MARIANNE
Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nagtatago dito sa loob ng cabinet. Mas pinili ko na dito sa loob ng kusina namin dahil alam ko na hindi sila pupunta dito at kung sakali man na pupunta sila ay hindi nila maiisip na buksan ang mga cabinet dito. Hindi ako lumikha ng kahit na anong ingay dahil ayaw ko pang mamatay. Kung kahapon ay gusto ko na lang mawala na sa mundong ito para makasama ko ang parents ko ay iba na ngayon. Gusto ko ng pagbayaran ng pumatay sa daddy ko ang kasalanan niya.
Gusto kong malaman kung sino ang mga sangkot. Dahil hindi ko hahayaan na gumala ang mga kriminal na ‘yon. Tagaktak na ang pawis ko dito dahil kanina pa ako nagtatago dito. Hanggang sa nagulat ako dahil bigla na lang bumukas ang cabinet.
“Yanne!” nag-aalala na mukha ng ninong ko ang bumungad sa akin.
Ang takot na naramdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho. Yumuko siya at pumantay sa akin.
“Are you okay?” tanong niya sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa mga mata niya.
“Huwag kang matakot. Nandito lang ako,” sabi niya sa akin.
“Wala na po ba sila? Ano po ang nangyari sa mga kasama ko sa bahay?” tanong ko sa kanya.
“Safe silang lahat at oo wala na sila dito,” sagot niya sa akin.
Nakahinga na ako ng maluwag sa narinig ko mula sa kanya. Inalalayan niya akong makalabas dito sa cabinet. Basang-basa ng pawis ang damit ko kaya naman nakikita na ang kulay ng bra ko dahil sa puti ang suot kong damit. Nakita ko na umiwas ng tingin ang ninong ko. Kaya nakaramdam naman ako ng hiya.
“Sorry po, mainit po kasi sa loob.” nakayuko na sabi ko sa kanya.
“Sorry, natagalan kami dahil sa–nevermind,” sabi niya sa akin.
Nagulat na lang ako dahil pinatong niya ang coat niya sa balikat ko.
“Ayusin mo na ang mga gamit mo. Sasama ka na sa akin,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako.
“Po?”
“Sa bahay ka na titira, hindi na safe dito. Doon ka na sa akin tumira tulad ng nais ng daddy mo,” sagot niya sa akin.
“Okay lang po ba talaga na doon na ako sa ‘yo titira? Wala po bang magagalit?” tanong ko sa ninong ko.
“Of course, at sino naman ang magagalit?” nakangiti na sagot niya sa akin kaya mas lalo siyang naging gwapo.
“Sige po, aayusin ko lang po ang mga gamit ko.” Sabi ko sa kanya at mabilis akong umakyat sa taas.
Mabilis ang kilos ko dahil iniisip ko na baka bigla na lang silang bumalik dito. Ayaw kong madamay pa ang mga tao na narito sa bahay na ito. Kaya pinag-iisipan ko ang dapat kong gawin. Iniisip ko na ipaayos kay attorney ang mga dapat ay nasa kanila. Nagbihis na rin ako ng damit ko. Lumabas ako sa room ko bitbit ang maleta ko.
Habang pababa ako ay sinalubong ako ng ninong ko. Siya na mismo ang nagbuhat ng maleta ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako sa kanya. Hindi ko kayang titigin siya sa mga mata niya. Hindi ko kasi maintindihan itong puso ko bigla na lang akong kinakabahan kapag nakatingin ako sa kanya. Mukha siyang strict pero kapag kausap niya ako ay mahinahon lang siya.
“Tara na,” sabi sa akin ni ninong.
Pinapasakay na niya ako sa kotse niya. Lumingon muna ako at muli kong sinulyapan ang bahay namin. Bigla na lang akong nalungkot dahil hindi man lang ako nakapag-stay ng matagal dito.
“Daddy, babalik po ako dito.” saad ko sa sarili ko bago ako sumakay sa kotse ng ninong ko.
Magkatabi kaming dalawa dito sa backseat. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Ang dami ko kasing gustong gawin, mga plano na ginawa ko bago kami umuwi ng daddy ko. Pero ngayon ay naging drawing na lang ang lahat ng nais kong gawin.
“Yanne, may gusto ka bang kainin?” tanong sa akin ni Ninong Andrew.
“Wala po,” sagot ko sa kanya.
“Okay ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo? Gusto mo bang pumunta tayo sa ospital?” tanong niya sa akin.
“Wala po at okay lang po ako. I’m good po,” sagot ko sa kanya.
“Okay, but if you need anything don’t hesitate to–”
“Opo, salamat po.” sabi ko sa kanya.
Ngumiti na lang siya sa akin kaya naman muli kung itinuon ang atensyon ko sa labas ng bintana. Ngayon na papunta kami ni ninong sa bahay niya ay kanina pa ako kinakabahan. Nilalamig ang paa at mga kamay ko. Natatakot ako na baka anytime ay bigla na lang may humarang sa amin tulad ng ginawa nila sa amin ng daddy ko.
Pero nagulat ako dahil may biglang humawak sa kamay ko.
“You’re shaking,” sabi sa akin ni ninong.
“Paano po kung harangin rin nila tay–”
“Huwag kang mag-isip masyado. Everything is fine, hindi ka nila basta-basta magagalaw sa poder ko,” sabi niya sa akin.
“Sino po ba ang nasa likod nito? Sino po ang mastermind nito, bakit po nila ginagawa ang bagay na ito?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
“Magulo ang mundo ng politika,” sagot niya sa akin.
“Magulo? Pero bakit niyo pinapasok ang mundong ‘to?” tanong ko sa kanya dahil nais kong malaman ang sagot.
“Dahil mas mahalaga sa akin ang nasasakupan ko. Gusto kong gumawa ng pagbabago. Mga pagbabago na makakatulong sa lahat,” sagot niya sa akin.
“Sa tingin mo po ba ay iyan rin ang reason ng daddy ko? Pero kahit na naging mabuti siya ay hindi naman naging mabuti ang lahat sa kanya. Pinatay nila ang daddy ko, pinagkait nila sa akin ang pagkakataon na makasama ko siya. Anong klaseng mga tao sila?” umiiyak na sambit ko.
“Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng justice ang pagkamatay ng daddy mo,” sabi niya sa akin.
“Ako po ang dapat na gumagawa ng bagay na ‘yan,” sabi ko sa kanya.
“Magkasama nating gawin,” sabi niya sa akin sabay pisil sa palad ko.
Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil para akong makuryente sa ginawa niya. Nang tumingin ako sa driver ni ninong ay napansin ko na nakatingin siya sa amin habang may ngiti sa labi. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay kaagad itong umayos ng upo.
After thirty minutes ay nakarating na kami sa bahay ni ninong. Malaki ang bahay niya, kasing laki rin ng bahay namin. Inalalayan niya akong bumaba sa kotse niya. Hawak niya ang kamay ko habang papasok kami sa loob ng bahay. Habang naglalakad kami ay nakatingin ako sa kamay naming dalawa.
“I’m home!” narinig ko na sabi ni ninong kaya naman may bigla na lang lumapit sa amin.
Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil nakatingin ito sa kamay namin.
“Who is she?” tanong nito kay ninong habang nakakunot ang noo niya.
“She is your new—”
“Siya ba ang—”
LIBBY“May pasalubong ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko pero kaagad rin akong ngumiti lalo na may mga tao na nandito ngayon.“Talaga, mister ko? Ano naman ito?” tanong ko sa kanya pero hinila niya ako papunta sa likurang parte ng pick-up niya at nagulat ako sa bumungad sa akin.“Bakit may—”“Sabi mo kagabi, gusto mo ng aso, kaya bumili ako para sa ‘yo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.“Pero pinag-iisipan ko pa lang naman at wala pa naman akong balak na–”“Hayaan mo na po, misis ko. Gusto ko na ibigay ang lahat ng gusto mo. Hindi lang aso ang binili ko kundi pati na ang parrot,” sabi niya sa akin.“Hindi mo naman kailangan na–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi para patigilin na ako sa pagsasalita. Alam na alam niya talaga kung paano ako patahimikin.“Mister ko, hindi mo kailangan na gumastos ng malaki. Alam ko na mahal ang bullmastiff at baka maubos na ang savings mo,” pagkukunwari na sabi ko pero syempre sa loob loob ko ay
LIBBY“Bakit? Mahal mo ba ako?” lakas loob na tanong ko sa kanya at nakatingin ako sa mga mata niya.“Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo kung ikaw nga mismo hindi mo ako mahal,” sagot niya sa akin.“Tama ka naman,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako. Wala na akong tanong kaya tumalikod na lang ako.Hindi ko alam kung bakit ba feeling ko disappointed ako. Eh ano naman kasi ang inaasahan ko na isasagot niya sa akin? Na mahal niya ako? Tapos siya hindi ko naman mahal, may point rin talaga ang sagot niya sa akin.Kahit naman siguro ako ay same kami ng isasagot na dalawa. Pumikit na ako para matulog na pero naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin. Ang init ng yakap niya na para bang hinihili niya ako kaya bumibigat naman ang talukap ng mga mata ko.“Good night, misis ko.” narinig ko na bulong niya bago pa dumilim ang lahat.Nagising ako na ako na lang ang nandito sa kama namin. Tama na nga siya, safe ako sa kanya dahil wala siyang ginawa na kahit ano sa akin. Wala na rin dito ang mg
LIBBY“Inaakit mo ba ako, misis ko?” nakangisi na tanong sa akin ni Arthur.“What are you–Ano naman kung oo?” tanong ko sa kanya at nilakasan ko ang loob ko.“You win,” sabi niya sa akin at mabilis niya akong hinila papunta sa kanya kaya natumba kaming dalawa dito sa kama. Nasa ibabaw niya ako ngayon at nasa baywang ko ang kamay niya.“Ang sexy mo, misis ko,” pabulong na sabi niya sa akin pero nakatingin ng diretso sa mga mata ko.“Matagal na,” medyo mataray na sabi ko para naman alam niya na hindi ako takot sa kanya.“Ikaw lang talaga ang sexy na mangkukulam na nakilala ko,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Oo kasi ‘yong isang kilala mo–”“May iba pa ba ako? Parang wala naman,” nakangiti na sabi niya at hindi niya ako hinayaan na ipagpatuloy ko pa ang sasabihin ko.“Arthur,” sambit ko sa tunay niyang pangalan.“Bakit mo ba iniisip na may ibang babae? Ikaw lang naman eh, ikaw lang at wala ng iba pa, Libby.” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.“What do you mean by that?
LIBBY“Kuya, tayong tatlo lang naman ang nandito pero bakit naman misis–”“Dahil siya naman talaga ang misis ko,” nakangiti pa na sabi ni Arthur sa babae.“What? Paano mo–”“Kumain ka na lang d’yan. Masarap ang luto ng ate mo, hindi ko alam na may talent pala ang asawa ko, mukhang tataba ako kapag siya ang laging magluluto,” sabi niya at nakangiti pa talaga siya.“Mag-aaral rin akong magluto, kuya.”“Maganda ‘yan para kapag nag-asawa ka na ay magluto ka para sa asawa mo,” sabi naman ng lalaking ito.Eh siya nga itong tinutukoy ng isang ito.“Opo, kuya. Para sa susunod ay luto ko na ang pupurihin niya. At kapag natapos ko na ang trabaho ko ay sasabihin ko na sa kanya na gusto ko siya para hindi na makuha ng iba,” sabi pa niya.Siguro nga ay ang iniisip niya na mag-asawa lang kaming dalawa sa misyon na ito. Kaya hindi na nagkukulit na magtanong dahil sa sinabi ni Arthur na asawa niya ako. Pero hindi naman ito magtatagal kaya siguro baka matuto na siyang magluto kapag naghiwalay na kamin
LIBBY“What are you doing?” tanong ko sa kanya.“A–Ate,” nauutal na sambit niya.“Akala ko ba marunong kang magluto. Mukhang hindi naman,” sabi ko sa kanya dahil kung ano-ano ang ginawa sa mga rekados niya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o hindi. Paano ba naman kasi? Mukhang rich girl ang mana na ito.“Akala ko po kasi ay madali lang. Sa video kasi ay ang dali lang,” sabi pa niya sa akin kaya ako naman itong hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. Nagmamagaling lang naman pala siya. Hindi pala talaga totoo na marunong siya.“Ibigay mo na lang sa kanya ang tubig sa labas. Ako na ang magluluto ng dinner natin para naman makain pa natin,” sabi ko kay Cherriepie dahil naawa ako sa isda na nilagay na niya sa loob ng kaldero eh hindi pa naman niya ito nilinisan.Baka magkasakit ako ng dahil sa kanya. Mas mabuti pa na ako na lang. Bida-bida na babae. Akala ko naman ay, kawawa naman pala ang mukhang paa na ‘yon kapag ito ang naging asawa niya. Maliban sa magugutom siya ay kung ka
LIBBY“Lib,” tinawag na niya ako sa pangalan ko.“Okay lang, walang problema, hindi mo kailangan na magpaliwanag sa akin. Sabi ko nga sa ‘yo diba, hahayaan kita na gawin mo ang mga gusto mo. Sa papel lang naman tayo mag-asawa,” mahinahon na sabi ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong niyakap.“Bakit mo ba ako niyayakap?” tanong ko sa kanya pero kalmado lang ako. Ayaw ko rin kasing sumigaw o sigawan siya.“Don’t be like this. Huwag kang ganito ka kalmado,” sabi niya sa akin.“Ha? Why?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Dahil mas gusto ko pa na galit ka sa akin lagi. Walang ibang kahulugan ang nakita mo, natumba lang kaming dalawa,” paliwanag niya sa akin.“Bakit ka ba nagpapaliwanag? Wala namang dahilan para magpaliwanag ka, hindi naman kailangan eh,” sabi ko sa kanya.“Asawa mo ako kaya dapat lang na magpaliwanag ako,” sabi niya sa akin.“Ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na–”Hinalikan na naman niya ako sa labi. At nagulat pa ako dahil binuhat niya ako. At na