HELLO PO, KUMUSTA KAYONG LAHAT? PASENSYA NA KAYO NGAYON LANG AKO NAG-UPDATE.. MAY MGA LAKAD KASI AKO AT SUNOD-SUNOD KAYA WALA AKONG TIME MAGSULAT.. BAWI PO AKO NEXT WEEK AFTER NG HOLY WEEK.. MAG-UPDATE PO AKO BAKA ISA-ISA NA LANG PO MUNA SA NGAYON NGAYONG WEEK.. THANK YOU PO AND GOD BLESS YOU ALL!
MARIANNEMabilis ko itong nararamdaman kaya naman bigla akong tumayo para sugurin siya pero..“It’s me, mahal.” sabi ni ninong kaya naman nakahinga ako ng maayos.“Bakit kasi hindi ka man lang nagsasalita?” tanong ko sa kanya dahil nagulat talaga ako sa kanya.“Gusto ko kasing sumabay sa ‘yo maligo,” sagot niya sa akin habang nakangisi kaya naman tumawa ako.“Sure ka bang walang nakakita sa ‘yo pagpasok mo dito?” tanong ko sa kanya.“Wala po, maingat ako.” sagot niya sa akin.“Mabuti naman,” sabi ko sa kanya.“Ayyy!” nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat at pumasok kaming dalawa sa loob ng bathtub.“I miss you, mahal ko.” malambing na bulong niya sa tainga ko.“I miss you,” nakangiti na sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.Mabilis naman siyang tumugon sa akin hanggang sa naging mapusok na kaming dalawa sa isa’t isa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, hanggang sa balikat ko. “M–Mahal, ‘wag mo akong lagyan ng kiss mark.” sabi ko sa kanya.“Why?”“Sasabihin ko sa ‘yo mamaya,
MARIANNE “Welcome sa aming bahay. This is your home now,” sabi niya sa akin habang nakangiti. “Okay lang ba talaga na dito ako?” tanong ko sa kanya. Na kunwari ay nag-aalala ako. “Of course, tara na sa loob ipapakilala kita sa pamilya ko.” sabi niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Siya na rin ang naghila ng maleta ko. Pagpasok ko ay may matandang nakaupo sa may wheelchair ang sumalubong sa amin. At may babae rin at lalaki na sa tingin ko ay mga teenager pa. “Dad, Yanne is here na.” sabi ni Romell sa matanda. “Is that you, Yanne? Ang laki mo na,” sabi niya sa akin. “Good morning po,” bati ko sa kanya. “Good morning, iha. Parang noong nakita kita ay sampung taon ka lang yata noon,” nakangiti na sabi niya. “Pasensya na po kayo kung hindi ko na po kayo gaanong maalala,” sabi ko sa kanya. “It’s okay, masyado ka namang bata noon. Saka inaanak ko rin ang daddy mo kaya magkapatid ang turingan nila ni Romell.” nakangiti na sabi niya na para bang totoo. Ayaw ko man sa narinig ko
MARIANNEGusto ko na lang siyang hayaan sa ginagawa niya para malaman niya na wala akong alam. Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa room ko. Lumabas rin si Gene sa pinagtataguan niya. Tinapon niya ang tubig na nasa baso. “Simula ngayon kapag kailangan mo ng tubig ay magsabi ka lang sa akin. Ako na mismo ang kukuha para sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“Kaya ko na it–”“Hindi, demonyo siya at pagbabayaran niya ang ginagawa niyang ito sa ‘yo. Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya, gago siya! Baka kapag nagalit ako at putulin ko ang mga kamay niya.”Alam ko na galit na talaga si Gene at alam ko rin na hindi siya nagbibiro. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.“Kumalma ka lang. Kaya ko ito, at kaya nating dalawa. Kaunting oras na lang at magagawa rin natin ito,” sabi ko sa kanya.“Alam ko, kailangan na nating bilisan bago pa siya gumawa ng ibang hakbang na ikakasama mo. sure ako na may binabalak siyang masama kaya niya nilagyan ng dr*gs ang baso.”“Akala niya kasi mapapasunod niya
MARIANNENakatutok na ngayon sa aming dalawa ang baril ni Romell. “Hindi ako aalis dito ng hindi ko siya kasama,” matatag sabi ni ninong sa lalaki.“Ayaw kong gawin ito pero pinipilit mo ako—”Nagulat kami dahil may biglang pumana sa baril na hawak ni Romell kaya hindi na natuloy ang pagbaril niya kay ninong. Nabitiwan niya ito at nagkakagulo sila kung saan galing ang palaso.“Aalis na ako, ingat ka dito.” pabulong na sabi ni ninong sa tainga ko.Mas diniin ko ang kuko sa kamay niya para malaman niya ang sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay mabilis ko siyang binalibag. Na dahilan para mapadaing siya. Halatang nagulat na ang lahat sa ginawa ko kaya naman lumipat sa amin ang atensyon nila. Sa totoo lang ay kinakabahan na rin ako baka kasi nasaktan talaga siya sa ginawa ko.“Umalis ka na at ‘wag ka ng bumalik dito,” sabi ko bago ako pumasok sa loob ng bahay nila Romell.Nagkatinginan kaming dalawa ni Gene. Alam ko na siya ang may gawa ng pana na ‘yon. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya s
THIRD PERSON POV“Ako na ang magbababa ng maleta mo,” sabi ni Gene kay Yanne.“Ako na, kaya ko na ito.” sabi naman ni Yanne dahil ayaw niyang mahirapan ang kaibigan niya.“Don’t worry, may magbubuhat niyan at hindi ako,” nakangiti na sabi ni Gene.“Sino?”“Ako,” mabilis na sumagot ang lalaki na pumasok sa silid nila.“Anong ginagawa mo dito?” nagtataka na tanong ni Yanne sa kapatid ni mayor.“Kailangan niyo raw ng tulong kaya ako nandito?” nakangiti na sagot nito na para bang walang kaba na nararamdaman.“Pero–”“Secret natin ito, hindi ko sasabihin kay kuya.” nakangiti na sabi nito kaya naguguluhan si Yanne.“Huwag ka ng magtanong, basta tropa ko siya.” sabi ni Gene sa kaibigan niya habang nakangiti.Gusto sanang magtanong ni Yanne pero mas pinili na lang niya na manahimik. Hinayaan niya na kunin ni Arthur ang maleta niya at ito mismo ang nagbaba. Sobrang naguguluhan siya pero dahil may mas mahalagang bagay silang gagawin ay pinili na lang niya na maghanda para sa pagtakas niya, sa pa
THIRD PERSON POV“Hulihin natin sila sa akto,” sabi ni Yanne.“Let’s do this para maisunod na natin si Ayra. Bwisit na ako sa kanya,” natatawa na sabi ni Libby.“Bakit pagod na kayo ng kakambal mo?” natatawa na tanong ni Gene.“Pagod na si Gallong, need niya ng day off. Nagpaalam kami pero hindi kami pinayagan,” natatawa na sagot ni Libby kaya napangiti na rin si Yanne.“Girls, later na lang ang chikahan. Work na muna tayo,” sabi ni Yanne at mabilis na lumabas sa pinagtataguan niya.Nakasuot siya ng sumbrero at mask kaya naman hindi siya nakikilala ni Romell. Habang ang dalawa ay proud na ipakita ang mga beauty nila. “Hi, boys.” nakangiti si Libby habang nagsasalita.“Sino naman ang mga pisteng ito?!” galit na tanong ni Romell sa mga tauhan niya. At napatigil sila sa ginagawa nila.“Sila po ang dahilan kaya sunod-sunod na nasira ang trabaho, boss.”“So, kayo pala?” tanong nito.“Yes, we are.” natatawa na sagot ni Gene.“S–Sino ka? Bakit parang may ka boses ka? You look familiar,” sabi
MARIANNEGrabe ang lakas ng t*bok ng puso ko ngayon. Ipinagdarasal ko na hindi niya ako makilala kanina. Dahil kapag nagkataon ay baka bigla na lang magbago ang lahat at masira ang trabaho ko. Ayaw ko naman na mangyari ‘yon. Hindi ko pababayaan ang mga kaibigan ko sa misyon na ito.“Sige, umalis na kayo. Kami na ang bahala dito,” sabi ni ninong.“Hayaan niyo na sa kanya,” sabi ni Sir Val.Binigay ko sa kanya si Romell. Pagkatapos ay mabilis akong hinila ni Gene paalis sa lugar. Sa may sasakyan na kami nagkitang apat. “Okay ka lang?” tanong nilang dalawa sa akin.“Akala ko talaga mahuhuli na ako,” sabi ko sa kanila dahil ‘yon talaga ang totoo.“Mabuti na lang talaga at nagsuot ka ng mask. Dahil kung hindi ay baka nakilala na niya ang baby niya,” natatawa na sabi ni Libby.“Ang baby niyang astig,” pang-aasar na rin ni Gene na naging dahilan para gawin na lang na joke ang nangyari.Tumawa na lang rin ako dahil balik na naman silang dalawa sa pagiging makulit nila. Kahit ako ay natutuwa n
MARIANNE“Walang mangyayari sa akin. Pero alam mo ba, may kakaiba kanina.” sabi niya sa akin.“Anong kakaiba?”“Para kasing kamukha mo ‘yung isang babae na tauhan ni Val,” sabi niya sa akin na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba.“T–Talaga?” pinipilit ko na ituwid ang salita ko pero hindi ko magawa talagang nautal ako.“Tell me, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” tanong niya sa akin.“Ano naman ang hindi ko sasabihin sa ‘yo? May dapat ba akong sabihin?” tanong ko rin sa kanya.Wala akong sasabihin sa kanya hanggang sa matapos na ang misyon ko. Alam ko ang mangyayari kapag nalaman niya ang tungkol sa akin. Pagbabawalan niya akong lumabas, mag-aaway kaming dalawa at baka maghiwalay pa kami.Mas pipiliin ko muna ngayon na itago ang lihim ko para matapos ko ang trabaho ko. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil alam na alam ko ang mangyayari.“Matulog na tayo,” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko“Okay,” sabi ko sa kanya.Kumuha muna ako ng damit ko dahil magbibihis muna ako bago a
MARIANNE“Anong ginagawa mo dito?” “Nandito ako para magtrabaho, at isa pa bahay ito ng kuya ko. May problema ka ba?” tanong ni Arthur kay Libby.Bigla na lang sumimangot si Libby. Ako naman ay nakatingin kay Sir Val pero nagkibit balikat lang siya. Na para bang wala siyang explanation sa ginagawa niya. Talagang pagsasamahin niya ang dalawang ito sa iisang bahay. Jusko baka biglang magkaroon ng riot. Pero ano nga ba ang gagawin ko eh kapatid ito ni mayor.“Libby, kapag may ginawang kalokohan ang kapatid ko ay sabihin mo lang sa akin.” sabi ni ninong sa kaibigan ko.“Sasabihin ko talaga, sa mukha nito. Ito ang mukha na hindi puwedeng pagkatiwalaan,” sabi niya kaya bigla na lang kaming tumawa ni Gene.“Sorry,” sabay rin naming sabi dahil nga nakatingin sila sa amin.“Excuse me, para sabihin ko sa ‘yo. Sa gwapo kung ito hindi ako mukhang kriminal,” sabi naman ng kapatid ni ninong.“Sa mga mata ko ay para kang kriminal,” sabi ni Libby kaya tumawa na naman kami.Paano ba naman kasi ngayon
MARIANNE “Sila ba ang tauhan ng kaibigan mo?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong malaman. “Oo, mga tauhan na niya ang magbabantay dito. Sure ako na wala ng mangyayari na ganito,” sagot niya sa akin kaya naman nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko mula sa kanya. “Mabuti naman kung ganun.” “Sorry kung hindi agad ako nagising kanina. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa mga anak ko,” sabi niya sa akin. “It's okay, mahal. Hindi naman natin alam na bigla na lang pala babalik ang babaeng ‘yon at kukunin niya ang mga bata. Walang may gusto sa nangyari,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na sisihin niya ang sarili niya. “Thank you, dahil nand'yan ka para sa mga bata,” sabi niya sa akin. “Anak natin sila kaya hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanila.” Nakangiti na sabi ko sa kanya. Sakto rin na nakarating na kami sa room ni Anica. Kasama niya ngayon si Alden. At nakaupo lang silang dalawa sa kama. “Mga anak, kumain na kayo.” Sabi ni ninong sa mga bata. “Th
MARIANNE “What happened?” nagmamadali na bumaba ng hagdan si ninong. Halatang kakagising lang niya. Siguro ay narinig niya kanina ang putok ng baril. “Muntik ng tangayin ng ex-wife mo ang mga anak mo,” sagot ko sa kanya. “What?!” “Itanong mo sa mga tauhan mo, hinayaan lang nila si Ayra,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko na maulit pa ito. “Okay lang ba kayo?” tanong niya sa dalawang bata na ngayon ay nakayakap sa kanya. “Takot na takot po kami, daddy. Alam mo po ba na may mga kasama siya tapos may mga guns sila,” sabi ni Alden na ngayon ay umiiyak na. “I’m sorry, hindi na ito mauulit pa,” sabi niya sa mga anak niya at kitang-kita sa mga mata niya na galit na siya. “Mabuti na lang po at pinigilan siya ni Mommy Yanne. Mabuti na lang po at hindi niya kami tinangay, daddy. Kasi po ayaw ko na sa kanya, baka po kasi patayin na niya ako sa susunod,” umiiyak na sabi ni Anica kaya naman tumulo na rin ang mga luha ko. Bigla ko kasing naalala ang sinabi niya kanina na alam niya ang totoong
MARIANNE“Bitiwan mo siya!” sigaw ko sa kanya na dahilan para tumigil siya at lumingon sa akin.“Huwag ka ngang mangialam dito!” galit na sigaw niya sa akin.“Huwag mo akong pilitin na–”“Na ano? Ang tapang mo rin na pigilan ako, eh babae ka lang naman ni Andrew. Sino ka ba? Asawa ka ba niya? Ikaw ba ang mommy ng mga anak k?” natatawa na tanong niya sa akin na halatang iniinsulto niya ako.“Bakit hindi niyo man lang siya pinigilan?” galit na tanong ko sa mga tauhan ni ninong.“Kasi po, nanay po siya ng mga bata. Ipapakulong daw niya kami kapag nangialam kami,” sagot ng isa sa kanila kaya na galit ako.“Ganun ba? Sino ba ang boss mo? Si Ayra ba?” “Sorry po–”“Huwag mo ng idamay ang mga bata dito. Bitiwan niyo na sila, habang kinakausap ko pa kayo ng maayos,” sabi ko sa kanila.Pero bigla na lang tumawa si Ayra na para bang tuwang-tuwa pa siya. Huminga ako ng malalim bago ako nagsimulang maglakad papunta sa mga tauhan niya. Akmang hahawakan ko si Alden ay nilayo nila ito sa akin kaya um
MARIANNE“Hindi kayo magiging masaya!” galit na sigaw ni Ayra sa amin.“Lalo ka naman,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Huwag kang masyadong kampante dahil bilog ang mundo,” sabi pa niya sa akin.“Talaga ba? Dapat sinasabi mo ‘yan sa sarili mo. Bilog ang mundo kaya ‘wag mong hintayin na gumulong. Kasi alam mo ngayon ay malaya ka pero baka bukas ay hindi na,” sabi ko sa kanya na dahilan para makita ko ang pagkabalisa niya.“May araw ka sa akin na babae ka–”“Hihintayin kita,” sabi ko sa kanya.Galit siyang naglakad palabas ng bahay. Ako naman ay walang pakialam sa kanya dahil ako mismo ang huhuli sa kanya kapag naayos na namin ang lahat. Gusto ko na malaman niya at makita niya na sa akin ang bagsak niya. Umayos ako dahil napansin ko na nakatingin sa akin si ninong.“Bakit?” tanong ko sa kanya.“Bakit ang tapang mo?” tanong niya sa akin.“Matapang ako?”“Ibang-iba ka sa Yanne na una kong nakilala. Noon kasi ang iyakin mo, nakikita ko na natatakot ka. Pero ngayon, parang ibang tao ka na,”
MARIANNE Nagising ako na wala na sa tabi ko si ninong. Bumangon na rin agad ako at lumabas sa room namin dahil ano oras na rin kasi. “Mahal, may kailangan ka ba kay Libby?” tanong ko sa kanya dahil nakita ko na nasa labas siya ng guest room kung saan si Libby. Akmang bubuksan niya sana ang pintuan kaya naman pinigilan ko siya. “Wala naman, mahal. Kasi parang bigla na lang bumukas ang pintuan,” sagot niya sa akin. “Ahh, baka nakalimutan lang niyang isara ng maayos. Wait lang,” sabi ko at sumilip ako. Nakahiga si Libby sa kama at nasa tabi niya ang alaga niyang ahas. Kaya naman mabilis kong sinara ang pintuan. “Tulog si Libby,” sabi ko kay ninong. “Akala ko siya ang nagbukas. Tara na sa baba,” sabi niya sa akin. Hawak niya ang kamay ko at bumaba na kaming dalawa. Ang mga bata naman ay nasa room pa rin nila. Pumasok kami sa may dining area. Naghain ako dahil sure ako na nagugutom siya. “Mahal, about pala sa lakad nating dalawa,” sabi niya sa akin. “Ano ang tungkol doon?” Tanong
THIRD PERSON POVDahil sa ayaw ni Andrew na bumitaw sa pagkakayakap niya kay Yanne ay napilitan na lang si Yanne na humiga na lang rin. Gusto pa raw kasi ng lalaki na matulog, paano ba naman kasi ang bilis nitong gumising. Niyakap na lang niya ang lalaking mahal niya at natulog na lang rin siya.Samantala sa kabilang silid naman ay busy ang mga bata na makipaglaro sa alagang ahas ni Libby. Masaya ang mga ito dahil mabait ang ahas at nakikipaglaro rin talaga ito.“Ate, bakit naman po Liberto ang pangalan niya?” tanong ni Alden kay Libby.“Liberto kasi gusto ko na magkahawig ang pangalan naming dalawa. Alam niyo ba na astig itong alaga ko. May screen name siya,” pabulong pa na sabi niya kahit naman walang nakakarinig sa kanila.“Ano naman po?” tanong ng mga ito na halatang interesado rin.“Gallong, pero secret lang ‘yun ha. Huwag niyong ipagsasabi lalo na kay mommy niyo. Lagot kasi ako, secret lang na may ahas ako dahil ayaw ko naman na matakot ang mga kasama natin sa bahay sa kanya.” “
THIRD PERSON POV “Nasaan si Galiling?” pasigaw na tanong ni Ayra sa iba niyang katulong. “Nasa room po siguro niya, Madam. Hindi pa naman po siya lumalabas simula kanina,” sagot ng mga ito. “Tawagin niyo, tawagin niyo!” sigaw niya sa mga ito. Mabilis naman na sumunod ang mga ito. Mabilis silang pumunta sa room ni Galiling at kumatok sila ng ilang beses pero walang sumasagot. “Madam, hindi po siya sumasagot.” “Buksan niyo, mga tanga!” galit na sigaw ni Ayra sa mga ito. Mabilis naman na binuksan ng mga ito ang silid ni Galiling at malinis ang buong silid. Wala na ang mga gamit nito. “Madam, malinis na po ang silid niya. Mukhang umalis na po siya,” sabi nila sa boss nila. Mabilis naman na pumasok sa loob si Ayra at nakita niya na wala na ang gamit ng babae. “Galiling…!” galit na sigaw niya. “Bwisit ka!” “Traydor!” “Nasaan ka?!” Hindi niya alam ang gagawin niya. After niyang ibigay ang hard drive ay bigla na lang mawawala ang babae. Hindi niya kayang tanggapin na nalinlang s
MARIANNEGabi na pero wala pa rin si ninong. Hindi ko alam kung ano oras ba siya uuwi. Nauna na nga kaming kumain ng mga bata. Gustuhin ko man na tumawag sa kanya ay hindi ko ginawa lalo na alam ko na busy siya. Nakatulog na ang mga bata at ako na lang gising dahil hinihintay ko si ninong.“Where are you na?” kausap ko sa sarili ko habang nakatayo ako dito sa balcony.Ang tagal niya talaga kaya naman pumasok na lang ako sa loob ng room namin at humiga na ako para matulog. Hahayaan ko na lang siya kung uuwi ba siya o hindi. Baka nga sobrang busy talaga niya ngayon.*****Kinabukasan ay walang tao sa tabi ko. Hindi man lang nagusot ang kama kaya naman isa lang ang ibig sabihin. Hindi siya umuwi. Saan naman kaya siya natulog? Napanguso na lang ako dahil hindi man lang siya nakaalala.Me: Mahal, hindi ka ba umuwi kagabi?Me: Mahal, saan ka natulog?Me: Good morning.Hindi man lang siya nagreply kaya napalabi na lang ako. Kahit kailan talaga ang gurang na ‘yon. Ang tamad magreply. Sa inis k