Share

KABANATA 44

last update Last Updated: 2025-02-22 23:40:07
MARIANNE

“Yanne, puwede ba akong humingi ng pabor?” tanong na naman sa akin ni Ayra tungkol sa pabor.

“Anong pabor?” tanong ko sa kanya.

“Umalis ka dito,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko.

“Aalis ako? Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Dahil sa tingin ko hangga’t nandito ka ay hindi magiging malapit sa akin ang mga anak ko,” sagot niya sa akin.

“Sorry po, pero hindi ko naman po kasalanan ang bagay na ‘yan. Kaya bakit po ako aalis?”

“Please, hayaan mo ako na—”

“Hindi po kita kayang pagbigyan sa nais mo. Pumayag ako na tulungan ka sa mga anak mo. Kung talagang gusto mo na umalis ako dito ay kay ninong mo sabihin ‘yan. Dahil ang higpit niya sa akin. Hindi nga ako pinapayagan na lumabas,” sabi ko sa kanya.

“Mommy, kung ayaw mo po na magalit ako sa ‘yo ay ‘wag mo pong idamay si Ate Yanne dito,” biglang nagsalita si Alden na kasama pala namin ngayon.

“Alden, mali ang–”

“Narinig po kita, gusto mo pong umalis dito si ate. Wala naman po siyang ginagawa sa ‘yo. Ikaw po ang may kasalanan
CALLIEYAH JULY

THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS YOU PO!

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (22)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
ayyy kulit ni ninong promises
goodnovel comment avatar
adlerrrr_dlv
iba Pala ang gusto mo ninong ha......
goodnovel comment avatar
Vee Lalalah
It's ok author. take your time ,basta ako willing to wait lagi and willing to pay kasi I love all your stories/ books :)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 169

    MARIANNESafe kaming nakauwi sa bahay. Ngayon ay maluwag na ang pakiramdam ko. Magaan, sobrang gaan. Masaya ako na kahit pa wala na ang daddy ko ay binigyan ni ninong ng oras na makasama namin siya, makausap nami kahit pa alam namin na hindi naman ito sasagot.Alam ko na kahit wala na siya ay naririnig at nakikita niya kami. Alam ko rin na nasa tabi ko lang siya palagi. Masaya ako, sobrang saya ko pero may lungkot rin. Ang lungkot na wala ang daddy ko sa araw ng kasal ko.Pangarap ng bawat babae na makasama ang parents nila sa araw ng kasal nila. Pero hindi ko na ‘yon mararanasan pa. Pero kahit na ganun ay sisikapin ko na maging masaya para maging masaya rin ang daddy ko kung nasaan man siya ngayon.Bukas ay magsisimula na kaming maghanda sa magiging kasal namin. Kung ako nga ang tatanungin ay mas gusto ko sana ang intimate wedding at kaunti lang sana ang mga guest. Pero kasi malaki pala ang pamilya ng asawa ko. Malaki ang angkan nila.So, we decided na papuntahin na silang lahat at

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 168

    MAYOR ANDREW ALCANTARIA(CONTINUATION OF FLASHBACK)Hindi naging madali ang pinagdaanan namin dalawa pero masaya ako na ipapakilala ko na siya sa pamilya ko. Wala naman akong pakialam sa magiging opinyon ng ibang tao. Ang tanging mahalaga sa akin ay si Yanne. Ang mahalin niya ay sapat na sa akin.Nagpaalam ako sa kanya na aalis muna ako dahil kailangan kong samahan si daddy. May kailangan lang kasi kaming puntahan at iyon ang ibang kamag-anak namin. Ayaw ko sana pero sabi ni daddy ay maganda na ako ang mismong mag-imbita sa kanila.“Masaya ako na makita na masaya ka, son.” sabi sa akin ni daddy.“Thank you, dad.”“In love na in love ka talaga kay Yanne,” natatawa na sabi niya.“Opo, sobra po, daddy. Kahit pa nakakatakot siya ay mahal ko siya. Parang ikaw, mahal na mahal mo si mommy,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Naman, dapat talaga mahal na mahal mo ang asawa mo at may takot ka sa kanya. Lagi mong tandaan na masaya ang buhay kapag laging tama ang asawa mo. Lagi mong tandaan ang mga

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 167

    MAYOR ANDREW ALCANTARIA(CONTINUATION OF FLASHBACK)Tinatanong ako ni Yanne kung ano ba ang naging dahilan kaya kami naghiwalay ni Ayra. Hindi ko sinabi sa kanya dahil ayaw ko na malaman niya. Na malaman niya na umalis si Ayra at mas pinili nito ang pamilya niya at ang mga illegal nitong gawain.Ayaw ko na masangkot sa kung ano ang mayroon sila dahil wala silang aasahan na tulong mula sa akin. Kaya mas pinili ko na maghiwalay na lang kaming dalawa at isa pa, nawala na ‘yung tiwala, nawala na rin ang pagmamahal kaya mahirap na para sa aming dalawa ang magsama.Alam ko na nahihirapan ang mga anak namin pero kinaya namin na wala siya. At ngayon ay bumalik siya, sasabihin niya sa akin na magkabalikan na kaming dalawa na para bang ang dali lang. Wala na, wala na talaga dahil pagmamay-ari na ni Yanne ang puso ko.Gusto niyang makasama ang mga bata kaya naman hinayaan ko siya. At ito rin ang pagkakataon ko para ma solo ko si Yanne. At nangyari nga, na solo ko siya at ito ang isa sa pinakamasa

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 166

    MAYOR ANDREW ALCANTARIA(Continuation of Flashback)Masaya ako dahil ang hinhin pala nitong babaeng mahal ko. Pero hindi ko lang talaga nagustuhan na hindi maganda ang unang pakikitungo sa kanya ni Anica dahil inaakala niya na babae ko si Yanne. Sana nga ay totoo na lang na babae ko na siya para mayakap ko na siya at higit sa lahat at mahalikan ko na siya.Sa totoo lang ay grabe ang pagpipigil ko tuwing nakikita ko ang mapula niyang labi. Alam ko na natural ang kulay ng labi niya dahil wala naman siyang nilalagay sa mukha niya. Bare face pero ang ganda. Parang ang sarap halikan ng labi niya. Parang ang sarap panggigilan ng labi niya.Kung hindi ko lang talaga gusto na matakot siya sa akin ay hihilain ko siya palapit sa akin para halikan ang labi niya. Pero kailangan ko magtimpi dahil alam ko na may tamang oras sa nais ko.“Fvck! Nalinlang ako!” wala sa sarili na bulalas ko dahil habang tumatagal ay nagbabago ang ugali ng babaeng mahal ko.Bakit ang hinhin naman niya noong nakilala ko s

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 165

    MAYOR ANDREW ALCANTARIA (Continuation of Flashback) Nagmamadali akong pumunta sa hospital ng matanggap ko ang balita tungkol sa kaibigan ko at kay Yanne. Pagdating ko ay wala ng buhay ang kaibigan ko. Isa ba siyang malamig na bangkay at marami ang tama ng baril sa katawan. Talagang sinigurado nila na mamatay na siya. “Bro, bakit naman? Bakit? Ang daya mo naman eh, ang daya mo.” tanong ko sa walang buhay niyang katawan. “Si Miss Yanne po ay nasa kabilang room, mayor.” sabi sa akin ng tauhan ko. “Sige, pupuntahan ko siya.” sabi ko at lumabas na ito. “Don’t worry, bro. Aalagaan ko at poprotektahan ko ang anak mo, pangako ko ‘yan sa ‘yo,” sabi ko at pinunasan ko ang luha ko dahil nasasaktan ako sa bigla niyang pagpanaw. Sobrang malapit talaga kami sa isa’t isa at talagang kapatid na ang turingan naming dalawa kaya nakakalungkot lang talaga. Pero hindi ako puwedeng maging mahina dahil may naiwan pa. At sobrang nagpapasalamat ako na ligtas siya. Na hindi siya kasamang namatay ng daddy

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   KABANATA 164

    MAYOR ANDREW ALCANTARIANandito kami ngayon sa sementeryo dahil pinuntahan namin ang daddy niya. Ang daddy ni Yanne na kaibigan ko. Wala na siya pero gusto ko pa rin na magbigay ng respeto sa kanya. Gusto ko na magpaalam na papakasalan ko ang nag-iisang anak niya na inaanak ko.Alam ko na mali sa paningin o mata ng mga tao ang relasyon naming dalawa. Dahil nga inaanak ko siya at ninong niya ako. Pero mahal ko siya, mahal na mahal ko si Yanne at gagawin ko ang lahat para sa aming dalawa. Lalo na ngayon na buntis siya, walang paglagyan ang saya sa puso ko. Sobrang saya ko dahil magkakaroon na ulit ako ng anak at this time ay sa babaeng mahal na mahal ko.Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil tinanggap niya ako. Sa kabila ng agwat ng edad naming dalawa ay ang pagiging single dad ko at kasama na doon ang dalawa kong anak. Ang swerte ko dahil minahal niya ako. Medyo matagal na akong may paghanga sa kanya na itinago ko lang dahil alam ko na nasa US siya pero nang sabihin ng daddy niya sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status