako sa paligid at wala talaga akong alam kung nasaan ako. Nakaposas ang dalawang kamay ko sa headboard at ang mga paa ko naman ay naka-kadena. Pilit akong nagpupumiglas ngunit hindi ko matanggal iyon. Maya-maya ay may nagsalita. “Don’t hurt yourself, Reese.” napalingon ako at pagtingin ko ay si Paco. Nakatayo siya sa likod ng pinto at nakapamulsa. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko nang makita ko siya. “You fucking psycho! Anong ginawa mo sa akin?!” “Psycho agad?! Wala pa nga akong ginagawa eh!” “Pakawalan mo ako dito!” “Oh yes, Reese, I’m a psycho. Atleast, I don’t have protective parents like your dad.” saad niya na itinaas ang cellphone niya. “This is kidnapping! Pakawalan mo ako dito! Hindi mo hawak ang buhay ko!” galit na saad ko. “Kakatawag lang sa akin ni tito Joaquin at ang sabi niya ay dito ka daw mag-iistay. Akala mo ba hindi ko alam na nag-rent ka ng transient? Pagm
REESE“No, Mr. Del Riego, sinasabi ko na nga ba, sinasayang ko lang ang oras ko dito. Aalis na ako. Tutal wala ka namang balak seryosohin ang interview na ‘to.” saad ko at kinuha ang bag ko at ang thesis journal ni Madeleine. “I’m not joking around Reese, ano bang problema mo? Iinterviewhin mo ako tapos hindi ka maniniwala sa sinasabi ko? What the actual fuck?!” sumabog na siya sa inis. “But I already told you, sa simula palang ng interview natin ay sinabi ko na, na labas ang personal matters natin!” “That’s why I told you to turn off your damn recorder!” “You know what?! Forget it! Kalimutan mo ng ininterview kita! And I’m not gonna marry you, Paco!” saad ko at lumabas na ng study room niya sa Mansion ng mga Del Riego. Nagdire-diretso nalang akong umalis dahil sinasayang lang talaga ng Paco na iyon ang oras ko. Wala akong balak makipaglaro sa kanya dahil kailangan ng kapatid ko ang thesis na ‘to para maka-graduate siya ng college. Tandang-tanda ko pa ang pag-uusap namin ng gabin
PACO They said that if you love someone, set them free. If they come back, they're yours; but if they don't then they're never were. Pero para sa akin, kung mahal mo, ipaglaban mo hanggang sa makulitan ang tadhana. Hanggang sa itulot Niya, hanggang sa ibigay. After all, you only lived once so might as well, do some crazy things for love. *** “What would you like to know about me? I’m all ears, Ms. Reese Dela Vega.” saad ko kay Reese dahil ngayon ang itinalaga niyang schedule ng interview sa akin. Wala kasi si kuya na ninong niya nasa US sila ni Tita Manika at iniwan lang nila sa akin si Nikita kaya wala siyang choice. Ako lang ang nandito at pamangkin ko. Si mommy at daddy naman ay nasa US din kasama nila sila kambal at ang utos lang sa akin ni kuya ay entertain-in ko daw siya kaya heto ang ginagawa ko ngayon. “Okay, uhm, before we start, gusto kong malaman mo na ginagawa ko lang ‘to dahil sa bunso kong kapatid Mr. Del Riego. This is her thesis at labas ang personal issues nat







