AUTHOR'S FRIENDLY REMINDER: THIS IS A MATURE CONTENT STORY/ Age gap story.. AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! ANG LAHAT NG NAKASULAT DITO AY KATHANG ISIP LAMANG KAYA WAG MASYADONG SERYOSOHIN! THANK YOU!
MARIANNE “Daddy!” Masaya kong sinalubong ng isang mahigpit na yakap ang daddy ko. “My baby!” “Daddy, I’m not a baby anymore. Twenty two years old na ako. Dalaga na ako at puwede na nga akong mag-asawa.” Pabiro na sabi ko sa kanya. “Hindi ka pa puwedeng mag-asawa, baby. Just enjoy life at ‘wag mo munang isipin ang tungkol sa pag-aasawa.” “Just kidding, dad. I miss you so much,” sabi ko sa kanya dahil sobra ko siyang nami-miss. After thirteen years ay makakauwi na rin ako sa Pilipinas. My dad is a Congressman at ayaw niya na nasa Pilipinas ako. Ayaw niyang madamay ako sa magulong mundo ng politika. Pero ngayon na malaki na ako ay sinabi ko sa kanya na gusto ko ng umuwi sa Pilipinas. Tapos na rin naman akong mag-aral kaya wala ng dahilan para mag-stay ako dito sa America. Nandito ang daddy ko dahil sinusundo na niya kami ni yaya. Bukas ang flight namin pabalik sa Pilipinas. Ang daddy ko na lang ang kasama ko sa buhay dahil wala na ang mommy ko. Ang alam ko ay may girlfriend ang daddy ko pero wala naman siyang pinapakilala sa akin. Bata pa ang daddy ko, maaga lang kasi siyang nag-asawa. Maaga niyang nabuntis ang mommy ko kaya nagsama na silang dalawa at ako ang naging bunga. Responsible ang mga parents ko kahit pa minor pa lang sila noon. Dahil kung hindi ay baka wala na ako sa mundong ito. Masasabi ko na spoiled ako ng daddy ko. Lahat ng gusto ko ay binibigay niya. “Baby, ready ka na bang umuwi sa Pilipinas?” tanong niya sa akin. “Ready na po, daddy.” sagot ko sa kanya. “Sorry, baby.” “Bakit ka po nagsosorry?” nagtataka na tanong ko sa kanya. “Sorry po, kasi hinayaan ko na lumaki ka dito.” sagot niya sa akin. “I understand, dad. You’re just protecting me at nagpapasalamat ako. Siguro may time na malungkot ako lalo na kapag nami-miss kita. Pero alam ko na kahit wala ka sa tabi ko ay mahal mo ako. Hinayaan mo akong mabuhay na ayon sa gusto ko. I’m thankful and grateful for that. I love you, dad.” malambing na sambit ko. “I love you, baby.” niyakap niya ako at hinalikan niya ako sa noo. Nasa biyahe kami ngayon papunta sa bahay na tinutuluyan ko. Nang nakarating na kami ay hinayaan ko na magpahinga ang daddy ko. Habang kami ni yaya ay inaayos ang mga gamit ko. “Yaya, kaya ko na po ito.” sabi ko sa kanya. “Tutulungan na kita,” nakangiti na sabi niya. “Yaya, thank you. Simula noong maliit ako hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin kita. Nasasaktan ako kasi kailangan mo ng umuwi sa pamilya mo. sorry kung hindi ka na nakapag-asawa ng dahil sa akin.” sabi ko sa kanya. “Bakit mo sinisisi ang sarili mo? Wala kang kasalanan. Choice ko na hindi mag-asawa,” nakangiti na sabi niya at hinaplos niya ang buhok ko. “Mahal na mahal po kita, yaya. Alam ko na late na pero makipag-date ka pa rin, magboyfriend ka.” “Loko kang bata ka. Menopause na ako, wala ng manliligaw sa akin,” natatawa na sabi niya sa akin. “Yaya, v*rgin ka pa ba?” nakangisi na tanong ko sa kanya. “Pasaway na bata,” namumula ang mukha na sagot sa akin ni yaya. “Uy si yaya, hindi na v*rgin. Ibig bang sabihin ay may naging jowa ka dati.” Pabiro na sabi ko sa kanya. “Uy, dalagang Filipina ako. Wala akong naging boyfriend.” Sagot niya sa akin. “Bakit hindi na lang kayo ni daddy? Diba crush mo siya?” Nakangiti na tanong ko kay yaya. “Tumigil ka nga, matanda na ako at mas matanda pa ako sa daddy mo.” “Pero yaya, forty three ka pa lang naman. Bata ka pa ‘yun nga lang pa-menopause ka na. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit mo sinasabi na menopause ka na kahit ang totoo hindi pa naman.” “Wala akong balak na lumandi, anak. Masaya na ako na kasama kita. Ang daddy mo mas bagay sa kanya ang katulad niya ang mas bata sa kanya at hindi ang gurang na katulad ko.” Bigla akong nalungkot sa narinig ko. Masayahin ang yaya ko. Mabait at higit sa lahat maalaga. Minsan hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko dahil alam ko na dahil sa akin kaya hindi na niya na enjoy ang buhay niya. Pero dahil alam ko na ayaw niyang nalulungkot ako ay mas pinili ko na lang na yakapin ng mahigpit ang yaya ko. Yakap ng isang anak sa kanyang ina. Hindi man siya ang nagluwal sa akin ay para sa akin siya ang mommy ko dahil sa dami ng naging sakripisyo niya para lang sa akin. “Umiiyak ka na naman. Mahal kita at alam mo na anak ang turing ko sa ‘yo. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari sa buhay ko. Pinili ko ito at masaya ako. Mahal kita, Yanne ko,” habang nagsasalita siya ay hinahaplos niya ang buhok ko. Hindi ko alam pero nagiging ma-drama kaming dalawa ngayon. Ito lang yata ang unang beses na nagdrama kami. Hindi naman kasi kami ganito. Nag-iyakan pa kaming dalawa tapos bigla na lang tatawa na parang mga baliw. ***** After ng drama kahapon ay finally ngayong araw na ang flight naming tatlo pauwi sa Pilipinas. Kinakabahan ako pero sobrang excited rin ako na makauwi ulit sa bahay namin. Matagal ang magiging biyahe namin kaya natulog na lang muna ako. Nang nakarating na kami sa Pilipinas ay tuwang-tuwa ako. Para akong bata dahil panay ang sabi ko kay daddy na malaki na ang pagkakaiba simula noong umalis ako. “Happy?” nakangiti na tanong sa akin ni daddy. “Super happy, dad.” Sagot ko sa kanya. Pauwi na kami ngayon sa probinsya namin at nakasakay kami sa kotse ni daddy. Habang nasa daan ay nagkukwentuhan kami. Ang sabi ni daddy ay malapit na kami sa bahay hanggang sa may bigla na lang humarang na sasakyan sa harapan namin. “Daddy, what's going on?” Natatakot na tanong ko sa kanya. “Huwag kang matakot nandito lang ako.” sagot niya sa akin at niyakap niya ako. Napasigaw ako dahil sa putok ng baril na tumatama sa kotse. Pero ang daddy ko nakayakap lang sa akin. Takot na takot ako hanggang sa bigla na lang dumilim ang buong paligid at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.MAYOR ANDREW ALCANTARIA(CONTINUATION OF FLASHBACK)Hindi naging madali ang pinagdaanan namin dalawa pero masaya ako na ipapakilala ko na siya sa pamilya ko. Wala naman akong pakialam sa magiging opinyon ng ibang tao. Ang tanging mahalaga sa akin ay si Yanne. Ang mahalin niya ay sapat na sa akin.Nagpaalam ako sa kanya na aalis muna ako dahil kailangan kong samahan si daddy. May kailangan lang kasi kaming puntahan at iyon ang ibang kamag-anak namin. Ayaw ko sana pero sabi ni daddy ay maganda na ako ang mismong mag-imbita sa kanila.“Masaya ako na makita na masaya ka, son.” sabi sa akin ni daddy.“Thank you, dad.”“In love na in love ka talaga kay Yanne,” natatawa na sabi niya.“Opo, sobra po, daddy. Kahit pa nakakatakot siya ay mahal ko siya. Parang ikaw, mahal na mahal mo si mommy,” nakangisi na sabi ko sa kanya.“Naman, dapat talaga mahal na mahal mo ang asawa mo at may takot ka sa kanya. Lagi mong tandaan na masaya ang buhay kapag laging tama ang asawa mo. Lagi mong tandaan ang mga
MAYOR ANDREW ALCANTARIA(CONTINUATION OF FLASHBACK)Tinatanong ako ni Yanne kung ano ba ang naging dahilan kaya kami naghiwalay ni Ayra. Hindi ko sinabi sa kanya dahil ayaw ko na malaman niya. Na malaman niya na umalis si Ayra at mas pinili nito ang pamilya niya at ang mga illegal nitong gawain.Ayaw ko na masangkot sa kung ano ang mayroon sila dahil wala silang aasahan na tulong mula sa akin. Kaya mas pinili ko na maghiwalay na lang kaming dalawa at isa pa, nawala na ‘yung tiwala, nawala na rin ang pagmamahal kaya mahirap na para sa aming dalawa ang magsama.Alam ko na nahihirapan ang mga anak namin pero kinaya namin na wala siya. At ngayon ay bumalik siya, sasabihin niya sa akin na magkabalikan na kaming dalawa na para bang ang dali lang. Wala na, wala na talaga dahil pagmamay-ari na ni Yanne ang puso ko.Gusto niyang makasama ang mga bata kaya naman hinayaan ko siya. At ito rin ang pagkakataon ko para ma solo ko si Yanne. At nangyari nga, na solo ko siya at ito ang isa sa pinakamasa
MAYOR ANDREW ALCANTARIA(Continuation of Flashback)Masaya ako dahil ang hinhin pala nitong babaeng mahal ko. Pero hindi ko lang talaga nagustuhan na hindi maganda ang unang pakikitungo sa kanya ni Anica dahil inaakala niya na babae ko si Yanne. Sana nga ay totoo na lang na babae ko na siya para mayakap ko na siya at higit sa lahat at mahalikan ko na siya.Sa totoo lang ay grabe ang pagpipigil ko tuwing nakikita ko ang mapula niyang labi. Alam ko na natural ang kulay ng labi niya dahil wala naman siyang nilalagay sa mukha niya. Bare face pero ang ganda. Parang ang sarap halikan ng labi niya. Parang ang sarap panggigilan ng labi niya.Kung hindi ko lang talaga gusto na matakot siya sa akin ay hihilain ko siya palapit sa akin para halikan ang labi niya. Pero kailangan ko magtimpi dahil alam ko na may tamang oras sa nais ko.“Fvck! Nalinlang ako!” wala sa sarili na bulalas ko dahil habang tumatagal ay nagbabago ang ugali ng babaeng mahal ko.Bakit ang hinhin naman niya noong nakilala ko s
MAYOR ANDREW ALCANTARIA (Continuation of Flashback) Nagmamadali akong pumunta sa hospital ng matanggap ko ang balita tungkol sa kaibigan ko at kay Yanne. Pagdating ko ay wala ng buhay ang kaibigan ko. Isa ba siyang malamig na bangkay at marami ang tama ng baril sa katawan. Talagang sinigurado nila na mamatay na siya. “Bro, bakit naman? Bakit? Ang daya mo naman eh, ang daya mo.” tanong ko sa walang buhay niyang katawan. “Si Miss Yanne po ay nasa kabilang room, mayor.” sabi sa akin ng tauhan ko. “Sige, pupuntahan ko siya.” sabi ko at lumabas na ito. “Don’t worry, bro. Aalagaan ko at poprotektahan ko ang anak mo, pangako ko ‘yan sa ‘yo,” sabi ko at pinunasan ko ang luha ko dahil nasasaktan ako sa bigla niyang pagpanaw. Sobrang malapit talaga kami sa isa’t isa at talagang kapatid na ang turingan naming dalawa kaya nakakalungkot lang talaga. Pero hindi ako puwedeng maging mahina dahil may naiwan pa. At sobrang nagpapasalamat ako na ligtas siya. Na hindi siya kasamang namatay ng daddy
MAYOR ANDREW ALCANTARIANandito kami ngayon sa sementeryo dahil pinuntahan namin ang daddy niya. Ang daddy ni Yanne na kaibigan ko. Wala na siya pero gusto ko pa rin na magbigay ng respeto sa kanya. Gusto ko na magpaalam na papakasalan ko ang nag-iisang anak niya na inaanak ko.Alam ko na mali sa paningin o mata ng mga tao ang relasyon naming dalawa. Dahil nga inaanak ko siya at ninong niya ako. Pero mahal ko siya, mahal na mahal ko si Yanne at gagawin ko ang lahat para sa aming dalawa. Lalo na ngayon na buntis siya, walang paglagyan ang saya sa puso ko. Sobrang saya ko dahil magkakaroon na ulit ako ng anak at this time ay sa babaeng mahal na mahal ko.Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil tinanggap niya ako. Sa kabila ng agwat ng edad naming dalawa ay ang pagiging single dad ko at kasama na doon ang dalawa kong anak. Ang swerte ko dahil minahal niya ako. Medyo matagal na akong may paghanga sa kanya na itinago ko lang dahil alam ko na nasa US siya pero nang sabihin ng daddy niya sa
MARIANNENagising ako sa halik ni Andrew. Ang sabi niya ay nandito na daw kaming dalawa sa pupuntahan namin. Ang sabi ko kanina sa sarili ko ay iidlip lang ako pero nakatulog pala ako. Medyo inaantok pa rin ako ngayon pero kailangan ko ng bumaba sa kotse niya. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse niya.“Bakit tayo nandito?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko inaasahan na dito niya ako dadalhin.“May kailangan lang tayong kausapin,” nakangiti na sagot niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat.“Mahal, kaya ko naman maglakad,” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko naman na mahirapan siya.“Hayaan mo na ako,” sabi niya sa akin.“Gusto mo lang yata magpa-impress sa kanya eh,” pabiro na sabi ko sa kanya.“Opo, para pumayag,” natatawa na sabi niya kaya napangiti ako.“Wala naman siyang magagawa eh buntis na ako,” natatawa na sabi ko sa kanya.“‘Yan talaga ang plano ko mula pa noon,” sabi niya sa akin.“Talaga?”“Oo,” mabilis na sagot niya.Ako naman tumawa dahil natutuwa talaga ako sa kanya.