Share

KABANATA 2

last update Huling Na-update: 2025-01-10 00:48:44

MARIANNE

Nagising ako na hindi ko halos maigalaw ang katawan ko. Hindi ko rin alam kung nasaan ba ako. Nahihilo ako kaya muli akong pumikit at sa muling pagmulat ng aking mga mata ay isang gwapong mukha ang bumungad sa akin.

“Yanne,” sambit niya sa pangalan ko kaya mabilis na kumunot ang noo ko.

“Who are you and where's my dad?” Tanong ko sa kanya habang pilit na ginagalaw ang katawan ko at nagtagumpay naman ako. 

“I’m your Ninong Andrew,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko.

Ang buong akala ko kasi ay matanda na ang ninong ko. Hindi ko man lang alam na ganito pala siya kabata. Oh my g! Tao ba siya o bampira? Bakit ang gwapo niya? Ang bata pa niya? Hindi ko tuloy alam kung same age lang ba sila ng daddy ko. 

“Hindi ka ba na naniniwala sa akin?” Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Pero bigla kong naalala ang daddy ko.

“Nasaan po ang daddy ko?” Tanong ko sa kanya habang nagsisimula ng kumalabog ang dibdib ko dahil naalala ko ang huling nangyari sa amin. 

“Ang daddy mo ay….”

“Ay….”

“N–Ninong, tell me. Nasaan po ang daddy ko?” parang naiiyak na tanong ko sa kanya.

“Wala na ang daddy mo,” sagot niya sa akin na nagpatigil sa mundo ko. Para akong nabingi sa narinig ko mula sa kanya.

“W–What? No! No! It’s not true, buhay pa ang daddy ko. Hindi niya ako iiwan, mahal na mahal niya ako kaya hindi niya ako iiwan.” sigaw ko dahil hindi ako naniniwala sa kanya.

“I’m sorry, I’m sorry pero wala na siya,” sagot niya sa akin kaya naman bumuhos na ang luha ko.

“No, no! Hindi niya ako kayang iwan. Ang sabi niya gagawa kami ng maraming memories, ang sabi niya sa akin ay babawi na siya sa akin. Gusto ko po siyang makita, hayaan mo po akong makita ang daddy ko. Please, please po, ninong.” sabi ko sa kanya.

“Okay, dadalhin kita sa kanya.” sagot niya sa akin at binuhat niya ako para makaupo ako sa wheelchair. 

Lumabas na kami sa room na kung nasaan ako kanina. Tinutulak niya ang wheelchair ko habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Gusto kong makita ang daddy ko. Gusto ko dahil hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi totoo na wala na ang daddy ko.

Hindi niya ako iiwan ng ganun lang. Mahal na mahal niya ako at pupunan pa namin ang mga taon na hindi kami magkasama. At kapag wala na siya ay paano na ako? Paano na ako? Ayaw kong mag-isa, hindi ko kayang mabuhay na wala na ang taong mahalaga sa buhay ko.

Napahagulhol ako dahil papasok na kami ngayon sa morgue.

“Ninong, wala dito ang daddy ko diba? Wala siya sa loob? Diba? Hindi totoo ang lahat ng ito diba? Please, maling daan po ito diba? Wala siya dito,” umiiyak na tanong ko sa kanya dahil ayaw ko sa daan na tinatahak naming dalawa.

“I’m sorry, Yanne pero nandito ang daddy mo.” sabi niya kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil parang hindi ako makahinga.

Hanggang sa nakita ko ang daddy ko na nakahiga at wala ng buhay. Mabilis akong tumayo at lumapit ako sa kanya. Niyakap ko ang malamig niyang katawan. 

“Daddy!”

“Daddy! Wake up, please. Please, please. Don’t leave me. Hindi ko po kaya na mag-isa. Please, bumangon ka na.” umiiyak na sambit ko habang nakayakap sa kanya.

Wala akong pakialam sa mga tao na narito dahil ang daddy ko lang ang mahalaga sa akin. Hindi ko gusto ang nakikita ko. I don’t like this. Hindi ko gustong nakahiga ang daddy ko dito. 

“You made a promise. You said that babawi ka, babawi ka sa akin. Sinabi mo ‘yon kaya nga ako umuwi na dito eh. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na dapat ako umuwi pa. Sana nanatili na lang ako sa kung saan ako. I’m sorry, daddy. I’m sorry,” kausap ko sa kanya habang bumubuhos ang masagana kong luha.

“Yanne, let’s go.” sabi sa akin ni ninong.

“Dito lang po, sasamahan ko ang daddy ko. Alam ko na nilalamig siya, kailangan niya ako. Kailangan po niya ng kasama,” sagot ko kay ninong.

“We need to go, aasikasuhin na nila ang daddy mo. Para maiuwi natin siya sa bahay niyo,” sabi niya sa akin.

“Ayaw ko po siyang iwan–”

“Kailangan na nating umalis,” sabi niya sa akin at binuhat na niya ako.

Hindi na niya ako pinasakay pa sa wheelchair dahil siya na mismo ang nagbuhat sa akin. Dahil sa ginawa niya ay napasubsob ako sa dibdib niya at dito ako umiyak ng umiyak. Wala na akong pakialam pa sa ibang tao dahil ang sakit ng puso ko. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Nakarating kami sa room kung saan ako kanina.

Maingat niya akong ibinaba sa kama. Nang akmang aalis siya sa tabi ko ay hinawakan ko ang kamay niya.

“Dito ka lang po, please.” sabi ko sa kanya.

“Okay, I’ll stay here. Hindi ako aalis,” sabi niya sa akin.

“Ninong, ano na po ang mangyayari sa akin ngayon? Mag-isa na po ako,” tanong ko sa kanya.

“You’re not alone dahil kasama mo ako.”

“Baka po may mangyari rin sa ‘yo. Dahil sa tingin ko ay ako talaga ang malas. Ako rin ang dahilan kaya nawala ang mommy ko at ngayon ang daddy ko naman–”

“Don’t say that, I’ll protect you. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa ‘yo, Yanne. Alam ko na masakit at malungkot na wala na ang daddy mo. Pero nandito ako, ako na ngayon ang kasama mo.” sabi niya sa akin at niyakap niya ako.

Niyakap ko rin siya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ulit ako at this time ay pinayagan na kami ng doktor na umuwi na kami. At tulad nang sabi ng ninong ko ay hindi siya umalis sa tabi ko.

Kasama ko siya ngayon at nasa loob kami ng sasakyan niya. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Sa tingin ko ay naubos na ang mga luha ko sa kakaiyak. Dahil wala ng pumapatak sa mga mata ko. Sa tingin ko rin ay namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak ko kanina.

Nang makarating na kami sa bahay namin ay nawala na ang excitement na nararamdaman ko noong tumungtong ako sa airport. Hindi rin pala maganda na sobrang excited ako sa pag-uwi ko dito sa bahay. Dahil ngayon ay wala ng kulay ang bahay namin. 

“Kumain ka muna,” sabi sa akin ni Ninong Andrew.

“Busog pa po ako,” sagot ko sa kanya.

“Pero hindi ka pa kumakain. Kailangan mong kumain kahit kaunti lang,” sabi niya sa akin.

“Wala po akong appetite, ninong. Hindi ko po kayang kumain ngayon,” sabi ko sa kanya.

“Okay, kung talagang wala ka pang ganang kumain ay magpahinga ka na lang muna sa room mo. Aalis muna ako, dahil may mga kailangan akong asikasuhin. Pupunta dito mamaya ang lawyer ng daddy mo.” sabi niya sa akin.

“Okay po,” sagot ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa silid ko. Ang ganda, paboritong kulay ko pa talaga ang nandito sa room ko. Halatang pinaghandaan ng daddy ko ang pag-uwi ko. Kaya naman ang sakit lang, ang sakit na hindi na niya nakita ang reaksyon ko. Napatingin ako sa larawan na nasa pader. Ang larawan naming dalawa noong graduation ko.

Ang saya naming dalawa sa larawan na ito. Pareho kaming nakangiti, pero ngayon ay mag-isa na lang ako. Lumabas ako sa may balcony ko dahil kailangan kong huminga. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng room ko para sa akin. Habang nakatayo ako dito sa balcony ay nakabalik na ngayon ang ninong ko at may kasama siyang tao na sa tingin ko ay ang abogado na sinasabi niya.

Naglakad ako para puntahan silang dalawa sa baba. Nagtagpo ang mga mata namin ni ninong habang pababa ako sa hagdan pero ako ang unang umiwas sa kanya. Pinakilala niya sa akin ang lawyer ni daddy.

“Nakalagay sa last will and testament ng daddy mo na ang mag-aalaga sa ‘yo kapag nawala ka ay ang Ninong Andrew mo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

“Po? Pero legal age na po ako.” sabi ko sa kanya dahil ayaw kong maging pabigat sa kahit na sino.

“Hindi safe para sa ‘yo na mag-isa ka.” biglang sabi sa akin ni ninong.

“Papat*yin rin ba nila ako?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon.” sabi niya sa akin at kitang-kita ko na bigla na lang siyang naging seryoso.

*******

Dumating na ang labi ng daddy ko dito sa bahay namin. At nagtagal lang ng limang araw ang burol niya. Wala namang pumunta na kamag-anak kaya wala ng dahilan para magtagal pa ang burol dahil kahit masakit ay ayaw ko ng nakikita ang daddy ko dahil feeling ko anytime ay gugustuhin ko ng sumama sa kanya. Hinayaan ako ni ninong Andrew na dumito na muna sa bahay namin. May mga kasama ako dito hanggang sa bigla na lang may mga dumating dito sa bahay namin.

“Ninong, nandito po sila.” sabi ko sa ninong ko dahil tinawagan ko siya.

“Magtago ka at ‘wag na ‘wag kang lalabas. Papunta na ako,” sabi niya sa akin.

“Hihintayin kita,” sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Lie Zl
Ang Ganda Ng kwento po
goodnovel comment avatar
Gemma Gacud Gonzaga
sbi na nga ba e hehe.. hello po author bnbsa ko pden po ung kay ninong governor at ung kay vin at reighn sa visencios secret hehe gnda ng kwento mo author
goodnovel comment avatar
Mary Ann Catamora Villanueva
Nkakainlobe n tuloy mgkrun ng ninong hahaha
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C37

    LIBBY“May pasalubong ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko pero kaagad rin akong ngumiti lalo na may mga tao na nandito ngayon.“Talaga, mister ko? Ano naman ito?” tanong ko sa kanya pero hinila niya ako papunta sa likurang parte ng pick-up niya at nagulat ako sa bumungad sa akin.“Bakit may—”“Sabi mo kagabi, gusto mo ng aso, kaya bumili ako para sa ‘yo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.“Pero pinag-iisipan ko pa lang naman at wala pa naman akong balak na–”“Hayaan mo na po, misis ko. Gusto ko na ibigay ang lahat ng gusto mo. Hindi lang aso ang binili ko kundi pati na ang parrot,” sabi niya sa akin.“Hindi mo naman kailangan na–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi para patigilin na ako sa pagsasalita. Alam na alam niya talaga kung paano ako patahimikin.“Mister ko, hindi mo kailangan na gumastos ng malaki. Alam ko na mahal ang bullmastiff at baka maubos na ang savings mo,” pagkukunwari na sabi ko pero syempre sa loob loob ko ay

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C36

    LIBBY“Bakit? Mahal mo ba ako?” lakas loob na tanong ko sa kanya at nakatingin ako sa mga mata niya.“Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo kung ikaw nga mismo hindi mo ako mahal,” sagot niya sa akin.“Tama ka naman,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako. Wala na akong tanong kaya tumalikod na lang ako.Hindi ko alam kung bakit ba feeling ko disappointed ako. Eh ano naman kasi ang inaasahan ko na isasagot niya sa akin? Na mahal niya ako? Tapos siya hindi ko naman mahal, may point rin talaga ang sagot niya sa akin.Kahit naman siguro ako ay same kami ng isasagot na dalawa. Pumikit na ako para matulog na pero naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin. Ang init ng yakap niya na para bang hinihili niya ako kaya bumibigat naman ang talukap ng mga mata ko.“Good night, misis ko.” narinig ko na bulong niya bago pa dumilim ang lahat.Nagising ako na ako na lang ang nandito sa kama namin. Tama na nga siya, safe ako sa kanya dahil wala siyang ginawa na kahit ano sa akin. Wala na rin dito ang mg

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C35

    LIBBY“Inaakit mo ba ako, misis ko?” nakangisi na tanong sa akin ni Arthur.“What are you–Ano naman kung oo?” tanong ko sa kanya at nilakasan ko ang loob ko.“You win,” sabi niya sa akin at mabilis niya akong hinila papunta sa kanya kaya natumba kaming dalawa dito sa kama. Nasa ibabaw niya ako ngayon at nasa baywang ko ang kamay niya.“Ang sexy mo, misis ko,” pabulong na sabi niya sa akin pero nakatingin ng diretso sa mga mata ko.“Matagal na,” medyo mataray na sabi ko para naman alam niya na hindi ako takot sa kanya.“Ikaw lang talaga ang sexy na mangkukulam na nakilala ko,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Oo kasi ‘yong isang kilala mo–”“May iba pa ba ako? Parang wala naman,” nakangiti na sabi niya at hindi niya ako hinayaan na ipagpatuloy ko pa ang sasabihin ko.“Arthur,” sambit ko sa tunay niyang pangalan.“Bakit mo ba iniisip na may ibang babae? Ikaw lang naman eh, ikaw lang at wala ng iba pa, Libby.” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.“What do you mean by that?

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C34

    LIBBY“Kuya, tayong tatlo lang naman ang nandito pero bakit naman misis–”“Dahil siya naman talaga ang misis ko,” nakangiti pa na sabi ni Arthur sa babae.“What? Paano mo–”“Kumain ka na lang d’yan. Masarap ang luto ng ate mo, hindi ko alam na may talent pala ang asawa ko, mukhang tataba ako kapag siya ang laging magluluto,” sabi niya at nakangiti pa talaga siya.“Mag-aaral rin akong magluto, kuya.”“Maganda ‘yan para kapag nag-asawa ka na ay magluto ka para sa asawa mo,” sabi naman ng lalaking ito.Eh siya nga itong tinutukoy ng isang ito.“Opo, kuya. Para sa susunod ay luto ko na ang pupurihin niya. At kapag natapos ko na ang trabaho ko ay sasabihin ko na sa kanya na gusto ko siya para hindi na makuha ng iba,” sabi pa niya.Siguro nga ay ang iniisip niya na mag-asawa lang kaming dalawa sa misyon na ito. Kaya hindi na nagkukulit na magtanong dahil sa sinabi ni Arthur na asawa niya ako. Pero hindi naman ito magtatagal kaya siguro baka matuto na siyang magluto kapag naghiwalay na kamin

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C33

    LIBBY“What are you doing?” tanong ko sa kanya.“A–Ate,” nauutal na sambit niya.“Akala ko ba marunong kang magluto. Mukhang hindi naman,” sabi ko sa kanya dahil kung ano-ano ang ginawa sa mga rekados niya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o hindi. Paano ba naman kasi? Mukhang rich girl ang mana na ito.“Akala ko po kasi ay madali lang. Sa video kasi ay ang dali lang,” sabi pa niya sa akin kaya ako naman itong hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. Nagmamagaling lang naman pala siya. Hindi pala talaga totoo na marunong siya.“Ibigay mo na lang sa kanya ang tubig sa labas. Ako na ang magluluto ng dinner natin para naman makain pa natin,” sabi ko kay Cherriepie dahil naawa ako sa isda na nilagay na niya sa loob ng kaldero eh hindi pa naman niya ito nilinisan.Baka magkasakit ako ng dahil sa kanya. Mas mabuti pa na ako na lang. Bida-bida na babae. Akala ko naman ay, kawawa naman pala ang mukhang paa na ‘yon kapag ito ang naging asawa niya. Maliban sa magugutom siya ay kung ka

  • NINONG MAYOR (SPG/R-18+)   SEXY MANGKUKULAM C32

    LIBBY“Lib,” tinawag na niya ako sa pangalan ko.“Okay lang, walang problema, hindi mo kailangan na magpaliwanag sa akin. Sabi ko nga sa ‘yo diba, hahayaan kita na gawin mo ang mga gusto mo. Sa papel lang naman tayo mag-asawa,” mahinahon na sabi ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong niyakap.“Bakit mo ba ako niyayakap?” tanong ko sa kanya pero kalmado lang ako. Ayaw ko rin kasing sumigaw o sigawan siya.“Don’t be like this. Huwag kang ganito ka kalmado,” sabi niya sa akin.“Ha? Why?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Dahil mas gusto ko pa na galit ka sa akin lagi. Walang ibang kahulugan ang nakita mo, natumba lang kaming dalawa,” paliwanag niya sa akin.“Bakit ka ba nagpapaliwanag? Wala namang dahilan para magpaliwanag ka, hindi naman kailangan eh,” sabi ko sa kanya.“Asawa mo ako kaya dapat lang na magpaliwanag ako,” sabi niya sa akin.“Ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na–”Hinalikan na naman niya ako sa labi. At nagulat pa ako dahil binuhat niya ako. At na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status