MARIANNE
“I’m home!” narinig ko na sabi ni ninong kaya naman may bigla na lang lumapit sa amin.
Mabilis kong binawi ang kamay ko dahil nakatingin ito sa kamay namin.
“Who is she?” tanong nito kay ninong habang nakakunot ang noo niya.
“She is your new—”
“Siya ba ang magiging mommy ko?” tanong ng batang lalaki kaya nagulat ako.
“No, son. She’s your new ate,” sabi ni ninong sa anak niya.
“Ate? But I have ate na, dad.” sabi pa nito.
“Anak siya ng Tito Marlon mo.”
“Siya po si Ate Yanne?” nakangiti na tanong nito.
“Yes po,” sagot naman ni ninong.
“Hi, Ate Yanne. I’m Alden po,” pakilala niya sa akin habang nakangiti siya.
“Hi, I’m your Ate Yanne. Okay lang ba na dito na ako tumira?” tanong ko sa kanya.
“Really po?”
“Opo, if it’s okay lang sa ‘yo.” sagot ko sa kanya.
“Okay na okay po. Mas mabait ka siguro kaysa sa ate ko. Lagi na lang kasing busy ang ate ko,” sagot niya sa akin.
“Thank you, Alden.” nakangiti na sabi ko sa kanya ta nagsimula na siyang magkwento ng kung ano-ano sa akin.
Ako naman itong natutuwa sa kanya. Masaya rin ako na hindi siya nahihiya sa akin. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras dahil talagang madaldal siya.
“Alden, tama na ‘yan. Kailangan na ng ate mo na pumunta sa room niya. Mag-usap na lang ulit kayo bukas. Hindi naman siya aalis dito. She’s living with us,” sabi ni ninong kay Alden.
“Okay po, daddy.” nakangiti na sabi ni Alden.
“Com’on, I’ll show you your room,” sabi sa akin ni ninong at nauna na siyang umakyat. Buhat niya ang maleta ko.
Pumasok kami sa isang room. Spacious ito at malinis.
“Pagpasensyahan mo na si Alden, madaldal talaga siya.” sabi pa niya sa akin.
“It’s okay, ninong. Wala pong problema,” sabi ko sa kanya.
“Kapag may kailangan ka magsabi ka lang. Wala kang dapat gawin dito sa bahay dahil may maids naman tayo na gagawa. Feel at home dahil ito na ang bago mong bahay,” sabi niya sa akin.
“Thank you po,” sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.
“Lalabas na ako, magpahinga ka na.” sabi niya sa akin.
“Okay po, ninong. Good night po,” sabi ko sa kanya.
“Good night, Yanne.” sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.
Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya kahit pa nakalabas na siya ay nakatulala ako sa pintuan na nilabasan niya. Nahimasmasan lang ako ng narinig ko ang phone ko na nagriring. Naglakad ako papunta sa kama ko dahil doon nakalapag ang bag ko. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko na tumatawag ang kaibigan ko.
“Hi, sissy. I’m sorry kung ngayon lang ako nakatawag sa ‘yo. Kumusta ka na? Anong nangyari? Nasaktan ka ba? Dumating ba ang ninong mo para iligtas ka?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Gene.
“I’m okay, sissy. I’m sorry kung pinag-alala kita. Safe ako at dumating ang ninong ko kanina.” sagot ko sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin.
“Mabuti naman,” sabi niya na halatang nag-aalala siya.
“I’m living with them,” sabi ko sa kanya na ikinagulat ng bff ko.
“What? Really?” tanong niya sa akin.
“Hindi na safe sa bahay. Anytime ay puwede bumalik ang k*ller, hindi ko alam kung sino. Kung sino ba ang nasa likod nito? I want to know the truth, kasi kahit tanungin ko si ninong ay alam ko na hindi niya sasabihin sa akin. Dahil alam ko na mas gugustuhin niya na siya na lang. Pero ako dapat ang gumagawa ng bagay na ‘yon dahil daddy ko ang namatay,” sabi ko sa kaibigan ko.
“I think your ninong is right. It’s dangerous na mainvolve ka. Dapat ay hayaan mo na sa kanya ang tungkol sa bagay na ito,” sabi niya sa akin.
“But—”
“Sissy, listen to me. Makukuha natin ang justice na para sa daddy mo. Alam mo kung gaano ako ka supportive sa ‘yo pero hindi sa bagay na nais mo para sa daddy mo. ayaw kong mapahamak ka, ayaw kong pati ikaw ay mawala. Please, kahit ngayon lang ay makinig ka naman sa akin.” sabi sa akin ng kaibigan ko.
“I can’t promise,” matapat na sabi ko sa kanya.
“Alam ko, pero umaasa pa rin ako na magiging maayos ang lahat. Kilala kita, ako ang mas nakakakilala sa ‘yo. Hindi mo pinapakita ang tunay na ikaw pero sana kung ano man ang Yanne na nasa bahay ng ninong niya ay manatili na lang na ganun,” sabi niya sa akin.
“I’m sorry, Gene. Gustuhin ko man na gawin ang hinihiling mo sa akin ay mangingibabaw ang kagustuhan ko na alamin ang totoo,” sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng kaibigan ko.
“Promise, mag-iingat ako. Pangako ko ‘yan sa ‘yo, magbabar pa tayo.” pabiro na sabi ko sa kanya.
“You must keep your promise dahil magagalit ako kapag may nangyari sa ‘yo na masama.” sabi niya sa akin kaya tinaas ko ang kaliwa kong kamay.
“Bakit kaliwa?” tanong niya sa akin.
“Wala lang, gusto ko lang.” sagot ko sa kanya.
“Sige na, kailangan ko ng bumalik sa work ko. See you kapag nakauwi na ako d’yan.” sabi niya sa akin.
“Okay, bye.”
“Bye, love you.” malambing na sabi niya bago niya binaba ang tawag.
Pumasok muna ako sa banyo para magpalit ng damit ko. Inaantok na rin ako pero ayaw ko naman matulog na hindi nagbibihis ng damit ko. Hindi ko na muna inayos ang gamit ko dahil bukas na lang. After ko sa banyo ay humiga na ako sa kama ko. Habang nakahiga ako ay nakatingin lang ako sa kisame.
Napangiti ako dahil naalala ko si Alden pero nagtataka ako sa sinabi niya kanina. Napagkamalan na niya akong mommy. So, nasaan ang mommy niya? Nasaan ang asawa ni ninong? At may ate pa siya. Ilang taon na kaya ito? Ilan kaya ang anak ni ninong? Mukhang marami akong dapat malaman tungkol sa gwapo kong ninong.
“Malalaman mo rin Yanne, sa ngayon ay matulog ka na muna.” saad ko sa sarili at pumikit na ako.
********
Morning person ako kaya naman maaga akong gumising. Kahit pa nahihiya ako ay mas pinili ko pa rin na bumaba na. Dahil ayaw ko naman na magkulong lang dito sa room ko. Binati ako ng maid nila ninong at binati ko rin sila. Ngayon ko lang napagmasdan ang bahay niya.
Maganda, malaki at modern ang design nitong bahay nila. Pumasok ako sa kusina at nakita ko na busy sila sa pagluluto.
“Good morning, Ma’am. Malapit na po itong maluto. Nagugutom ka na po ba? Gusto mo po ba ng coffee?” tanong sa akin ng isang may edad na.
“Good morning po, okay lang po ako. Sorry po kung naabala ko kayo dito. Maaga po kasi akong nagising at nag-iikot ikot lang po ako.” sabi ko sa kanya.
“Kapag po may kailangan ka ay magsabi ka lang. Ako si Tiray ang mayordoma dito,” pakilala niya sa akin.
“Ako naman po si Yanne,” pakilala ko sa kanya.
“Ang ganda-ganda mo. Ikaw ang anak ni Cong diba? Condolence,” sabi niya sa akin.
“Opo, ako po. Ang sabi po ni ninong ay dito na daw po ako titira simula ngayon.” sagot ko sa kanya.
“Nakakatuwa naman, sigurado ako na matutuwa si Alden.” sabi niya sa akin.
“Manang, where’s my sandwich? I need to go na, male-late na ako.” napalingon ako bigla ng may narinig ako na boses ng isang babae.
“Who are you? Bagong maid ka ba dito? Nasaan na ang sandwich ko?” masungit na tanong niya sa akin.
“Ma’am Anica, hindi po siya–”
“Wala pa ba ang sandwich ko? Huwag na nga!” sabi niya sabay talikod.
Ako naman itong hindi makapaniwala sa naging attitude niya. Sa tingin ko ay high school na siya. Nagdadalaga na ang mukha niya.
“Manang Tiray, nasaan po ang sandwich niya?” tanong ko kay manang.
“Ito po,” sagot niya sa akin kaya kinuha ko ito.
“Ako na po ang magbibigay,” sabi ko at mabilis na sumunod kay Anica.
“Anica, wait!” tawag ko sa kanya.
“What?” naiinis na tanong niya sa akin.
“Your sandwich,” sagot ko sa kanya.
“Who are you ba? Babae ka ba ng dad ko? Dito ka na ba nakatira? If oo, I don’t like you.” sabi niya sa akin sabay hablot sa kamay ko ng sandwich niya.
“Anica!” halos tumalon ako sa lakas ng boses ni ninong at nang lumingon ako sa kanya ay nakita ko at seryoso niyang mukha habang naglalakad palapit sa amin ng anak niya.
LIBBY“May pasalubong ako sa ‘yo,” sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko pero kaagad rin akong ngumiti lalo na may mga tao na nandito ngayon.“Talaga, mister ko? Ano naman ito?” tanong ko sa kanya pero hinila niya ako papunta sa likurang parte ng pick-up niya at nagulat ako sa bumungad sa akin.“Bakit may—”“Sabi mo kagabi, gusto mo ng aso, kaya bumili ako para sa ‘yo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.“Pero pinag-iisipan ko pa lang naman at wala pa naman akong balak na–”“Hayaan mo na po, misis ko. Gusto ko na ibigay ang lahat ng gusto mo. Hindi lang aso ang binili ko kundi pati na ang parrot,” sabi niya sa akin.“Hindi mo naman kailangan na–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi para patigilin na ako sa pagsasalita. Alam na alam niya talaga kung paano ako patahimikin.“Mister ko, hindi mo kailangan na gumastos ng malaki. Alam ko na mahal ang bullmastiff at baka maubos na ang savings mo,” pagkukunwari na sabi ko pero syempre sa loob loob ko ay
LIBBY“Bakit? Mahal mo ba ako?” lakas loob na tanong ko sa kanya at nakatingin ako sa mga mata niya.“Bakit ko naman sasagutin ang tanong mo kung ikaw nga mismo hindi mo ako mahal,” sagot niya sa akin.“Tama ka naman,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako. Wala na akong tanong kaya tumalikod na lang ako.Hindi ko alam kung bakit ba feeling ko disappointed ako. Eh ano naman kasi ang inaasahan ko na isasagot niya sa akin? Na mahal niya ako? Tapos siya hindi ko naman mahal, may point rin talaga ang sagot niya sa akin.Kahit naman siguro ako ay same kami ng isasagot na dalawa. Pumikit na ako para matulog na pero naramdaman ko ang pag-yakap niya sa akin. Ang init ng yakap niya na para bang hinihili niya ako kaya bumibigat naman ang talukap ng mga mata ko.“Good night, misis ko.” narinig ko na bulong niya bago pa dumilim ang lahat.Nagising ako na ako na lang ang nandito sa kama namin. Tama na nga siya, safe ako sa kanya dahil wala siyang ginawa na kahit ano sa akin. Wala na rin dito ang mg
LIBBY“Inaakit mo ba ako, misis ko?” nakangisi na tanong sa akin ni Arthur.“What are you–Ano naman kung oo?” tanong ko sa kanya at nilakasan ko ang loob ko.“You win,” sabi niya sa akin at mabilis niya akong hinila papunta sa kanya kaya natumba kaming dalawa dito sa kama. Nasa ibabaw niya ako ngayon at nasa baywang ko ang kamay niya.“Ang sexy mo, misis ko,” pabulong na sabi niya sa akin pero nakatingin ng diretso sa mga mata ko.“Matagal na,” medyo mataray na sabi ko para naman alam niya na hindi ako takot sa kanya.“Ikaw lang talaga ang sexy na mangkukulam na nakilala ko,” nakangisi na sabi niya sa akin.“Oo kasi ‘yong isang kilala mo–”“May iba pa ba ako? Parang wala naman,” nakangiti na sabi niya at hindi niya ako hinayaan na ipagpatuloy ko pa ang sasabihin ko.“Arthur,” sambit ko sa tunay niyang pangalan.“Bakit mo ba iniisip na may ibang babae? Ikaw lang naman eh, ikaw lang at wala ng iba pa, Libby.” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.“What do you mean by that?
LIBBY“Kuya, tayong tatlo lang naman ang nandito pero bakit naman misis–”“Dahil siya naman talaga ang misis ko,” nakangiti pa na sabi ni Arthur sa babae.“What? Paano mo–”“Kumain ka na lang d’yan. Masarap ang luto ng ate mo, hindi ko alam na may talent pala ang asawa ko, mukhang tataba ako kapag siya ang laging magluluto,” sabi niya at nakangiti pa talaga siya.“Mag-aaral rin akong magluto, kuya.”“Maganda ‘yan para kapag nag-asawa ka na ay magluto ka para sa asawa mo,” sabi naman ng lalaking ito.Eh siya nga itong tinutukoy ng isang ito.“Opo, kuya. Para sa susunod ay luto ko na ang pupurihin niya. At kapag natapos ko na ang trabaho ko ay sasabihin ko na sa kanya na gusto ko siya para hindi na makuha ng iba,” sabi pa niya.Siguro nga ay ang iniisip niya na mag-asawa lang kaming dalawa sa misyon na ito. Kaya hindi na nagkukulit na magtanong dahil sa sinabi ni Arthur na asawa niya ako. Pero hindi naman ito magtatagal kaya siguro baka matuto na siyang magluto kapag naghiwalay na kamin
LIBBY“What are you doing?” tanong ko sa kanya.“A–Ate,” nauutal na sambit niya.“Akala ko ba marunong kang magluto. Mukhang hindi naman,” sabi ko sa kanya dahil kung ano-ano ang ginawa sa mga rekados niya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o hindi. Paano ba naman kasi? Mukhang rich girl ang mana na ito.“Akala ko po kasi ay madali lang. Sa video kasi ay ang dali lang,” sabi pa niya sa akin kaya ako naman itong hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. Nagmamagaling lang naman pala siya. Hindi pala talaga totoo na marunong siya.“Ibigay mo na lang sa kanya ang tubig sa labas. Ako na ang magluluto ng dinner natin para naman makain pa natin,” sabi ko kay Cherriepie dahil naawa ako sa isda na nilagay na niya sa loob ng kaldero eh hindi pa naman niya ito nilinisan.Baka magkasakit ako ng dahil sa kanya. Mas mabuti pa na ako na lang. Bida-bida na babae. Akala ko naman ay, kawawa naman pala ang mukhang paa na ‘yon kapag ito ang naging asawa niya. Maliban sa magugutom siya ay kung ka
LIBBY“Lib,” tinawag na niya ako sa pangalan ko.“Okay lang, walang problema, hindi mo kailangan na magpaliwanag sa akin. Sabi ko nga sa ‘yo diba, hahayaan kita na gawin mo ang mga gusto mo. Sa papel lang naman tayo mag-asawa,” mahinahon na sabi ko sa kanya pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong niyakap.“Bakit mo ba ako niyayakap?” tanong ko sa kanya pero kalmado lang ako. Ayaw ko rin kasing sumigaw o sigawan siya.“Don’t be like this. Huwag kang ganito ka kalmado,” sabi niya sa akin.“Ha? Why?” nagtataka na tanong ko sa kanya.“Dahil mas gusto ko pa na galit ka sa akin lagi. Walang ibang kahulugan ang nakita mo, natumba lang kaming dalawa,” paliwanag niya sa akin.“Bakit ka ba nagpapaliwanag? Wala namang dahilan para magpaliwanag ka, hindi naman kailangan eh,” sabi ko sa kanya.“Asawa mo ako kaya dapat lang na magpaliwanag ako,” sabi niya sa akin.“Ilang beses ko ba dapat sabihin sa ‘yo na–”Hinalikan na naman niya ako sa labi. At nagulat pa ako dahil binuhat niya ako. At na